Kakayahang Lingguwistiko, Lecture notes of English

Pagbuo ng salita, wastong gamit ng mga salita, salitang pangnilalaman at pangkayarian.

Typology: Lecture notes

2019/2020

Uploaded on 09/30/2020

jeen-nisperos
jeen-nisperos 🇵🇭

5

(1)

1 document

1 / 24

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
1
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG
MGA PILIPINO: KAKAYAHANG
LINGGUWISTIKO/
ISTRUKTURAL/
GRAMATIKAL
ALAMIN
Tutulungan ka ng modyul na ito sa angkop na paggamit ng mga
salita at matukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa
mga pahayag at konteksto ng paksang nabasa o napakinggan.
Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa
konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa radyo.
(Code: F11PN-IId-89)
Layunin (Mga Kasanayan sa Pagkatuto):
Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral
ang sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at
kakayahang lingguwistiko sa wikang Filipino.
2. Natutukoy ang mga bahagi ng pananalita sa wikang Filipino.
3. Nagagamit ang wastong gramatika ng wika sa pagpapahayag sa
paraang malinaw, wasto at mabisa.
Sa araling ito, malalaman mo ang mga sumusunod na
paksa:
Kakayahang Komunikatibo at Lingguwistiko
Mga Salitang Pangnilalaman
Mga Salitang Pangkayarian
Wastong Gamit ng mga Salita
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16
pf17
pf18

Partial preview of the text

Download Kakayahang Lingguwistiko and more Lecture notes English in PDF only on Docsity!

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG

MGA PILIPINO: KAKAYAHANG

LINGGUWISTIKO/

ISTRUKTURAL/

GRAMATIKAL

ALAMIN

Tutulungan ka ng modyul na ito sa angkop na paggamit ng mga

salita at matukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa

mga pahayag at konteksto ng paksang nabasa o napakinggan.

Kasanayang Pampagkatuto:

Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa

konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa radyo.

(Code: F11PN-IId-89)

Layunin (Mga Kasanayan sa Pagkatuto):

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral

ang sumusunod:

  1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng kakayahang komunikatibo at

kakayahang lingguwistiko sa wikang Filipino.

  1. Natutukoy ang mga bahagi ng pananalita sa wikang Filipino.
  2. Nagagamit ang wastong gramatika ng wika sa pagpapahayag sa

paraang malinaw, wasto at mabisa.

Sa araling ito, malalaman mo ang mga sumusunod na

paksa:

 Kakayahang Komunikatibo at Lingguwistiko

 Mga Salitang Pangnilalaman

 Mga Salitang Pangkayarian

 Wastong Gamit ng mga Salita

PAKS

A

1

Kakayahang Lingguwistika:

Pangunahing Sangkap sa Pagkatuto ng

Wika

Simula sa unang baitang sa paaralan, hinahasa na ang mga

mag-aaral sa iba’t ibang pagsasanay sa gramatika tungo sa pagbubuo

ng mahuhusay na pangungusap, talata at pahayag. Ang ganitong mga

aralin ay bahagi ng paglilinang sa kakayahang lingguwistiko ng isang

tao.

Sa pananaw ng lingguwistang si Noam Chomsky (1965), ang

kakayahang lingguwistiko ay isang ideyal na sistema ng di-malay o

likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya

ng kapasidad na gumamit at makaunawa ng wika. Pumapaloob dito

ang kaalaman ng tao na pag-ugnayin ang tunog o mga tunog at

kahulugan nito. Iba ito sa isinasaad ng lingguwistikong pagtatanghal

(linguistic performance) o ang aplikasyon ng sistema ng kaalaman

sa pagsusulat o pagsasalita.

Hindi maipaghahalintulad ang kakayahang lingguwistiko at

lingguwistikong pagtatanghal dahil ang huli ay maaaring kapalooban

ng mga interperensiya o sagabal. Halimbawa, ang pagkautal ng isang

tagapagsalita habang nagbibigay ng talumpati ay hindi masasabing

kawalan o kakulangan sa kakayahang lingguwistiko. Maaaring ito ay

dulot ng kaniyang kaba na maituturing na sagabal sa kaniyang

lingguwistikong pagtatanghal. Kinakailangang sanayin ng isang tao

ang kaniyang kakayahang komunikatibo upang mapaimbabawan ang

mga aksiyon.

Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa

anyong di-berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan ng

pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Upang ang tao ay mag-angkin

ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa

isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin

niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang

magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang

maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.

SUBUKIN (Pretest)

Bago ka magpatuloy sa pag-aaral sa modyul na ito, subukin

mong sagutin ang bawat pagsusulit. Maaaring alam mo na ang ilan sa

mga ito, kung hindi man lahat.

AKTIBITI I.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Suriin at piliin ang

angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang

pangungusap.Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

________1. (Pahirin, Pahiran) mo ng mantekilya ang pandesal.

________2. (Ooperahin, Ooperahan) si Maria bukas ng umaga.

______3. (Punasan, Punasin) mo ang pawis sa iyong noo.

________4. Ngayong bakasyon, (susubukin, susubukan) kong mag-

aral

na magluto.

________5. Nagmamadali niyang inakyat ang (hagdan, hagdanan).

AKTIBITI III.

Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na sagot at isulat ito sa patlang

bago ang bilang.

_____________1. anak ______________4. kalahating kilo

_____________ 2. ikaw ______________5. nagtapat

_____________3. subalit

pang-abay pangatnig pang-angkop pang-ukol

pantukoy

pang-uri pandiwa pangngalan panghalip

AKTIBITI III.

Panuto: Punan nang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng

talata.

KASO NG COVID-19, HIGIT 18K NA

SUMAMPA na sa 18,086 ang kabuuang bilang ng kaso _1. ____

COVID-19 sa Pilipinas kasunod ng nadagdag na 862 cases nitong

Linggo. Ngunit paglilinaw ng DOH, sa bilang na 862, 16 lamang ang

bagong kaso. Ito ay dahil ang ibang bilang ay 2. _______ resulta ng

pagsusuri sa mga pasyente o COVID-19 test results na isinagawa sa

mga nakalipas na linggo.

Sampu sa fresh cases ay 3. _______ sa iba’t ibang lugar, anim

naman ang galing sa National Capital Region. Habang 846 ang late

cases o test results na ni-release sa mga pasyente sa nakalipas na

apat na araw o higit pa, pero huli nang na-validate. Ang 238 sa kanila

ay galing sa NCR; 235 mula sa repatriated OFWs; 81 ang sa Cental

Visayas; habang 292 ang nai-report mula sa iba’t ibang lugar.

“Late cases reported from May 28-31 are based on the

validation of complete line lists from 27 operational laboratories and

the partial line list from 1 laboratory. No more late cases will be

reported until the remaining 14 operational labs submit their line lists,”

paliwanag ni DOH Usec Rosario Vergeire.

_4.________ nito, mayroon nang 957 total deaths sa bansa _5. ______

sa pitong nai-report noong Linggo habang ang total recoveries ay

3,909 dahil sa 101 na naitalang bagong gumaling. D. ANIN

___________________

___________________

___________________

TUKLASIN

AKTIBITI 1: (Basahin at unawain ang teksto)

Ano ang napapansin mo sa teksto? Tama, may mga salitang binigyang-

diin dito- ang ko, dito, atin, nito, ito , tungkol sa, kung saan,

kasi, ngunit, at, pa.

KAPANGYARIHAN NG PAG-IBIG

MARAMI at may iba’t ibang kahulugan ang pag-ibig. Sa lyrics

ng isang awiting Pilipino ng dating Hari ng Kundiman na si Ruben

Tagalog ay ganito ang isinasaad: “Oh, pag-ibig na

makapangyarihan’ kapag pumasok sa puso ninuman , / hahamakin

ang lahat/ masunod ka lamang / alang-alang sa minamahal .”

Sinasabi rin na dahil sa pag-ibig ng Diyos, natubos ang sala

ng sangkatauhan.

Sa ating makabagong panahon, may ibang kahulugan ang

pag-ibig. Isang halimbawa ay nang mabunyag ang isang babaeng

Superintendent na may relasyon sa isang pinaghihinalaang

miyembro ng Abu Sayyaf.

Sinabi ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” dela

Rosa na ang lady cop ay NABUANG SA GUGMA o nabaliw sa pag-

ibig. Ang lady cop ay sleeping with the enemy o natutulog kasama

ang kaaway. Nabatid pa na kasal na ito sa nasabing miyembro ng

Abu Sayyaf. Matagal nang hiwalay sa dati nito ng asawa na isa ring

pulis na nasa ibang bansa.

Para naman sa 163 magkasintahan sa Antipolo City, ang

kapangyarihan ng pag-ibig ay isang malaking pagdiriwang sapagkat

sila’y nagpalitan ng “I Do” sa Kasalang Bayan ng Pamahalaang

Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares. Ang libreng kasalan

ay ginanap kamakailan sa covered court ng Barangay Sta.

Cruz.

Ayon kay Mayor Ynares, mahalaga ang kasal upang maging

ganap ang karapatan at pribilehiyo sa isa’t isa bilang simula ng

pagbuo ng pamilya. Dahil dito , ang Pamahalaang Lungsod ay

patuloy sa pagsasagawa ng Kasalang Bayan upang matulungan ang

mga magkasintahan na nagnanais na makapagsama ng legal at

hindi na kailangan pang gumastos nang malaki.

Dumalo sa Kasalang Bayan sina Congresswoman Chiqui Roa

Puno, ng Unang Distrito ng Antipolo; Antipolo Vice Mayor Pining

Gatlabayan; PNP Atntipolo chief Rube Andiso; Sta. Cruz Barangay

Captain Oca Tamayao at ang kanyang maybahay na si Ludy

Tamayao.

Sa tulong at suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo,

umabot na sa 3,300 ang libreng ikinasal mula noong 2014.

(Clemen Bautista)

http://balita.net.ph/2017/04/29/ang-kapangyarihan-ng-pag-ibig/

Alam mo ba na ang mga ilang salitang nasalungguhitan ay

kabilang sa ginagamit sa gramatikal? Upang lubos mong maunawaan

ang gamit ng mga ito, magpatuloy sa modyul na ito.

SURIIN

AKTIBITI 2:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong, ipaliwanag sa

sariling pananalita at isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

  1. Ano ang pagkakaiba ng kakayahang komunikatibo sa

kakayahang lingguwistika?

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

  1. Ano-ano ang mga salitang pangnilalaman at mga salitang

pangkayarian? Bigyang kahulugan ang mga ito at magtala ng

ilang halimbawa.

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

  1. Ano ang kahalagahan ng mga salitang pangnilalaman at salitang

pangkayarian sa pagbuo ng pangungusap?

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

Para sa iyong iyong karagdagang kaalaman…

BAHAGI NG PANANALITA

Kakabit ng kakayahang lingguwistika ng Filipino ang wastong

pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino.

A. Mga salitang Pang-nilalaman

  1. Mga Nominal

A. Pangngalan (noun) - nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay,

hayop,

at pook.

B. Panghalip (pronoun) - pamalit o panghalili sa pangngalan.

Hal. ako, ikaw, siya

  1. Pandiwa (verb) - nagsasaad ng kilos o nagbibigay buhay sa pangkat

ng

mga salita. Hal. umibig, umiibig, iibigin, kaiibig

  1. Mga Panuring

A. Pang-uri (adjective) - nagbibigay turing o naglalarawan sa

pangngalan at panghalip.

Hal. hinog, mas mabait, pinakamapusok

B. Pang-abay (adverb) - nagbibigay turing o naglalarawan sa

pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

Hal. kahapon, sa palengke, isang kilo, oo

nang mabilis, hindi, tila, taon-taon

B. Mga Salitang Pangkayarian

  1. Mga Pang-ugnay

A. Pangatnig (conjunction) - naguugnay ng dalawang salita

parirala o sugnay.

Halimbawa : at, pati, ni, subalit, ngunit

B. Pang-angkop (ligature) - katagang naguugnay sa panuring

at salitang tinuturingan. Hal. na, ng, g

C. Pang-ukol (preposition) - nag-uugnay sa isang pangngalan

sa iba pang salita. Hal. laban sa, ayon kay, para sa

  1. Mga pananda

A. Pantukoy - salitang laging nangunguna sa pangngalan o

panghalip. Hal. si, sina, ang, ang mga

B. Pangawing o pangawil (linker) – idinudugtong sa di

karaniwang ayos ng pangungusap. Hal. ay

WASTONG GAMIT NG SALITA

Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring

magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit na

salita. Maraming salita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay

bunga ng kakulangan ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit

nito sa pangungusap.

Ilan sa mga salitang ito ay ang mga sumusunod:

1. MAY at MAYROON

Ginagamit ang may kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod

na bahagi ng pananalita:

Pangngalan

Pandiwa

Pang-uri

Panghalip na Paari

Pantukoy na Mga

Pang-ukol na Sa

May prutas siyang dala.

May kumakatok sa labas.

May matalino siyang anak.

May kanila silang ari-arian.

May mga lalaking naghihintay sa iyo.

May sa-ahas pala ang kaibigan mo.

Ginagamit ang mayroon kung ito’y:

Sinusundan ng isang kataga o ingklitik

Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?

Mayroon nga bang bagong Pajero sila?

Sinusundan ng panghalip palagyo

Hal. Mayroon siyang kotse.

Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan.

Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas.

Nangangahulugang “mayaman”

Hal. Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan.

Siya lamang mayroon sa aming magkakapatid.

2. KITA at KATA

Ang kita ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may

kailanang isahan. Ginagamit ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang

layon ng pandiwa. Samantala, ang kata naman ay panghalip panao sa

kaukulang palagyo at may kailanang dalawahan. Ang kita ay

tumutukoy sa kinakausap, at ang kata naman sa magkasamang

nagungusap at kinakausap.

Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at

ibinubukas. Samantala, ang pintuan (doorway) ay ang bahaging

kinalalagyan ng pinto.

Hal. May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.

Natanggal ang pinto sa pintuan.

9. HAGDAN at HAGDANAN

Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at

binababaan. Samantala, ang hagdanan (stairway) ay ang bahaging

kinalalagyan ng hagdan.

Hal. Nagmamadaling inakyat ni Genier ang mga hagdan.

Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

10. PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN

Ang pahirin at punasin ( wipe off ) ay nangangahulugang alisin

o tanggalin.

Ang pahiran at punasan ( to apply ) ay nangangahulugang

lagyan.

Hal. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.

Pahiran mo ng palaman ang tinapay.

Punasin mo ang pawis sa iyong likod.

Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.

11. OPERAHIN at OPERAHAN

Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na

bahagi ng katawan na titistisin. Ang operahan naman ay tumutukoy

sa taong sasailalim sa pagtitistis.

Hal. Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.

Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado.

12. WALISIN at WALISAN

Ginagamit ang walisin ( sweep the dirt ) kung tumutukoy sa

bagay na aalisin o lilinisin samantalang ang walisan ay tumutokoy

naman sa lugar ( to sweep the place ).

Hal. Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig.

Walisan ninyo ang sahig.

13. IKIT at IKOT

Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula

sa labas patungo sa loob. Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa

labas.

Hal. Nakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan

patungo

sa loob ng kuweba.

Nahirapan pala silang makalabas sa tunnel. Umikut-ikot muna

sila sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas.

14. SUNDIN at SUNDAN

Ang sundin ( to obey ) ay nangangahulugan ng pagsunod sa

payo o pangaral; ang sundan ( to follow ) ay gayahin o pumunta sa

pinuntahan ng iba.

Hal. Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para

rin iyon sa iyong kabutihan.

Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa

bayan.

Sundan mo siya baka siya’y maligaw.

15. SUBUKIN at SUBUKAN

Subukin ( to test, to try ) – masubok ang husay o galing ng

isang bagay o gawain;

Subukan ( to see secretly ) – palihim na pagmamatyag o pag-

eespiya sa kilos ng isang tao

Hal. Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter bago

ko

bilhin.

Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa

likod-bahay.

16. HATIIN at HATIAN

Hatiin ( to divide ) – partihin;

Hatian ( to share ) – ibahagi

Hal. Hatiin mo sa anim ang pakwan.

Hinahatian niya ng kanyang hamburger ang

namamalimos na

bata.

17. IWAN at IWANAN

Iwan ( to leave something or somebody ) – huwag isama;

Iwanan ( to leave something to somebody ) – bigyan

Hal. Iniwan ni Arnie ang kotse sa garahe.

Iniwanan ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.

18. NABASAG at BINASAG

Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di

sinasadya o di ginusto; ang salitang binasag naman ay nagpapakita

ng sariling pagkukusa.

Hal. Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng

kotse.

Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya nabasag niya

ang mga plato.

19. BUMILI at MAGBILI

Bumili ( to buy );

Magbili ( to sell ) – magbenta

Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga

sariwang

isda at karne.

Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga gulay.

20. KUMUHA at MANGUHA

Kumuha ( to get );

Manguha ( to gather, to collect )

Hal. Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.

Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

  1. Bigyang-halaga ang ________________________________________________.
  2. Papasyal tayo ______________________________________________________.
  3. Mas matuto pa ang mga mag-aaral

_________________________________.

  1. Sa loob ng mahabang panahon

_____________________________________.

  1. Nasasabi kung ____________________________________________________.

C. Panuto: Sa pamamagitan ng Venn diagram , gamitin sa

pangungusap ang mga sumusunod na salita.

1. sulyap – tanaw 2. bahay – tahanan 3. maarte - mapili

ISAISIP

Basahin mo ang isang lathalain tungkol sa pananampalataya.

Ano-anong mga salitang pangnilalaman at salitang pangkayarian

mayroon kaya rito? Tukuyin ang mga ito at isulat ito sa kwaderno.

Ang Kahalagahan ng Pananampalataya sa Buhay ng Tao

Ni: Junrey Casirayan

Walang halaga ang buhay ng tao 1. kung wala siyang

pananalig sa Diyos. Ang buhay ay walang saysay kung walang

pananampalataya. Sana kahit minsan ay maalala 2. natin ang

3. Panginoon at 4. huwag kalimutang siya ang lumikha ng

bawat nilalang at siya ring natatanging pag-asa ng mundo.

Dati 5. nagtatampo ako sa Diyos sa ibinigay niyang

klase ng pagkatao ko. Minsan nakakalimutan ko siya, hindi rin

naman kasi ako ganoon ka-relihiyoso. Inaamin ko naman na

hindi ako naging mabuting tao, marami akong pagkakasala at

mga pagkukulang. Hanggang sa napag-isip-isip ko na lahat, at

ngayon unti-unti ko ng natatanggap ang ibinigay niyang klase

ng pagkatao ko. Unti-unti ko ng natatanggap ang sarili ko.

Natutunan ko na lahat ay nangyayari ayon sa kagustuhan ng

Panginoon. Sana hindi natin makalimutang ipagpasalamat ang

lahat ng biyayang hatid niya sa atin. Mahalin natin ang isa't-isa

tulad ng pagmamahal ng DIYOS sa atin. Maging

mapagkumbaba, matutong magbigay at magtulungan. Lagi

tayong magdasal at sana hindi lang kapag may problema tayo

kundi pati na rin sa mga 6. masasayang sandali. Ang buhay

natin ay ipinahiram lang ng DIYOS. Kaya sana ingatan natin ito

Ano-ano ang mga natutunan mo sa mga gawain at

talakayan?

Natutunan kong…

ISAGAWA

Panuto: Mock Job Interview.

Humanap ng kapareha. Magsagawa ng isang mock job

interview. Bawat isa ay bibigyan ng pagkakataong maging

tagapanayam at aplikanteng iinterbyuhin sa loob ng 15 minuto.

Tatayain ang kakayahang lingguwistika ng kinakapanayam

gamit ang sumusunod:

Puntos:

1 – lubhang mababa sa inaasahan

2 – mababa sa inaasahan

3 – nakamit ang inaasahan

4 – higit sa inaasahan

5 – lubhang higit sa inaasahan

KATEGORYA PUNTOS KOMENTO

Angkop ba ang ginamit na

mga salita ng iniinterbyu?

Makinis ba ang paggamit ng

wika at hindi palagiang

nagpapalit-palit mula sa

Filipino tungong Ingles (code

switch) ang iniinterbyu?

PAGSUBOK III.

Panuto. Basahin tulang nasa ibaba. Maghanap ng sampu (2) salitang

pangkayarian. Salungguhitan ito at tukuyin kung pangatnig,

pang-angkop, pang-ukol, at pantukoy.

MINSAN LANG KITANG IIBIGIN

ni: Gary Valenciano

Mahal pangako sa iyo, hindi magbabago

Ikaw lang ang iibigin ko

Kahit ikaw ay lumayo at masaktan ako

Asahan na di maglalaho

Ang pag-ibig ko'y alay sayo lamang

Kung kaya giliw dapat mong malaman

Nagbibigay-turing

o naglalarawan sa

pangngalan at

panghalip.

Pangngala

n

Nagsasaad ng

pangalan ng tao,

hayop, bagay,

pook, katangian,

pangyayari, at iba

pa.

Pang-uri

Panghalip

Nagsasaad ng kilos

o nagbibigay-buhay

sa pangkat ng mga

salita.

Minsan lang kitang iibigin

Minsan lang kitang mamahalin

Ang pagmamahal sayo'y walang hangganan

Dahil ang minsan ay magpakailanman

Minsan lamang sa buhay ko ang isang katulad mo

Ako rin ba'y iniibig mo?

Dinggin puso'y sumasamo, sumusumpa sayo

Ikaw ang tanging dalangin ko

Dahil ang minsan ay magpakailanman...

PAGSUBOK IV.

Panuto: Basahin tulang nasa ibaba. Maghanap ng labinlima (3)

salitang pangnilalaman. Salungguhitan ito at tukuyin kung

pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang-abay.

PAG-IBIG

Hindi mo ito mapipigilan

Sapagkat ito ay lumalaban

Isa itong makapangyarihan

Sumakop sa ating sanlibutan.

Ikaw, ako’t sila ay nagmamahalan

Kaya ang mga problema’y nalalabanan

Ito’y nakakapagbago ninuman

Puso’t isipan ito ang nilalaman.

Kahit ano pa kasama ang isang tao

Kapag nagmahal sila’y talagang totoo

Sa kanila, ito’y nakakapagbago

Nawawala ang sakit at nagiging bago.

Sabi ng iba, ito raw ay bulag

Kung pagmamasdan ay nakahahabag

Ang isip mo nito’y naglalaglag

Kung kokontra, di ka makapapalag.

Kung minsan ito ay makasarili