

Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
My pt for FSPL that was submitted for the academic school year 2024-2025
Typology: Schemes and Mind Maps
1 / 2
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!


Ako si Aaron Gabriel D. Morfi, 16 taong gulang. Nakapagtapos ng elementarya sa Juan Sumulong Elementary School sa taong 2019, at Junior High School naman sa San Jose National High School sa taong 2024. Simula Grade 9 palamang ay hasado na ako sa paggamit ng Wikang Ingles, kaya naman naging parte ako ng The Pilot, ang English journalism club ng paaralang San Jose National High School. Pagtungtong sa Grade 10, ako rin ay naging isang student librarian. Dagdag pa dito, ang pagsali ko sa isa pang club, ang Magnum Opus Guild; isang English Language guild sa aming paaralan, ang grupo ko rito ay Public Speaker’s guild. Grumaduate ako ng Junior High na may karangalan (With Honors) at may award na Natatanging Mag-aaral sa Larangan ng Komunikasyon sa Ingles. (Outstanding Student in Communication Arts English) Sa taong ito rin nagkamit rin ako ng Unang pwesto sa Essay Writing Contest sa National Book Week celebration, at nirepresenta ang aking paaralan na San Jose National High School sa Divisions. Sa taong 2024 rin ay nakamit ko ang maging parte ng dalawang international organizations. Una ay ang Write the World na nabuo sa Harvard University bilang Community Ambassador nito, at ASEAN Youth Advocates na para naman sa mga kabataang may adbokasiya sa Association of Southeast Asian Nations. Sa kasalukuyan, ako ay nag-aaral sa Antipolo City Senior High School, kung saan pinagpapatuloy ko ang aking legasiya. Ako ay parte ng The Viewpoint bilang radio broadcaster at sumusulat ng Editoryal. Ako rin ang kasalukuyang nakaupo sa posisyon na Grade 11 Representative ng SSLG, at isang reading advocate sa library ng ating paaralan. Kumakailan lang rin noong English Month na ako ay nagkamit ng titulong unang pwesto sa Impromptu Speaking at Extemporaneous Speaking contest. Noong Social Science Month naman ay ikatlong pwesto sa Oratorical Speech Contest. At Noong statistics month naman ay nakamit ko ang ikalawang pwesto sa Essay writing contest. Nais ko lang rin idagdag ang pagkamit ng highest sa pangkalahatang handle ni Ma’am Rocilee Cabales noong second quarter examination sa Earth and Life Science, 58/60. Ako rin ay nagkamit ng may karangalan (With honors) noong first quarter at may mataas na karalangan (With high honors) naman noong second quarter. Hindi na rin bago ang mukha ko sa paaralang Antipolo City Senior High School kahit na unang taon ko palamang ito, sa kadahilanang madalas din ako mag host ng mga
event sa ating paaralan. Ito ay ang Starbooks orientation, pagsisimula ng English Month, pagtatapos ng National Book week, at ang CPAR and HOPE Culminationg Contest ng Grade 12. Sa huli, dahil masyado nang mahaba ang aking bioniote, ang mga karangalan na ito ay hindi bumubuo sa kung ano at sino ako. Bagkus, para sa akin ang mga karangalan na ito ay patunay ng aking mga paghihirap at dedikasyon upang maabot ang mga pangarap sa buhay. Naniniwala ako sa kasabihan na “ang imposible ay opinyon lamang, at hindi katotohanan.” Kung ako ay tatanungin kung ako ay pagod na? Hindi kailanman nakakapagod gawin ang pagpursigi para sa iyong mga pangarap at sinisigurado ko sayo na matamis ang bunga ng mga ito. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang buhay ko sainyo. Na sakabila ng aking kasarian at mga pinagdaanan sa buhay, hindi ito ang magpapahinto saakin.