



Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
modular performance task test questionnaires
Typology: Schemes and Mind Maps
1 / 6
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!




15 de Septiembre St., Barangay 2, Balingasag, Misamis Oriental
PANGALAN: ________________________________________________ MARKA:________ TAON & SEKSYON: ________________________________________
MODYUL 1: Heograpiya at Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig GURO: Bb. Karen M. Senados UNANG KWARTER PANIMULA Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog sa pag- unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao. Sa Yunit na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan. Maiisip kung paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang daana ng pagtatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang kultual na tinawag na kabihasnan. Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa ASya, Africa, at America, ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmalaki sa lahat ng panahon at nakapagbibigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pmanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa mga hamong dulot ng kapaligiran. LAYUNIN:
PANUTO: Ilarawan ang bawat larawang nakikita. Isulat sa sa loob ng ulap. SIMULAN
Ang daigdig ay ang planeta na pinaninirahan ng mga tao at ang ikaapat na pinakamaliit na planeta na may sukat na 12, 746 kilometrio ang ekwitoryal na diametro at 12, 713 kilometro na polar na diametro. Ito ay umiikot sa aksis ng 15° na anggulo kada oras o 164 kilometro kada oras at nakahilig nang 23.5 ° sa kanyang aksis. Ang malaking bahagdan ng daigdig ay binubuo ng tubig na sumasakop sa ¾ (tatlong-kapat) o 75% na kabuuan nito. Sa pag-aaral ng mga lokasyon sa daigdig ay gumagamit ng mga kathang guhit na latitude o mga linyang pahalang sa mapa o sag lobo na nagiging batayan ng pagabbago ng klima at ang longhitud na batayan ng pagbabago ng oras sa iba’t ibang panig nito. Ang ekwador ay isang kilalang linyang latitude na nasa 0° na nagahahti sa daigdig sa hilaga at timog na bahagi, habnag ang punong meridian ay ang linyang longhitud na nasa 0°. Ang Heograpiya bilang Pag-aaral ng Mundo Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng ibabaw ng mundo at ang mga proseso na hunubog dito. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na geo na ibig sabihin ay “lupa” o “mundo” at graphien na nag kahulugan naman ay “sumulat”. Samakatuwid, ang termining geographia ay literal na nangangahulugang “sumulat ukol sa lupa o mundo.” Sa praktikal na kahulugan, ang heograpiya ay ang pag-aaral ng kapaligiran, tao, at ng pinagkukunang-yaman na kanilang ginagamit. Bilang isang disiplina, ang heograpiya ay pag-aaral hinggil sa pisikal na kapaligiran ng tao at kung paanong ito ay nakaimpluwensya sa kanyang panlipunan at kultural nap ag-unlad. Diyagram 1.1 Ang saklaw ng Pag-aaral ng Heograpiya Basahin at unawain ang teksto gayon din ang diyagram tungkol sa limang tema ng heograpiya. Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na temang heograpikal sa pangunguna ng National Council for Geographic Education at ng Association of American Geographers. Layunin ng mga temang ito na gawing mas madali at simple ang
pag-aaral ng heograpiya bilang isang disiplina ng agham panlipunan. Sa tulong ng mga temang ito, mas madaling mauunawaan ng tao ang daigdig na kaniyang ginagalawan. Unawain ang kasunod na diyagram. Diyagram 1.2 – Limang Tema ng Heograpiya PANUTO: Pumili ng isang bansa na nagbibigay sayo ng pansin. Suriin ang kalagyang heograpikal ng napiling bansa. Gamitin ang Flower Chart sa pagsagot. GAWAIN 2