









Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
la lang baket ba wala kayong pake
Typology: Slides
1 / 15
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!










Ipinasa kay: Bb. Mayluck Malaga Ipinasa nina: Michael Angelo F. Azada Mayrabel Cris G. GAlindez Jeselle P. Guardiano BSME I- I. TUNGKOL SA NOBELA/ AKDA
Kwento ito ni Raymundo Mojica a.k.a Mong. Isa siyang dating horoscope writer sa isang tabloid at hindi nagtagal naging isang reporter sa isang kilalang network. Babalik sana siya sa Brgy. Magapok para tuparin ang hiling ng kanyang ina na ilagay ang picture frame sa altar ng simbahan at isaboy ang abo nito sa kapatagan ng nasabing lugar sa araw kung saan ipagdiriwang ang pista ng patron ng Sta. Barbara. And all hell breaks loose nang magsimula ang tatlong araw na pista sa kanilang lugar. Isa-isang nawala ang mga tao at hayop sa lugar, kinakain ng lupa ang mga naninirahan doon at iba’t iba pang weirdong mga bagay na mahirap ipaliwanag. B. IMPORMASYON TUNGKOL SA TITULO NG NOBELA/ AKDA Kaya pinamagatan itong “Tatlong Araw Tatlong Gabi” dahil ito ang bilang ng araw ng pista ng Brgy. Magapok at sa tatlong araw at tatlong gabing pamamalagi ni Mong, ay mararanasan niya ang kakaibang takot at mga kababalahaghang mangyayari sa lugar habang siya ay namamalagi sa nasabing lugar. Nagpapatunay dito ang linya sa libro sa pahina apat na pu’t anim (46) Sa halos limang taon ni Mong at nanay niya sa Sta. Barbara de Bendita, hindi pwdeng hindi sila titigil ng tatlong araw tatlong gabi sa Magapok.” Hindi biglaang pananakot ang hatid ng “Tatlong Gabi, Tatlong Araw.” Hindi ito tulad ng mga tipikal na kuwentong kababalaghan na patatalunin ang mambabasa sa panandaliang pagkakagitla na saglit na pananakot lamang din ang itinatagal. Pangmatagalang pagkabagabag at pagkalito ang hatid ng nobela ni Atalia. Ito ay isang kuwento ng mga tao sa maliit na bayan ng Magapok at ng isang mamamahayag nagbalik upang muling kilalanin ang kaniyang iniwang tahanan. II. TUNGKOL SA AUTHOR Si Eros S. Atalia ay isang kontemporaryong manunulat na kilala sa kanyang mga akda gaya ng “Ligo na U, Lapit na Me,” “Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako,” “Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)," at iba pa.
Ngunit nagpatuloy si Mong sa paglalakbay sa pamamagitan ng habal-habal – isang malaking motor. Naabutan sila ng malakas na ulan na nagpahirap sa piloto sa biyahe lalo na sa kondisyon ng daang binabaybay nila. Kahit hindi tumila ang ulan, nakarating sila sa Barangay. Sinalubong agad sila ng Kapitan (Kap. Lito) at dalawang tanod (sina Dencio at Dentor). At pagkapasok na pagkapasok sa Brgy. Hall ay nagsimula na ang inuman at mahaba habang kwentuhan. Kabanata 2 (Unang Gabi) Nagpalipas siya ng gabi sa Brgy. Hall. Nagkaroon sila ng inuman kasama ang ibang kababata at agng kapitan. Dun napag-usapan nila ang istorya ng tatlong Malakat. Yung una ay ang Malakat Busbos. Ugali nitong pumunta ng lamay, at kapag wala ng taong nagbabantay sa patay ay saka palamang nito papalitan ng katawan ng puno ng saging ang biktima gamit ang kanyang ritwal. Pag nalibing na ang banagkay ay saka palamang malalaman na puno na napala ng saging ang kanilang pinaglamayan. Ikalawa ang malakat habhab. Panorito nitong biktimahin ang naghihingalo. At ang pangatlo ay ang Malakat Wakwak na kumakain ng puso at atay ng tao. Sariwa pa kay Mong ang paraan ng inuman doon at iba pang tradisyong nakagawian sa Brgy. Magapok. Natapos ang inuman nang malakas parin ang ulan. Kabanata 3 (Unang Araw) Nagising siya sa liwanag mula sa bukas na bintana, nakita nya ang mga tao na abalang abala sa kanya kanya nilang trabaho. Hindi niya alam kung kanino siya tutulong kaya bumalik na lamang siya sa Brgy. Hall at doon ay nag-usap sila ng kapitan. Napagusapan nila ang kakaibang ingay na galling sa minahan sa karatig barangay. Hindi napansin ni Mong na tinatawag na pala siya ni Tata Berong upang yayaing uminom. Napag-usapan nila ang mga programs na gaganapin sa Brgy. Magapok, Unang araw ay palaro, ang pangalawang araw ay kasakol at ang pangatlo ay ang pinakang kapistahan ng Brgy. Magapok. Kabanata 4 (Walang Lumilipad sa Magapok) Ikwinento ng mga taga-Magapok ang sitwasyon ng barangay noong pumutok ang Pangalawang Digamaan Pandaigdig. Kung paano madadala sa Poblacion ang mga kalakal, eskwelahan, klinika at kapilya. Ibinida ni Tata Kune na malakas ang benta ng palay. Habang nag-uusap, kinuhanan niya ang paligid at napuna ni Mong na walang lumilipad na ibon, paru-paro at tutubi di katulad ng kinagisnan niya.
Kabanata 5 (May Gumagapang sa Magapok) Nakausap niya si Lumen na kababata niya at ang lola nitong si Nana Etang. Napag- usapan nila kung paano sila nagkakilala noong bata pa sila at sinabi ni Mong na ang unang akda niya sa tabloid, kung saan siya nagtrabaho, ay ipinangalan niya kay Lumen. Muling hinangin ng malakas, mabilis ang kilos ni Mong. Pagkakain, nagpaalam at nagpasalamat ang lahat. Umugong ang hangin. Gumapang ang lamig. Kabanata 6 (Hanapin sa Bituin) Nahirapan si Mong sa paghahanap ng trabaho sa gaya nyang nagtapos sa Malikhaing Pagsulat dahil sa iba ang itinurong displna sa kanila ng eskwelahan pero naging madali sa kanya ang buhay ng isang estudyante dahil kahit na anong ipagawa sa kanya ng kanyang propesor ay kanya namang ginagawa. Nakatapos siya kahit na pakiramdam niya ay walang ibang nagbabasa ng mga sinusulat niya kundi ang kanyang propesor at mga kaklaseng instant kritiko. Lumipas ang panahon, at masuwerte siyang sa loob ng apat na buwan ay nakakuha siya agad ng trabaho, hindi katulad ng mga kabatch niyang pinakyaw na lahat ng workshop at pagsali sa lahat ng literary contest. Nag-aplay siya bilang isang proofreader sa isang tabloid at agad naman siyang nakuha. Naging kasa-kasama siya ng kanyang boss sa lahat ng oras lalo na kung pupunta sila sa mga KTV bar, na madalas puntahan ng mga opisyal sa gobyerno, mayayamang tao at iba pa, para maginuman. Kapag nakatatlo na ang boss na ay paniguradong siya na ang magbubuhat dito at magmamaneho dito pauwi. Naatasan siyang gumawa ng horoscope. Tumanggi siya noong una dahil sa hindi niya alam kung paano isusulat ang isang horoscope pero sa huli’t huli ay napilit siya ng kanyang boss at dito na nagsimula ang kanyang buhay, nagsusulat para kumita. Natutuhan din niya ang mga ilalagay at dapat hindi ilagay. Sa loob ng dalawang buwan iyon na ang naging trabaho ni Mong. Ang isulat ang kapalaran ng mga tao. Ginamit niya ang Madam Luna Lumena bilang sagisag-panulat at ang naging panagalan ng column niya para sa horoscope ay “Hanapin sa Bituin”. Tinitigan niya ulit ng malapit at malayo ang kanyang sinulat at habanag tinititigan ay nakaramdam siya ng kakaibang saya.
nila si Berto at nakita ang kamay na nakakakapit kay Berto. Mapusyaw at maputi. Parang bang kamay ng maniking kupas. PAgkatapos ng pangyayari sa latian ay dumiretso na ang lahat sa barangay hall para mananghalian. Habang nanananghalian ay pinagtatalunan nila kung sino o ano ang humila kay Berto. May nagsasabing baka rebelde ito o baka naman bandido pero may biglang lumitaw sa gitna ng maraming tao at ito ay si Nana Etang at sinabing baka Malakat ang humila kay Berto. Habang Nagkakagulo naman ang lahat ay nag-usap si Lumen at Mong tungkol sa utnag ni Lumen kay Mong noong bata pa sila. Habang nag-uusap ay biglang nag-flash sa alaala ni Mon gang mga babaeng dumaan sa kanyang buhay at ang mga aral ata pangyayari sa tabloid na kanyang pinagtratrabahuan. Hindi naman natinag ang Kapitan sa mga nangyari sa latian at pinagpatuloy pa rin ang pista. Malolowbat na ang cellphone ni Mong kaya’t sinamahan siya ni Dencio sa Brgy. Hall at habang naglalakad ay naaninagan niya si Dex at Val sa gitna ng maraming tao, at ng madaanan na ang dalawa ay para na lamang silang bula na biglaang naglaho. Sinabi na lamang niya sa sarili nab aka namamalikmata lamang siya. Kabanta 9 (Hindi Nagsisinungaling ang Camera) Hinahanap ng kapitan si Tata Berong para sa gaganaping palaro ng agawan buko para sa mga bata. Tradisyon na kasi sa Brgy. Magapok na si Tata Berong o kahit na sinong panauhing pandangal ang magbabaon ng barya sa buko at magpapagulong sa tae ng kalabaw o baka. Pinahanap ng kapitan kala Dencio at Berto si Tata Berong at di pinasama si Mong dahil sa gusting kausapin ng Kapitan si Mong at alam nitong abala ito sa pag-aanatay ng breaking news sa T.V. Pinaupo na ng Kapitan si Mong para manuod na ulit ng T.V. Kumuha na lamang siya ng upuang kahoy para kausapin ito. Tinanong ng Kapitan kung ano nga talaga ag nakita ni Mong sa videong kanyang nakuha. Kinuha nya ang nagchacharge na spare battery ng camera at isinalpak agad ito. Gumana naman kahit isang bar palang ang karga ng baterya. Pinakita niya sa kapitan ang video at dito nila nadiskubre na isang military ang humila kay Berto sa latian dahil sa tatong nakalagay sa braso ng humila kay Berto. Dumating ang sina Dencio at Berto na hindi nahahanap si Tata Berong kaya umalis muna ito para
ayusin ang lahat. Napagisip-isip nya na ano kaya ang interes ng mga ito sa bayan ng Magapok. Samantala, pumunta na siya sa palaro ng agawan buko at si Mong ang naatasan magpasinaya sa laro. At ilang sandal ay nakita nanaman niya ang mga kasamahan sa paligid ng maraming tao at bigla ulit itong nawala. Hindi na bumalik ang resepsyon ng T.V. kaya piñata na lang ito. Hapon na ng matapos ang agawan buko at naghanda na ang lahat para sa sagala at programang gaganapin mamaya para sa mga bakla. Nirebyu niya ulit ang video nakuha kanina at naalala niya ang sinabi ni Carmen na “Hindi nagsisinungalong ang Camera”. Mula video mode ay inilgay niya sa photo mode at sinipat sa labas ng Magapok. Sa papaunting tao, natamaan ng lente si Lumen, nakikipaglaro sa mga bata, at napansin nya ang natural at simpleng kagandahan ni Lumen at nasabi nya sa sarili na “Hindi nagsisinungaling ang Camera”. Kabanata 10 (Malas) Ilang araw na si Mong sa Barangay ng Magapok pero hindi parin nito nagagwa ang bilin ng kanyang Ina na mailagay an kwadro nito sa kapilya at maisaboy ang abo ng kanyang ina sa Brgy ng Magapok. Tinignan muli ni Mon gang rehistro ng mukha ni Lumen sa kanyang camera, at isa isa niyang tinitigan at inilarawan ang pisikal na anyo ni Lumen mula ulo hanggang paa. Nabigla siya ng maktang matagal na palang nakatitig sa kanya ang kapitan at biglang inalaska dahil sa matagal na pagtitig nito sa mukha ni Lumen. NAgumpisa na ang sagala at pacontest para sa mga bakla, parang VIP ang mga ito dahil may mga escort na tanod habang naglalakad. Tanging flashlight at kandila lamang ang pumapawi ng dilim para makita nila ang kanilang daraanan. Pagkatapos ng prosisyon ay dumeritso na sila sa kapilya, nauna na ang bakla sa pag- aalay ng bulalaklak sa patron at sumunod na ang nakisama sa prosiyon na nag-alay ng mga prutas at gulay. Pagkatapos ng pag-aalay ay naghapunan muna ang lahat bago ganapin ang pacontest sa mga bakla. Makalaipas ang ilang sandal, may mesa na sa harap ng stage at tumayong judge sila Lumen, Mong at Kapitan. Sumakit ang tiyan nila kakatawa sa mga kakaibang talent na ipinakita ng mga bakla, May nagpakitang di totoo ang kasabihang “Ang pusa ay may siyam na buhay” at meron di namang nagpabugbog para lang mairaos ang talent.
Iniabot ng matanda ang kanag kamay nitong may rosaryo sa hukay. Lumubog ang kamay at muling sumilip ang liwanag sa butas. Nang walang anu-anoy sa bugso ng damdamin ng kapitan ay naibato nito ang granda sa butas. Sinenyasan na umalis ang lahat. Yumanig ang lupa na naggaling sa ilalim. Kabanat 12 (Ikalawang Gabi) Walang makaimik sa mga nangyari, humhithit ng sigarilyo ang Kapitan. Kumpleto lahat ng opisyales ng barangay sa hall. Lahat ay pagod sa paghahanap ng mga nawawala pero wala pa ring natutulog sa mga oras nay un dahil nga baka mamaya isa na sakanila ang lamunin ng lupa. Habang sinisilip ni Mong ang cellphone na wala paring signal at di pa rin nakaksend hanggang ngyaon ay nirebyu ulit ni Mon gang video. Alam nya sa sarili niya na may paliwanang sa mga nangyayari pero hindi pa sya sigurado ditto. Kinuha niya ang spare battery para icharge at nakapa niya ang picture frame at naalala nya bigla ang nanay nya, ag pagtatalo ulit nila sa pag-alis nila sa Brgy. Magapok. Nagtatalo parin ang lahat kung ano ang dahilan ng mga nangyayari. Ang sabi ng isa ay rebelde daw, ang isa naman ay bandido at ang isa naman ay malakat. Pero silang lahat ay di sigurado kung ano o sino talaga ang gumagawa nito. Pinaronda muna ng Kapitan ang mga tanod para makapag-usap sila ni Mong. Napag- usapan nila baka mga militar ang mga may gawa nito dahil nga sa ilang clues na kanilang nakita, at sa palagay ni Mong sila ang pwede makagawa ng mga underground tunnel dahil sila lang ang may sapat na kagamitan. At ang sinabi niyang dahilan kung bakit nangyayyari ito ay baka may nalamang o nakitang nakatagong yaman sa ilalim ng Magapok. Patuloy parin sa pagroronda ang lahat kahit na pasilip na ang araw. Pumunta muna si Mong sa entablado sumingit na siya sa mga nangyayari at sinabe sa mga tao na sasagit siya sa Kapitolyo para iparebyu sa kanyang unit ang mga videong kanyang nakalap para malaman na kung sin talaga ang may sala sa mga nangyayari sa Magapok. Napasigaw na lamang si Nana Etang na “Sabi ko na nga ba at si Mong ang magpappakilala sa Magapok.” Kabanat 13 (Ikalawang Araw) May pamilyar na huni ng ibon siyang naririnig pero hindi niya alam kung ano ibon ito. Inilagay niya sa videomode ang kanyang camera at sinipat kung anong ibon ang nasa
likod ng mga bakawan. Zinoom in niya, Zoom in pa, at Zinoom in pa niya ult pero wala siyang nakita. Tinawag siya ni umen mula sa ikod at biglang umiyak at humangos sa kanyang dibdib. Umiiyak. Ramdam niya ang pinagsamang laway,sipon at luha na binasa ang bandang balikat ng kanyang damit. Sinabe ni Mong na hindi naman siya kinain ng lupa kung kaya’t bakit ito umiiyak, sinabe na lamang ni Lumen ang pakay nito na pinapatawag siya ni Nana Etnag dahil may ibibigay ito bago sya pumuntang kapitolyo. Tinawag niya si Filomena na papaalis na at sinipatan ng camera at nakita nito ang natural na kagandahan ng dalaga. Inaasahan niya na muling yayakap si Lumen pero inunahan na niya at nang walang anu-anoy hinalikan niya si Lumen. Ibinagay na ni Nana Etang ang kwerdas na ibibigay noya kay Mong at binasahan muna niya ng rtwal ang binata at pinainom ng pinakuluang kung ano-anong dahon. Papaalis na si Mong ng biglang sumigaw si Tameng. Nagulatang ang lahat na lahat ng mga nagnakaw ng tulog ay namatay na. Isang kababalaghan na gumulantang sa bayan ng Magapok. Lahat ng natulog, babae o lalaki, bkala o tomboy, matanda o bata ay namatay. Ang iba nga ay nasa iba’t ibang posisyon pa. May nakadapa, may yakap, nakamake-up at kung ano-ano pang posisyon. Hindi na nila alam kung ano ang gagawin. Napag-isipan na lamang ng Kapitan na sumama kay Mong para malaman ang totoong nangyayari. Kabanata 14 (Patay na Oras) Plinani na ni Mon gang rutang taahakin pagdating sa Rio de Gracio. Alam nyang kapag tinawagan nya ang kanyang desk na si Carmen ay agd siyang papagalitan nito. Habng inihahanda na ang habal-habal ay napatingin sya sa kapatagan ng Brgy. Magapok dahil hindi niya alam kung para sa Brgy Magapok nga ba ang gagawin niya o para sa sarili. Si Kapitan, Nana Etang at Lumen lamang ang ilan sa mga hindi namatayan kung kaya’t sila ang nag-asikaso ng mga kabarangay. Gusto na nilang iwanan ang Barangay dahil sa mdami nang kababalaghan ang nagyayari dito ero hindi nila ito maiwan hanggat hindi nabibigyan ng maayos na libing ang mga kaanak nila. Hindi man payag ang lahat pero napagdesisyunan nilang sunugin na lamng ang mga bangkay kaya’t isa isang inilabas ng mga taga-Magapok ang mga bangkay sa bawat bahay. Inihanay nila ang mga bangkay sa harapan ng Barangay Hall. Nilagyan nila ng mga sawili at sanga ang mga bangkay para agad masunog kung paliliyabin na. Nang
Hindi pinapakitang umiiyak, hinulaan ni Mon gang kapalaran ni Lumena at habang binabasa ang mga kapalarang nakaukit sa palad ni Lumen ay lumulutang ang halahak ng dalawa sa tahimik at unit-unting dumidilim na kapatagan ng Magapok. Kabanata 16 (Ikatlong Araw) Hindi na nakuhang bumangon pa ng Sta. Barbara de bendita Brgy. Magapok nang matabunan sila ng mga gumulong na bato at putik na dahil na rin san Super Typhoon Ador. Nagkaroon na rin ng retrieval operations para sa mga nasawi sa Brgy. Magapok. May mga babae, lalaki, baka, kalabaw at kung ano-ano pang hayop. Hindi parin alam ngayon ang dahilan ng mga kababalaghan at trahedya sa Brgy. Magapok kaya nagsagawa ang Presidente ng imbestigasyon tungkol dito. Sinisisi nila ang illegal logging, global warming at kung ano ano pang illegal activities kung kaya’t nagyari ito sa Magapok pero wala paring patunay kung ano talaga ang tunay na dahilan. B. PAGSUSURI SA WIKA/LENGGAWAHE/TONO/MENSAHE Ang wikang ginamit sa nobela ni Atalia ay modern, madaling intindihin dahil sa halo ang ingles at tagalong pero nagingibabaw pa rin ang tagalong. Karaniwan lamang ang lenggwaheng ginamit ditto, ang mga linya at konbersasyon ng mga tauhan ay parang pang-araw araw pag-uusap lamang. Ang persona ng nobelang ito ay Third person o Observer dahil sa hindi naman si Mon gang nagkwekwento kundi parang isang taong nagoobserba sa kanilang mga ginagawa. Ang mensahe ng nobela, base sa libro pahina 169 “Mas mabuting mamatay sa paghahabol ng gusto mo kaysa mamatay sa kakaiwas ng ayaw mo.” C. PAGSUSURI SA MGA TAUHAN Raymundo “Mong” Mojica – isang journalist nagsimula bilang horoscope writer at naging sikat sa paggawa ng documentary. Pumuntang Brgy. Magapok dahil sa kahilingan ng ina at dahil din sa trabaho. Filomena o Lumen – Apo ni Nana Etang. Kababata at iniibig ni Mong.
Kapitan Joselito Santos o Kapitan Lito – kapitan ng Brgy. Magapok. Matangkad, matikas ang katawan at may puti at kulot na buhok. Nana Etang – Sikat na alobularya at manggamot sa Brgy. Magapok. Lola ni Lumen. Berto – ang piloto ng habal-habal na naghatid kay Mong paputang Magapok.Hindi tubong Magapok , nakapag-asawa lang ng taga-Magapok kaya doon na nanuluyan. Dencio – Isa sa mga tanod ng Brgy. Magapok. Payat, luwa ang mga mata, luboog ang panga. Pero may mahaba at alon-along buhok, mahaba ang kilay at matangkad (5’11”) Dentor – Isa ring tanod. Maliit pero bato-bato ang katawan pero maliliit ang biyas at daliri pero mabibilog. Tata Berong – Pinakamatanda na nagkwento at nagkwento kay Mong tungkol sa mga Malakat. Boss JM – Boss ni Mong sa pinagtratrabuhang tabloid. Naging katuwang niya habang siya ay nagtratrabaho. D. PAGSUSURI SA SALITANG GINAMIT E. PAG-UUGNAY SA AKDA AT SA IBA PANG AKDA O URI NG PANITIKAN Base nga sa impormasyon ng akda ay hindi biglaang pananakot ang hatid ng “Tatlong Gabi, Tatlong Araw.” Hindi ito tulad ng mga tipikal na kuwentong kababalaghan na patatalunin ang mambabasa sa panandaliang pagkakagitla na saglit na pananakot lamang din ang itinatagal. Pangmatagalang pagkabagabag at pagkalito ang hatid ng nobela ni Atalia. Ito ay isang kuwento ng mga tao sa maliit na bayan ng Magapok at ng isang mamamahayag nagbalik upang muling kilalanin ang kaniyang iniwang tahanan.