









Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
1 / 16
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!










Modyul 6
Kabanata 6
KALALABASAN NG PAGKATUTO
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:
PANIMULANG PAGSUSULIT Suriin ayon sa Pakuwadrong Pasalaysay o Story Frame. Suriin ang akdang TATA SELO batay sa nialalaman nito. Ilagay sa loob ng kahon ang iyong kasagutan.
Tata Selo Rogelio Sicat Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay - pamahalaan. Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa'y naghahangan makalapit sa istaked. "Totoo ba, Tata Selo?" "Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya." Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao. "Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo," umiiling na wika ng kanyang kahangga, "talagang hindi ko ho mapaniwalaan." Hinaplus-haplos ni tata Selo ang ga-daliri at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, di kalayuan sa istaked, ipinagtitilakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang Sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nagsasalisod na alikabok. "Bakit niya babawiin ang saka?" tanong ng Tata Selo. "Dinaya ko na ba siya sa
n
Tagpua
Tauhan
Simula
Saglit na kasiglahan
Tungalian
Kasukdulan
Wakas
Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako po'y… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod nang tinungkod." "Tinaga mo na no'n," anag nakamatyag na hepe. Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin- may mga eskribante pang nakapasok doon-ay nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Selo at gagalaw- galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa. "Ang iyong anak, na kina Kabesa raw?" usisa ng alkalde. Hindi sumagot si Tata Selo. "Tinatanong ka anang hepe." Lumunok si Tata Selo. "Umuwi na po si Saling, Presidente." "Kailan?" "Kamakalawa po ng umaga." "Di ba't kinakatulong siya ro'n?" "Tatlong buwan na po." "Bakit siya umuwi?" Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko siya. "May sakit po siya." Nang sumapit ang alas-dose-inihudyat iyon ng sunod-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo-ay umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis. "Napatay mo pala ang kabesa," anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na Nakayuko at di pa natitinag sa upuan. "Binabawi po niya ang aking saka." Katwiran ni Tata Selo. Sinapo ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangudngod si Tata Selo. "Tinungkod po niya ako ng tinungkod," nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo. Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa uniporment kaki ng hepe. "Tinungkod po niya ako ng tinungkod… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod ng tinungkod…"
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis. "Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e," sinabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe. Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyo'y dapat nang nag- uuulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas. "Dadalhin ka siguro sa kabesera, Selo," anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. "Don ka suguro ikukulong." Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruming sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya'y natutuyong tamak-tamak na tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, naka-sandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi na gagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon. "Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo," patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde. "Patayin na rin ninyo ako, Presidente." Paos at bahagya nang narinig si Tata Selo. Napatay ko po ang Kabesa. Patayin na rin ninyo po ako." Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya ng mga palad at tiningnan niya kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito. May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti lang iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay taga-Poblacion. Hanggang noon, bawat isa'y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang Kabesa. Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itatanghal. Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito'y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhatan siyang dalawang pulis. Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente. Nagyakap ang mag-ama pagkakita. "Hindi ka na sana naparito Saling," wika ni Tata Selo na napaluhod. "May sakit ka, Saling, may sakit ka!" Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang araw. Matigas ang kanyang namumulang mukha. Pinalipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis. "Umuwi ka na, Saling" hiling ni Tata Selo. "Bayaan mo na…bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag, huwag ka nang magsasabi…" Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked. Pagkabalik niya sa istaked, pinanood na naman siya ng mga tao. "Kinabog kagabi," wika ng isang magbubukid. "Binalutan ng basang sako, hindi ng halata." "Ang anak, dumating daw?" "Naki-mayor." Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya'y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas. Mahigpit na humawak doon at habang nakadapa'y ilang sandali ring iyo'y tila huhutukin. Tinawag siya ng
mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa kanya. "Tata Selo…Tata Selo…" Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha niyang mata ang tumatawag sa kanya. Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon. Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umabot sa kanya. "Nando'n amang si Saling sa Presidente," wika ni Tata Selo. "Yayain mo nang u muwi, umuwi na kayo." Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata'y saglit na nag-paulik-ulik, pagkaraa'y takot at bantulot nang sumunod… Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lihin sa istaked, sa may dingding na steel matting, ngunit si Tata Selo'y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata'y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang Inutusan niya kanina. Sinabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo'y hindi pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! Ang lahat ay kinuha na sa kanila. ANG PAGTALAKAY SA PORMALISTIKONG PANANAW
A. Tagpuan
Sa pagsusuri ng tagpuan, maaaring gamitin ang balangkas na
Maliit na nayon ang San Roque.Nakatira rito ang mga magsasakang kailangang magsikap upang mabuhay.Sa kahirapan, naroon pa rin ang mahigpit na ugnayan lalo pa’t buhay at karangalan ang nakataya.
Nagtagumpay si Sikat sa kanyang paglalahad.Malinaw niyang na nailarawan ang mahigpit na ugnayan ng mahihirap na magsasaka na may pagmamahalan,pagkakaisa, at pagtutulungan. Sa masining niyang paglalahad, naipakita niya ang uri ng pamumuhay ng mga taganayon, ang paraan ng pananamit, at ang ilan sa kanilang kaugalian.
Dito rin naganap ang madulang pangyayari na kinasangkutan ng isang mahirap at magsasakang matanda. Sa pamamagitan ng mga pangyayari, nailahad ng may-akda ang pakikipagsapalaran ng isang mahirap mabuhay lamang ang kanyang pamilya at maalagaan ang karangalan.
Isang tauhang bilog si Tata Selo. Bukod sa ulirang asawa at ama, siya ay mabait, mapagbigay, mapagpasensya, matimpi, may mataas na pagpapahalaga sa kagandahang asal, karangalan at dignidad ng pamilya. Sa gitna ng kahirapan, nanatiling malinis ang kanyang pagkatao. Nang maembargo ang lupa, nagpakumbaba siya at naging matatag. Naging trabahador siya ng Kabesa ngunit hindi siya nagpakita ng hinanakit at kailanma’y hindi niya niluko sa partihan ng kanyang ani.
Suriin:
“Bakit niya babawiin ang aking saka?” tanongni Tata Selo. “ Dinaya ko ba siya sa partihan? Tinuso ko ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama niya ako. Hindi ba’t kaya marami ang nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit pinangko kung anihan?
Ngunit dumating ang puntong ang dating maaamo, mapagtimpi, at mabait na matanda ay biglang nagging marahas.Siya ay natutong lumaban, nataga niya at napatay ang Kabesa.
Suriin:
…. “Totoo ba Tata Selo?”
“Binabawi niyang ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
“ Hindi mo na sana tinaga ang kabesa”. Anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa san Roque…. “Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman, “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang kabesa.Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapaalis ka niya anumang oras.”
Nakikiusap po ako sa kabesa kangina…..Ngunit,….Ay! Tinungkod niya po ako nang tinu ngkod, tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po n’yo..”..Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
Character Profile Pangalan Tirahan Gulang
Gawain Katangian
,tahimik, prinsipyo Pangarap
Tata Selo San Roque Mahigit na Limampung taong gulang Magsasaka Makatao, mabait, masipag at may
masaya at
… “Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”
Sa mga pahayag, mauunawaan ng isang kritiko na napilitang pumatay ang matanda dahil sa kapirasong lupa kung saan nakasalalay ang ikinabubuhay ngunit kung lilimiing mabuti ang mga huling pahayag ng matanda, mag-iiba ang anggulo. Masasabing hindi ang lupa ang dahilan ng pagpatay kundi ang karangalan ng pamilya.
Limiing mabuti ang pahayag na ito.
“…Hindi ka na sana naparito, Saling,” wika I Tata Selo na napaluhod. “ May sakit ka Saling, may sakit ka.”
“ Umuwi ka na, Saling,” hiling ni Tata Selo. “ Bayaan mo na….bayaan mo na.Umuwi ka na anak.Huwag ka nang magsasabi….”
Sinabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na ang pagbawi sa saka ang sinasabi.
Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha sa kanila, lahat. Ay! Ang lahat ay kinuha sa kanila.
Nalantad sa unang katauhan ni Tata Selo ang pagmamahal sa material na bagay- ang lupang tanging ikinabubuhay ng pamilya. Maikikita rito ang sinabing ‘ survival effect’. Ngunit, isang mukha ang nalantad nan gang karangalang inalagaan nang mahabang panahon ay nadungisan. Ang pangyayaring ito ang bumago sa mundong ginagalawan. Ang maaamong tupa ay naging mabangis na leon nang mawala sa paningin ang talang tanglaw ng kanyang katandaan.
Saling
Isa ring tauhang bilog. Nalantad sa kanyang katauhan ang katangian ng isang dalagang lumaki sa nayon.Nasa kanya ang katangian ng isang baabing anak ng tunay na mabait at masunurin. Kahit hindi nakapag-aral, handing isakripisyo ang sariling kinabukasan makatulong lamang sa mga magulang.
Suriin:
“..Paano niyan si Saling?” muling tanong ng bata.
Tinutukoy nito ang maglalabimpitong taong gulang na anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo.
Saling
Matapang
Mahal ang Ama kaysa Karangalan
Hindi Nakapag-aral
Isang tauhang lapad o tauhang flat si kabesang Tano. Sa simula, ipinakilala siya bilang usurero, walan konsiderasyon, walang awa at kahit matanda na hayok sa laman.nahinto ang tunggalian sa pamamagitan ng kanyang kamatayan. Namatay siyang huling inadhika ay kasiraan ng kanyang kapwa. Nakita ito nang pinaalis niya si Tata Selo sa kanyang sinaka upang mapagtakpan ang kasakiman. Nalantad din ito sa pagsasamantala niya sa kahinaan ng isang babaeng walang karanasan sa buhay.
Ito ang katangian ng mga taong tunay na masiba sa kamunduhan. Gagawin ang lahat matugunan lamang ang maitim na pagnanasa.
Taglay ng Kabesang Tano ang katauhan ng isang taong hindi lamang sa kamunduhan masiba, kundi pati na rin sa materyal na bagay.
Siya ay masalapi at makapangyarihan ngunit hindi nakita sa kanyang katauhan ang pagiging kontento ng isang tao.Larawan siya ng mga taong wari ay nakatutulong sa mga nanggigipit sa mga mahihina.Sila pa ang naglulublob sa mga tao upang mabaon pa sa utang. Larawan pa siya ng isang hayop na hindi nakukuntento sa makakayanan. Kailangan pa niyang tumuntong sa iba upang marating ang ninanais kahit na ito’y magdulot ng kasiraan ng ibang tao.
Ang Bata
Sa pagkakalahad ng may-akda, nailantad niya ang bata na sa murang edad ay nakakitaan na pambihirang pakikiisa para sa kapakanan ng nakararami, pambihirang sigla upang tumulong at pambihirang pagganap sa responsibilidad na nakaatang sa kanya.
Naipakita ng manunulat na kahit bata, sa kanya ihinabilin ni Tata Selo ang kaisa-isang anak na dalaga.
Pansinin ang mga pahayag ni Tata Selo
“Nando’n, amang, si Saling sa Presidente.”
“Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.”
Paulit-ulit ang sinasabi ng matanda na iuwi ng bata ang anak na si Saling. Ito ay mga pahiwatig na malaki ang pagtitiwala ng matanda sa bata na hindi mapapariwawa at mapapabayaan ang dalaga.
Nalantad ditto ang katotohanang ang mga bata ay maaaring sandalan ng matatanda sa gitna ng kanilang kahinaan at katandaan.
Ang bata ay larawan ng mga kabataan sa hinaharap na magiging sandigan ng lipunan. Sa pamamagitan ng pag-uugnay, ang lipunan ay hindi mapapasama kung nasa kamay ng mga kabataang may taglay na responsibilidad, may matinong pag-iisip, may malasakit sa kapwa, walang masamang bisyo, at may pambihirang katangian na maaaring sandalan ng iba pang mamamayan.
Suriin:
“Nando’n, amang, si Saling sa Presidente.”
“Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo. Puntahan mo siya, amang. Umuwi na kayo.”
Ang Hepe
Siya ay hepe ng nayon ng San Roque.Siya ay makapangyarihan dahil sa suporta ng mayayamang oportunista sa nayon. Si Kabesang Tano ang tumulong sa kanya upang makarating sa mataas na pwesto. Siya ay makapangyarihan dahil sa suporta ng mayayamang opurtunista sa nayon. Ginamit niya ang kanyang posisyon upang lalong makilala at katakutan.
Dahil sa utang na loob sa kabesa, pinahirapan niyang mabuti si Tata Selo. Hindi siya makuha sa pakiusap. Kahit na nagmamakaawa ang matanda ay pinatulan at pinahirapan. Siya pa ang nagdidiin sa matanda upang lalong maghirap sa kulungan.
Sa pagkakalantad ng kanyang katauhan, siya ay maihahalintulad sa maraming alagad ng batas na ang Gawain ay taliwas sa sinumpaang trabaho. Ginawang tungtungan ang posisyon upang makilala, upang magkamal ng salapi, upang mang-abuso ng kapwa.
Siya ay larawan ng mga nasa kapangyarihan, sa halip na gampanan ang trabaho ay nagiging pasanin pa ng lipunan.
Larawan din siya ng mga salot sa lipunan na dapat itakwil at hindi dapat tularan.
C. Banghay
Panimula
Sinimulan ni Sicat ang maikling kwento sa paglalantad ng tagpuan. Ipinakita niya rito ang isang nayon, ang nayon ng San Roque kung saan naganap ang madulang patayan., Inilantad din niya ang karaniwang hanapbuhay ng mga taga-nayon pati na ang kaugalian ng mga ito. Dito rin niya ipinakilala ang pangunahing tauhan na si Tata Selo, ang mahirap at matandang magsasakang pumatay kay Kabesang Tano, isang mayaman at makapangyarihang usurero.
Saglit na Kasiglahan
Sa bahaging ito pinataas ng manunulat ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito niya ipinakita ang dalawang pangkat: ang mahirap laban sa mayaman.
Marami ang hindi makapaniwala na mapapatay ng isang matanda at mahirap na magsasaka ang isang mayaman at makapangyarihang Kabesa
Sa paraang patumbalik isinalaysay ng matanda na siya ang dating may-ari ng lupa. Napunta lamang ito sa mayamang kabesa nang hindi nito mabayaran ang utang. Upang may sakahin, nagging kasama ng kabesa si Tata Selo at kada anihan, hinahati nila ang ani. Ngunit isang araw, binabawi ng kabesa ang lupa. Nang makiusap ang matanda dail wala silang mapupuntahan, siya ay tinugkod nang tinungkod kung kaya’t nataga at napatay niya ito.
Suliraning Inihahanap ng Lunas
Ito ay isang uri ng sakit na nagiging sanhi ng paninigas ng mga kalamnan.
Hepe
Alagad ng mga batas
Siya ay ang kumakatawan sa mga taong nasa itaas na lumalabag sa karapatan ng mga sinasakupan.
Bata
kabataang pag-asa ng bayan
Larawan siya ng mga kabataang aktibo, matatalino, sensitibo sa nagaganap sa paligid, at handang tumulong sa kapwa
Lenggwahe
Payak ang pagkakalahad ng mga pangyayari ngunit matayutay ang lenggwaheng ginamit ng kwentista.
PAGTALAKAY SA SOSYOLOHIKAL NA PANANAW
Tauhan Tao sa tao Tao sa Lipunan Tao sa Sarili
Tata Selo Tata Selo laban kay Kabesang Tales
Makikita sa balangkas ang interaksyon ng tao sa tao. Ito ay makikita sa panimula pa lamang ng kwento kung saan tahasang inamin ni Tata Selo ang krimeng nagawa dahil sa kagagawan ng kanyang kapwa.
“…binabawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya,”
“Bakit niya babawiin ang aking saka?” Tanong ni Tata Selo. “ Dinaya ko ba siya sa partihan? Tinuso ko ba siya? Siya ang may-ari sa lupa at kasama lamang niya ako.Hindi ba’t kaya marami ang nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangako kung anihan?”
Ang mga pahayag na ito sa itaas ang nagsasabing ang pagbawi sa sinasakang bukid ang dahilan ng kilos ng matanda. Ang pagbawiay humantong sa patayan at ito ay udyok ng tao sa kanyang kapwa. Dito, nagtagumpay si Rogelio Sicat sa paglalahad ng isang marahas na hakbang ng isang mabait na tao. Inilarawan niya rito na ang isang tao, gaano man siya kabait kung may pwersang manggagaling sa labas ay mapipilitang kumilos ng masama. Masasabing hini makatwiran ang aksyong ito ng matanda ngunit tagumpay na ipinakita ng may-akda na ang tao ay alipin ng kanyang paligid.
Tauhan Sitwayon/Kalagayan Reaksyon: Ayon sa
Kagandahang Asal
Reaksyon: Lihis sa Kagandahang Asal
Tata Selo - naembargo ang lupa
may “ sakit”
Makikita sa balangkas ang mga gawaing naaayon sa kagandahang asal at mga gawaing lihis sa moralidad.
Pansinin:
“ alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisanla ko lamang po nang magkasakit ang aking asawa. Naembargo lamang po ng Kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon, kaya nga po hindi ako nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko naman po mabawi, masaka ko man lamang po.”
Nawalan ng lupa si Tata Selo ngunit ang nagging tugon ay positibo. Siya ay nagpakumbaba at nakiusap na maging kasama ng Kabesa. Bilang kasama, kahit naghihikahos, nagging matapat siya at nanatiling malinis ang pagkatao. Kailanma’y hindi niya niluko ang amo sa partuhan tuwing anihan.
Ang gawaing ito ni Tata Selo sa kabila ng kanyang kahirapan ay isang gawaing marangal. Ito ay dapat tularan at ipagbunyi. Naging katulong sa dating sariling lupain, nagging katulong ang anak na si Saling ngunit hindi niya ito ikinahiya. Bagkus, ginampanan niya nang taos-puso ang tungkulin. Ngunit isang araw ay umuwi ang kanyang anak at ginahasa ng Kabesa.
“ Ang iyong anak, nasa bahay raw ng Kabesa?”Usisa ng alkalde.
“Umuwi nap o si Saling, Presidente.”
“Kailan?”
“Kumakalawa po ng umaga.”
“Bakit siya umuwi?”
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak at napayuko.
“May sakit po siya.”
Inanyayahan ng mayor si Saling sa munisipyo. Nang magkita ang mag-ama:
Ibigay ang mga simbolong ginamit ng may-akda lantad man o hindi at tukuyin ang sagisag ng mga ito. SIMBOLO SAGISAG
Batayang Aklat / Sangguniang Elektroniko Almario, V.S. (2017). Pag-uugat ng maikling kuwento sa Filipinas. Metro Manila: Aklat ng Bayan. Arrogante, J.A. (2000). Malikhaing pagsulat. Quezon City: Great Books Trading. Belvez, P. et al. (2006). Panitikan ng lahi. Quezon City: Rex Printing Company, Inc. Lalic, E.D. et al. (2004). Ang ating panitikang filipino. Bulacan: Trinitas Publishing, Inc. Mendoza, E. (2012). Pagbigkas at pasulat na pakikipagtalastasan, tula, deklamasyon, talumpati, kuwento, balagtasan at debate. Mandaluyong: National Book Store. Sauco, C. et al. (2004). Panitikan ng pilipinas (Panrehiyon). Makati City. Katha Publishing Co. Inc. Villafuerte, P.V. (2000). Panunuring pampanitikan (Teorya at pagsasanay). Valenzuela City: Mutya Publishing House https://www.academia.edu/37300152/Mga_Teoryang_pampanitikan_Panunuring_Pampanitikan
RUBRIK