Handouts and Lectures, Summaries of History

These are handouts and lectures used in classroom.

Typology: Summaries

2020/2021

Uploaded on 11/06/2022

rio-orpiano-1
rio-orpiano-1 🇵🇭

1 document

1 / 7

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
MGA TALA SA BUHAY NI DR. JOSE RIZAL
SI RIZAL SA PAGKABATA…
Ang buong pangalan ni Rizal ay JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONZO
REALONDA. Mas kilala siya sa mga palayaw na ‘Pepe’, ‘Pepito’ at ‘Joselito’. Siya
ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang kaniyang ama ay si FRANCISCO ENGRACIO
RIZAL MERCADO Y ALEJANDRO at ang kaniyang ina naman ay si TEODORA MORALES ALONZO
REALONDA Y QUINTOS.
Ipinanukala ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria ang Batas Claveria noong
ika-21 ng Nobyembre, 1849. Ayon dito, ang lahat ng mga Pilipino ay kailangang
mamili ng apelyido mula sa listahang nasa librong “Catalogo Alfabeticas de
Apellido”.
Napiling gamitin ng mga magulang ni Pepe ang apelyidong Rizal na
nangangahulugang “luntiang bukirin”. Ipinanganak si Rizal noong ika-19 ng Hunyo,
1861 sa Calamba, Laguna. Bininyagan siya noong ika-22 ng Hunyo, 1861 sa
pangunguna ni Padre Rufino Collantes. Naging ninong ni Rizal si Padre Pedro
Casañas.
Nang ipinanganak si Rizal, ang nagging gobernador heneral ng Pilipinas ay si
Lt. Gen. Jose Lemery.
Ikapitong anak si Rizal sa kanilang labing-isang magkakapatid: Saturnina,
Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at
Soledad.
EDUKASYON NI RIZAL…
Ang kaniyang ina na si Donya Teodora ang naging unang guro ni Rizal. Itinuro
sa kaniya ang pagdadasal, kantang pansimbahan, mga gawi at gawain sa bahay,
alpabeto (namemorya noong tatlong taong gulang) at pangalan o katangian ng mga
puno’t halaman sa kanilang bahay.
BIÑAN, LAGUNA (Hunyo, 1869)
Nag-aral rito si Rizal sa pamamahala ni Ginoong Justianiano Aquino Cruz na
dating guro ni Paciano.
MGA KARANASAN:
Kaunti lamang ang nalalaman siya sa wikang Kastila kaya siya ay madalas
kantyawan ng lahat. Tinawanan siya ng kanyang mga kamag-aral lalo na ni Pedro na
anak ni Justiniano Cruz. Hinamon ito ng away at nanalo si Rizal. Hinamon din ni
Andres Salandanan ng bunong braso at nanalo dahil mahina ang braso ni Rizal. Sa
edad na pito, lumuwas siya papuntang Maynila kasama ang kanyang ama. Bumalik siya
sa Biñan para mag aral sa edad na siyam.
ATENEO MUNICIPAL DE MANILA (ENERO 20, 1872)
Nakapasok si Rizal sa eskwelahang ito sa edad na labing-isa. Nasa ilalim ito
ng pamamahala ng mga Kastilang pari. Natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing
medalya at notang sobresaliente (excellent) sa lahat ng aklat. Ito ay pagkilala
sa kaniyang katibayang “Bachiller En Artes” noong Marso 14, 1877.
Ang orihinal na plano ng kanyang ama ay sa Letran siya mag-aral subalit
biglang nagbago ang isip nito. Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahil siya ay
huli na sa patalaan at maliit para sa edad niya. Hindi siya nakapasa sa
pagsusulit sa Ateneo. Meron lang siyang kakilala na si Padre Manuel Xeres Burgos
at ang mga Jesuits kaya si Rizal ay natanggap na pumasok sa Ateneo. Sa unang
pagkakataon ginamit ni Pepe ang Rizal imbes na ang Mercado.
UNANG TAON SA ATENEO (1872 – 1873)
Padre Jose Bech ang guro ni Rizal sa unang taon niya sa Ateneo. Noong
bakasyon 1873 si Rizal ay hindi naging masaya sadahilan na nasa bilangguan ang
1
pf3
pf4
pf5

Partial preview of the text

Download Handouts and Lectures and more Summaries History in PDF only on Docsity!

MGA TALA SA BUHAY NI DR. JOSE RIZAL

SI RIZAL SA PAGKABATA…

Ang buong pangalan ni Rizal ay JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONZO REALONDA. Mas kilala siya sa mga palayaw na ‘Pepe’, ‘Pepito’ at ‘Joselito’. Siya ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang kaniyang ama ay si FRANCISCO ENGRACIO RIZAL MERCADO Y ALEJANDRO at ang kaniyang ina naman ay si TEODORA MORALES ALONZO REALONDA Y QUINTOS. Ipinanukala ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria ang Batas Claveria noong ika-21 ng Nobyembre, 1849. Ayon dito, ang lahat ng mga Pilipino ay kailangang mamili ng apelyido mula sa listahang nasa librong “Catalogo Alfabeticas de Apellido”. Napiling gamitin ng mga magulang ni Pepe ang apelyidong Rizal na nangangahulugang “luntiang bukirin”. Ipinanganak si Rizal noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Bininyagan siya noong ika-22 ng Hunyo, 1861 sa pangunguna ni Padre Rufino Collantes. Naging ninong ni Rizal si Padre Pedro Casañas. Nang ipinanganak si Rizal, ang nagging gobernador heneral ng Pilipinas ay si Lt. Gen. Jose Lemery. Ikapitong anak si Rizal sa kanilang labing-isang magkakapatid: Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad. EDUKASYON NI RIZAL… Ang kaniyang ina na si Donya Teodora ang naging unang guro ni Rizal. Itinuro sa kaniya ang pagdadasal, kantang pansimbahan, mga gawi at gawain sa bahay, alpabeto (namemorya noong tatlong taong gulang) at pangalan o katangian ng mga puno’t halaman sa kanilang bahay. BIÑAN, LAGUNA (Hunyo, 1869) Nag-aral rito si Rizal sa pamamahala ni Ginoong Justianiano Aquino Cruz na dating guro ni Paciano. MGA KARANASAN: Kaunti lamang ang nalalaman siya sa wikang Kastila kaya siya ay madalas kantyawan ng lahat. Tinawanan siya ng kanyang mga kamag-aral lalo na ni Pedro na anak ni Justiniano Cruz. Hinamon ito ng away at nanalo si Rizal. Hinamon din ni Andres Salandanan ng bunong braso at nanalo dahil mahina ang braso ni Rizal. Sa edad na pito , lumuwas siya papuntang Maynila kasama ang kanyang ama. Bumalik siya sa Biñan para mag aral sa edad na siyam. ATENEO MUNICIPAL DE MANILA (ENERO 20, 1872) Nakapasok si Rizal sa eskwelahang ito sa edad na labing-isa. Nasa ilalim ito ng pamamahala ng mga Kastilang pari. Natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente (excellent) sa lahat ng aklat. Ito ay pagkilala sa kaniyang katibayang “Bachiller En Artes” noong Marso 14, 1877. Ang orihinal na plano ng kanyang ama ay sa Letran siya mag-aral subalit biglang nagbago ang isip nito. Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahil siya ay huli na sa patalaan at maliit para sa edad niya. Hindi siya nakapasa sa pagsusulit sa Ateneo. Meron lang siyang kakilala na si Padre Manuel Xeres Burgos at ang mga Jesuits kaya si Rizal ay natanggap na pumasok sa Ateneo. Sa unang pagkakataon ginamit ni Pepe ang Rizal imbes na ang Mercado. UNANG TAON SA ATENEO (1872 – 1873) Padre Jose Bech – ang guro ni Rizal sa unang taon niya sa Ateneo. Noong bakasyon 1873 si Rizal ay hindi naging masaya sadahilan na nasa bilangguan ang

kanyang ina. Lihim siyang pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kanyang ina at kinuwentuhan ang ina ukol sa kanyang pag-aaral. PANGALAWANG TAON (1873 – 1874) Dumating sa Ateneo ang ilan sa mga dati niyang kamag –aral sa Binan. Nagsimula si Rizal sa pagkahilig niya sa pagbabasa ng ilang mga aklat gaya ng Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas, Universal History ni Cesar Cantu na ipinilit niyang ipabili sa kany ama at Travels in the Philippines ni Doktor Feodor Jagor. PANGATLONG TAON (1875 – 1876) Nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez na humikayat kay Rizal para mag – aral nang mabuti, lalo na sa pagsulat ng mga tula. Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para sa pag – unlad ng kanyang mga mag –aaral. HULING TAON (1877 – 1877) Nag – aral si Rizal ng Pilosopiya , Physics , Chemistry at Natural History. Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23 , 1877 nang may limang medalya at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes. UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS Kinuha ni Rizal ang kursong Filosofia Y Letras at kalauna’y pinalitan ng medisina pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Palihim na umalis papuntang espanya para ituloy ang pag aaral. UNIBERSIDAD CENTRAL DE MADRID (Mayo 5, 1882) Sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina. Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya at Titik. MGA KARANASAN SA MADRID Nakitira si Rizal sa kaibigang Pilipino sa Amor de Dios. Nalungkot siya sa pagkaalam sa balitang may kumakalat na epidemyang kolera sa Pilipinas. Nakatatanggap ng 35peso allowance imbis na 50 pesos sa dahilan ng kuya paciano na matumal ang benta ng kanilang asukal. Hunyo 21, 1884 natapos ang kursong medisina. Si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika ni Dr. Otto Becker , isang kilalang espesiyalista sa mata sa Aleman. Natapos ni Rizal ang kurso sa optalmolohiya sa tulong ni Otto Becker SI RIZAL AT ANG MAKULAY NIYANG PAG-IBIG SEGUNDA KATIGBAK - Si Segunda ay ang puppy love ni Rizal. Siya ay 14 na taong gulang na dalagita na kapatid ng kaklase at kaibigan ni Pepe na si Mariano Katigbak. Paano nagkakilala? Ayon sa iba, nagkita ang dalawa sa Trozo, Manila kung saan binisita ni Rizal ang kanyang lola na nakatira mismo sa nasabing lugar. May mga nagsasabi rin na nagkita sila sa Lipa, Batangas kung saan nanggaling ang pamilya Katigbak. Paano nagwakas ang relasyon? Nakatakda ang pagpapakasal ni Segunda sa isang taga-Lipa rin na si Manuel Luz. LEONOR VALENZUELA - Si Leonor na kilala rin sa kanyang palayaw na “Orang”. Siya ay katorse anyos at kapitbahay ni Rizal sa Intramuros nang minsang mag-aral ito sa Unibersidad ng Santo Tomas. Paano nagkakilala? Sa kadahilanang magkapitbahay lamang ang dalawa, madalas makitang nakaistambay si Pepe kasama si Orang. Madalas din ang pagsusulat ni

Paano nagwakas ang relasyon? Umiwas si Rizal sa lalo pang lumalalim na pagtingin ni Gettie. Bago pumunta ng Paris noong Marso 1889, ibinigay niya ang eskultura ng magkakapatid na Beckett na mismong kanyang nililok. SUZANE JACOBY - Si Suzane ay ang pamangkin ng may-ari ng paupahang bahay na tinirhan noong ni Rizal sa Brussels noong Pebrero taong 1890. Paano nagkakilala? Sa mahal ng gastusin sa Paris, naisipan niyang iwan ang lugar para pumunta sa Brussels at doon mamalagi. Dito niya nakilala si Suzane. Anim na buwan rin ng sila ay nagkasama. Paano nagwakas ang relasyon? Umalis si Rizal papuntang Madrid. Pero bago yaon ay nag-iwan siya ng tsokolate para kay Suzane. Sumulat ang dalaga sa kanya na bumalik sa Brussels. Bumalik nga siya noong Abril taong 1891, subalit hindi para kay Suzane kundi para ipagpatuloy gawin ang kanyang nobelang El Filibusterismo. NELLIE BOUSTEAD - Si Nellie ay may dugong Pinoy. Ang kanyang ina ay Pilipina samantalang ang kanyang ama ay isang British nag nagngangalang Eduardo Boustead, isang negosyante. Manliligaw niya si Antonio, kapatid ng kilalang pintor na si Juan Luna. Paano nagkakilala? Naging kaibigan ni Pepe ang pamilyang ito. Sa estudyo ni Juan Luna ay madalas ding nakikipaglalaro ng fencing si Pepe kay Nellie at sa kapatid nitong si Adelina. Ito ang panahon kung saan naputol na ang relasyon na namamagitan sa kanila ni Leonor Rivera, na ikakasal na noon kay Henry Kipping. Kaya maaari na ulit siyang magkaroon ng panibago at legal na katipan. Nagkaroon ng paghanga si Nellie kay Rizal. Dahil dito, bigo si Antonio Luna na noo’y nanliligaw rito. Sa sobrang pagkadismaya, nagpahayag ang nakainom na Heneral ng maaanghang na salita laban sa dalaga. Dito na hinamon si Rizal ang nag-aamok na si Luna sa isang duelo. Hindi naman natulo’y ang duelong ito sa paghingi ng tawad ni Antonio. Paano nagwakas ang relasyon? Naisipang minsan na alukin ng kasal ang dalaga, subalit hindi ito natuloy. Ito ay sa kadahilanang hindi pinalitan ni Rizal ang kanyang pananampalataya sa relihiyong Protentantismo, na kagustuhan ni Nellie. Isa pang dahilan ay ang pagtutol ng ina ni Nellie sa relasyon ng dalawa na nagwikang hindi raw kayang buhayin ni Pepe ang kanyang anak. Maayos at mapayapang naghiwalay ang naman dalawa. JOSEPHINE BRACKEN - Si Josephine ang huling babae ng kanyang buhay. Siya ang maituturing na legal na asawa ni Rizal. Ang kanyang mga magulang ay parehong Irish, ngunit siya ay isinilang sa Hong Kong. Dulce extranjera ang bansag ni Pepe sa kanya. Paano nagkakilala? Si Bracken, na noo’y 18 anyos, ay naglayag papuntang Dapitan upang samahan ang kanyang ama-amahan na si George Taufer na magpatingin ng mata kay Rizal. Nabighani si Pepe sa alindog ng dalaga. Hindi nagtagal ay nagkamabutihan ang dalawa. Nanirahan sila sa Barangay Talisay sa Dapitan. Paano nagwakas ang relasyon? Binaril si Rizal sa Bagumbayan. Pagkatapos nito’y bumalik si Josephine sa Hong Kong sa kanyang ama. Napangasawa niya si Vicente Abad noong taong 1900. Nagkaroon siya ng anak dito at pinangalanang Dolores.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE

Ang Noli Me Tangere ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Rizal. Magdadalawampu’t apat na taon pa lamang siya nang isinulat niya ito. Ayon kay Dr. Blumentritt, ang Noli Me Tangere ay isinulat sa dugo ng puso. Ngunit ano nga ba ang tunay na layunin ni Rizal sa pagsulat niya ng nobelang ito? Ang mga salitang

Noli Me Tangere, na sinipi sa Ebanghelyo ni San Lucas ay nangangahulugang “huwag mo akong salingin” (Touch Me Not). Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere dahil sa tatlong aklat na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon:

  1. The Wandering Jew
  2. Uncle Tom’s Cabin
  3. Bibliya Bago matapos ang taong 1884 ay isinulat niya ito sa Madrid at doo’y natapos niya ang kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at natapos ang sangkapat. Natapos naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa Alemanya noong ika-21 ng Pebrero, 1887. Mula nang simulan niyang isulat ang Noli Me Tangere ay nagsimula nang magtipid si Rizal. May pagkakataong dalawang beses lamang siyang kumakain sa maghapon. Sa pagdalaw ni Maximo Viola kay Rizal, nagpahiram siya rito ng salapi na naging daan upang makapagpalimbag ng 2000 sipi nito sa Imprenta Lette sa Berlin, Albanya noong Marso 29, 1887. Marami ang humanga at marami rin ang nagalit kay Rizal sa kaniyang nobela. Ikinabahala ng kaniyang pamilya ang kaniyang pag-uwi sa Pilipinas na baka siya mapahamak sa kamay ng mga taong nagagalit sa kaniya. Ang El Filibusterismo na siyang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere ay ipinalimbag naman sa Ghent, Belgium noong 1891. Bumalik si Rizal sa Pilipinas dahil:
  4. Sa hangaring maoperahan ang kaniyang ina dahil sa lumalalang panalalabo ng kaniyang mata.
  5. Upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kaniyang mga sulat mula taong 1884 – 1887.
  6. Ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng kaniyang nobela sa kaniyang bayan at mga kababayan. Nang bumalik si Rizal sa Pilipinas, nagtuloy siya agad sa Calamba upang maoperahan ang kaniyang ina. Habang ang kaniyang nobela ay sinusuri naman ng kaniyang mga kaaway. Bilang hakbang sa pag-iingat, si Rizal ay pinabantayan ni Gobernador-Heneral Terrero kay Tenyente Jose Taviel de Andrade upang mailigtas sa mga tangka ng kaniyang mga kaaway. Pinayuhan naman siyang umalis muli ng Pilipinas. Alinsunod sa kautusan ni Gobernador-Heneral Despujol noong ika-7 ng Hulyo, 1892 , ipinatapon si Rizal sa Dapitan noong ika-15 ng Hulyo. Habang nakakulong si Rizal ng apat na taon sa Dapitan ay tumulong siyang gamutin ang mga taong maysakit doon at hinikayat din ang mga Pilipino na magtayo ng paaralan, kasama ang pagpapaunlad ng mga kapaligiran. Hiniling ni Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba upang hindi madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik. Binigyan siya ng pahintulot ni Gobernador-Heneral Ramon Blanco ngunit habang naglalakbay patungong Espanya, hinuli siya sa kaniyang sinasakyang barko nang dumaong sa Barcelona at ibinalik siya sa Pilipinas. Noong Disyembre 11, 1896 , binasa kay Rizal ang kanyang sakdal laban sa kanya sa Fort Santiago: 1.Pagsulat ng dalawang nobelang naglahad ng mga pang-aabuso ng mga kastila sa kanilang pamamahala at pang-aalipin ng mga prayle.
  7. Pagtatatag ng samahang La Liga Filipina na naglalayong magkaisa ang mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agrikultura.

KAPITAN HENERAL - Pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas. Siya rin ang tumulong kay Crisostomo para maalis siya sa pagka-eskomulgado.  KAPITAN BASILIO - Isa sa naging kapitan ng bayan ng San Diego na nagging kalaban ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa.  DON FILIPO LINO - Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at asawa ni Donya Teodora Vina. Siya ay mahilig magbasa ng Latin. Siya rin ang ama ni Sinang.  LUCAS - Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra.  DON SATURNINO IBARRA - Nuno ni Crisostomo na kinikilalang nagging dahilan ng pagkasawi ng nuno ni Elias.  DON PEDRO IBARRA - Nuno ni Crisostomo Ibarra.  KAPITANA MARIA - Tanging babaeng Makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.  JUAN NOL - Tagapamahala sa pagpapatayo ng paaralan ni Crisostomo.  KAPITAN PABLO - Puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias.  ANDENG - Kinakapatid ni Maria Clara na mahusay magluto.  INDAY - Magandang kaibigan ni Maria Clara na tumutugtog ng alpa.  SINANG - Masayahing kaibigan ni Maria Clara at anak ni Kapitan Basilio.  VICTORIA - Matahimik na kaibigan ni Maria Clara at kasintahan ni Albino.