

Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
This is a detailed lesson plan intended for grade 5 pupils, for teachers who will teach in entrepreneurship. It will help the teacher to teach the specific lesson through this lesson plan. it is easy to execute for the day-to-day teaching and learning process. it is also integrated with different subject matter and focus on values intergration.
Typology: Study Guides, Projects, Research
1 / 3
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!


Republic of the Philippines Department of Education National Capital Region
Ninoy Aquino Elementary School Compound Maya-maya St., Kaunlaran Village, Longs, Malabon City MALABON ELEMENTARY SCHOOL M.Naval St., Hulong Duhat, Malabon City (02) 82815893 EDUKASYONG PANGTAHANAN AT PANGKABUHAYAN Banghay Aralin para sa Ikalimang Baitang Entrepreneurship Petsa: Agosto 29, 2023 Pangkat: Lima Pamantayan Pangnilalaman: naipamamalas ang kaalaman at kasanayan upang maging matagumpay na entrepreneur. Pamantayan sa Pagganap: mapahusay ang isang produkto upang maging iba sa iba. I. Layunin 1.1 naipaliliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at serbisyo. -Nakikilala ang produkto at serbisyo. -Nakapagbibigay ng halimbawa ng produkto at serbisyo. MELC code: EPP5IE0a- II. Nilalaman Paksa: “Produkto O Serbisyo?!” Sanggunian: SLeM pp.1-10, Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 pp.3-6, http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahulugan_ng_produkto Kagamitang Panturo: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 (TG) pp.2-3, https://www.youtube.com/watch?v=hT-YytMN1dc&t=158s III. Pamamaraan Panimulang Gawain Panalangin Pagpapaalala ng mga health and safety protocols sa silid-aralan Pag tsek ng atendans Kumustahan A. Balik Aral (Elicit) May alam ka po bang mga oportunidad na maaring mapagkakitaan sa tahanan at pamayanan? Ano-ano mga ito? Gaano kahalaga ang mga kabuhayang ito sa mga tao? Ilang taon kaya ang ligal na edad na maaaring mag trabaho ang isang tao? (integrasyon sa Math at AP) Kwetahin nga natin kung kailan kayo legal na ang edad. 2010 + 18 taon= 2028 o sa taong 2028 kayo ay legal na ang edad at maaari ng magtrabaho ayon sa ating batas. B. Pagganyak (Motivation) Kilalanin ang mga salita na nasa loob ng kahon. Ilagay sa tamang hanay kung saan ito napapabilang na pangkat - produkto o serbisyo? C. Pagtalakay (Explore)
Ipapanood ang inihandang videolesson. Ipaalalaang pamantayan sa panonood. Talakayin ang kahulugan ng produkto at serbisyo. Itanong sa mga bata ang pagkakaunawa nila sa serbisyo at produkto at hayaang magbigay sila ng halimbawa nito. D. Paglinang ng Kabihasnan (Explain) Pasagutan sa mga bata ang bahaging Tuklasin Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang produkto o serbisyo na tinutukoy sa bawat pangungusap. E. Paglalapat (Elaborate) Pasagutan sa mga bata ang Alphabox Panuto: Gamit ang alphabox magbibigay ng mga halimbawa ang mga bata ng produkto o serbisyo. (Paraan ng paggamit ng alphabox. sasabihin muna ng mga bata kung anong letra ang napili nila at magbibigay sila ng halimbawa ng produkto o serbisyo na nagsisimula sa letrang kanilang sinabi hal. K-karpentero, C-chef -Maaaring mag bigay ng halibawa sa Filipino at English bilang integrasyon) F. Paglalahat Sagutan ang metacognition chart. Ang natutuhan ko po sa aralin natin ngayon ay ang kahulugan ng ________ at _______. Ang produkto ay tumutukoy sa ____________________________________ at ang derbisyo naman po ay tumutukoy sa _________________________________. Ang mga halimbawa po ng produkto ay _____,_____,_____. Ang mga halimbawa naman po ng produkto ay _____,_____,_____. G. Pangkatang Gawain Ipaalala ang pamantayan sa pangkatang gawain. Pangkat 1 Sagutan ang Pagyamanin Pangkat 2 Sagutan ang Isaisip. Pangkat 3 Sagutan ang Gawain 1 ng bahaging isagawa. Pangkat 4 Sagutan ang Gawain 2 ng bahaging isagawa.