panahon ng panitikan, Assignments of Literary Analysis

Different periods in art history

Typology: Assignments

2019/2020

Uploaded on 05/18/2020

aninom
aninom 🇵🇭

4.3

(3)

4 documents

1 / 6

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
PANAHON
KATUTUBO KASTILA PROPAGANDA HIMAGSIKAN
ESTADO NG
PAMUMUHAY
- mayroong
sibilisasyon o
kabihasnan
- walang
panatilihang
tahanan
- Simple at
matiwasay
- nagkakaisa/
nagtutulungan
ang mga tao
- sumasamba
sa Anito
- nagkaroon ng
bahay at mga
kasangkapan
- nagkaroon ng
mga kapistahan
- nagkaroon ng
libangan tulad
ng sabong,
karera ng
kabayo at teatro
- nagkaroon ng
relihiyong
Katoliko
-nagkaroon ng
binyag
- nagsipunta
ang mga
nasa bukid sa
lungsod
upang
magtrabaho
sa pabrika
- nagkaroon
ng
hanapbuhay
na
pandaigdig
- Nagkaroon
ng
rebolusyon
- Naging
limitado ang
galaw ng
mga tao
- nagkaroon
ng
pahayagan
- naging
magulo ang
pamumuhay
ng mga tao.
TEMA O
PAKSA NG
AKDA O
PANITIKAN
- libangan
- paniniwala
- imahinasyon
- pilosopiya
-
pananampalatay
a
- kabutihang-asal
- rebolusyon
- pangwika
- makabayan
- panrelihiyon
- humihingi
ng
pagbabago o
reporma
- pag aasam
ng kalayaan
- humihingi
ng
pagbabago o
reporma
- makabayan
- pagnanais
ng kalayaan
MANUNULAT - Pedro
Bukaneg
- Francisco Lopez
- Padre Pedro de
San
Buenaventura
- Mateo Sanchez
- Padre Jose
Burgos
- Jose Rizal
- Herminigildo
Flores
- Antonio Luna
- Padre Antonio
de Borja
- Jose Rizal
- Apolinario
Mabini
- Andres
Bonifacio
- Emilio
Jacinto
- Marcelo Del
Pilar
- Pio
Valenzuela
- Pedro
Paterno
- Jose Rizal
- Andres
Bonifacio
- Pio
Valenzuela
- Emilio
Jacinto
- Apolinario
Mabini
- Jose Palma
PANITIKAN - Bugtong
(Dahong
pinagbungan,
bungang
pinagdahunan
– Pinya)
- Alamat
(Alamat ng
Nogas, Island)
- Epiko ( Biag
ni Lam-ang)
- Kasabihan (Ang
kaginhawaan ay
nasa kasiyahan
at wala sa
kasaganaan)
- Salawikain
(Anak na di
paluhain,
magulang ang
patatangisin)
- Awiting Bayan
(Atin Cu pung
- Nobela (Noli
Me Tangere)
- Sanaysay
(Filipinos
Dentro de
Cien Años
- Parodya
(Dasalan at
Tocsohan)
- Pahayagan
(La
Solidaridad)
- Tula
(Katapusang
Hibik ng
Pilipinas)
- Awit
(Liwayway)
pf3
pf4
pf5

Partial preview of the text

Download panahon ng panitikan and more Assignments Literary Analysis in PDF only on Docsity!

PANAHON

KATUTUBO KASTILA PROPAGANDA HIMAGSIKAN

ESTADO NG

PAMUMUHAY

  • mayroong sibilisasyon o kabihasnan
  • walang panatilihang tahanan
  • Simple at matiwasay
  • nagkakaisa/ nagtutulungan ang mga tao
  • sumasamba sa Anito
    • nagkaroon ng bahay at mga kasangkapan
    • nagkaroon ng mga kapistahan
    • nagkaroon ng libangan tulad ng sabong, karera ng kabayo at teatro
    • nagkaroon ng relihiyong Katoliko -nagkaroon ng binyag
      • nagsipunta ang mga nasa bukid sa lungsod upang magtrabaho sa pabrika
      • nagkaroon ng hanapbuhay na pandaigdig
        • Nagkaroon ng rebolusyon
        • Naging limitado ang galaw ng mga tao
        • nagkaroon ng pahayagan
        • naging magulo ang pamumuhay ng mga tao. TEMA O PAKSA NG AKDA O PANITIKAN
  • libangan
  • paniniwala
  • imahinasyon
  • pilosopiya

pananampalatay a

  • kabutihang-asal
  • rebolusyon
  • pangwika
    • makabayan
    • panrelihiyon
    • humihingi ng pagbabago o reporma
    • pag aasam ng kalayaan
      • humihingi ng pagbabago o reporma
      • makabayan
      • pagnanais ng kalayaan MANUNULAT - Pedro Bukaneg
  • Francisco Lopez
  • Padre Pedro de San Buenaventura
  • Mateo Sanchez
  • Padre Jose Burgos
  • Jose Rizal
  • Herminigildo Flores
  • Antonio Luna
  • Padre Antonio de Borja
  • Jose Rizal
  • Apolinario Mabini
  • Andres Bonifacio
  • Emilio Jacinto
  • Marcelo Del Pilar
  • Pio Valenzuela
  • Pedro Paterno
  • Jose Rizal
  • Andres Bonifacio
  • Pio Valenzuela
  • Emilio Jacinto
  • Apolinario Mabini
  • Jose Palma PANITIKAN - Bugtong (Dahong pinagbungan, bungang pinagdahunan
  • Pinya)
  • Alamat (Alamat ng Nogas, Island)
  • Epiko ( Biag ni Lam-ang)
  • Kasabihan (Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan)
  • Salawikain (Anak na di paluhain, magulang ang patatangisin)
  • Awiting Bayan (Atin Cu pung
  • Nobela (Noli Me Tangere)
  • Sanaysay (Filipinos Dentro de Cien Años
  • Parodya (Dasalan at Tocsohan)
  • Pahayagan (La Solidaridad)
  • Tula (Katapusang Hibik ng Pilipinas)
  • Awit (Liwayway)

Singsing) PANAHON NG KATUTUBO I. PAMAGAT. Biag ni Lam-ang Ni Pedro Bukaneg II. PAGKILALA SA MAY AKDA. Si Pedro Bukaneg ay isang bulag, naisulat ang epiko sa pamamagitan ng pagsalaysay niya habang may sumusulat. Isinalaysay niya ito para maipakita na kahit bulag siya ay may malawak siyang kaisipan. III. URI NG PANITIKAN. Epiko IV. BUOD. Si Lam-ang ay anak nina Don Juan Panganiban at Namongan na nakatira sa Nalbuan, La Union. Malapit ng ipanganak si Lam-ang nang magtungo si Don Juan sa bundok upang parusahan ang isang grupo ng mga Igorot. Namangha si Namongan nanng ipanganak na niya si Lam-ang. Ang bata ay may kakatuwang laki at matunong nang magsalita. Siya na ang pumili sa pangalan niya at pati na ang kanyang ninong. Siyam na buwan pa lamang si Lam-ang ay isa nang ganap na binnata. Pinuntahan niya ang bundok na pinatunguhan ng kanyang ama at nakita niya ang pugot na ulo nito na sinasaywan ng mga Igorot. Sa matinding poot, pinatay ni Lam-ang ang mga Igorot. Nagbalik siya sa Nalbuan at pinaliguan siya nga mga babae sa ilog Amburayan. Sa kapal ng kanyang libag, nangamatay ang mga isda sa ilog. Niligawan ni Lam-ang si Ines Cannoyan. Isinama niya sa pagligaw ang kaibigang manok na tandang at aso. Naksalubong ni Lam-ang sa pagtungo sa Kinalutian si Sumarang na isang manliligaw ni Ines. Nakaaway ito ni Lam-ang at sa paglalaban nila'y naihagis ito ni Lam-ang sa ikapitong bundok. Sa tulong ng mga alagang tandang at aso, nakamit ni Lam-ang ang pag -ibig ni Ines. Sa paglipas ng panahon, nautusan ni Lam-ang ng Apo ng bayan na siyang humuli ng rarang, isang isdang hindi pangkaraniwan. Atubuli si Lam-ang sapagkag napanaginipan niyang siya ay mapapatay ng berkakan sa kanyang paghuli sa rarang. Ipinagtapat niya ito kay Ines. Nakain si Lam-ang ng isang berkakan nang hinuli niya ang isdang rarang. Ipinasisid ni Ines kay Marcos na maninisid ang mga buto ni Lam-ang ayon sa payo ng alaga nitong hayop. Sa tulong ng alagang manok at aso, muling nabuhay si Lam- ang at namuhay sila nang payapa at maligaya ni Ines. V. LAYUNIN NG AKDA. Layunin ng may akda na ipakita ang pagiging malikhain ng mga Pilipino pagdating sa anumang panitikan. VI. PAKSA. Pilosopiya

ring ipahiwatig na dapat maging malikhain at huwag hahayaan na mangibabaw ang galit para maisakatuparan ang paghihiganti. Gayundin din ang mahalin ang mga magulang at gawin ang desisyon na nararapat. VI. PAKSA. Pangkagandahang-asal VII. BISA. Ang La Loba Negra ay may nagpapabago ng damdamin. Kapag ito ay iyong binabasa makakaramdam ka ng poot at hinanakit sa mga taong walang ginawa kundi ang sundin lamang ang kanilang gusto ng walang iniisip na may nasasaktan o nadadamay. Pagiging balisa sa mga mangyayari at pagkaawa sa mga taong nasaktan ng walang dahilan, hinahanap ang kasiyahan sa ibang pamamaraan at nilalabanan ang kalupitan. VIII. MENSAHE. Bilang isa sa kilalang akda ni Padre Jose Burgos, ang mensahe ng nobela ay dapat nating timbangin at pag isipang mabuti ang bawat kilos o gagawin natin. Kung ito ba ay makakabuti sa atin o makakasama lamang. Ang paghihiganti ay hindi isang tama para itama ang mali o solusyon. Bagkus mas lalo lamang itong magbibigay ng hinanakit sa bawat tao. IX. KAUGNAYAN NITO SA NANGYAYARI SA KASALUKUYAN. Kung titingnan natin ang pandemyang COVID-19, hindi ito isang natural na sakit. Noong una itong kumalat, sinasabaing nanggaling sa hayop na paniki, pero ang totoo’y isa itong human-made na virus upang maisakatuparan ng mga tao sa likod nito ang kanilang balak na “silent war”. Isa itong La Loba Negra na pumapatay ng walang kalaban-laban at nandadamay ng mga inosente makamit lang ang kanilang gustong mangyari. Kung ang virus ay talagang nanggaling sa paniki, matagal ng natapos ang problema ng bawat bansa sa sakit na ito. PANAHON NG PROPAGANDA I. PAMAGAT. Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Ni Andres Bonifacio II. PAGKILALA SA MAY AKDA. Pagmamahal sa kinamulatang lupa ang nag udyok kay Andres Bonifacio na isulat ang akda gayundin ang paghahangad niya ng kalayaan. Pati na rin ang hinaing ng mga tao na kanyang naririnig sa panahon ng isulat niya ito. III. URI NG PANITIKAN. Tula IV. LAYUNIN NG AKDA. Layunin ni Andres BOnifacio na himukin o hikayatin ang mga Pilipino na maging Maka-bayan. V. PAKSA. Makabayan VI. BISA. Binabago ang paniniwala ng bawat tao ukol sa buhay, kaligiran at pakikipag-kapwa.

VII. MENSAHE. Ang gustong ipabatid ni Andres Bonifacio dito ay hindi lamang naka pokus sa konsepto ng pag- ibig ng magkakaibigan, magkasintahan, mag-asawa at mag-anak, kundi ang walang katulad na pagmamahal sa bayan dahil katumbas nito ang pambihirang pagsasakripisyo. Ang mensahe nito ay pagiging matapat, makatarungan at dakila. Ang baying ating kinamulatan ay katulad ng isang mapagkalingang ina na nagbibigay ginhawa at nagsasakripisyo para sa kanyang mga anak. Ayon kay Bonifacio, kapag ang ina ay nasa panganib o dinugisan ang puri at dangal, wala ng iba pang dapat gawin kundi ang maghimagsik, maibalik lamang ang kaginhawaan nito sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng kanyang mga anak. VIII. KAUGNAYAN NITO SA NANGYAYARI SA KASALUKUYAN. Sa kasalukuyan, mayroon tayong kinakaharap na pandemya dahil sa COVID-19, ibig sabihin ang Pilipinas (ang ating inang bayan) ay nasa panganib, hindi sa pananalakay o pananakop ng mga rebelde kundi dahil sa sakit na kumakalat bawat sulok ng bansa. Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay nagpapahiwatig na dapat tayong magkaisa para sa ating inang bayan, magtulong-tulong katulad na lamang ng pagsunod sa ating gobyerno (manatili sa bahay dahil malaki itong tulong) at sa mga eksperto na magkaisa din, mayroon mang opurtunidad sa ibang bansa dapat muna nilang unahin ang kanilang kinamulatang lupa para maibalik ang kapayapaan at maibalik sa dating normal ang lahat. PANAHON NG HIMAGSIKAN I. PAMAGAT. Mi Ultimo Adios ( Huling Paalam) Ni Dr. Jose P. Rizal II. PAGKILALA SA MAY AKDA. Angnag-udyok kay Rizal na isulat ang Huling Paalam ay ang kanyang pagmamahl sa kanyang maiiwan sa buhay at pag aalala sa mangyayari sa kanya buhat ng naitakdang barilin siya. Bilang pagpapahiwatig ng kanyang kapalaran at kagustuhan isinulat niya ang tula. III. URI NG PANITIKAN. Tula IV. PAKSA. Makabayan, Pilosopiya V. LAYUNIN NG MAY AKDA. Sinulat ang tula upang ipahiwatig ang pamamaalan at paghahabilin sa maiiwan. Hinihikayat ni Rizal na anuman ang mangyari kung siya ay mamatay ay hayaan na lamang sapagkat ito ay kanyang ikinararangal na ialay ang buhay para sa bayan kahit na may pananabik at pag-asang pananalig. VI. BISA. Kung sino man ang makakabasa nito ay makakaramdam ng samu’t saring damdamin. Mapapaisip ng mga bagay-bagay katulad ng huwag ipapa-alipin ang sarili sa sinuman, siguraduhing ang buhay ay masaya kahit maraming problema at huwag magtanim ng galit sa kapwa dahil kailanman man di maitatama ang mali ng isa pang mali. VII. MENSAHE. Ang akda ni Rizal na Huling Paalam ay nagbibigay mensahe na maging makabayan, mahalin natin ang sariling atin, maging may alam sa paggawa ng desisyon sa buhay na maipagmamalaki at maging masunurin sa pamilya natin.