Pagtanggal ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo, Study Guides, Projects, Research of English

Pananaliksik tungkol sa Pagtanggal ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo

Typology: Study Guides, Projects, Research

2018/2019

Uploaded on 03/26/2019

Anony23
Anony23 🇵🇭

4.6

(5)

1 document

1 / 26

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
La Consolacion University Philippines
City of Malolos, Bulacan, Philippines 3000
Basic Education Department
Senior High School
Taong Paaralan 2016 – 2017
Pagtatanggal ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo:
Epekto sa mga Mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education sa Bulacan State University
Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 11
(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik)
1
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16
pf17
pf18
pf19
pf1a

Partial preview of the text

Download Pagtanggal ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo and more Study Guides, Projects, Research English in PDF only on Docsity!

La Consolacion University Philippines City of Malolos, Bulacan, Philippines 3000

Basic Education Department Senior High School Taong Paaralan 2016 – 2017

Pagtatanggal ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo: Epekto sa mga Mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education sa Bulacan State University

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 11 (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik)

PANGALAN NG MGA MANANALIKSIK

Ipinasa nina: Inocencio, Hanna Mae, S. Amurao, Jomarie, T. Felomina, Shajin Angeline, C. Fransisco, Eumar Abraham, C. Gubatan, Brix, T. Guevarra, Rachel, C. Holgado, Jewel Joy, M. Hongco, Jessa Mae, B. Honda, Seikah, I. Tenorio, Kate Angeli, D.

Taon at Pangkat 11-17A

Bb. Rowena Villaver

MARSO 2017

Hindi magiging matagumpay ang pananaliksik na ito kung wala ang mga taong tumulong sa mga mananaliksik sa paggawa ng pag-aaral na ito. Kaya’t nais pasalamatan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

  • Sa aming magulang na walang sawang gumabay at sumuporta sa aming pag-aaral.
  • Sa aming guro sa Filipino na taos pusong nagturo sa amin ng aming mga dapat gawin sa pananaliksik na ito, at ang nagbigay kaalaman sa amin ukol sa asignaturang Filipino.
  • Sa aming punong-guro na patuloy na paggabay at pagbigay motibasyon bilang mag- aaral at mananaliksik.
  • Sa mga respondente na nagbigay ng mga datos na ginamit sa pananaliksik na ito. At;
  • Sa ating Panginoong tagapagligtaas na gumabay at nagbigay lakas sa mga mananaliksik sa paggawa ng pag-aaral na ito.

TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat.............................. iv

Kabanata 1............................. 1- Panimula Paglalahad ng Suliranin Kahalagahan ng Pananaliksik Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Kahulugan ng mga Termino

Kabanata 2.............................. 6- Kaugnay na Literatura Kaugnay na Pag-aaral

Kabanata 3.............................. 11- Metodo Pagpili ng Respondente Instrumento ng Pananaliksik Proseso ng Pangangalap ng Datos

Kabanata 4.............................. 13-

Kabanata 5.............................. 17- Lagom Konklusyon Rekomendasyon

Talasanggunian--------------------------------------------------------------------------------- 20-

Ang asignaturang Filipino ay tumatalakay sa pag-aaral ng tamang paggamit ng ating wika, mga kayamanang literatura sa ating bansa, tulad ng mga akda ng mga batikang manunulat, at iba pang mga kaalaman na kailangan natin bilang mga Pilipino.

Marami man ang tumututol sa pagtanggal ng asignaturang ito, may ilan din namang nagsasabing may kapakinabangan ito. Kaya naman ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-alam ng posibleng epekto ng pagpapatupad ng batas na ito.

1.2 Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipaalam sa mamamayang Pilipino ang mga maaaring negatibo at positibong epekto ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa mga mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education ng Bulacan State University. Ito ay sumasagot sa mga sumusunod na katanungan:

  1. Anu-ano ang mga salik kung bakit ipatutupad ang pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo?
  2. Sang-ayon ba ang mga mag-aaral na ipatanggal ang asignaturang ito sa kanilang sistema ng edukasyon?
  3. Anu-ano ang mga maaaring epekto nito sa wikang Filipino?
  4. Anu-ano naman maidudulot nito sa mga mag-aaral at sa ating bansa?

1.3 Kahalagahan ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang mamulat ang ating mga kababayan tungkol sa pinagtatalunang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Importante na malaman ng bawat mamamayan ang epekto nito sa ating wika bilang mga Pilipino at upang pahalagahan natin ang pag-aaral ng Filipino. Kaya naman ang pananaliksik na ito ay kapakipakinabang sa mga sumusunod: Sa mga mag-aaral ng basic education. Dahil ang saklaw lang ng ipatutupad na CHED Memorandum Order no. 20 series of 2013 ay ang curriculum ng kolehiyo. Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga mag-aaral na hindi pa nakakatungtong sa tertiary level upang mamulat na agad sila sa murang edad na ang asignaturang Filipino ay mahalaga sa ating bansa lalong lalo na sa aspeto ng ating wika. Sa mga mag-aaral ng kolehiyo. Dahil sila ang mga pinaka maaapektuhan ng pananaliksik ito, dapat na maunawaan nilang lubusan ang positibo at negatibong epekto ng nasabing batas sa wikang Filipino at pati na sa kanilang pag-aaral bilang mga estudyante. Para makita nang lubusan ng bawat isa ang maaaring dulot ito at para magkaroon sila ng matibay pananaw ukol sa ideyang ito. Ito rin ang magiging tulay ng kanilang mga saloobin, pagsang-ayon o mga hinaing ukol dito. Sa mga guro at school administrators. Upang mas lubusan pa nilang maunawaan ang nasabing programang ito at upang maliwanagan ang bawat isa sa mga maidudulot nito sa mga estudyante at pati na rin sa kanila bilang mga kinatawan ng iba’t ibang mga paaralan o unibersidad. Sa mga kasapi ng gobyerno. Upang malaman ng mga nakatataas ang saloobin ng mga mag-aaral ng kolehiyo ukol sa nais nilang ipatupad na batas. Nang sa gayon ay maging bukas ang opinyon ng bawat isa.

Literatura – mga nakasulat na akda na kadalasan ay may masining na kahulugan. Major subjects – mga asignaturang kinakailangan ng isang mag-aaral ayon sa kaniyang tinatahak na kurso. Minor subjects – mga asignaturang karagdagan lamang; para sa pangkalahatang kaalaman at wala gaanong kinalaman sa kursong kinukuha ng mga mag-aaral. Propayl - isang maikling artikulo na nagbibigay ng isang paglalarawan ng isang tao o organisasyon. Questionnaire - ay isang pananaliksik na binubuo ng mga katanungan at iba pang mga senyas para sa layunin ng pangangalap ng impormasyon mula sa respondents. Respondente - ay isang tao na pinipili sa isang isyu na tumutugon sa pmamagitan ng komunikasyon na ginagawa rin ng iba. Requirements – mga panagangailangan sa paaralan upang makapasa ang isang estudyante. Sosyo-politikal - ang paghahalo ng dalawang bahagi ng lipunan na sosyal o and may kinalaman sa publiko at ang politikal o ang pamahalaan. Survey - ay isang proseso kung paano makakakuha ng isang datos o impormasyon. Tersiyaryong edukasyon - tinutukoy din bilang ikatlong yugto at ikatlong antas, ay ang antas ng pang-edukasyon ng pagsunod sa pagkumpleto ng isang paaralan na nagbibigay ng isang sekondaryang edukasyon Universal language - wikang naiintindihan ng bawat tao sa buong mundo.

Kabanata 2 KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga saklaw na literatura at pag-aaral patungkol sa paska ng pananaliksik.

2.1 Kaugnay na Literatura Kasama na natin ang asignaturang Filipino mula pa noong tumungtong tayo ng elementarya. Ayon kay Tasic (2016), isinulong ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong 1940 ang Executive Order No. 263 na nag-uutos sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang pambansa. Ito ngayon ang tinatawag nating asignaturang Filipino ngayon. Ito ang pag-aaral ukol sa tamang paggamit ng ating wika at mga literaturang itinuturing nating kayamanan. Ayon kay Jasareno (2012), ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag iisip sa Filipino. Sumasalamin ang asignaturang Filipino sa pagkilala natin sa ating bansa. Ayon naman kay Tipones (2013), ito ang tulay sa paghasa ng analitikal na pag-iisip ng mga kabataang Pilipino. Dahil ang dapat na maunang hubugin sa kanila ay ang edukasyon sa kultura, tradisyon, kasaysayan, at lalo na sa wika ng Pilipinas. Ang pag-aaral ng Filipino ay pag-aaral rin ng pagiging Pilipino. Pilipino tayo kaya’t nararapat lamang na mas maging maigi ang pag-aaral natin sa sarili natin at iyan ang wikang Filipino. Ang pag-aaral ng Filipino ay simula upang mapalawig ang pagkilala at pagmamahal sa bayan. (“ Bakit mahalaga ang Filipino ,” 2014)

Ang asignaturang Filipino ay mahalaga hindi lang dahil isa itong pangangailangan sa paaralan, ngunit dahil mga Pilipino tayo at dapat lang na maging sanay tayo sa sarili nating wika. Ayon kay Dabu (2014), bagamat araw-araw na ginagamit ang wikang Filipino sa tahanan man o sa kalsada, maraming mga Pilipino pa rin ang hindi bihasa rito.

makabuluhan ang kanilang tungkulin sa bansa at sa mas malawak pang komunidad. (Cariga at Giongco, 2014) Ayon sa Commission on Higher Education, ang pangunahing layunin ng CHED Memorandum no 20 series of 2013 ay ang sumusunod: “General education thus lays the groundwork for the development of a professionally competent, human and moral person. It also prepares the Filipino for the demands of 21 st^ century life and the requisite abilities to anticipate and adapt to swiftly changing situation, to think innovatively and create solutions to problems. General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the world, take part in and hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood amid the forces of globalization. ” Sinasabi rito na dahil nga patuloy na umuunlad ang ating mundo, marapat lang na paunlarin din natin ang sistema sa ating bansa, lalo na sa edukasyon. Dahil dito matutulungan ang mga Pilipino makipagsabayan sa agos ng ating makabagong heneraasyon.

Mapagtutuunan ng maraming oras ang mga asignaturang kailangan ng mga mag- aaral ayon sa kanilang nais na propesyon. Ibig sabihin ay mas lalawak ang kanilang kaalaman patungkol sa kanilang larangan. Ayon kay Tabora (2013), ang General Education ay hindi lamang tungkol sa edukasyon ngunit ukol din sa buhay na mayroon tayo ngayon. Makatutulong ito sa pagbibigay liwanag sa mga mag-aaral upang maging mga propesyonal at mga lider balang- araw.

Kalakip man ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, mananatili naman ito sa Senior High School o ang itinuturing na pagsasanay sa kolehiyo. Mananatili ding medium ang asignaturang Filipino kung nanaisin ng mga guro.

Ngunit ayon muli kay Tasic (2016), paano na maaalala ng mga kabataan ang paggamit sa sariling wika natin kung ang asignaturang Filipino ay tatanggalin? Paano natin mapapaunlad ang sariling bayan natin kung hindi natin kayang tangkilikin ang sariling atin? Ang kahalagahan ng asignaturang Filipino ay katulad ng kahalagahan ng ating sarili. Repleksyon ng ating mga Pilipino ang ating wika kaya hindi natin ito dapat balewalain bagkus ay mas pahalagahan natin ito dahil ito ay magiging susi natin sa matibay at malinaw na komunikasyon sa bawat isa. At komunikasyon na daan sa tagumpay ng bawat Pilipino.

2.2 Kaugnay na Pag-aaral Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programang pangkolehiyo. Ito ay nagsisilbing talaan ng mga kurso o asignatura at angbatayan at gabay ng mga guro at mag-aaral sa institusyong pang-edukasyon. (Peña, et al. 2007)

Ayon kay Martin (2016), malaki ang ginagampanan ng wika sa pagbuo ng isang pambansang identidad or kaakuhan, lalo na sa pagbabagsak sa proseso ng globalisasyon. Mahalagang mabuo muna ang identidad ng isang bansa, para makasabay sa hamon ng kasalukuyang panahon. Ang wikang Filipino ay isang isyung sosyo-politikal, isang krusada na nangangailangan ng pag-unawa at atensyon mula sa mamamayan at pinuno na nangunguna sa pagpapaunlad nito bilang kaluluwang ng isang bansa. Subalit sa Pilipinas bunga ng globalisasyon, sa halip na paunlarin ang sariling wika, bakit unti unting humihina ang wikang Filipino?

Kabanata 3 PAMAMARAAN AT PINAGMULAN NG DATOS Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga metodo at disenyo na ginamit sa pag- aaral. Tinatalakay nito kung paano isinagawa ang pananaliksik. Isinasaad din dito ang pagkuha ng datos, at ang mga instrumentong ginamit sa pag-aaral.

3.1 Metodo Ang ginamit na uri ng pananaliksik ay ang kuwalitatibong disenyo ng pananaliksik. Ang kuwalitatibong pananaliksik ay naglalayon na maintindihan ang mga problema ng lipunan galing sa iba’t ibang pananaw mula sa iba’t ibang mga tao. Ayon kay Mayor-Asuncion (n.d.), ang kuwalitatibong pag-aaral ay nakatuon sa pagbuo na mga saloobin hinggil sa mga asal, paniniwala, motibasyon at gawi ng mga indibidwal upang tuklasin ang ibang mga suliraning pantao at panlipunan. Ang ginamit na paraan upang makakalap ng mga datos ay ang pagbigay ng mga talatanungan o questionnaire sa mga napiling respondente.

3.2 Pagpili ng Respondente Ang mga napiling respondente ay dalawampung (20) mag-aaral mula sa kolehiyo sa ikaapat na taon ng kursong Bachelor of Secondary Education na nagmula sa Bulacan State University. Ang mga nasabing respondente ay may edad na labingtaong gulang (18) pataas.

3.3 Instrumento ng Pananaliksik Ang pangunahing instrumentong ginamit sa paglikom ng mga datos ay talatanungan o questionnaire dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang pinakamabisang kagamitan sa pagkalap ng mga tiyak na impormasyon. Ayon kay McLeod (2014), ang questionnaire ay tinatawag ding pasulat na panayam kung saan mas mabisa at mas medaling makapangalap ng datos sa maramihang bilang ng mga tao. Ang talatanungan ay binubuo ng dalawang seksyon: ang propayl ng mga respondente at ang mga tanong. Ang propayl ng mga respondente ay naglalaman ng kanilang pangalan, edad, kurso, at lebel o taon ng kanilang pag-aaral. Ang mga tanong naman ay tumatalakay ukol sa paksa ng pag-aaral. Ito ay tungkol sa kaalaman nila sa paksa, sa sariling pananaw nila at kung sang-ayon ba sila rito.

3.4 Proseso ng Pangangalap ng Datos Ang mga mananaliksik ay gumamit ng internet kung saan makakakuha ng mga mabisang impormasyon sa kabuuang pag-aaral ng pananaliksik. Nadiskubre ng mga mananaliksik ang iba’t ibang mga datos ukol sa paksa na magagamit sa pag-aaral na ito. Dito rin nakapangalap ng mga literatura at iba’t ibang mga nakaraang pananaliksik na patungkol din sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Sa pamamagitan nito, nalaman ng mga mananaliksik ang mga salik at maaaring epekto nito. Sumagawa rin ang mga mananaliksik ng survey upang makakalap pa ng mga karagdagang impormasyon sa mga respondente at upang malaman at marinig at pananaw at opinyon tungkol sa paksa ng pananaliksik.

  • Ang pananaw ng mga estudyante tungkol sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Figure 1. Pananaw ng mga mag-aaral.

Sa dalawampung (20) mag-aaral na aming nakapanayam, 65% ang hindi sang- ayon na ipatanggal ang asignaturang Filipino sa curriculum ng kolehiyo, samantalang ang natitirang 35% ay payag na tanggalin ito.

  • Ang mga maaaring epekto ng pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa wikang Filipino. Kung tatanggalin na sa curriculum ng kolehiyo ang asignaturang Filipino, mas mapagtutuunan ng pansin ang pagtuturo nito sa Senior High School. Sa kabilang banda, mga major subjects naman ang mabibigyang pansin sa kolehiyo.

Gayunpaman, kalakip nito ang negatibong epekto para sa wikang Filipino. Maraming nagsabi na mawawalan ng interes ang mga kabataan kung tuluyan nang aalisin ang asignaturang ito. Malilimutan na ang mga aralin na pinag-aralan ng mga nakakaraang mga baitang. “ Maaaring mabawasan ang kaalaman ng bata tungkol sa mga terminolohiya sa Filipino at maaaring makaapekto sa pananalita o pagbanggit ng wikang Filipino. ” – Robelline Mercado, BSEd major in English. Sinasabi rito ni Mercado na maaapektuhan ang kaalaman natin batay sa ating wikang pambansa. Hindi sa dahil kinalakihan na natin ito ay lagi na tayong tama sa paggamit nito. Madalas pa ring magkamali ang mga Pilipino sa sarili nilang wika. Paano pa kaya kapag alisin pa ang asignaturang patungkol sa ating sariling wika? Katulad ng naunang bilang, mas marami ang nagsabi na mas maraming negatibong epekto ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino kumpara sa mga postibong epektong dala nito.

  • Ang mga maidudulot nito sa mga mag-aaral at sa ating bansa. Ang maaaring epekto ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa mga mag-aaral na Pilipino at maging sa bansang Pilipinas ay nananatili pa ring hati, ayon sa aming mga nakapanayam na mga mag-aaral ng Bulacan State University. May ilang nagsabi na magiging daan ito upang umunlad ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sinabi rin ni Dexter Garcia ng BSEd major in Physical Science, “ Mas magiging globally competitive ang mga graduate ng kolehiyo. ” Dahil sa pamamagitan nito, mabibigyang daan ang iba pang mga asignaturang mas kakailanganin natin para tayo ay makasabay sa mga mauunlad na bansa.