Unpublished Thesis about blended learning, High school final essays of English

Unpublished Thesis about blended learning

Typology: High school final essays

2020/2021

Uploaded on 10/28/2021

unknown user
unknown user 🇵🇭

5

(3)

3 documents

1 / 54

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
1
Modular Distance Learning: Epekto sa Akademik Performans ng
mga Mag-aaral na Senior High ng Tictapul National High sa Taong
Panuruang 2020-2021
Isang Tesis na Iniharap
sa Kaguruan ng Paaralan Panggradwado
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro Pampamahalaang Unibersidad
ng Kaunlarang Mindanao Lungsod ng Zamboanga.
Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Pagtamo ng Digring
Masters of Arts in Education, Major in Language Education
Filipino
nina:
Jornaly Alberto
Carmela May M. Marcial
KABANATA I
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16
pf17
pf18
pf19
pf1a
pf1b
pf1c
pf1d
pf1e
pf1f
pf20
pf21
pf22
pf23
pf24
pf25
pf26
pf27
pf28
pf29
pf2a
pf2b
pf2c
pf2d
pf2e
pf2f
pf30
pf31
pf32
pf33
pf34
pf35
pf36

Partial preview of the text

Download Unpublished Thesis about blended learning and more High school final essays English in PDF only on Docsity!

Modular Distance Learning: Epekto sa Akademik Performans ng mga Mag-aaral na Senior High ng Tictapul National High sa Taong Panuruang 2020- Isang Tesis na Iniharap sa Kaguruan ng Paaralan Panggradwado Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro Pampamahalaang Unibersidad ng Kaunlarang Mindanao Lungsod ng Zamboanga. Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Pagtamo ng Digring Masters of Arts in Education, Major in Language Education Filipino nina: Jornaly Alberto Carmela May M. Marcial KABANATA I

PANIMULA

Sanligan ng Pag-aaral Ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay kundi sa marami pang bagay. Ang kaalamang natututuhan natin sa paaralan ang nagbubukas at nagmumulat sa ating kaisipan tungkol sa mga bagay- bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at nagbibigay sa atin ng pagkatuto. Edukasyon din ang nagdadala sa atin sa mga lugar kung saan tayo nararapat na magbanat ng buto. Edukasyon din ang magbubukas ng daan upang ating malaman ang ating mga karapatan at ang kaakibat na mga pananagutan. Susi ang edukasyon sa bawat pinto ng oportunidad. Maraming pagbabago ang nangyayari sa larangan ng edukasyon maging ang mga pamamaraan at estratehiya ng pagtuturo na nagsisilbing malaking hamon na kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya at agham. Maaari nating sabihin na napakalaki ng epekto sa kalidad ng edukasyon ang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa isang paaralan. Madami mang ibang salik ang maaaring maging hadlang para sa matagumpay na pagkatuto ng bata ay lubos pa ring mas nakakaapekto ang paraan kung paano nailahad o ilalahad ng kanyang guro ang mga leksyon sa kanya ayon sa napiling estilo nito.

Ang pagbubukas ng paaralan ay hindi nangangahulugang tradisyunal na pag-aaral ng harapan sa silid-aralan, kaya naghanda ang DepEd ng Learning Delivery Modalities (LDM) para sa taong 2020-2021. Isa sa mga Learning Delivery Modalities na idinisenyo ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang Distance Learning, kung saan hindi pisikal na magkaharap ang guro at mag-aaral. Sa ilalim nito, maaring matuto ang mga bata sa pamamagitan ng Modular Distance Learning (MDL) kung saan ang mga mag-aaral ay bibigyan ng kumpletong sets of Self-Learning Materials (SLM) o printed modules. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng naiimprentang modyul na kanilang pag-aaralan sa loob ng kanilang tahanan na naglalaman ng iba’t ibang gawain sa pagkatuto. Isa ito sa alternatibong learning modality. Ang Modular Distance Learning ay nagtatampok ng individualized instruction s o pang-isahang panuto na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na gumamit ng Self-Learning Module (SLM) na nakaprint o digital na porma/elektronikong kopya, alinman ang naaangkop sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Maaari ring gumamit ng iba pang mapagkukunan sa pag-aaral tulad ng mga Kagamitan ng Mag-aaral, mga aklat-aralin, sheet ng aktibidad, gabay sa pag-aaral at iba pang mga materyales sa pag-aaral. Ayon kay Geiser at Santelices (2007), ang akademikong performans ng mga mag-aaral ay naaapektuhan ng ilang mga mga salik, tulad ng

puntong pagpasok, kalagayan pang-ekonomiya at kaligirang pampaaralan. Sa kabila ng mga pagsubok at sa mga hamon na tatahakin, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nangangakong magkakaroon ng balance sa pagitan ng ng pagbibigay ng kalidad ng edukasyon sa bawat isa. Ang mga nasabing printed modules ay ihahanda ng mga guro at ibibigay sa mga mag-aaral isang beses sa isang linggo. Magtatalaga ang pamunuan ng paaralan ng lugar na pagkukuhaan at oras ng pagkuha ng mga modyul. Tungkulin ng guro ang pagsubaybay sa pag-usad ng mga mag-aaral. Gayundin, ang mga mag-aaral ay maaaring humiling ng tulong mula sa guro sa pmamagitan ng email, telepono, text message at iba pa. Ang mga magulang o sinumang miyembro ng pamilya, ay maaaring magsilbing gabay sa mga mag-aaral sa bahay. Ang mga sumusunod na alituntunin at obserbasyon ang nag-udyok sa mga mananaliksik upang pag-aralan at patotohanan ang mga nasabing epekto ng modular distance learning sa akademik performans ng mga mag-aaral sa Senior High ng Tictapul NHS. 1.2 Paglalahad ng Layunin

1.3 Kahalagahan ng Pananaliksik Sadyang napakahalaga ng pag-aaral na ito sapagkat layunin nitong malaman kung ano ba ang epekto ng modular learning sa akademik performans ng mga mag-aaral at mabigyan ng lunas ang problemang kahaharapin ng mga sumsunod: A. Sa mga Administrador Ang kabuoan ng pag-aaral na ito ay magbibigay ng impormasyon sa mga administrador ng paaralan upang mabigyan ang mga guro ng epektibong stratehiya sa pagpapa-unlad at pagbibigay ng makabuluhang implementasyon patungkol sa modular learning. B. Tagapagbalangkas ng Kurikulum

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay magbibigay ng ideya sa mga tagabalangkas ng kurikulum upang makapagpanukala ng bagong patakaran patungkol sa implementasyon ng Alternative Learning Delivery Modalities. C. Sa mga Guro Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magsisilbing pamulat - mata sa mga guro upang matagumpay na makapagbigay ng isang kalidad ng edukasyon sa New Normal setting. Makatutulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon ng kaalaman ang guro sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto gamit ang Self - Learning Module , at masolusyunan o mabigyan ng tamang interbensyon ang mga mag-aaral na nahihirapan sa mga aralin sa modyul. Maglalaan din ang guro ng oras upang makipag-ugnay sa mag-aaral at magulang nang sa gayon malaman ang estado ng pagkatuto ng mag-aaral.

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay ang Modyul Written works at performance task ng mga kalahok upang mabigyan ng tugon ang mga layunin ng pag-aaral. Isa itong obhektibong pag-aaral na naglalayong alamin ang Epekto ng Modular Distance learning sa Akademik Performans ng mga Mag-aaral ng Tictapul National High School – Senior High sa taong panuruang 2020-

KABANATA II

KONSEPTWAL AT TEORETIKAL NA BALANGKAS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng konseptuwal na literatura at mga kaugnay na pag-aaral na kinapapalooban ng mga lokal at banyagang pag- aaral. Kasama ang konseptuwal na balangkas at pagbibigay katuturan ng mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito. 2.1. Konseptuwal na Literatura 2.1.1. Modular Distance Learning Ang distance learning ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng computer, smartphones at internet o kilala rin bilang online distance learning,” paliwanag ng opisyal. Ang modular na Pag-aaral ay isang uri distance learning na ginagamit ang Self-Learning Modules (SLM) base sa Most Essential Learning Competencies (MELC) na ibinigay ng DepEd. Ito ay naglalaman ng pagganyak at pagtatasa na nagsisilbing isang kumpletong gabay ng guro at mag-aaral na nais matamo ang kakayahan. Susubaybayan ng mga guro ang pag-usad ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbisita sa bahay (pagsunod sa mga social distancing protocol ), at mga tugon, at gagabay sa mga nangangailangan ng espesyal na pansin. Manlangit et.al, (2020)

2 .1.2. Self- Learning Modules Ang self-learning modules (SLM) ay kagamitan ng mag-aaral na naglalaman ng isang aralin na isinulat sa paraang madaling mauunawaan at magagawa ng mag-aaral kahit wala ang guro sa kaniyang tabi. Ito ay isinulat para sa distance o remote learning. Ang K to 12 Curriculum Guide, Teacher’s Guide/ Teacher’s Manual, Learner’s Material/Textbook ang naging gabay sa pagsulat ng mga ito. Naglalaman ito ng mga gawain upang malinang at masukat ang natutuhan ng mag-aaral at matugunan ang iba’t ibang pangangailangan at kakayahan ng bawat mag-aaral na gagamit nito. Nilagyan din ito ng Notes to the Facilitator/Parents upang maging gabay nila sa pag-alalay sa mag-aaral sa kaniyang distance/remote learning.

Ang mga DepEd self-learning modules (SLM) na ito ay isasalin din sa iba’t ibang format , gayundin sa radio at TV scripts upang magamit sa online distance learning (ODL) at sa TV/ Radio-Based Instruction (TV/RBI). 2.1.3 Written Works at Performance Task Sa mga pagsusulit at pana-panahong pagsusulit na hindi na magagawa sa ilalim ng pinaghalong pag-set up ng pagkatuto, binago ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagtatasa nito at patakaran sa pagmamarka para sa mga mag-aaral sa pangunahing edukasyon. Bago pa man pandemya, ang mga pagbigkas sa silid-aralan, pagsusulit at pana-panahong pagsusuri ay kailangang-kailangan na sa aspekto sa proseso ng pag-aaral. Ngunit, kamakailan llang ang paglilipat ng distance modalities learning ay nagdulot ng kahirapan sa pangangasiwa sa traditional assessment tools, kung hindi lubos na lipas.

"Ang distance learning ay nagdudulot ng mga hamon para sa mga guro at mag-aaral sa pagtamo ng pagtatasa at pagtataya, kabilang ang mga limitasyon sa pagbibigay ng agarang feedback, at ang pangangailangang isaalang-alang ang iba't ibang mga konteksto sa pagdidisenyo, pagpapatupad at pagmamarka ng mga gawain sa pagtatasa,". Bago ang pandemya, ang mga mag-aaral ng pampublikong paaralan ay nakabase sa tatlong kasangkapan sa pagsusuri sa kabuuan: mga nakasulat na gawa, gawain sa pagganap at mga pagsusuri sa tatlong buwan. Ngunit sa mga maikling pagsusulit at mahabang pagsusulit na hindi na magagawa, sinabi ng DepEd na dapat markahan ang mga mag- aaral batay sa mga nakasulat na gawa at gawain sa pagganap na "ibibigay upang masuri ang mga pamantayan sa nilalaman at pagganap na naglalarawan sa kaalaman, kakayahan at kasanayan na inaasahang maipamalas ng mga nag-aaral." Ang mga gawaing ito ay maaaring idinisenyo upang isama ang portfolio ng pag-aaral ng mag-aaral, na kung saan idokumento ang lahat

ng katibayan ng pag-aaral sa loob ng panahon ng pagmamarka at isang minimum na apat na nakasulat na gawa at apat na gawain sa pagganap sa loob ng isang-kapat. Para sa pag-aaral sa online distance, ang mga nakasulat na output ay maaaring may kasamang mga post sa blog; mga papel na reaksyon o pagsasalamin; sanaysay; mga grapiko, tsart o mapa; set ng problema; mga ulat sa laboratoryo, at mga disenyo ng trabaho na maaaring isumite sa pamamagitan ng e-mail. Ang mga gawain sa pagganap ay maaaring mga produkto o aktibidad na nakabatay sa pagganap tulad ng mga video sa kampanya sa YouTube, mga produksiyon ng multimedia na na-upload sa social media, mga proyekto sa pagsisiyasat, pag-aayos ng musikal, mga debate sa online o pagtatanghal, mga panayam, mga talakayan sa panel at pagpapakita ng mga kasanayan. Para sa mga mag-aaral na gumagamit ng iba pang mga mode ng pag-aaral, ang mga nakasulat na output ay maaaring magsama ng mga pagsusuri sa libro o artikulo, sanaysay, journal, reaksyon o repleksyon ng

Ang pagtatasa, ayon sa DepEd, ay dapat gamitin upang maipaalam at mapagbuti ang mga kasanayan sa silid-aralan at maisulong ang mga kinalabasan sa pag-aaral. Ginagamit ito upang subaybayan ang pag-usad ng mga mag-aaral sa pagkamit ng mga pamantayan sa pag-aaral at sa pagbuo ng mga kasanayan sa ika-21 siglo, upang maitaguyod ang pagmuni-muni sa sarili at personal na pananagutan sa mga mag-aaral, at magbigay ng batayan para sa profiling ng pagganap ng mag-aaral. Pansamantala, ang grading ay tinukoy bilang "ang paraan ng pag- uulat ng data ng pagtatasa sa pamamagitan ng pagtatalaga ng isang halaga sa mga resulta bilang isang talaan ng kakayahan, mga nagawa o pag-unlad ng mga mag-aaral." Ngunit ang pagpapatupad ng iba't ibang mga modalidad sa paghahatid ng distansya sa pag-aaral ay nagbunsod ng isang mas malaking pag-uusap tungkol sa mga ginagampanan ng mga marka sa mga natutuhan ng mag-aaral, sinabi ng DepEd

"Ang grading system na ipinatupad sa pansamantalang patakaran na ito ay nagbibigay ng makatuwirang pagpapahintulot sa mga nag-aaral na mas malaking dehado ng pandemya, ngunit sa parehong oras ay hindi nakompromiso ang integridad at mga prinsipyo ng pagtatasa at grading," nabanggit nito. Ayon sa Philippine STAR 2.1.4 BE- Learning Continuity Plan Ito ay upang masigurong ang mga paraan ng pagtuturo ay magiging mabisa para sa mga mag-aaral, guro, at mga magulang at siguradong magagamit nila kapag nagbukas na ang klase. Dahil maraming mga komunidad ang walang gadget o hindi konektado sa internet, binigyang-diin ni Gatchalian na kailangang tukuyin at isulong ng mga LGU ang mga paraan ng pagtuturong abot-kamay ng mga mag-aaral, lalo na sa mga liblib at malalayong lugar. Bagama’t may mga LGU na nagpapamahagi na ng mga gadgets at internet load sa kanilang mga mag-aaral, pinaalala ni Gatchalian na hindi lahat ng LGU ay may kakayahang gawin ito. Aniya, may ilang LGU na kaya lamang suportahan ang pamamahagi ng mga printed self-learning modules o ang pagtuturo sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.