

Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
The concept of family as a fundamental institution in our lives, highlighting its impact on personal development. It discusses various experiences and their influence on individuals, emphasizing the importance of unconditional and conjugal love, quality time, and education within the family. The text also touches upon the role of parents as the first teachers and the significance of hospitality and adherence to laws and institutions.
Typology: Study notes
1 / 3
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!


Republic of the Philippines
Region v SANGAY NG SORSOGON PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG CALAO CALAO PRIETO-DIAZ, SORSOGON
Pangalan:_______________________ Baitang:___________________ Seksyon: _______________________ Petsa: _____________________
I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang paksa tungkol sa pamilya ay isa marahil sa kagiliw-giliw na paksang pinag- uusapan. May malaking puwang sa ating isip at puso ang ating pamilya. May mga gawain o karanasan na ipinamamalas sila sa atin na maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng ating sarili tungo sa pakikipagkapuwa. Sa gawaing ito, maipamamalas mo ang mahahalagang aral na natutunan mo sa iyong pamilya na makatutulong sa iyong pag-unlad bilang isang mabuting tao.
Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensiya sa sarili. (EsP8PB- Ia-1.1)
A. Pangganyak.
Gawain1 : Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
B. Pag-aralan Mo.
Ang Pamilya Bilang Likas na Institusyon Ang pamilya ay itinuturing na pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag- iimbot, puro, at romantikong pagmamahal na kapuwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay, magtulungan sa pag-aruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak. ( Pierangelo Alejo 2004). Ito ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan ng bawat isa. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng nagpasiyang magpakasal at magsama ng habang buhay. Ito rin ang pagtugon nila sa tawag ng Diyos na magmahal at magpakatatag sa kanilang pagmamahalan bilang isang pamilya. Ang pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa (conjugal love) ay nakapagbibigay buhay dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahalan. Binibigyang halaga ang bawat kasapi nito dahil sa ugnayang dugo na siyang likas na dahilan kung bakit itinuturing ang kapamilya bilang parang sarili (another self) na may dignidad at may karapatang mahalin dahil sa pagiging tao at hindi sa kung anong mayroon siya. Dito rin ipinararanas sa iyo kung paano mahalin upang ganap mong matutuhan kung paano ang magmahal. Ito ang kauna-unahang lugar kung saan natutunan mo ang tunay na kahulugan mo bilang tao – isang tao na hindi lamang sariling kapakanan ang binibigyang halaga bagkus ay handang mag-alay ng sarili sa kapuwa. May mahalagang misyon din ang pamilya sa kanyang mga miyembro. Ang mga ito ay ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasya, at paghubog ng pananampalataya. Ang pagiging mabuting halimbawa ng mga magulang ang magsisilbing gabay ng mga anak sa kanilang pamumuhay sa hinaharap. Ang ihanda ang mga anak sa buhay panlipunan ay isang regalong hindi kalianman matutumbasan ng anumang halaga. Hindi ito mauubos at hindi mananakaw ninuman. Samantala hindi nilikha ang pamilya para sa kapakanan lamang ng mga miyembro nito. Mayroon din itong tungkuling panlipunan at pampolitikal. Isa na rito ang iba’t ibang paraan ng pagiging bukas ng tahanan sa kapwa (hospitality) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan.
C. Tandaan Mo.
Gawain 2 : Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
Mga Tanong:
1. Maliban sa inilarawang kahulugan ng pamilya sa teksto, mayroon ka bang sariling pagpapakahulugan tungkol sa pamilya?
C. Gawin Mo.
Gawain 3: Malinaw na ba sayo ang ating paksa? Ano-anong mahahalagang kaisipan ang iyong natutunan? Gamit ang mga gabay na salita sa loob ng kahon, isulat mo ang konseptong iyong natutunan sa gawain na ito.
Pagkatao (^) Paghubog Mga anak