column writing article, Essays (high school) of Journalism

this article is heavily opinionated, the views and principles does not intend to offend anyone

Typology: Essays (high school)

2022/2023

Uploaded on 03/05/2024

juliana-nepomuceno-1
juliana-nepomuceno-1 🇵🇭

1 document

1 / 2

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
COLUMN WRITING
GRADING SYSTEM OF HCA
JULIANA NEPOMUCENO
DAHAN-DAHAN LANG PO, HINDI KAMI ROBOT!
Projects dito, projects doon. Teka, meron pa! May pinapagawa si teacher
na performance task at takdang aralin na dapat ipasa ngayong linggo.
Kasabay pa dito ang mga darating na quizzes at exams. Ayan, tambak na
naman ng school works. Pero para sa kapakanan ng aming mga marka,
may iba pa po bang gagawin?
Bakit ba ang daming pinapagawang school works at performance tasks?
Magagamit ba namin lahat ng ito sa aming ginustong career sa
hinaharap? Ang sistema ng pagmamarka o grading system ng Holy Child’s
Academy ay mahigpit, nakakadagdag pagod, at problema sa mga
estudyante nito na may iba ding iniisip sa labas ng paaralan. Mas-
naaayon na ito ay hindi magsilbing batayan sa katalinuhan at kakayahang
angkin ng mga estudyante.
Ang sistema ng pagmamarka ay isang sistemang ginagamit upang masuri
ang kaganapang pang-edukasyon ng isang mag-aaral. Ang mga
pangunahing asignatura ng HCA ay 50% ang mga performance task, 30%
naman sa mga nakasulat na gawain, at 20% sa mga buwanang pagsusulit
o exams ang kumakatawan sa marka ng mga mag-aaral bawat quarter.
Mapapasabe na lang tayo na "Bahala nang hindi maunawaan ang
tinalakay ni teacher, basta't nakagawa ng performance task at mga
takdang aralin". Sa mga minor na asignatura naman ay 60% ang mga
performance task, 20% naman sa mga nakasulat na gawain, at 20% sa
mga buwanang pagsusulit. Hindi naman major subjects ang mga ito, pero
kung maka bigay ng mga gawain parang mga major subjects. Paano kung
gusto ko maging musikera, aanhin ko ba ‘yang pag-acting, pag-code sa
computer, pag-gawa ng scrapbook o ang pag-recite ng periodic elements,
sa trabaho ko sa hinaharap? Nararapat na magpokus sila sa mga
kailangang pag-aralan ng mga estudyante, hindi yung may ekstra pa na
hindi naman konektado sa leksyon.
pf2

Partial preview of the text

Download column writing article and more Essays (high school) Journalism in PDF only on Docsity!

COLUMN WRITING GRADING SYSTEM OF HCA JULIANA NEPOMUCENO DAHAN-DAHAN LANG PO, HINDI KAMI ROBOT! Projects dito, projects doon. Teka, meron pa! May pinapagawa si teacher na performance task at takdang aralin na dapat ipasa ngayong linggo. Kasabay pa dito ang mga darating na quizzes at exams. Ayan, tambak na naman ng school works. Pero para sa kapakanan ng aming mga marka, may iba pa po bang gagawin? Bakit ba ang daming pinapagawang school works at performance tasks? Magagamit ba namin lahat ng ito sa aming ginustong career sa hinaharap? Ang sistema ng pagmamarka o grading system ng Holy Child’s Academy ay mahigpit, nakakadagdag pagod, at problema sa mga estudyante nito na may iba ding iniisip sa labas ng paaralan. Mas- naaayon na ito ay hindi magsilbing batayan sa katalinuhan at kakayahang angkin ng mga estudyante. Ang sistema ng pagmamarka ay isang sistemang ginagamit upang masuri ang kaganapang pang-edukasyon ng isang mag-aaral. Ang mga pangunahing asignatura ng HCA ay 50% ang mga performance task, 30% naman sa mga nakasulat na gawain, at 20% sa mga buwanang pagsusulit o exams ang kumakatawan sa marka ng mga mag-aaral bawat quarter. Mapapasabe na lang tayo na "Bahala nang hindi maunawaan ang tinalakay ni teacher, basta't nakagawa ng performance task at mga takdang aralin". Sa mga minor na asignatura naman ay 60% ang mga performance task, 20% naman sa mga nakasulat na gawain, at 20% sa mga buwanang pagsusulit. Hindi naman major subjects ang mga ito, pero kung maka bigay ng mga gawain parang mga major subjects. Paano kung gusto ko maging musikera, aanhin ko ba ‘yang pag-acting, pag-code sa computer, pag-gawa ng scrapbook o ang pag-recite ng periodic elements, sa trabaho ko sa hinaharap? Nararapat na magpokus sila sa mga kailangang pag-aralan ng mga estudyante, hindi yung may ekstra pa na hindi naman konektado sa leksyon.

Sa aking tatlong taong pag-aaral sa HCA, saksi ako kung gaano nakaka- apekto ang mahirap na grading system ng paaralan sa’king mga naging kaklase noon at ngayon. Karamihan sa kanila ay halos ‘di makatulog kakaaral sa mga leksyon sa bawat asignatura, minsa’y makikita ko na lang silang umiiyak dahil mababa raw ang grades o marka na kanilang nakuha. Paano naman nila maipasok ang mga gawaing bahay kung sila ay busy kakaaral? Ang iba nga ay mangogopya na lang o gumawa ng kodigo para sila’y makapasa dahil hindi sapat ang kanilang oras upang mapag-aralan ang lahat ng leksyon. May ibang guro din na palaging nagpapaquiz pero hindi naman tinalakay ng maayos ang leksyon sa mga estudyante. Eh bakit sila umaasang magagawa natin ang lahat ng school works kung ganyan ang paraan ng kanilang pagturo? Ang mga estudyante ng HCA ay determinado, masisispag, responsable sa kanilang pag-aaral, at higit sa lahat, may mga pangarap. Kung sila ay labis na pinapagod, may posibilidad na ma-stress sila sa pag-aaral at maaaring mawalan sila ng gana at pagkahumaling upang mag-aral. Tinuturuan lang nila ang estudyante na manloko, maging mapagkumpitensya, at umisip na importante ang marka kesa sa kanilang kalusugan. Sana naman, isaalang-alang ng paaralan ang kapakanan ng mga estudyante nito. Dapat sila’y bigyan ng pahinga. Ang nakapapagod na grading system ng paaralan ay hindi epektibo sa pag-aaral ng mga mag- aaral. Kaya’t huwag dapat nilang hayaan na wasakin nito ang pagkamit sa pangarap ng mga estudyante, at huwag sanang maiwaksi ang determinasyon ng mga estudyante sa pag-aaral dahil sa sistema ng paaralan. Hindi ba pweding unahin muna ang kondisyon at kalagayan ng mga estudyante bago ang paghahasa sa kanilang kakayahang akademiko?