


Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
drrm, basic calculus, 21st century
Typology: High school final essays
1 / 4
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!



Kathleen Alib Filipino sa Piling Larang STEM 11 Faith Celisel D. Leron
Ang akademikong pagsulat ay nagsisilbing kasangkapan ng komunikasyon na naghahatid ng mga nakuhang kaalaman sa isang tiyak na larangan ng pag-aaral. Ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe ang wika. Mahalaga ang paggamit ng akademikong Filipino sa pagsulat dahil mahahasa ang kakayahan sa mapanuring pagbabasa at pagsusulat gaya ng pagtatala pagbabalangkas ng mga nabuong ideya at pagsasaayos ng mga impormasyon upang makabuo ng isang naglalahad at mapanghikayat na sulatin. Ang akademikong pagsulat ay isang pormal na sulatinNagtataglay ito ng makapangyarihang detalye na
nagbibigay ng impormasyon kalakip ng ebidensya base sa pinagaralang obserbasyon. Mahalaga ito dahil ito ang ating sariling wika at dapat natin itong ipagmalaki at tangkilikin. Malaki rin ang magiging ambag nito sa panitikan at intelektwalisasyon nating mga Pilipino. Makatutulong rin ito upang mahasa ang kakayahan na magsulat at manuri. Ang mga kabutihan naman na maidudulot nito ay magkakaroon ka ng madaming oportunidad na makagawa ng isang sulatin na makapanghihikayat sa mga tao. Maaari mo ring gamitin ito sa para makapagbigay ka ng isang makabuluhang impormasyon maaaring ito'y tungkol sa napapanahong isyu. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ang kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap. Ito rin ay magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag- ambag ng kaalaman sa lipunan. At malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.
A- ng pagaaral ng akademikong pagsulat ay mahalaga K- alakip nito ay mga bagong kaalaman at impormasyon A- ng paggamit ng akademikong sa paggawa ng akademikong pagsulat D- apat natin itong paunlarin E- pektibong magagamit ang pagsulat ng akademiko sa akademiya M- agbigay ng makabuluhang impormasyon ang layunin I- to ang magaangat sa atin sa lipunan K- aya dapat natin itong ipagmalaki O- mahalin
NAUNAWAAN KO NA: mahalaga pala na gamitin natin ang akademikong pagsulat dahil may Malaki itong epekto sa ating panitikan at sa ating wika. BILANG AKSYON, AKING: gagamitin na ng maayos at tama ang akademikong pagsulat, dahil nalaman ko na kung paano ito gamitin at kung ano ang epekto nito sa atin. NARAMDAMAN KONG: napakasaya pala na malaman ang mga ganitong bagay Lalo na at patungkol sa ating wikang ginagamit.
Hiningi na ng bunso sa kanyang ama ang kanyang mamanahin at ibinigay nga ng ama ang kanyang mga ari arian. Lumipas ang ilang araw pinagbili ng bunso sang kanyang nabahagi at nagpakalayo layo. Ginamit niya lamang ang kayamanan sa bisyo. Dumating ang taggutom at siya ay naghirap, naghanp siya ng trabaho at pinagtrabaho naman siya sa babuyan. dala ng matinding gutom halos kainin na niya ang pakain para sa baboy. Napaisip siya na mali ang kanyang ginawa sabi niya na hindi siya karapat dapat pang tawaging Anak dahil sa kanyang pagkakasala, at napagdesisyunan niyang umuwi. pagdating niya sa kanila sinalubong siya ng ama na may yakap at halik. Pinaghanda pa siya ng magagrang kasuotan at nagpakatay ng guya para sa salosalo, dahil sabi ng ama ang kanyang Anak ay namatay at muling nabuhay at sila ay nagdiwang na.. Nang nalaman ito ng kanyang kapatid ito ay nagalit isinumbat niya sa ama na ni minsan siyay hindi nakaranas ng ganoong pagdiriwang samantalang ang kapatid niya ay nilustay lamang ang kabahagi niya ay pinahanda na. Ang tanging sagot lamang ng ama ay dapat lamang na magsaya dahil namatay ang kanyang kapatid at nabuhay, Nawala ngunit natagpuan.