Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Learning activity sheet in filipino, Exercises of History

Learni g activity sheet in filipino quarter 2

Typology: Exercises

2019/2020

Uploaded on 10/04/2021

quinymadrona1708
quinymadrona1708 🇵🇭

4

(1)

2 documents

Partial preview of the text

Download Learning activity sheet in filipino and more Exercises History in PDF only on Docsity!

GAWAING PAGKATUTO 6

Pangalan ng Estudyante: ________________________________________________ Asignatura at Antas: Filipino 4 Sangguniang Modyul: Kwarter 1 Modyul 7: Elemento ng Kuwento Petsa: _____________________

I. Panimulang Konsepto:

Ang mga elemento ng kuwento ay tumutukoy sa tauhan, tagpuan, banghay at pangyayari so loob ng kuwento. Tauhan ang tawag sa mga gumaganap sa kuwento. Ang tagpuan naman ay tumutukoy sa lugar, atmospera, at panahon kung saan naganap ang kuwento. Banghay naman ang tawag sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari. Ang mga ito ay mailalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang naglalarawan o pang-uri.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa Most Essential Learning

Competencies

Markahan Most Essential Learning Competencies K-12 CG Codes Una Nailalarawan ang elemento ng kuwento (tagpuan, tauhan, banghay, at pangyayari). Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos, ginawi, sinabi at naging damdamin. Nasusuri ang damdamin ng mga tauhan sa napanood. Napasusunud-sunod ang mga detalye/pangyayari sa tekstong napakinggan sa pamamagitan ng tanong. F4PN-IIe-12. F4PS-IIe-f-12. F4PD-II-g- F4PN-IIh-8.

III. Mga Gawain:

Gawain A: Ilarawan ang mga tauhan sa bawat bilang batay sa kanyang ikinilos, ginawi, sinabi o naging damdamin. Piliin ang titik ng tamang sagot.

  1. “Tara, hati tayo dito sa baon ko,” yaya ni Mia sa kanyang kaklase. a. masunurin b. mapagbigay c.magalang d. masasyahin
  2. Pagkagising sa umaga, dali-daling inayos ni Ana ang kanyang higaan at pagkatapos ay lumabas ng bakuran para magwalis sa paligid. a. magalang b. masayahin c. mabait d. masipag -halos ok naman nap o ang nilalaman ng sanayang papel. -Pakidelete na lng ng nakahighlight na red at palitan ng nakahighlight na blue. - Pakidagdagan ng isa pa pong gawain na may kinalaman sa kuwento na nasa Gawain C. -Pakifollow ng standard format ng LAS (spacing, headings, margins, fontsize, fontstyle etc.
  1. “Kung nag-aral sana ako nang mabuti ay kasama ako sa mga paparangalan ngayon,” bulong ni Rolly sa kanyang sarili. a. nanghihinayang b. nasisiyahan c. natatakot d. nagagalit
  2. Laging gumagamit si Ramil ng po at opo sa kanyang pakikipag-usap. a. maalalahanin b. masayahin c. mabait d. magalang
  3. “Nakauwi na sana ngayon si Inay dito sa Pilipinas kung walang pandemya,” sabi ni Carlo sa kanyang lola. a. nagsisisi b. nalulungkot c. natatakot d. naiinip Gawain B: Direksyon: Suriin ang kuwento sa isang palabas/pelikula na iyong napanood sa telebisyon. Iguhit ang iyong paboritong tauhan at ang kanyang linyang sinabi sa palabas. Isulat sa ibaba ng larawan ang damdaming ipinapakita ng tauhan sa eksena. Pamagat ng Pelikula/Palabas:

Gawain C: Direksyon: Pakinggan ang kuwentong “Nasa Huli ang Pagsisisi” na babasahin ng iyong kasama sa bahay at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.

  1. Ano ang natanaw ni Pedro sa kanilang bintana?
  2. Bakit hindi niya magawang makapaglaro sa labas?
  3. Ano ang ginawa ng bata para makapaglaro siya?
  4. Ano ang nangyari sa klase ng tinawag siya ng guro?
  5. Ano ang aral na natutuhan ni Pedro sa pangyayaring ito? IV. Repleksiyon:
  6. Ano ang natutunan mo sa araling ito?



  1. Anong Aling bahagi ng aralin ang nahirapan ka?



Magbigay pa ng isang gawain na may kinalaman sa kuwento na nasa Gawain C. 

V. Susi sa Pagwawasto/Rubrics VI. Mga Sanggunian -Calatrava, Sancho C. et. al, Yaman ng Lahi Wika at PAgbasa sa Filipino 4, Sunshine Interlinks Publishing House Inc., 2015

  • DepEd Most Essential Learning Competencies MELC ( 4PN-IIe-12.1/F4PS-IIe-f-12.1/ F4PD-II-g- 22/F4PN-IIh-8.2) Inihanda ni: Quiny M. Madrona Gawain I: 1.b 2.d 3.a 4.d 5.b Gawain II: Rubrics sa Pagpupuntos 4 3 2 1 Naiguhit ang tauhan at nailahad ng buong linaw ang damdaming ipinakita. Naiguhit ang tauhan ngunit kulang ang nailahad na damdaming ipinakita Naiguhit ang tauhan ngunit hindi akma ang paliwag sa damdaming ipinakita. Naiguhit ang tauhan ngunit hindi naipaliwanag ang damdaming ipinakita. Gawain III: Nasa Huli ang Pagsisisi Si Pedro ay ang tipo ng bata na hindi mahilig lumabas ng silid. Pagkatapos ng kaniyang klase ay diretso na siyang umuuwi sa kanilang bahay. Isang araw, natanaw niya sa kanilang bintana na may mga batang naglalaro ng bola sa labas ng kanilang bahay. Inggit na inggit siya habang tinatanaw niya nag mga batang nagkakasiyahan at nagtatawanan sabay ng pagpapasahan ng bola sa isa’t isa.Nais naman niyang maglaro, tali siya sa kaniyang gawaing pampaaralan dahil sa pangaral ng kaniyang magulang na mag-aral muna bago maglaro. Isang hapon, hindi natis ni Pedro ang labis na pagkasabik sa paglalaro. Iniwanan niya ang kaniyang takdang-aralin at lumabas para makipaglaro sa mga bata sa labas. Sa sobrang tuwa sa ginawang laro nito, nakalimutan niya ang kaniyang takdang-aralin. Umuwi siya na hapong-hapon at dahil sa kapaguran, di man lang niya nagawang magpalit ng damit sa pagtulog. Kinabukasan, hindi namalayan ni Pedro na pumasok siya na walang mga takdang-aralin. Nang tinawag siya ng kanyang guro, wala siyang naisagot. Walang imik siya sa klase dahil sa nangyari. Hiyang-hiya siya sa sarili. “Pangako ko, tatapusin ko muna ang gawain ko sa klase bago makipaglaro,” sambit niya sa sarili pagkatapos niyang hindi masagot ang tanong ng guro. 1-5. Depende sa sagot ng mag-aaral