





















Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
1 / 29
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!






















Bilang bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan sa Asignaturang CORE 4 – Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik sa Kagawaran ng Higit na Mataas na Paalaran
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City Kabanata I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksiyon Ang wika ayon kay Gleason, na nabanggit nina Garcia et al. (2008), ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na inaayos at pinipili sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura. Sa depinisyon, isang katangian ng anumang wika ang pagkakaroon ng sistema: sistema ng mga tunog at mga kahulugan. Kapag ang sistema ng wika ay malalabag, magreresulta ito sa mali o malabong pahayag na labis na nakaaapekto sa daloy ng komunikasyon. Sinuportahan ito ni Lachica (1999) sa pagsasabing mahalaga ang ginagampanan ng gramatika sa pagpapahayag. Hindi sapat ang tamang pagpili ng mga salita sa pagpapahayag bagkus kailangan ding masunod ang wastong kaayusan ng mga salita. Binanggit niya rin na napakahalagang magsama ang tamang pagpili ng mga salita na siyang sakop ng retorika at ang tamang kaayusan ng mga salita na siya namang sakop ng gramatika. Alinsabay sa suliranin na ito ay ang pagkakaroon ng Language Interference na tumatalakay sa impluwensya ng wikang katutubo sa Wikang Filipino. Pag-aaralan ng mga mananaliksik ang pagkakaroon ng Language Interference sa mga Valenzuelanong nagsasalita ng Bikolano bilang unang wika (L 1 ) na nagsasalita rin ng wikang Filipino bilang ikalawang wika (L 2 ). Bikolano
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City panggramatika ng mga ito kung unang wika ang kanilang gagamitin kaysa sa kanilang ikalawang wika. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyan ang mga mananaliksik ng mga kaalaman tungkol sa kasanayang panggramatika ng mga piling Valenzuelano lalo na sa mga dapat bigyang diin upang mas maging matatas sa paggamit ng wikang Filipino. Magagabayan ang mga mananaliksik sa kung ano- ano ang mga magiging layunin sa pagbuo ng mga angkop na gawaing lalong lilinang sa kakayahang panggramatika at komunikatibo.
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City Balangkas Teoretikal Pigura 1 : Paglalapat ng mga Teoryang Akomodasyon ni Howard Giles
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City Kahalagahan ng Pag-aaral Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral, guro, paaralan, administrasyon, Kagawaran ng Filipino at sa pamantasan. Sa mga Mag-aaral Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat mabibigyang kalinawan ang epekto ng Language Interference sa kakayahang panggramatika at mas mapapag-aralan ng mga estudyante upang sa gayon ay malaman nila kung papaano gagamitin ng wasto ang wika at lumawak ang kakayahang panggramatika. Sa mga kinatawan ng Kagawaran ng Filipino. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang matuklasan ng mga guro o kawani ng Departamento ng Filipino kung ano nga ba ang kadalasang kamalian sa kakayahang panggramatika ng mga piling Valenzuelano at upang mapagtuunan ng pansin ang epekto ng language interference sa kakayahang panggramatika. Sa Pamantasan. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang malaman ang mga hakbang ang gagawin upang mas mapatatag pa ang kakayahang panggramatika ng mga estudyante sa asignaturang Filipino.
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City Sa mga Valenzuelano na nagsasalita ng wikang Bikolano Mahalaga ang pag-aaral na ito upang malaman kung papaano nakakaapekto ang language interference sa kakayahang panggramatika ng mga piling Valenzuelano at matulungan ang mga ito na maging maalam sa wastong paggamit ng gramatika. Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga Valenzuelano na kasama sa 5% ng populasyon ng Valenzuela na nagsasalita ng wikang Bikolano. Ang mga pipiliing respondente na sakop ng pag-aaral na ito ay dapat na gumagamit ng Bikolano. Nilimitahan ng mga mananaliksik na gramatika lamang ang susuriin at sa loob lamang ng Valenzuela manggagaling ang mga pipiliing respondente. Nililimitahan ng mga mananaliksik ang pagkukuha ng mga respondente na hindi nakatira sa Valenzuela. Iniiiwasan din sa pag-aaral ang pagtatanggap ng impormasyon na ‘di nakapaloob sa ugnayan ng wikang Bikolano sa Valenzuela. Nililimitahan sa pag-aaral ang mga sanhi ng Language interference. Hindi rin isasama ng pag-aaral ang mga tono ng pananalita. .
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City Kabanata II KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Sa kabanatang ito tinatalakay ang mga kaugnay na literatura at pananaliksik na tumatalakay sa epekto ng Language Interference sa kakayahang panggramatika ng mga Valenzuelanong gumagamit ng wikang Bikolano bilang L 1 at wikang Filipino bilang L 2. Lokal na Literatura Humarap sa panibagong problema ang wikang Filipino kamakailan lamang nang ipinanukala ni dating pangulo at ngayon ay House Speaker, Gloria Macapagal Arroyo ang House Bill 5091 o mas kilala bilang "an act to enhance the use of English as the medium of instruction in the educational system". Isinasaad dito na marapat gamitin ang wikang Ingles bilang midyum na panturo sa lahat ng asignatura maliban sa pangwikang asignatura at Araling Panlipunan. Ayon sa Komisyon ng WIkang Filipino, hindi sumunod sa Artikulo 13 Seksyon 6 ang House Bill 5091.Malaki ang epekto nito sa mga mag-aaral sapagkat dalawa ang kanilang pinag-aaralang lengguwahe at maaaring magbunga ito ng Language interference. Napag-alaman din na mas maraming kabataan ang natututo mula sa wikang kanilang sinasambit sa tahanan. (Del Ayre, 2017) Dagdag pa ni Jeslie Del Ayre (2017), naglungsad ng programa ang Komisyon sa Wikang Filipino upang muling mapagpayabong ang wika sa Pilipinas. Ito ay
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City ang bahay-wika at master apprentice language learning program. Ang panganib na mawala ng tuluyan ang mga katutubong wika ay isa sa mga kadahilanan kung bakit ito inilunsad. Isa rin ang kawalan ng kaalaman ng mga kabataan sa kanilang katutubong wika dahil sa impluwensya ng Filipino at Ingles. Nalaman ito ng Komisyon sa Wikang Filipino matapos nila mag-interbyu noong 2015 at 2016. (Del Ayre, 2017) Kamakailan ay naipasa na sa Mababang Kapulungan o Kongreso ang House Bill 4701, panukalang batas na may layuning pagtibayin ang wikang Ingles bilang wikang panturo sa lahat ng antas ng edukasyon sa ating bansa. Nang maisulong ang nasabing panukala, samu’t saring reaksyon ang hinakot nito. May mga sektor na nagsaad ng kanilang pagsang-ayon subalit mayroon ding mga samahan ang hindi sumang-ayon dito. Ayon sa kanila, maaaring magresulta ng language interference kung gagawing Ingles ang wikang panturo at maaari ring mas mahirapan ang mga mag-aaral na makakaapekto rin sa kanilang kakayahang panggramatika. (Del Ayre, 2017) Ayon kay Magno (2017), ang Oral Interlanguage Proficiencies ng mga estudyante sa kolehiyo na nag-aaral at nagsasalita ng Cebuano-Bisaya ang tinatalakay sa literaturang ito. Ang Cross Linguistic Influences ng kanilang mga lenggwahe na Filipino at Ingles na ginamit sa paglalahad ng isang "short film" ang sinuri dito. Batay sa literatura at pagmarka ng dalawang instruktor sa Filipino
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City dahil tinuturing nila itong sagabal sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa paaralan. Ito ay nagbunga sa isang maling kongklusyon batay sa pag-aaral na ginawa sa programa ng edukasyon, mas naging epektibo ang mga ipinagbawal na lenggwahe sa pormal na pagtuturo sa mga mag-aaral (Siegel, 2012). Inilahad sa artikulo ni Chishiba (2012) ang pag-aaral na kung saan tinatalakay ang Language interference sa mga mag-aaral sa bansang Aprika. Ang mga mag-aaral sa Aprika ay gumagamit ng tatlong wika: Bemba bilang unang lenggwahe (L 1 ), Ingles bilang ikalawang lenggwahe (L 2 ) at French bilang ikatlong wika (L 3 ). Isinaad sa pag-aaral na mas nagagamit ang wikang Ingles na L 2 kaysa sa Bemba na unang wika. Bilang kongklusyon, ang pinakapinag- uugatan ng pagkakamali sa gramatika ng mga mag-aaral ay ang paggamit ng iba'tibang lenggwahe o ang Language interference. (Chishiba, 2012) Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Yusupova (2016) na pinamagatang "Dialogue of Cultures of Teaching of Russian as Foreign Language in the Chinese Audience: Approaches and Solutions", isinagawa ang implementasyon ng pagtuturo ng lenggwahe ng Rusya sa mga Tsino upang maimulat ang mga mag-aaral partikular sa Kazan Federal University sa kultura ng bansang Rusya sa pamamagitan ng sinasalitang wika ng Rusya. (Yusupova, 2016) Hindi nagkaroon ng kahit anong komplikasyon sa pagtuturo ng lenggwahe at kultura ng bansang Rusya sa mga mag-aaral na Tsino bagkus mas naging maganda ang epekto nito sapagkat mas umunlad ang kaalaman ng mga
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City estudyanteng Tsino hinggil sa kultura at lenggwahe ng bansang Rusya. Isa ring dahilan kung bakit matagumpay ang pagtuturo ng wika ng bansang Rusya sa mga Tsino ay dahil sa hindi kailaman tuluyang maghahalo ang kinagisnang wika at pinag-aaralang wika o ang banyagang wika (Minasova, 2012). Ayon kay Wa-Mbaleka (2014), ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na ang pangalawang wika (L 2 ) ay Ingles. May kanya-kanya mang katutubong wika, nagkakaisa naman sa pagkatuto ng unibersal na lenggwahe ang bawat indibidwal. Kung kaya, ganap na ipinatupad ang pagtuturo ng wikang Ingles sa bawat paaralan sa Pilipinas. Kaakibat ng pagtuturo ng pangalawang wika na Ingles ay ang mga maaaring maganda at masamang epekto nito sa mga mag- aaral. Ang pagkatuto ay depende sa kahinaan at kalakasan ng bawat mag-aaral sa paraan ng pag-intindi at sa kung paanong paraan maituturo sa mga mag-aaral ang ikalawang wika. (Wa-Mbaleka, 2014) Lokal na Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay hinggil sa pagkakaroon ng malaking epekto ng L 1 sa L 2 sa mga taong matagal nang naninirahan sa Taguig at ang paglalarawan ng pasalitang diskurso ng mga Tagalog varayti roon. Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga Pilipinong di-Tagalog na matagal nang naninirahan dito. Nagkakaroon ng “Language Innovation” ang mga naninirahan upang makasali sila sa kultura at sinasalita ng grupong kanilang kinabibilangan. Malaki ang epekto ng unang wika sa pagbuo ng estruktura at sa
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City ng mga pangngalan at pandiwa mula sa Ingles at mispormasyon ng mga pandiwa at parirala. Ang epekto ng unang wika ng mga respondente at pati na rin ng gramatika sa Filipino ay ang sanhi ng pagkakaroon ng ganitong estruktura. Batay sa ginawang pag-aaral na ito, masasabi na ang mga pagkakamali na nagawa ng mga respondente sa kanilang mga sulatin ay nagpapakita lamang na hindi pa gaanong alam at naiintindihan ng mga mag-aaral ang ikalawang wika. (Laranjo, 2016) Alinsabay sa pag-aaral ni Chua (2015) na pinamagatang “Interference between Filipino and English prepositions: A comparative analysis of male and female Filipino bilingual learners in the World Englishes paradigm in the Philippine setting.” Ang pagsusuri ng mga kamalian sa paggamit ng mga pang- ukol sa mga sulatin, pagtuklas ng bilang ng mga estudyante na nagkakaroon ng kamalian sa paggamit ng pang-ukol na wikang Ingles ang una o ikalawang wika, at ang pagtukoy ng mga estratehiya na ginagamit sa Ingles o Filipino, ang layunin na pag-aralan sa pananaliksik na ito_._ Napili gamit ang random, convenience sampling ang 40 estudyante mula Reedley International School at Sta. Isabel College na parehas na kinalahukan ng tigsampung lalaki at babaeng mag-aaral sa sekondarya at nasa pagitan ng edad na 14 hanggang 18 taong gulang ang kinakailangan na mga respondente sa pag-aaral na ito. Gumamit ang pag-aaral na ito ng eksploratibong-deskriptibong pagsusuri. Ang mga babaeng respondente mula sa Sta. Isabel College ay nakapagtala ng mas maraming kamalian sa paggamit ng pang-ukol sa Ingles kumpara sa mga mag-
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City aaral ng Reedley International na naaalinsunod sa pagkakamali naman sa paggamit sa pang-ukol sa Filipino,ang napag-alaman sa pag-aaral na ito. Base sa naging kongklusyon ng pananaliksik na ito, ang pagkakaroon ng interference sa mga Pilipinong bilingwal ay hindi ganoon kataas dahil sa malimit na paggamit ng mga estratehiya. (Chua, 2015) Batay sa naging kongklusyon ng pag-aaral nila Macatabon at Calibayan (2016), napatotohanan na may iba't ibang klase ng varayti at varyasyon ng wika ang wikang B'laan kapareha ng ibang katutubong wika sa Pilipinas. Sa kabila ng kanilang sariling kapamaraanan ng pagbuo ng mga salita sa tribung B'laan, mayroon pa rin silang pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang munisipalidad sapagkat nagsasalita lang sila ng magkaiba na dayalekto ngunit iisang wika pa rin. Naiimpluwensyahan ng panibagong wikang sinasalita (sa komunidad na kasalukuyang tinitirahan ng mga tagapagsalita) ang kanilang katutubong wika dahil sa distansya ng lugar na pinaninirahan ng tribu batay sa sosyolinggwistikong pananaw ayon kay Constantino (2000), sa aklat ni Santos et al. ( 2010 ). Nagkaroon sakanila ng importansya ang sari-saring varyasyon ng wika upang magampanan ng mga tribung B'laan ang kanilang tungkulin sa pakikipagsalamuha at pakikipagkomunikasyon sa kanilang komunidad na tinitirahan. Ang wika ng tribung B'laan ay patuloy na umuunlad at yumayaman bilang pangkat-etnikong naninirahan sa Pilipinas at sa pagkakaroon ng natatanging kultura. Nabigyan ng panahon na mas makilala ang wika ng tribung B'laan sa pagkakaroon ng natatanging wika at makapagbigay ng kontribusyon sa
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City at snow-ball sampling naman ang ginamit sa pagkuha ng respondente. (Pasion,
Banyagang Pag-aaral Hinahangad ng isinasagawang pag-aaral ni Ahmad Samingan (2015) na matukoy ang mga pagkakamali na sanhi ng unang wika o Interference Errors. Ang pag-aaral din na ito ay naglalayong malaman ang mga klase ng mga problemang sagabal sa pagkatuto ng pangalawang wika, malaman kung gaano kadalas mangyari ang bawat klaseng matutukoy at kung sino ang dominante sa mga ito. Ginamit ng mga mananaliksik ang elicitation technique upang makuha ang mga datos. Matapos makuha ang mga datos ay napag-alaman nilang may dalawang interference ang madalas kakitaan ng kamalian. Ang una ay ang Lexical interference , dito nakapaloob ang mga interference na kung saan nakatuon lamang ang mga pagkakamali sa bawat salita tulad na lamang nang panghihiram ng mga salita at direktang salin. Sa kabilang banda naman, ay ang Syntactical interference. Dito naman nakapaloob ang mga interference na kung saan ay nakatuon naman sa ayos ng mga salitang nakapaloob sa pangungusap o ang estruktura nito, ang mga ilang halimbawa nito ay ang paggamit ng estruktura ng iyong unang wika sa ikalawang wika. (Samingan, 2015) Ayon kay Derakhshan at Karimi (2015), isa sa mga pinakaimportante at nakamamanghang katangian ng isang tao ay ang pagkatuto ng wika. Sinubukan hanapin ng mga mananaliksik ang mga importanteng kadahilanan o sagabal sa
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City pagkatuto ng ikalawang wika. Kilalang paniniwala na ang unang wika ay may epekto sa pagkakatuto ng ikalawang wika, pinaniniwalaan din na may gampanin ang L 1 at L 2 sa isa’t sa at dumedepende sa kanilang pagkakatulad at pagkakaiba. Ipinapakita ng pagsusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng L 1 at L 2 , at nais mapag-alaman kung nakaaapekto nga ba ang unang wika sa pagkatuto ng pangalawang wika. Napag-alaman ng mga mananaliksik na mayroon nga itong epekto at may mga salik na natukoy na makaaapekto sa pagkatuto ng ikalawang wika. Isa na rito ang hindi tugmang estruktura ng unang wika at ikawalang wika o ng dalawang lengguwahe. Maaaring positibo o negatibo ang maging epekto ng pagkatuto ng ikalawang lengguwahe, magiging positibo lamang ito kapag nagtutugma ang mga estruktura nito. At kung hindi naman, dito na nagkakaroon ng interference sa pagkatuto ng isang tao sa kanyang ikalawang wika. (Derakhshan at Karimi, 2015) Mula kay Ifat Ara Dola (2015), ang Language Learning ay tumatalakay sa pagkatuto ng ikalawang wika bukod pa sa unang wika. Ang pagkakatuto ng pangalawang wika ay kadalasang may kinakaharap na interference mula sa kanilang unang wika. Inilalarawan ng pag-aaral na ito kung paano naisagawa ng mga mananaliksik na alamin kung anong uri ng interference ang mayroon sa pagkakatuto ng ikalawang wika. Nagsagawa ng sarbey sa iilang estudyante ng Pivet University sa Bangladesh kung anong uri ng interference ang kinakaharap nila tuwing sila ay magsasalita ng ikalawang wika. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng kuwalitatibong pamamaraan ng pagkolekta ng mga datos. Naipakita