



















Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Modules for grade 10 9 8 7 ap Quarter 1 only
Typology: Lecture notes
1 / 27
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!




















Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 4: Layunin at Pamamaraan ng Patakarang Piskal Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293 , Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark , palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Region III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Claribeth G. Buencamino Editor: Rosanna Palispis-Querijero Rebecca K. Sotto PhD Tagasuri: Erfe Donna A. Aspiras Kristian Marquez Angelica M. Burayag, PhD Emelita T. Angara Tagaguhit: Herald Jean P. Tangson Manilyn M. Vicente Tagalapat: Manilyn M. Vicente
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD Librada M. Rubio, EdD Ma. Editha R. Caparas, EdD Angelica M. Burayag, PhD Lilybeth M. Mallari Rosanna Palispis-Querijero
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 9.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng Patakarang Piskal. Ang modyul na ito ay nahati sa tatlong leksyon: Leksyon 1: Konsepto ng Patakarang Piskal Leksyon 2: Ang Pambansang Badyet at Paggasta ng Pamahalaan Leksyon 3: Iba’t ibang Uri ng Buwis
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
A. Panuto: Bago natin ipagpatuloy ang talakayan tungkol sa Layunin at Pamamaraan ng Patakarang Piskal ay iyo munang sagutan ang ilang mga katanungan sa ibaba. Ito ay may layuning tasahin ang iyong paunang kaalaman tungkol sa paksa. Salungguhitan ang angkop na salita o konsepto mula sa mga nakapaloob sa bawat pahayag.
Panuto: Mula sa iyong mga natutuhan, suriin mo ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano sa mga ito ang dahilan ng implasyon ( DI ) o bunga ng implasyon ( BI ). Isulat ang DI o BI sa isang iyong sagutang papel.
____ 1. Maraming mag-aaral ang pansamantalang maghihinto sa pag-aaral sa taong
ito.
____ 2..Kulang ang suplay ng mga produkto sa ibang lugar lalo na sa mga isinailalim sa ECQ.
____3. Tanging ang tindahan na lamang ni Aling Alicia ang nakabukas hanggang madaling araw simula noong pumutok ang Covid_19 dahil sa takot ng iba pang maliliit na negosyante.
____4..Limitado ang mga produktong mula sa malalaking planta dahil marami ang pansamantalang nagsara dahil sa pandemya.
____5. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar.
Panuto :Punan ang bawat patlang mula sa pangungusap sa ibaba. Piliin ang tamang konsepto sa kahon sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang letra sa unahang bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
____6. Kapag malaki ang salapi, nagkakaroon din ng malaking pagkakataon ang mga tao na makabili ng maraming produkto sa marami ring pagkakataon. At ito ay tinatawag na _________.
____7. Uri ng price index kung saan nakapaloob dito ang pagsukat ng kabuuang antas ng halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha ng ekonomiya sa buong isang taon.
_____8. Sa uring ito ng price index , sinusuri naman ang pagbabago sa halaga ng mga produkto at serbisyong nakonsumo ng mga mamimili.
_____9. Ang pagtaas ng mga kakailanganing pamproduksyon ang pangunahing dahilan sa paglobo ng halaga ng mga bilihin sa pamilihan.
____10. Index para sa mga maliliit na tindahang muling ilalako ang kanilang mga produkto.
A. GNP Implicit Price Index o GNP Deflator D. Demand - pull inflation
B. Wholesale o Producer Price Index (PPI) E. Cost - push
C. Consumer Price Index (CPI)
Sa bagong araling ito, pag-aaralan mo naman ang tungkol sa layunin at pamamaraan ng patakarang piskal.
Panuto. Gamit ang mga larawang makikita sa ibaba, suriin ito at iugnay sa magiging paksa ng aralin gamit ang mga pamprosesong tanong. Maari mong sagutin ang mga katanungan sa pamamagitan ng isang maikling hugot o pick up lines.
PUBLIC SERVANT
ANG PAMBANSANG BADYET AT PAGGASTA NG PAMAHALAAN
Alam mo ba na ang pambansang badyet ay kahalintulad din lamang sa badyet sa inyong sariling pamilya o tahanan? Kung paano nito tutugunan ang mga pangunahing pangangailangan mula sa mga nalikom na salapi mula sa trabaho o negosyo na mayroon ang isang pamilya. Subalit mas malawak at mas malaki ang ginagalawan ng pambansang badyet dahil sa aspeto ng pagbibigay alokasyon sa bawat ahensya o departamento upang maitaguyod ang kani-kanilang mga proyekto at programa para sa pambansang kaunlaran.
Paano ito isasagawa ng pamahalaan?
Halimbawa:
Paano ito isasagawa ng pamahalaan?
Halimbawa:
ng Executive Review Board.
Ang mga pondo at salaping nalilikom ay may katumbas na paggastos. Upang maayos na maipamahagi ito sa mga proyekto at programang pampamahalaan, kailangan ang epektibong paggasta.
Ang expenditure Program ay nakabatay sa pinakamataas na gastusing nararapat sa mga pananagutang dapat maipagkaloob sa buong taon. Ito ay nahahati sa tatlo:
CURRENT OPERATING EXPENDITURES -para sa pagbili ng mga produkto at serbisyong tulad ng Personal Services (hal. ay para sa sahod, dagdag sweldo at cost of living allowance ng mga permanente, pansamantala, kontraktuwal at casual na empleyado ng pamahalaan) at Maintenance and Other Operating Expenses- MOOE (tulad ng supplies, transportasyon, tubig, koryente at iba pang kumpunihin)
-para naman sa mga paunang bayad sa mga utang ng pamahalaan na inilaan para sa mga programang may kaugnayan sa mga korporasyong pagmamay-ari ng pamahalaan.
Upang maayos na maisakatuparan ang lahat ng mga planong proyekto at programa, ang ating pamahalaan ay nangangailangan ng salapi na tanging kinukuha sa buwis ng mamamayang Pilipino, kita mula sa interes ng salaping nakadeposito sa Bangko Sentral ng Pilipinas, tulong mula sa mga dayuhan at pampribadong institusyon at mga ari-ariang pagmamay-ari ng pamahalaan.
Ayon sa kung sino ang apektado:
Tuwiran - direktang kinokolekta mula sa mga indibidwal at bahay- kalakal (hal. Witholding tax) Hindi-tuwiran - nakokolekta naman ito mula sa mga kalakal at paglilingkod (hal. value-added tax)
Ayon sa porsiyentong ipinapataw:
Proporsiyonal -anumang kalagayan sa buhay pantay lamang ang bahagdan ng buwis na ipinapataw
Progresibo - habang tumataas ang kinikita ng isang indibidwal o korporasyon, tataas din ang halaga ng buwis na kanyang babayaran. Nakasaad ito sa 1987 Saligang Batas
Regresibo -kapag lumalaki ang kita, bumababa naman ang kanyang buwis. Ayon sa layunin:
Para kumita - upang makalikom ng mga salaping magagamit sa mga operasyon nito (hal. sales tax, income tax) Para magregularisa - upang makontrol ang kalabisan ng isang gawain o negosyo (hal. Excise tax) Para magsilbing proteksyon -upang pangalagaan ang interes ng mga lokal na sektor laban sa mga dayuhang kakompetensiya (hal. taripa)
B. Panuto: Gumawa ng isang pie grap na magpapakita ng iyong mungkahing pagbabalangkas sa pambansang badyet. Isulat ito sa isang sagutang papel.
C. Panuto. Punan ang mga blangkong kahon ng tamang impormasyon ukol sa hakbang sa paghahanda ng Pambansang Badyet. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1.Budget call muna mula sa Department of Budget and Management o DBM para sa lahat ng mga ahensya. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod: hangganan lamang ng badyet; paggasta; inaasahang buwis at kita para sa mga bawat ahensya na nakabatay sa pagsusuri ng Development Budget Coordination Committee.
2a)
2b)
3a)
3b) 3c)
E. Panuto. Tukuyin ang bawat pangungusap kung alin ang tama o mali. Isulat sa sagutang papel ang T kung tama ang pahayag at M kung ito naman ay mali.
_________1. Ang patakarang pananalapi ay tumutukoy sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis upang matamo ang maayos na daloy ng ekonomiya. _________2. Sa ilalim ng progresibong pagbubuwis, habang tumataas ang kinikita ng isang indibidwal o korporasyon, tataas din ang halaga ng buwis na kanyang babayaran. Nakasaad ito sa 1987 Saligang Batas _________3. Ang net lending ay tumutukoy sa halagang nakatuon sa pagbili ng mga produkto at serbisyong tulad ng Personal Services at Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE). _________4.Titipunin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga mahahalagang dokumentong bubuo sa President’s Budget , NEP at ito ay ipapasa sa Kongreso bilang General Appropriations Bill upang kanilang aprubahan at maging isang ganap na batas. _________5. Kapag nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya, ipinatutupad ang C ontractionary Fiscal Policy. _________6. Kapag ipinatupad ang Expansionary Fiscal Policy magreresulta ito sa pagbagal ng ekonomiya kung saan liliit ang kita na siya namang pipigil sa pagtaas ng mga presyo sa bilihin o implasyon. Sa pagtaas naman ng buwis, ang mga mangagawa ay mapipilitang magbawas ng kanilang gastusin para sa pagkonsumo. _________7. Ang Sales Tax at Income Tax ay mga buwis na sapilitang kinokolekta upang makalikom ng mga salaping magagamit sa mga operasyon nito at para kumita.
Panuto : Ano ang iyong aksyon sa bawat sitwasyong inilahad? Ibigay ang iyong mungkahing solusyon o hakbang na gagawin kapag ikaw ang nakaranas o nakasaksi ng mga sitwasyong inilahad sa ibaba. Isulat ang iyong kasagutan sa sagutang papel.
Natutuhan ko na ang patakarang piskal ay
_________________, at ito ay may dalawang pamamaraan
Nakakatulong ito dahil
_________________. Sa aspeto naman ng pagbubuwis, nalaman ko ang mga uri nito at mga halimbawa tulad ng
_________________.
Mula sa mga natutunan lalo’t higit sa iba’t ibang uri ng buwis at ang kahalagahan nito, ako bilang isang mag-aaral, kabataan at mamamayang Pilipino ay aking isasaisip ang
____________________________.
Mahalaga ang pagkakaroon ng mga patakaran at pamamaraan sa patakarang piskal dahil
papel na aasikasuhin at napansin mong nagkukuwentuhan lamang ang ilan sa mga kawani nito. Napansin mo pang hindi maayos ang pakikipag-usap ng isang empleyado sa isang matandang nag-aasikaso ng papeles ng kanyang asawang may sakit