


Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
learning activity sheet for high school students
Typology: Study notes
1 / 4
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!



Republic of the Philippines
Region v SANGAY NG SORSOGON PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG CALAO CALAO PRIETO-DIAZ, SORSOGON
Pangalan:_______________________ Baitang:___________________ Seksyon: _______________________ Petsa: _____________________
I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang pamilya na itinuturing na pinakamaliit ngunit pinakamahalagang institusyon sa lipunan ay may malaking tungkulin na dapat gampanan. Bilang munting paaralan ng buhay, ito ang siyang ugat at unang gabay ng iyong pagkatao. Dito unang naranasan ang iba’t- ibang pagpapahalaga na maaaring magamit bilang gabay sa iyong pakikipagkapuwa. Sa modyul na ito, masusuri mo naman ang kahalagahan ng pagmamahalan, pagtutulungan, at pananampalataya na umiiral sa iyong pamilya.
Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood. (EsP8PB- Ia-1.2)
III. MGA GAWAIN
A. Pangganyak.
Gawain 1.
_______________________________________________________________________________________________**
B. Pag-aralan Mo.
Ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan ay may malaking gampanin na maging modelo sa mga mahahalagang pagpapahalaga na dapat maitanim sa puso at isip ng kanilang mga anak. Sila ang salamin ng mabubuting gawain na kailangang matutunan mo bilang anak tungo sa mabuting pakikipagkapuwa. Ang mga pagpapapahalagang naitanim sa puso mo ng iyong mga magulang ang magsisilbing gabay na maging maingat at maayos ka sa pagpapasiya sa araw-araw ng iyong buhay. Ang mga
pagpapahalagang ito na kailangang malinang saiyo ng iyong pamilya ay ang pagmamahal, pagtutulungan at pananampalataya sa Diyos.
1. Pagmamahal. Sa pamilya, binibigyang-halaga ang kasapi dahil sa pagiging tao niya, hindi dahil sa kaniyang kontribusyon o magagawa sa pamilya. Ang ugnayang dugo ang likas na dahilan kung bakit itinuturing ang kapamilya bilang parang sarili (another self), may dignidad at may karapatang mahalin dahil sa pagiging tao niya at hindi sa kung anong mayroon siya (halimbawa: kapangyarihan, kagandahan, o talent). Umiiral sa pamilya ang pagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit (radical and unconditional love). Kagaya ng isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng ina ay minamahal ng kaniyang mga magulang kahit hindi pa nila nakikita ang kaniyang anyo – ang mensahe ng pagmamahal na ipinararating sa pamamagitan ng haplos, ang pag-aalaga sa kalusugan ng ina dahil alam na ito ay para rin sa kapakanan ng batang nasa sinapupunan, at ang pagtitiis sa matinding kirot bunga ng panganganak dahil alam na pagkatapos nito ay hindi maipaliwanag na kaligayahan dahil masisilayan na ang pinakahihintay – lahat ito ay dahil sa pagmamahal na hindi nakabatay sa kaanyuan, katangian, at kakayahan. 2. Pagtutulungan. Ang pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. Kilala ang mga Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Palaging handang tumulong ang mga miyembro sa oras ng pangangailangan ng bawat isa. Katulad ng ibang pagpapahalaga, itinuturo din ng magulang sa anak na mula pa nang sila ay maliliit, sinasanay na sa paghahati-hati ng mga gawaing bahay, binibigyan ng tungkulin ang mga mas nakatatandang kapatid sa kanilang nakababatang kapatid, at nagtutulungan ang bawat isa sa kanilang mga takdang-aralin. Dito makikita kung gaano kahalaga ang pagtutulungan sa pamilya. 3. Pananampalataya Ang pagsasabuhay ng bawat miyembro ng pamilya ng mga aral at kautusan ng kanilang pananampalataya ay lubhang mahalaga. Ito ang siyang magbubuklod sa kanila upang sila ay maging buo at matatag. Sabi nga sa isang kasabihan, “Ang pamilyang nagsasama-sama sa isang panalangin at pananampalataya ay manatiling magkakasama.” Marahil ito ang dahilan kung bakit marami sa atin ang mas nanaising makasama sa buhay ang may kaparehong pananampalataya. Ngunit kung minsan ay hindi nga lamang nangyayari ito sapagkat makapangyarihan ang pag-ibig. Ganunpaman anoman ang uri ng relihiyon mayroon ang bawat isa higit sa lahat ay may kinikilalang Diyos ang isang pamilya na maging sentro ng kanilang buhay.
Mga Tanong:
D. Pagtataya
Panuto: Suriin ang pamilyang kinabibilangan mo. Umiiral ba ang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya? Isulat ang iyong kasagutan sa ibaba.
Hindi kinakailangan ang susi sa pagwawasto sa sanayang papel na ito.
o EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 ( modyul para sa mga bata) o ADM ng Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Hindi kinakailangan ang susi sa pagwawasto sa sanayang papel na ito.
Inihanda ni:
SHERA RUTH E. FEOLINO Guro