Download himala script himala script and more Summaries Family and Consumer Science in PDF only on Docsity!
1. EXT. KALSADA. HAPON.
Tuluyan nang tatakpan ng buwan ang araw at magdidilim sa kalsada. Tarantang magtatakbuhan ang mga tao habang nakatingala sa langit. Isang matandang babae ang takot na takot na mapapaupo sa tabi ng kalsada at magdarasal. Kakahot ang mga aso. MATANDANG BABAE Diyos ko po, gunaw na yata! Mula sa pagbabantay sa tindaha'y sisigawan ni Lucio, 33, ang babae. LUCIO Hindi ho, eclipse lang ho 'yan! Walang damdamin sa mukhang pinagmamasdan ni Elsa ang lahat habang naglalakad. Mahigit beinte si Elsa, mallit lang, katulong sa malaking bahay. Ang lugar ay Cupang, isang baryo sa Pillpinas na mataga! na panahon ding hindi dinaratnan ng ulan, nagbibitak ang mga kalsada't natutuyo ang mga pananim. Sa dilim ay makikita ni Elsa sina Lolo Hugo, Bella, at Pilo. Bulag si Lolo Hugo, akay akay ng pamangking si Bella. Maganda sl Bella, inosente. Si Pilo, magsasaka, ay may 25 na. LOLO HUGO Bakit, anong nangyayari? BELLA Naku, Tiyong, umuwi na tayo, natatakot ako! PILO (kay Bella). Ikaw kasi e, ayaw mo pa akong sagutin. Ikaw rin, baka matapos na ang mundo. Maglalakad si Elsa at makakasalu- bong si Sepa, asawa ng magsasaka. SEPA Elsa, nakita mo ba sina Nestoy at Intong? Nasa eskuwelahan ba? ELSA. Hindi ko nakita. Maglalakad palayo si Elsa. Magpapatuloy ng paghahanap si Sepa.
- EXT. BUROL. HAPON. Sa dilim ay mangangapa si Elsa paakyat sa burol. Humuhugong ang hangin. Madadapa siya. Babangon sana pero may maririnig na bulong. BOSES NG BABAE Elsa. Mapapalingon si Elsa. Parang tumahimik ang lahat, nakikinig din. Nagtatakang tatayo si Elsa. Sa loob
ng ilang sandali'y wala siyang makikita. Hahakbang siya palapit sa tuyung-tuyo't walang dahong punongkahoy sa tuktok ng burol. Noon niya makikita ang kung anuman 'yun. Parang nauupos na kandilang mapapaluhod siya at maninigas ang katawan, tatapon ang ulo papunta sa likod habang nakatingalang parang mababakli ang leeg, hindi kumukurap ang mgs mata, sa dilim ay nagniningning an$ mukhang akala mo'y sinisikatan ng araw.
- INT. SALA. BAHAY NINA ELSA GABI. Minamasahe ni Elsa si Aling Saling ina niya. May malalim na iniisip si Elsa. Saaltar ay may nakasinding kandila sa imahen ng Birhen. ALING SALING Munting kumibot ang lupa'y natatakot na agad silang baka gunaw. Kung bakit naman naniniwala pa rin silang ang lugar na (to'y isinumpa. Sabagay naniwala din ako n'ong una pero "gayon, ewan ko. Baka me mga lugar talagang bihirang datnan ng ulan. Hoy, EIsa, nakikinig ka ELSA Opo. AUNG SALING Lagi kang wafa sa sarili. Gaya kanina. Pinapunta kita kina Lucio'y nakalimutan mo. Lagi kang nasa burol. Hang taon ka na ba? ELSA Beinte-kuwatro po. ALING SALING Di kita laging mababantayan. Dapat mag-asawa ka na. ELSA Wala naman pong nanliligaw sa'kin e. ALING SALING Me anak 'yung isa kong kumpare sa ibayo. Binata pa. ELSA Inay, me ipagtatapat po ako sa Inyo. Story and Screenplay............. Ricardo Lee Directed by......................... Ishmael Bernal Music................................... WinstonRaval Director of Photography........Serglo Lobo Production Design...............Raquel N. Villavicencio Art Directors............................ DennJa Cid, Benjie Garda, Bing Fabregas Editing.................................Ike Jarlego Jr. Sound Supervision..............Vic Macamay
ELSA
(manlulumo). Ayaw po kayong maniwala sa akin? Bubuntunghininga si Aling Saling.
- INT. BAHAY NINA ELSA. HAPON. Muling babagsak ang pamalong hawak-hawak ng arbularyo. Tatama sa nakahybad na likod ni Elsang nakadapa sa katre. Sa halip mapangfwi sa sakit ay titigas ang mukha niya. Nag-aalalang nakatingin sa tab) si Aling Saling, akala mo'y siya ang pinapalo. Hindi makatingin si Chayong, kaibigan ni Elsa. Nakatayo iang si Mrs. Aiba, amo ni Elsa. Muling hahataw ang pamalo. Lalong titigas ang mukha ni Elsa. Humihingal na titigil ang arbularyo. ARBULARYO (kay Aling Saling). Talagang matigas ang espiritu. Kailangan pa nating maghintay nang ilang araw. Tsaka n'yo na Iang siya ibalik sa'kin. Lalapit ang kamera sa mukha ng nakadapang si Elsa. Naroroon pa rin ang tigas.
- EXT. BUROL UMAGA. Kakanta-kantang papunta si Baldo sa bukid. Mapapatigil. Makikita si Elsa sa burol, nakaluhod sa harap ng tuyong punongkahoy, naninigas ang nakatapong ulo sa likod, walang kagalaw-galaw. Humuhugong ang hangin. Nagtatakang lalapit si Baldo at mabibigia. May sugat sa magkabilang bisig si Elsa pero parang walang nararamdamang sakit. BALDO Elsa? Elsa? Di gagalaw si Elsa. Yuyugyugin ni Baldo sa mga balikat. BALDO Elsa! Matagal bago magmumulat ng mga mata si Elsa. Pero parang wala pa ring nakikita. Bubukas ang mga kamay niya. May sugat siya sa mga palad.
- EXT/INT. KUMBENTO. GABI Sa labas ng kumbento'y palakad-lakad na naghihintay sina Baldo, Aling Saling, Mrs- Alba at Chayong. Pabulong na nagrorosaryo si Chayong. MRS. ALBA
Kaya pala lagi siyang malilimutin ngayon. CUT TO: Sa loob ng silid ay nakaupong magkaharap sina Elsa at ang pari. Parang inquisition ang nangyayari. Walang simpatiya ang pari kay Elsa. Matatag at walang damdamin si Elsa. Sa di kalayuan ay pinagmamasdan sila ng nakatayong imahen ng Birhen. Hindi tumitingin dito si Elsa. PARI Kung minsa'y nagpapanggap ang demonyo. Nakikilala siya tatlong persona. Di kikibo si Elsa. PARI (ituturo ang imahen). Ganito ba ang nakita mo? ELSA Opo. Pero meron po siyang sugat sa dibdib. Para pong tama ng baril. PARI Me baril na ba noong unang panahon? ELSA Ewan ko po PARI E papaano mo nakita e may eclipse? ELSA May liwanag pong nanggagaling sa kanya. Para po siyang nabibihisan ng araw. PAR Nakausap mo siya? ELSA Noong una po'y nagpapakita lang siya, umiiyak, at saka nawawala. Pero n'rtong huli'y nagsasalita na siya. PAR Bakit daw siya umiiyak? ELSA Sabi po niya'y di mo ako mapapangiti, Ineng, maraming kasalanan ang tao. PAR Sa kanya mo ba nakuha ang mga sugat mo? ELSA
8. INT. KUWARTO. BAHAY NINA
ELSA. MADALING ARAW.
Magigising si Aling Saling. Mapapansing wala si Elsa sa higaan. Mapapabalikwas ng bangon.
- EXT. KALSADA. UMAGA. Sagsag sa kalsada sina Aling Saling, Chayong, at Baldo. CHAYONG Baka ho nasa burol.
- EXT. BUROL. UMAGA. Mapapatigil sina Aling Saling, Chayong at Baldo. Nakaluhod si Elsa sa harap ng punongkahoy na pinagpakitaan sa kanya ng Birhen. Mapapatingin ito sa kanila, walang damdamin sa mukha. Susugurin nila ito at mapapatigil sila sa pagtataka. Wala na ang rnga sugat sa katawan ni Elsa. CHAYONG Susmaryosep! TAGABARYO (off-camera). Baldo! Baido! Tumatakbong lalapit ang isang tagabaryo. TAGABARYO Baldo, 'yung bisita mong taga-Maynila, 'yung tiningnan ni Elsa, nawala na raw ang sakit niya! Gumaling na daw siya! Magkakatinginan sina Chayong, Baldo, at Aling Saling. Parang hinigop na mapapaluhod si Chayong sa harap ni Elsa. Mapapatingin lang sa kanya si Elsa. Di malaman ni Baldo kung aalis para tingnan ang kaibigan niya, o luiuhod kay Elsa. Mapapaluhod siya sabay kabig paluhod din sa tagabaryo. Maiiwang mag-isang nakatayo sl Aling Saling. Naglalaban sa mukha ang iniisip at nararamdaman. Mapapatingin sa kanya si Elsa. Bubukas ang bibig ni Aling Saling at may lalabas na tunog na di maintindihan. Habang nagtatalo pa rin sa mukha ang halu-halong damdamin ng pagtataka, pagkapahiya't pagmamahal sa anak ay mapapaluhod na rin siya. Walang damdaming nakatutok lang ang mga mata ni Elsa sa mga nakaluhod sa kanyang harapan.
- EXT. TINDAHAN NI LUCIO. HAPON. Naghuhuntahan Lucio, mga MIalaking tagabaryo't isang matandang babae. LUCIO E ‘yang si Baldo dating sepulturero ‘yan kaya mahilig magpapaniwala sa mga himala. LALAKI 1 Di na raw sumusumpong ang sakit niya sa atay e.
LALAKI 2
At amoy sampagfta na daw ang buong kabahayan nina Elsa! LALAKI 3 E sobra na kasi ang kasalanan ng tao kaya nakikialam na ang Birhen! MATANDANG BABAE Baka mawala na ang sumpa sa Cupang. Magdodoble ang mga ani natin! LUCIO Paanong magdodoble 'yan e di umuulan! (mapapansin ang paring nagdaraan). Aba, si Padre, Padre, daan ho muna kayo! PARI (lalapit). Magandang hapon sa inyong lahat. LUCIO Padre, anong palagay n'yo sa himala? PAR! Aba'y kailangang hintayin natin ang pasiya ng ating Obispo. Samantala'y hindi puwedeng kunsintlhin ng simbahan ang mga nangyayari. Magkakatinginan sina Lucio. LUCIO Tama.
- INT. SAUL BAHAY NINA ELSA. UMAGA. Itataas nl Elsa ang mga kamay at marahang hahagurin ang mga mata ni Lolo Hugo. Umaasang nakatlngin sina Bella, Chayong, Aling Sating, Sepa at Baldo. Ginagaya nl Chayong bawat galaw ng kamay ni Elsa.
- INT. SALA. BAHAY NINA ELSA. UMAGA. Katatapos lang nllang blhisan nang puting-puti si Elsa. CHAYONG Kasya pala sa'yo. Damit 'yan ng pinsan kong nagmadre. Lalakad sila para umalis. Sa altar, ang imahen ng Birhen ay may nakasabit nang mga bulaklak at nakaslnding kandila.
- EXT. KALSADA. UMAGA. Para silang munting pruslsyon sa kalsada. Si Elsa kasunod sina Aling Saling, Chayong, Baldo at Sepa. Daraan sa tapat ng tindahan ni Lucio. Papaswitan slla nito. LUCIO
MRS.ALBA
Saling. mask! dl mo na mabayaran ang utang mo sa’kin. Hindi mo na rin kaHangang manllbihan sa'kln. Magtataka si Aiing Saling. MRS.ALBA (aabutan ng pera sl Aling Saling). Eto. Tanggapin mo. Sige, kunin mo, kunin mo. Babaling sa sala sl Mrs. Alba at tatawag. MRS.ALBA Chayong... Ikaw... Baldo...Sepa! Lalapit ang mga tinawag. MRS.ALBA KaHangang mag-organisa tayo. Ang magiging trabaho natin ay tulungan at bantayan si Elsa. Maraming magpapanQgap dlyan pero mga alagad ng demonyo. Kagaya nlyang sl Igmeng Bugaw.
- INT. KAPILYA. UMAGA. Nagsesermon ang pari. PARI Saan ba nanggagalhg ang mga himala? Nahuhugot ba Ito sa hangln. Iblnibigay ba Ito sa atln ng Dlyos, o produkto lamang ng atlng mga guni-guril? Kokonti ang nagsisimba-mga hikahos at nakatangang mukha. PARI Ang Dlyos ba ay mapagparusang laging naghihiganti sa atin tuwing tayo'y nagkakamali? siya ba'y isang multo lamang, aparisyon o Busyon? Maraming katanungan sa'ting dibdib. Patatahimikin ng ina ang pinapasusong anak. PARI Ano ang mangyayari kung maglging napakadall ng mga himala? Magugulo ang kaayusan. Mask! sino ay maaaring magsabing sugo siya ng atlng Panginoong Diyos. Sa halip na magbukas ng ating mga mata, ang relihiyon ay magsisllbing tagabulag.
- INT. BAHAY NINA CHAYONG. GABI. Kakawala sa pagkakahallk nl Pilo si Chayong at humihingal na babangon. Nasa llalim sila ng bahay, sa may tangkal ng baboy. CHAYONG H'wag, Pilo! Natatakot ako.
PILO
Ba't ka matatakot, ako lang 'to. DI ba mahal mo ako? Chayong, mapapanis tayo! CHAYONG Alam mo namang gusto kong malinis ako bago tayo makasal. 'Yun lang ang maiblbigay ko sa'yo. PILO (piiit uling yayakapin si Chayong). Ngayonmona ibigay, Chayong. CHAYONG (liwas). Ba't ba ako pa ang nagustuhan mo? Marami ka namang girlfriends a. PILO Wala naman a! (muling magtatangkang hagkan si Chayong). SIge na, Chayong... CHAYONG H'wag, Pilo... h'wag! Hinahabol ang hiningang makakawala si Chayong at tatayo. CHAYONG Talaga namang marami kang girlfriends a. Pat! nga si Bsa nlllgawan mo n'on! PILO Lahat ng babae kaya kong llgawan, pero sl Elsa hindi. CHAYONG BakR? PILO Ewan ko. Parang hindi siya babae e. Parang hindi siya tao. Kelan ba tayo pakakasal? CHAYONG Nakausap ko na si Elsa, Pito. PILO (mawawalan ng gana). Lahat ba namang gagawin mo'y ikinukunsulta mo pa ke Elsa? CHAYONG Alam niya ang lahat. PILO Ano siya, salamangkero? CHAYONG Natatakot akong pakasal, PHo. Baka di ko maibigay sa'yo ang gusto mo. PILO Tuturuan kita. Magtatangka uli sl Pllong yakapin si Chayong pero tuluyang liwas at aalls Ito. Maiiwan sl Pilo.
Walang magagawa si Narding.
- EXT. KALSADA. UMAGA. Naglalakad si Nimia papasok ng baryo. May bttbit na maleta at make-up kit. Sa ayos at kilos ay alam mo agad na nagtrabaho si Nimia sa mga bars sa Maynila. Iba na ang Cupang sa baryong iniwan niya noon. Maraming WHHH mga tao sa kalsada ngayon, karamiha'y pasyente at mga turista. May ilang nagbebenta ng mga religious articles. Pagdaan sa harapan ng bahay nina Elsa ay mapapatigil siya at titingnan ang nangyayari. Maraming mga naghihintay sa labas, mga pasyente, reporter. usyoso, turista. Lalakad paalis si Nimia.
- INT. BAHAY NINA IGMENG BUGAW. UMAGA. Papasok si Nimia, pagmamasdan ang kabahayang iniwan niya noon. Sa dingding ay may nakapaskel na mga retrato nila nina Elsa at Chayong noong magkakaibigan pa sila. Nakatirintas pa si Nimia noon. Bubukas ang pinto at mapapalingon siya. Si Igmeng Bugaw. NIMIA (lalapit). Mano po, Itay. Di ibibigay ni Igmeng Bugaw ang kamay. Lalabas uli. Susunod si Nimia. NIMIA Di ako nakasulat dahil nang palayasin nila ako dito noo'y isinumpa ko na ang lugar na 'to. Ayoko na nga sanang bumalik e. Kaya lang nailsip ko kayo. Nag-iisa na kayo. Pareho tayong tumatanda. Sino pa ang magtutulungan? Di pa rin kikibo si Igmeng Bugaw. Lalapit si Nimia at madyik na huhugot ng sigarilyo sa kili-kili ni Igmeng Bugaw. Matatawa si Igmeng Bugaw. IGMENG BUGAW Saan ka natuto? NIMIA Sa bar. Sa Mabini. Dadamputin ni Nimia ang diyaryong may headline na: Barr/b Lass Witnesses Apparition. IGMENG BUGAW Sikat na si Elsa ngayon. NIMIA Nagtatanong ba siya tungkol sa'kin? IGMENG BUGAW Puwede bang hindi e kayo nina Chayong ang magkakaibigan noon? NIMIA (titiklupin ang diyaryo). Noon.
22. EXT. DAMPA. UMAGA.
Mulasakalsadaay Ipinagmamasdan ni Orty ang bahay ni Elsa. Marami nang taong naghihintay sa bakuran. Inaayos ng ilang babae ang lugar na paggagamutan. May 33 na si Oriy, may hawak na tape recorder, maleta, at kamera. Lalakad siya papunta sa bahay ni Lucio. Sa bakuran ay may karatula: Hotel. Can Be For One Night Or More. Cheap Only. Cash. Foreigners. Kakausapin ni Oriy si Lucio. ORLY Boss, puwede pa ba d'yan? LUCIO Hindi ako tumatanggap ng mga Pilipino e. ORLY Magbabayad naman ako e. LUCIO Maseselan 'yang mga Puti e. ayaw nang nahahaluan sila! Tsaka walang bakante, sa iba na lang ha? Dalawang Amerikano ang lalabas ng bahay. AMERIKANO 1 (may hawak na tabloid). It says here she has cured more than a hundred people already. Aalis si Oriy.
- INT. KUWARTO N1 ORLY. BAHAY N1 IGMENG BUGAW. UMAGA. Ipinakikita ni Igmeng Bugaw kay Oriy ang lugar. IGMENG BUGAW Dito tayo, boss. Lalaptt sl Nimia may dala-dalang blangket. Aayusin ni Igmeng Bugaw ang papag na hihigan. Ibababa ni Oriy ang mga gamit. ORLY Buti na lang bakante pa rito. Lahat yata ng bahay dito sa Cupang okupado na! IGMENG BUGAW Magtatagal ka ba? ORLY
IGMENG BUGAW
Kelangang magsanay ka na. Yan ang mga Siyete Apostoles ni Elsa. Sinasadya nilang dumaan dito tuwing umaga. Mula sa dyip ay mapapasulyap sa kanila si Chayong, at makikita nito si Nimia. Di magpapakita ng , reaksyon ang mukha ni Chayong. Di rin kikibo si Nimia. BALDO (off-camera, sa loudspeaker). Nalalapit na ang Araw ng Paghuhukom! At ang mga makasalanan ay masusunog sa apoy na walang hanggan! Buksan ang inyong mga puso at papasukin ang Mahal na Birhen! Mawawala sa kalsada ang dyip.
- EXT. BAHAY NINA ELSA. HAPON. Kinukunan ni Oriy ang mga nangyayari sa bakuran ni Elsa. Marami nang tao-mga pasyente, mga nanonood, mga nagdadasal. May malaking donation box sa tabi ng hagdan. Ginagamot ni Elsa sl Mrs. Gonzales, isang matrona. Sa mukha ni Elsa'y krtang sanay na siya sa ginagawa. ELSA Ano pong nararamdaman n'yo? MRS. GONZALES Lagi pong masakit ang ulo ko. Hahagurin ni Elsa ang mga pilipisan ni Mrs. Gonzales Nakapikit itong wari’y nagdarasal. lalapit si Orly at kukunan sila Tataas ang kamay ni Chayong bilang pagsaway sa kanya Titgil si orly, titingin kay Elsa. mapapatingin sa kanya si Elsa. MRS. GONZALES Ako, okey lang sa’kin
Bahagyang ngingiti si Elsa bilang pagsang-ayon saka babalik sa ginagawa. Magpapatuloy ng pagkuha si Orly. matatapos sa pagmasche si Elsa. Aabutan siya ni Aling Saling ng baso ng tubig. Hihipan ito ni Elsa at iaabot kay mrs. Gonzales Agad-agad iton iinumin ni Mrs Gonzales. Makakaramdam siya ng ginhawa. MRS. GONZALES Thank you, iha, thank you vry much. Aalalayan ni Baldo ang isang batangbabainglomobo ang lions Walang ekspresyon sa mukhana ipapatongni Elsa ang kamaysai ng bata.
- EXT. BAHAY NINA ELSA. GABI. Nag-uusap sa hagdan sina Chayong at Elsa. Sa di kalayuan ay naglilinis ng bakuran si Sepa. CHAYONG Bumalik na pala si Nimia. ELSA Hindi pa siya nagpupunta dito. CHAYONG Buti naman. Totoo pala ang mga tsismis tungkol sa kanya noon. Di na nahiya. Buti na lang di sila nagkatuluyan ni Narding. (ngingiti). Elsa, titigil na ako sa pagtuturo. Tutal, parati na lang akong absent. Mas kailangan mo ng tulong dito. Makikita ni Sepang dumarating si Bino at ang dalawa nilang anak. MGA BATA Mano po, I nay. SEPA Kaawaan kayo ng Diyos. Doon muna kayo. yLalayo nang konti ang mga bata. Mauupo sa lupa sina Sepa at Bino g tpara mag-usap. BINO Pati mga anak natin napapabayaan mo! Mapapakain to sila ng ginagawa mo dito? Lumalaki silang mga sanggano! SEPA ko sila sa'kin dito. Para lagi kong nakiklta. BINO Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao? SEPA Wala akong pakialam Mahirap lang tayo. Kung di tayo maniiwala, anong matitira sa’tin? Tatayo si Sepa at lalapit kay Elsa. Susunod si Bino.
ORLY
Hindi naniniwala sa'yo ang pari. ELSA Kanya-kanya tayong paraan ng pagsamba. ORLY Totoo ba na ampon ka lang daw? ELSA Napulot ako ng Inay ko dito sa lugar na' to mismo, dito sa burol, n'ong mga 19... anong 19 na nga ba "yun, mga 1958 yata. Me nakaimperdibieng papel na may sulat na Elsa sa damit ko. Saka istampita ng Mahal na Birhen. ORLY 'Yung istampita, nasaan na? ELSA Naiwala ng Inay. ORLY Pero noon pa man alam mo na'ng mangyayari ito? ELSA Hindi. N'ong bata pa 'ko'y pagdudoktor ang talagang gusto ko. Tapes, n'ong diyes anyos ako, gusto kong ako ang maging kauna-unahang babaing presidente dito. Tapes, dose anyos, abugada. Kinse anyos, fitser. Nang magdalaga ako'y tinanggap kong wala naman kaming pera, di ko kayang maging maski ano. ORLY Kaya inisip mong gawin ito? ELSA (kita sa mata na nasaktan). Di ka naniniwala. ORLY Hindi ako naniniwala sa Diyos. ELSA Saan ka naniniwala? Itataas ni Oriy ang kanyang kamera. ELSA Ang kamera gawa lang 'yan ng Diyos. Gawa ng tao. Pag ayaw na ng Diyos maski 'yan titigil sa paggalaw. Di kikibo si Oriy.
- INT. BAHAY NINA ELSA. GABI. Sa may hagdan ay kausap ni Aling Saling si Mrs. Alba. Nakatulog sa pagkakaupo sa sahig si Elsa, nakasandat sa dingding. May mga pasyenteng natutulog sa sahig, nakikitira sa kanila.
ALING SALING
Lagi ho kaming kinakapos sa pagkain sa dalas ng mga nakikitira d'rto sa amin. MRS.ALBA Talagang hindi tayo puwedeng umasa lang sa mga donasyon. Teka, ba't d! natin ipagbili ang mga benditadong tubig ni Elsa? ALING SALING Ho? MRS.ALBA llalagay natin sa bote. Me alam akong pabrika sa bayan. ALING SALING E hindi ho ba nakakahiya 'yun? MRS.ALBA Hay, Saling...
- EXT.ITINATAYONG KABARET. DAPITHAPON. Panay ang pukpukan sa ginagawang kabaret habang nagmamando si Nimia. Tumutulong sa mga karpintero si Igmeng Bugaw. Darating si Narding. NARDING Nimia! NIMIA (mapapatingin). Oy, Narding! NARDING Ka Igme, magandang hapon po. Pupunta sa tab! sina Narding at Nimia. NARDING Big shot ka na ha. NIMIA Hindi naman. Itong baranggay hall, ginagawa naming kabaret. NARDING Pag umunlad "to, magtayo ka na rin ng sinehan o hotel. Mapapangiti si Nimia. NIMIA Ikaw?