















Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Pagbasa at Pagsulat Makrong Kasanayan sa Filipino
Typology: Study Guides, Projects, Research
1 / 23
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
















Kabanata 2 Mga Kaugnay na Babasahin
Ang ikalawang kabanata ay binubuo ng apat na bahagi: (1) Ang Kasanayan sa Pagbasa, (2) Pag-unawa sa Pagbasa, (3)Kakayahang magsalita ng mga mag-aaral sa Filipino at (4) Buod. Unang Bahagi, Ang Kasanayan sa Pagbasa, ay nauukol sa katuturan, patnubay, mga dapat tandaan sa kahalagahan ng kahalagahan, hakbang, kahusayan sa pagbasa ng Filipino. Ikalawang Bahagi, Pag-unawa sa Pagbasa, ito’y naglalahad ng kahusayan sa komprehensyon o pag-unawa ito’y naglalarawan sa katuturan, katangian at kahalagahan ng kahusyan ng mga mag-aaral sa komprehenson sa mga babasahing Filipino. Ikatlong Bahagi, Kakayahang Magsalita, ito’y naglalarawan sa katuturan, at kahusyan ng mga mag-aaral sa mga akda o sbabasahing Filipino. Ikaapat na Bahagis, Buod, ito’y nagbubuod ng mga kaugnay na babasahin sa pag-aaral na ito.
Kasanayan sa Pagbasa
Isa sa magandang gawain ang pagbabasa, sapagkat hinggil sa inyong hililg at interes dito maraming magagandang bagay itong naidudulot. Nakakapagpalawak ito ng ating imahinasyon. Naipapaisip saatin ng ating nababasa ang mga bagay na imposible nating makita o maranasan. Nakukuha nating maglakbay sa pagbabasa. Higit sa lahat, marami tayong napupulot na kaalaman at aral. Nadadagdagan ang ating mga nalalaman. Maraming benepisyo ang dulot nang pagbabasa: (1) Mas marami kang natututunan, (2) Lumalawak ang iyong bokabularyo, at (3) Lumalawak ang iyong imahinasyon. Ang kasanayan sa Pagbasa ay ang proseso ng pag-unawa sa kahulugan ng mga nakalimbag na titik na isasatinig nito upang maihatid sa tagapakinig ang mensahe ng may-akda. Ito ay may layuning magbigay ng impormasyon, umaliw at magbigay aral sa mga tagapakinig o mambabasa. Ang bumabasa ay tinuturing na kasamang tagalikha ng may-akda sapagkat binibigyan nito ng buhay ang nakalimbag na titik sa pamamagitan ng pagsasatinig ng mensahe ng may-akda. Upang matamo ang kahusyan sa pagbasa na isinasaalang-alang ang mga pamatnubay sa Pagbasa (1) ang materyales na gagamitin na naaayon sa layunin (2) tindig at wastong galaw ng katawan
ng karunungan at kasiyahan, (2) Pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba't ibang larangan ng buhay, (3) Patnubay ito ng mga karanasan, mga mithiing pangarap, (4) Nagsisilbing unang hakbang sa anumang larangan ng pagaaral at pagkatuto (5) Ginigising ang damdamin ng isang indibidwa, (6) Nagiging lunas ng mga suliranin at kahinaan ng isang tao, at (7) Nasasalamin ang buhay ng ibang tao at naiuugnay ito sa sariling karanasan ng bumabasa.
http://tl.answers.com/Q/Kahalagahan_ng_pagbasa
Ayon sa website ng Gemm Learning, maraming mabubuting epekto ang pagbabasa. Sinasabi rito na ang pagbabasa ay isang importanteng life skill. Mahihirapan umano sa pag- aaral ang mga batang nagkakaproblema sa pagbabasa (lalo na siguro kung hindi ito maaagapan agad). HIgit pa silang mahihirapan sa paghahanap ng trabaho, pagigingindependent at pagiging mabuting mamamayan, magulang o manggagawa kung sila man ay makapagtapos. Ang pagbabasa rin daw ay isang mabuting pagi-ehersisyo sa ating utak. Sinasabing mas demanding ito kumpara sa panonood ng telebisyon o pakikinig sa radyo. AniMaryanne Wolf, director ng Center for Reading and Language Research sa Tufts University, sa pagbabasa raw ay
mas mapipilitan tayong gumawa ng naratibo (narrative)at mag- imagine. Sa pagbabasa raw kasi, mas may oras tayong mag- isip. Kumbaga maaari tayong huminto para sa pag-intindi (comprehension) at pagkuha sa tunay na kahulugan at implikasyon(insight) ng ating binasa. Ang pagbabasa ay nakatutulong din sa concentration at attention skills. Dagdag pa ng website, ang pagbabasa rin ay nakatutulong sa pagtaas ng ating bokabularyo. Totoo ito sapagkat sa pagbabasa ng iba’t-ibang babasahin ay makakaharap natin ang mga salitang pamilyar at di pamilyar. Sa pagkaintindi natin sa ating mga binasa ay mauunawaan natin ang mga salitang bago pa lamang sa atin. Nakatutulong din ang pagbabasa sa pagtaas ng tiwala sa sarili ng isang tao. Sinasabi na isa umanong chain reaction ang nangyayari: pag tayo ay laging nagbabasa, marami tayong malalaman; pag marami tayong nalalaman, marami ang mga taong hihingi sa atin ng mga kasagutan tungkol sa iba’t-ibang bagay; pag maraming tao ang humihingi sa atin ng tulong, matutulungan tayo nitong mas bumiti ang pagtingin at tiwala natin sa ating mga sarili. Isa pa sa mga sinasabing magandang epekto ng pagbabasa ay ang paghasa sa atingcreativity. Dahil nai-expose tayo sa mga bagong ideya at mas maraming impormasyon sa pamamagitan
maliliit na detalye sa istorya kung saan ay makaka-relate tayo ay may malaking epekto sa ating pakiramdam, at (7) Mas makatitipid tayo. Kumpara sa panonood ng pelikula, pagpunta sa mgaamusement park o pagkain sa labas, ang pagbabasa ay isang maganda at matipid na paraan para malibang. Iilan pa sa mga dagdag na mabuting epekto ng pagbabasa mula sa website naLifeHack ay ang: (1)Mas matibay na thinking skills. Sa pamamagitan ng pag-alala at pag-intindi sa mga nangyari sa ating binabasa ay mahahasa ang ating analytical at critical thinking skills, (2) Mas mabuting writing skills. Dulot na rin ng mas maigting na bokabularyo, ang pagbabasa ng mga magaganda at mabubuti ang pagkakagawa na mga libro at iba pang babasahin ay magkakaroon ng magandang epekto sa pagsusulat ng mga nakababasa sa mga ito. Maaaring may matutunan tayo sa iba’t-ibang estilo ng mga manunulat ng mga babasahing ating binabasa. Wixson.Et al. (2004). Ayon sa kanila, ang pagbasa ay proseso ng pagkokonstrak ng kahulugan sa pamamagitan ng dinamikong interaksyon ng mga sumusunod: 1. Ng dating kaalaman ng mambabasa 2. Ng impormasyong taglay ng tekstong biinabasa 3. Ng konteksto ng sitwasyon sa pagbasa. Ayon kay Gray(sa Bernales, et al. 2004) may apat na hakbang sa pagbasa: (1) Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa
mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa, (2) Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa, (3) Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa, (4) Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.
May Limang Panukatan o Dimensyon sa Pagbasa “Ang pagbabasa ay psycholinguistic game dahil ang isang mambasa ay binubuong muli ng kaisipan o mensahe hango sa kanyang tekstong binasa.” (Goodman, 2004) Ang pagbabasa ng mga aklat, magasin, pahayagan at iba’t ibang akdang pampanitikan ay may layuning hindi lamang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa kundi magkaroon sila ng mga kaalamang kaugnay ng pagmamahal ng Diyos, bayan, kapwa tao at kalikasan, mga kagandahang asal,mga aral at mga karanasang maiuugnay sa katotohanan ng buhay. May limang panukatan o dimension sa pagbasa na makatutulong sa paglinang ng mga nabanggit na layunin. I. Pag-unawang Literal (1) Pagkuha ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan ng salita, o pagkuha nito ayon sa
pag-unawa upang bayaan ang bumabasa na makapag-isip sa nais na ipakahulugan sa mahahalagang kaisipan ng may akda (12)Paghinuha (Inferring), (13) Pagkakasunud-sunod (Sequence, (14) Paghahambing (Comparison), (15) Pagkakaugnay ng sanhi at bunga, (16)Katangian ng Tauhan. III. Mapanuring Pagbasa (Critical Reading). (1) Pagbibigay halaga sa katumpakan ng pagbabasa, (2) Tiyakin ang kaugnayan nito sa isang particular sa suliranin, at (3) Pagbibigay ng sariling pasya tungkol sa,(4) Pagbibigay ng sariling reaksyon tungkol sa mga kaisipang natutuhan o sa akdang nabasa, (5) Paghatol at pagbibigay-pansin sa katangian ng material na ginamit ayon sa, (6)Pagpapasaya kung ito’y maaring tunay na pangyayari o fantasya lamang batay sa karanasan ng bumabasa, (7) Pagpapasya kung ito’y katotohanan o opinion lamang, analisahin o tantyahin, (8) Pagpasya sa kaangkupan, (9) Pagpapasya sa pagpapahalagang moral. IV. Aplikasyon sa Binasa /Paglalapat. (1) Pagsanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawan, (2) Malaman ang kahalagahan ng nilalaman ng binabasa sa karanasan ng bumabasa, (3) Maragdagan ang pansariling pang-unawa sa sarili (4) Pagpapahalaga sa ibang tao, pag-unawa sa daigdig na kanyang tinanahanan at ang mga bagay sa mundo na nagpapakilos sa tao upang siya’y mag-isip,
makadama at umasal ng kanyang ikinikilos (5)Pag-uugnay ng nilalaman sa personal na karanasan, at (6) Aplikasyon ng mga kaisipan sa binasa sa kasalukuyang isyu at mga problema. V. Pagpapahalaga (Appreciation).(1) Paglikha ng sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon, (2) Pagdama sa kagandahan ng ipinahiiwatig ng nilalaman ng kwento, (3) Madama ang mga damdamin o kaisipang likha ng guniguni o mga damdamin ng mga tauhan sa kanilang pakikipagtunggali, papupunyagi at paghihirap, (4) Maipahayag ang mga damdamin(kasiyahan, kagalakan, kalungkutan, pagkabigo, pagdakila o kabaliktaran nito) ayon sa pamamaraan ng may akda, (5) Pagdama sa nilalaman ng seleksyon. Upang matupad ang ating layunin sa pagbabasa, kailangangs malaman at sundin ang mga dimensyon sa pagbabasa. Ang pagpapahalaga sa gawaing ito ay magbibigay sa atin ng magaang na pakiramdam at damhin ang ating nabasang akda.Ito man ay pangkaalaman o panlibangan na gawain, matitiyak na magugustuhan natin ang ating mga binasa. Makakapaglaan pa ng kaunting oras sa paginitindi sa mga akda dahil ang mga dimesyong ito ay nagsisilbing teknik sa pagkuha ng impormasyon sa akda. Katulad ng aplikasyon,isa sa mga dimesyon sa pagbasa,naiiugnay ang sariling karanasan sa akdang nabasa.
pataas (bottom-up), (C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang iskema. Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay itinatanong sa sarili ang sumusunod: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko kapag hindi ko naunawaan ang aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin upang lalong maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?; may magagawa ba ako upang mas lalong maalala ang binasang teksto?; anong mga estratehiya sa pagbasa ang aking kailangang gamitin kaugnay ng teksto? Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na pangkat o uri: (A) Kasanayan sa Bilis at (B) Kasanayan sa Pang-unawa: (1) Kasanayan sa Bilis- Pagpansin o pagtingin nang higit na malawak ang agwat, (2) Kasanayan sa Pang-unawa- Paglilinang ng talasalitaan Ayon kay Lalunio (2000), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito ay ang bilang ng salitang nabasa sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na may katamtamang bilis ay nakababasa ng 250 salita bawat minuto. Ang mahusay na mambabasa nakababasa ng 500 – 600 salita bawat minuto. Ang napakahusay na mambabasa na may bilis ay nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto. Ang
bilis sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa layunin ng mambabasa at kahirapan ng binabasa. Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan ang binabasa, kaya pang-unawa ang siyang mahalagang bagay na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa. Ang pang-unawa ay karaniwang inilalahad sa bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-unawang natamo ng mambabasa sa pagsusumikap niyang maunawaan nang husto ang binabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay nakatatamo ng 70 – 90% na pag- unawa sa teksto at 90 – 95% sa mga tekstong nasa malayang antas. Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka babasa at kung ano ang gusto mong malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding magkaroon ka ng lubos na pagkakakilala sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang kuwento, editoryal, ang isang kolum; ang pagbasa sa pahayagan, sa panitikan, sa agham, matematika, pilosopiya – ang bawat isa’y naglalahad ng iba’t ibang suliranin. Bukod pa riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo, talasalitaan at pamaraan ng paglalahad. Dahil dito, makabuluhan ang pag-aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng teksto.
o kaya'y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa, (3) Previewing- Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa.
Kasanayan sa Pag-unawa Mahalaga ang komprehensyon o pag-unawa sa pagbasa (Tumangan Sr. et al. (2001). Sabi ng mga dalubhasa sa pagbasa, “Wala raw pagbabasa kapag walang pag-unawa”. Ibig sabihin nito, maaaring nabibigkas ng tao ang mga salitang nakalimbag sa aklat o babasahin ngunit hindi naman niya iyon nauunawaan, hindi ito maituturing na pagbasa.
Ayon kina Diane Lapp at James Flood, ang pagbasa ay pag-unawa. Kung hindi mo naunawaan ang binasa mo hindi ka bumasa. Ang kakayahang makaunawa sa mga binasa ay nangangailangan ng napakaraming kasanayan na hindi matatamo sa isang pamaraan lamang. Bilang mga guro kailangan mabigyan natin ng mga gawain at tanong ang mga bata na makakatulong
sa pag-unlad ng kanilang kakayahan sa pag-unawa: (1) Pagkuha ng Pangunahing Detalye ng Akda, (2) Paghihinuha-nagagawa ito ng bumabasa pagkatapos lamang na mabasa na ang akda.Kapag nakagagawa siya ng pag-aakala o isipan sa binasa,o nakagagawa siya ng paghihinuha,masasabing naunawaan nito ang kanyang binasa, (3) Paghula-dito naman maaaring gamitin ng ,mambabasa ang kanyang paghuhula .At pwede din ang panghuhulang ito ay dapat samahan ng pangangatwirang totoo o kapani-paniwala,makatuwiran at katanggap-tanggap, (4) Pagbibigay ng Konklusyon-ito naman yung paglalahad ng sariling palagay o kuru-kuro o opinyon sa nilalaman ng teksto, at (5) Pagwawakas-pagkatapos basahin at maunawan ang teksto maaari ka gumawa ng sariling pagwawakas sa iyong binasa na maaaring kasang-ayon o kasalungat ng talagang wakas ng teksto.
http://ikawakopilipino.blogspot.com/2012/03/kasanayan- sa-pag-unawa.html
Ang komprehensyon o pag-unawa sa isinulat ng isang awtor , ay nagaganap sa iba’t ibang level ng kahirapan ayon sa kalikasan ng materyal at ang mga layuning inilakip sa pagbabasa. Tinukoy ni Horn na binanggit ni Llaban (2009) na
at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito, (5) Madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao. Ang mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daigdig ay may isang katangiang ipinagkatulad sa isa’t isa. Lahat sila’y may mataas na antas ng kakayahang magpahayag ng ideya ng kanilang naging kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at tagasunod. 1.Abraham Lincoln- dating pangulo ng Estados Unidos ay natanyag at nag-iwan ng hindi na mabuburang bahagi sa kasaysayan hindi lamang sa Amerika kundi naging sa buong mundo. Hindi mataas ang pinag- aralan sapagkat wala siyang pormal na edukasyon at siya’y mahirap na mamamayan lamang. Ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay sa kanyang determinasyon na linangin at paunlarin ang kanyang kakayahang magsalita sa harap ng publiko. Dahil sa kakulangan ng “speech schools” matamang inobserbahan at pinakinggan ni Lincoin ang paraan sa pagsasalita ng ibang tao kahit noong bata pa lamang siya. Hanggang sa kasalukuyan, ipinagpalagay na ang kanyang Gettysburg Address at ikalawang Inaugural Speech ay ilan sa natatanging pinakamahusay na talumpati sa buong kasaysayan ng daigdig.
pagbibigay ng matamang atensyon sa mga malalayang simulain ng pagsasalita. Halos lahat ng kanyang talumpati sa radyo ay praktisado ng lubusan. Maaring ang kanyang mga kalaban sa pulitika ay umaming ang kanyang sunud-sunod na tagumpay ay nakaugat sa kanyang impluwensya sa kanyang tagapakining.
Buod
Ang pagbasa ng may pag-unawa at pagsasalita ay ilan lamang sa kasanayang pangwika na dapat ituro sa mga mag- aaral at matutuhan nilang gawin. Itinuturing na isa sa pinakamahirap na iturong kasanayang pangwika ang pagbasa ng may pag-unawa at ang pagsasalita.