prayer..........................., Schemes and Mind Maps of English

prayer...........................................

Typology: Schemes and Mind Maps

2022/2023

Uploaded on 06/13/2023

myla-alulod
myla-alulod 🇵🇭

3 documents

1 / 3

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
regie/lcm/panalangin ng bayan
PANALANGIN NG BAYAN
(Hunyo 11,2023)
Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang
Katawan at Dugo ng Panginoon
P. Hilingin natin sa Diyos Ama, sa pamamagitan
ng kanyang Anak na si Hesus na pawiin ang
ating pagkagutom at busugin tayo ng kanyang
pagpapala at biyaya. Ating idalangin:
T. PANGINOON, DINGGIN MO KAMI.
1. Mamuhay nawa nang may katapatan sa
Eukaristiya ang mga pinuno ng Simbahan
upang ang dakilang pagsasalong ito ay tunay
na maging sagisag ng aming pananalig kay
Kristong Anak mo at paglilingkod sa aming
kapwa. Manalangin tayo: (T)
2. Maranasan nawa ng mga pinuno ng aming
pamayanan ang nakakapagpanibagong
kapangyarihan ng Eukaristiya at hayaan itong
ipagbuklod kami sa kultura ng kapayapaan,
pagkakaisa, at pagbabago. Manalangin tayo:
(T)
3. Huwag nawa naming hangarin ang mga
panandaliang bagay na nakapapawi sa
pagkagutom at pagkauhaw. Amin nawang
hanapin ang pagkaing maghahatid sa buhay
pf3

Partial preview of the text

Download prayer........................... and more Schemes and Mind Maps English in PDF only on Docsity!

PANALANGIN NG BAYAN

(Hunyo 11,2023)

Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang

Katawan at Dugo ng Panginoon

P. Hilingin natin sa Diyos Ama, sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesus na pawiin ang ating pagkagutom at busugin tayo ng kanyang pagpapala at biyaya. Ating idalangin: T. PANGINOON, DINGGIN MO KAMI.

  1. Mamuhay nawa nang may katapatan sa Eukaristiya ang mga pinuno ng Simbahan upang ang dakilang pagsasalong ito ay tunay na maging sagisag ng aming pananalig kay Kristong Anak mo at paglilingkod sa aming kapwa. Manalangin tayo: (T)
  2. Maranasan nawa ng mga pinuno ng aming pamayanan ang nakakapagpanibagong kapangyarihan ng Eukaristiya at hayaan itong ipagbuklod kami sa kultura ng kapayapaan, pagkakaisa, at pagbabago. Manalangin tayo: (T)
  3. Huwag nawa naming hangarin ang mga panandaliang bagay na nakapapawi sa pagkagutom at pagkauhaw. Amin nawang hanapin ang pagkaing maghahatid sa buhay

PANALANGIN NG BAYAN

(Hunyo 11,2023)

Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang

Katawan at Dugo ng Panginoon

na walang hanggan—ang Katawan ni Kristo. Manalangin tayo: (T)

4. Magdulot nawa ng pag-mamahalan, pag-

uunawaan, pagkakaisa, at kaligayahan ang

aming pagsasalo sa Eukaristiya na tunay

ngang sumasalamin sa dakilang piging sa

kalangitan. Manalangin tayo: (T)

5. Maging ganap nawa ang kagalakan ng mga

kapatid naming yumao sa piling mo, O

Diyos naming Ama. Manalangin tayo: (T)

6. Para sa lahat ng mga nagpamisa upang

tanggapin nila ang mga kinakailangan

nilang mga biyaya at pagpapala.

Manalangin tayo. (T)

P. Diyos naming nagkatawang-tao, pakinggan

mo ang aming dalangin. Maging lakas nawa

namin ang Alak at Tinapay—ang Katawan at

Dugo ni Hesus—hanggang makamtan namin

ang buhay kapiling mo.