References for Research, Essays (high school) of English

Looking for references for your research?

Typology: Essays (high school)

2019/2020

Uploaded on 04/24/2020

Faholo
Faholo 🇵🇭

2 documents

1 / 15

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
19
Ang Paggamit ng Inklusibong Wika sa Filipino
tungo sa Pagtamo ng Inklusibong Edukasyon
Jane K. Lartec, Sheila D. Dotimas,
Carren Mae R. Maraño, Mary Ann P. Pitas,
Jonabeth L. Polido at Kristine L. Senio
Saint Louis University, Baguio City
Si Lartec ay kasalukuyang
Kawaksing Dekana ng School
of Teacher Education ng Saint
Louis University, Baguio
City. Nagsilbi rin siya bilang
Graduate Program Coordina-
tor at Tagapangulo ng Kaga-
waran ng Filipino. Aktibo
rin siyang opisyal at kasapi
ng mga samahang pangwika
tulad ng Philippine Associa-
tion for Language Teaching
(PALT), Sanggunian sa Filipi-
no (SANGFIL) at Wika ng Kul-
tura at Agham, Ink (WIKA).
Si Dotimas ay Propesor sa
Antas Gradwado at Di-Grad-
wado sa Saint Louis Univer-
sity, Baguio City. Sinusulat
niya ang kanyang disertasyon
para sa kursong PhD in
Language Education.
Sina Maraño, Pitas, Polido
at Senio ay mga mag-aaral ng
Filipino sa School of Teacher
Education, Saint Louis
University.
Abstrak
Ang inklusibong edukasyon ay tumutukoy sa ka-
gustuhang malampasan ang mga hadlang sa parti-
sipasyon at pagkatuto ng lahat ng mga mag-aaral
sa paaralan- anuman ang kanilang wika, politikal na
paninindigan o uring kinabibilangan. Upang matamo
ito, mahalaga ang papel na ginagampanan ng inklu-
sibong wika. Kung kaya, layon ng pag-aaral na suriin
ang paggamit ng inklusibong wika sa Filipino ng mga
guro sa Paaralan ng Edukasyong Pangguro ng Saint
Louis University, Baguio City. Ginamit ang deskripti-
bong pamamaraan upang makuha ang mga datos
mula sa labing-anim na respondente. Lumabas sa
resulta ng pag-aaral na ang paggamit ng mga guro
ng inklusibong wika sa Filipino ay kalimitang ukol sa
mga katawagan sa kapansanang pisikal at mental.
Natuklasan ding nangungunang salik ang ugnayan
ng wika at kultura sa paggamit ng inklusibong wika
tungo sa pagpapatupad ng inklusibong edukasyon.
Sa huli, ang mga mungkahing pamantayan mula
sa mga guro ay nagbibigay ng pansin sa lahat ng
domeyn ng holistikong pagkatuto gaya ng pagkaka-
roon ng kaalaman, pagpapahalaga at pagsasagawa.
Samakatwid, kailangang bigyang-pansin ang ug-
nayan ng wika at edukasyon sa pagtamo ng inklu-
sibong edukasyon sa lahat ng aspekto at larangan.
Mga Susing Salita
inklusibong wika, inklusibong edukasyon, inklusi-
bong wika sa Filipino, mga salik sa inklusibong wika
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff

Partial preview of the text

Download References for Research and more Essays (high school) English in PDF only on Docsity!

Ang Paggamit ng Inklusibong Wika sa Filipino

tungo sa Pagtamo ng Inklusibong Edukasyon

Jane K. Lartec, Sheila D. Dotimas,

Carren Mae R. Maraño, Mary Ann P. Pitas,

Jonabeth L. Polido at Kristine L. Senio

Saint Louis University, Baguio City

Si Lartec ay kasalukuyang Kawaksing Dekana ng School of Teacher Education ng Saint Louis University, Baguio City. Nagsilbi rin siya bilang Graduate Program Coordina- tor at Tagapangulo ng Kaga- waran ng Filipino. Aktibo rin siyang opisyal at kasapi ng mga samahang pangwika tulad ng Philippine Associa- tion for Language Teaching (PALT), Sanggunian sa Filipi- no (SANGFIL) at Wika ng Kul- tura at Agham, Ink (WIKA). Si Dotimas ay Propesor sa Antas Gradwado at Di-Grad- wado sa Saint Louis Univer- sity, Baguio City. Sinusulat niya ang kanyang disertasyon para sa kursong PhD in Language Education. Sina Maraño, Pitas, Polido at Senio ay mga mag-aaral ng Filipino sa School of Teacher Education, Saint Louis University.

Abstrak Ang inklusibong edukasyon ay tumutukoy sa ka- gustuhang malampasan ang mga hadlang sa parti- sipasyon at pagkatuto ng lahat ng mga mag-aaral sa paaralan- anuman ang kanilang wika, politikal na paninindigan o uring kinabibilangan. Upang matamo ito, mahalaga ang papel na ginagampanan ng inklu- sibong wika. Kung kaya, layon ng pag-aaral na suriin ang paggamit ng inklusibong wika sa Filipino ng mga guro sa Paaralan ng Edukasyong Pangguro ng Saint Louis University, Baguio City. Ginamit ang deskripti- bong pamamaraan upang makuha ang mga datos mula sa labing-anim na respondente. Lumabas sa resulta ng pag-aaral na ang paggamit ng mga guro ng inklusibong wika sa Filipino ay kalimitang ukol sa mga katawagan sa kapansanang pisikal at mental. Natuklasan ding nangungunang salik ang ugnayan ng wika at kultura sa paggamit ng inklusibong wika tungo sa pagpapatupad ng inklusibong edukasyon. Sa huli, ang mga mungkahing pamantayan mula sa mga guro ay nagbibigay ng pansin sa lahat ng domeyn ng holistikong pagkatuto gaya ng pagkaka- roon ng kaalaman, pagpapahalaga at pagsasagawa. Samakatwid, kailangang bigyang-pansin ang ug- nayan ng wika at edukasyon sa pagtamo ng inklu- sibong edukasyon sa lahat ng aspekto at larangan. Mga Susing Salita inklusibong wika, inklusibong edukasyon, inklusi- bong wika sa Filipino, mga salik sa inklusibong wika

HASAAN

Introduksyon

Ang inklusyon ay isang gawaing edukasyunal na nagpapanukalang lahat ng mga mag-aaral ay may pantay na pagkakataon at karapatang mabigyan ng kaukulang edukasyon anuman ang kanilang kalagayan - walang kapansanan o may kapansanan man. Kailangan silang maging bahagi sa pangkalahatang edukasyong nakabatay sa kanilang kakayahan at hindi sa kapansanan (Al Zyoudi 4, Forlin 235-45). Kaugnay ito ng pundamental na karapatan ng mag-aaral na makilahok sa anumang gawaing pampagkatuto (Ulep 6-15).

Maiuugnay ang inklusibong edukasyon sa kagustuhang malampasan ang mga hadlang na nakasasagabal sa partisipasyon at pagkatuto ng lahat ng mga bata, anuman ang kanilang lahi, kasarian, kaligirang sosyal, kapansanan at antas ng pagkatuto sa mga paaralan (Booth at Ainscow 3- 10). Ito ay isang programang nakatuon sa pagtanggap sa lahat ng uri ng indibidwal upang malinang ang magandang samahan ayon sa natatanging katangiang taglay ng bawat isa (UNESCO 1-6). Hangarin nito ang interaksyon sa pagitan ng iba’t ibang kultura, tradisyon, kasarian, relihiyon, antas sa buhay at iba pa. Layunin din nitong magkaroon ng mga pagbabago sa sistema ng edukasyon upang mas maging angkop ang pagtuturo sa sinumang nais matuto. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa kasalukuyang estratehiya at mga programang tumutugon sa hindi pagkakapantay-pantay, pagkakaroon ng ugnayan at integrasyon ng mga pagdulog, gayundin ang mga pandaigdigang balangkas ng iba’t ibang mga ahensiya upang maipalaganap ang adbokasiya, kaalaman, pagbibigay ng teknikal na tulong at pagpapakilala sa pangunahing prinsipyo at pangangailangan ng inklusibong edukasyon.

Ang inklusibong edukasyon ay tumutukoy rin sa partisipasyon ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkatutong akademiko at pangkomunidad (Barton 3-4), sa proseso ng paghahanap ng mga kasagutan sa mga problema o pangangailangan ng bawat isa at sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral upang mas umangat ang partisipasyon sa pagkatuto at mabawasan ang diskriminasyon sa edukasyon (Booth at Ainscow 3-10).

Ang mga mag-aaral ay aktibong kalahok sa proseso ng pagkatuto sa pamamagitan ng asimilasyon at akomodasyong naaayon sa kanilang kakayahan, kalakasan at kahinaan (sipi nina Corpuz at Lucas kay Piaget 8). Kahit na sila ay may iba’t ibang wika, kultura, pamumuhay, kawilihan at paraan ng pagkatuto ay kailangan nila ng kakayahang makisalamuha sa kanilang kapwa (sipi ni Ketley kay Dewey 1). Sa gayon, nagkakaroon ng kapaki-pakinabang na pagkatuto.

HASAAN

higit na mas maraming babae ang gumagamit ng inklusibong wika. Binanggit din ni Nixon (246-250) na kailangang muling maibalik sa mga pamantasan ang pangmasa at inklusibong wika sa edukasyon na nagpapakita ng moralidad at layuning pang-akademya.

Isang malaking hamon ng inklusibong wika ang pagpapalawak at pagpapayaman pa sa ating mga talasalitaan. Magagawa lamang ito kung maging bukas tayo sa mga pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran (Thorsen at Becker 1-10) upang mabuo ang inklusibong wika na hindi gumamit ng mga salitang nagdidiskrimina at lumilinang ng konsepto ng stereotyping. Samakatuwid, ang inklusibong wika ay may kaugnayan sa konsensiya dahil ang mga salitang pinipili natin ay may malaking epekto kung paano natin pakikitunguhan ang isang tao nang may respeto.

Ang kagustuhan natin sa paggamit ng mas inklusibong wika ay nakatutulong sa atin na maging mulat hindi lamang sa ating kasarian kundi pati sa ating lahi, antas ng buhay, pagkamamamayan, edad, uri at kalagayan sa buhay at lahat ng ating pagkiling sa mga bagay-bagay (Handesty 14-16).

Ang wikang Filipino bilang isang wikang buhay ay hindi maikakailang kasangkot sa usapin ng inklusibong wika. Mas maraming mga katawagan ang masasabing inklusibo lalo na sa paggamit ng panghalip gaya ng “siya”, di tulad sa Ingles na lantarang makikita ang panlalaking “he” at pambabaeng “she.” Ilan pang halimbawa ay ang katawagan sa mga propesyon. Sa wikang Ingles kung ang tinukoy ay bombero ay tinutumbasann ng “fireman” at ‘firewoman”, ang salitang pulis ay “policeman” at “policewoman” o sa mga salitang “mankind” (sangkatauhan), “manpower” (manggagawa), “chairman” (namumuno/pinuno), “actress/actor” (gumaganap), “waitress/waiter” (tagapagsilbi). Gayunpaman, marami ring mga salitang diskriminatibo lalo na sa mga aspektong may kaugnayan sa kapansanan o kakulangan. Ilang halimbawa nito ay ang lantarang pagbanggit sa kapansanan ng indibidwal tulad ng “bulag”, “pipi”, “bingi”, “bobo”, “tanga”, at iba pa na nakakasakit sa damdamin.

Ang Filipino ay isang katutubong wika na nililinang mula sa panghihiram ng mga wikang katutubo at di-katutubo sa bansa (Garcia et al. 44). Bukas ito sa pagtanggap sa mga paraan ng pagpapahayag na mula sa iba’t ibang rehiyon. Sa pamamagitan ng pagpapayaman ng korpus ng ating wika ay mapapaigting itong kabahagi sa lahat sa larangan ng pagkatuto at sa pagsusulong sa mga pagbabago sa isang lipunang mapanghusga.

Mapapansin sa mga inilahad na kaugnay na literatura na wala pang pag-

LARTEC, DOTIMAS, MARAñO, PITAS, POLIDO, SENIO

aaral na hinggil sa paggamit ng inklusibong wika sa Filipino. Bilang panimulang pagsusuri sa paggamit ng inklusibong wika, bibigyang-pansin ng papel ang paggamit ng mga guro ng inklusibong wika na magsisilbing pundasyon sa paggawa ng mga pamantayan at lalong pagpapalawak sa kaalaman ng konsepto ng inklusibong edukasyon.

Layunin ng pag-aaral na suriin ang paggamit ng inklusibong wika sa Filipino ng mga guro; ihanay ang mga salik sa paggamit ng inklusibong wika sa Filipino; at makabuo ng mga mungkahing pamantayang gagamitin sa pagpapatupad ng inklusibong wika sa Filipino tungo sa pagtatamo ng inklusibong edukasyon.

Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik. Ginamit ang deskriptibong pamamaraan sa pananaliksik upang matalakay ang paglalarawan sa mga uri ng inklusibong wika sa Filipino na ginagamit ng mga guro gayundin ang mga salik na nakaaapekto sa kanilang paggamit ng inklusibong wika.

Lugar at Respondente. Isinagawa ang pananaliksik sa Paaralan ng Edukasyong Pangguro ng Saint Louis University, Baguio City. Ang Saint Louis University lamang ang pamantasang may opisina ng Institute of Inclusive Education sa buong Pilipinas na ang adbokasiya ay tungo sa pagpapalaganap ng inklusibong edukasyon. Gayundin, kasama ang kursong Inclusive Education bilang isa sa mga asignatura ng mga mag-aaral sa kursong Edukasyon. Dahil dito, gumagawa ang paaralan ng mga pamamaraan upang lalong maisakatuparan ang pagkakaroon ng inklusibong edukasyon. Bahagi nito ang pagkakaroon ng mga guro ng mabuting pananaw, pilosopiya at adbokasiya tungkol sa inklusibong edukasyon.

Kalahok sa pananaliksik ang labing-anim na mga guro sa Paaralan ng Edukasyong Pangguro. Sila ang napiling respondente dahil sila ang nakaaalam sa pilosopiya ng inklusibong edukasyon. Bahagi ito ng kanilang oryentasyon sa bawat semestre. Mayroon ding mga serye ng taunang pagsasanay na ibinibigay sa mga guro ng Paaralan ng Edukasyong Pangguro mula sa Institute of Inclusive Education. Bilang mga guro rin sa syudad ng Baguio na tinaguriang ‘melting pot’ ng Norte, nalalantad sila sa iba’t ibang uri ng mga mag-aaral. Malaking bahagdan ng mga mag-aaral ang mga taga-Cordillera. Mayroon ring mga galing sa kalapit na mga probinsya tulad ng La Union, Pangasinan, rehiyong Ilocos, Pampanga, kasama na rin ang mga dayuhan tulad ng mga Koreano, Amerikano, Indonesian at iba pa. Ang pagkakaiba-iba ay lalong magbibigay ng kabuluhan sa pagpapaigting ng paggamit ng inklusibong wika upang maiwasan ang

LARTEC, DOTIMAS, MARAñO, PITAS, POLIDO, SENIO

interpretasyon ang pagraranggo. Sa huli, tinaya naman ng mga mananaliksik ang mga magkakaugnay na mungkahing ibinigay ng mga respondente tungkol sa pamantayan sa paggamit ng inklusibong wika sa Filipino tungo sa pagkakaroon ng inklusibong edukasyon.

Resulta at Diskusyon

Nahahati sa tatlong bahagi ang pagtalakay sa resulta ng pananaliksik batay sa inilahad na mga layunin ng pag-aaral: paggamit at paraan ng mga guro ng inklusibong wika sa Filipino; mga salik na nakaaapekto sa paggamit ng inklusibong wika sa Filipino; at mungkahing pamantayan sa epektibong paggamit at pagpapatupad ng inklusibong wika tungo sa ganap na inklusibong edukasyon.

Binigyang-pansin ang antas ng kadalasan ng paggamit ng mga guro sa inklusibong wika na nailahad sa Talahanayan 1.

Talahanayan 1:Dalas ng Paggamit ng Inklusibong Wika sa Filipino Tradisyunal Mga Inklusibong wika sa Filipino sa Inklusibong Edukasyon

WM I R

  1. Bulag taong may kapansanan sa paningin 2.94 MsG 1
  2. Pipi taong may kapansanan sa pananalita 2.88 MsG 2.
  3. Bingi taong may kapansanan sa pandinig 2.88 MsG 2.
  4. Lumpo taong may kapansanang maglakad 2.31 MnG 7.
  5. Pilay taong may kapansanan sa paglalakad 2.44 MnG 5
    1. Bobo taong may kahinaan sa pag-unawa 2.50 MsG 4
    2. Tanga taong may kakulangan sa pag-unawa 2.25 MnG 9
    3. Pangit taong hindi kagandahan 2.31 MnG 5
    4. Tamad taong hindi produktibo 2.06 MnG 12.
    5. Matanda taong may edad 2.19 MnG 10
    6. Mataba taong malusog 2.38 MnG 6
    7. Payatot taong balingkinitin 2.13 MnG 11
    8. Duling taong may kapansanan sa paningin (cross-eyed) 2.16 MnG 12.
    9. Sakang taong may pagitan ang hita sa paglalakad 1.56 HG 14.
    10. Piki taong nagkakasundo ang mga tuhod sa paglalakad

1.56 HG 14.

Kabuuan 2.3 MnG

  • 3.25 – 4.00 – Palaging Ginagamit (PG)
  • 2.50 – 3.24 – Madalas na Ginagamit (MsG)
  • 1.75 – 2.49 – Madalang na Ginagamit (MnG)
  • 1.00 – 1.74 – Hindi Ginagamit (HG)

HASAAN

Nangunguna ang “taong may kapansanan sa paningin” (2.94) habang ang “taong may kapansanan sa pananalita” at ang “taong may kapansanan sa pandinig” ay pumapangalawa (2.88) at pang-apat ang “taong may kahinaan sa pag-unawa” (2.50). Mahihinuhang ang nakakuha ng mataas na ranggo na madalas na ginagamitan ng inklusibong wika ay ang mga nakakasagabal sa proseso ng pagkatuto. Samantala, nahuhuli ang “taong may pagitan ang hita sa paglalakad” at “taong nagkakasundo ang mga tuhod sa paglalakad” (1.56) na may interpretasyong Hindi Ginagamit (HG). Ipinahihiwatig nito na hindi naging suliranin sa klasrum ang mga taong may kapansanan sa paglalakad kaya hindi gaanong pinapansin ng mga guro ang kanilang kapansanan. Maiuugnay ang resulta ng talahanayan sa tatlong mahahalagang temang lumabas mula sa pakikipanayam sa respondente.

Paggamit ng mga inklusibong pahayag ukol sa pisikal na katangian. Marami sa mga respondente ang nagsabi na ang mga salitang tumutukoy sa kapansanang pisikal ang lantarang kakikitaan ng paggamit nila ng inklusibong wika. Makikita ito sa ilang pahayag ng mga respondente:

“Ang kadalasan kong ginagamit na inklusibong wika sa Filipino ay ang mga salita tulad ng ‘taong may kapansanan sa paningin’, ‘taong may kapansanan sa pandinig’, ‘taong may kapansanan sa pananalita.”

Kadalasan, ang mga kapansanan ang pinakaunang napapansin ng mga guro ngunit, mas minamabuti nilang gumamit ng mga salitang nagbibigay- pansin sa kanilang katauhan bago ang kanilang kapansanan. Mula noong naitatag ang opisina ng Inklusibong Edukasyon sa pamantasan, naging daan ito sa pagtanggap sa paaralan ng mga mag-aaral na may kapansanan sa paningin, pandinig at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit nalalantad ang mga guro sa naturang mga kapansanan at nasasanay na rin sila sa madalas na paggamit ng mga salitang may kaugnayan dito. Ang paggamit nila ng mga inklusibong wika ay isa ring paraan upang mas aktibong makibahagi ang mga may kapansanan sa klase. Paggamit ng mga inklusibong pahayag ukol sa abilidad ng mag-aaral. Ayon sa mga guro, binibigyan rin nila ng pansin ang mental na kakayahan ng mga mag-aaral kaugnay ng kanilang akademikong pagganap sa klase. Ilan sa mga halimbawa na binanggit nito ay ang paggamit ng salitang ‘taong may kahinaan sa pag-unawa’ sa halip na ‘bobo’, ‘taong may kakulangan sa pag-unawa’ sa halip na ‘tanga’ at ‘taong hindi produktibo’ sa halip na ‘tamad.’ Ayon sa isang respondente, “ang paggamit ko ng pahayag na ‘taong may kahinaan sa pag- unawa’ kahit papaano ay nakakabawas ng mabigat na datíng sa mga mag-aaral’.

HASAAN

naghahangad na tanggapin ng lipunang kanyang kinabibilangan. Kaugnay rin ito ng usapin ng multikultural na edukasyon kung saan ang pangunahing layunin ay ang pagpahahalaga sa edukasyon at ang tagumpay ng bawat mag-aaral lalo na sa mga hindi masyadong pinapansin o sa mga taong napapabilang sa mga etnikong pangkat at ang hindi nabibigyan ng pagkakataong makapagkamit ng edukasyon (sipi ni Espique kay Nieto 55-59).

Mga Salik na sa Paggamit ng mga Inklusibong Wika sa Filipino

Inilalahad sa Talahanayan 2 ang mga salik na nakaaapekto sa paggamit ng mga inklusibong wika sa Filipino sa inklusibong edukasyon.

Nilalaman WM I R Salik para sa mga Mag-aaral

  1. Kinagisnang kultura at relihiyon 2.87 LN 1
  2. Kalakasan at kahinaan sa paggamit ng wika 2.68 LN 4
  3. Kawilihan o interes sa kanilang pagkatuto 2.62 LN 7
    1. Paraan ng pakikisalamuhasa kanyang kapwa 2.56 LN 8
  4. Kawalan ng partisipasyon sa akademikong gawain 2.68 LN 4
  5. Pagkakaiba-iba ng kasarian 1.87 BN 20
  6. Pagkakaiba-iba ng talino 2.5 LN 11
  7. Antas ng pamumuhay 1.93 BN 19
  8. Taglay na kakayahan at talento 2.31 BN 15.
  9. Pagkakaiba-iba sa estilo ng pagkatuto 2.37 BN 13
  10. Sariling paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o ideya 2.25 BN 17
  11. Unang wika na ginagamit ng mga mag-aaral 2.37 BN 13
  12. Pagkakaiba-iba ng wika ng mga mag-aaral 2.37 BN 13
  13. Hindi angkop na paggamit ng mga salita ng mga mag-aaral 2.68 LN 4
  14. Pagkakaiba-iba ng edad 2.06 BN 18 Salik para sa Guro
  15. Kaalaman sa inklusibong edukasyon 2.68 LN 4
  16. Pagpapahalaga sa inklusibong edukasyon 2.68 LN 4
  17. Kalikasan ng asignaturang itinuturo 2.31 BN 15.
  18. Pagdalo sa mga palihan sa inklusibong edukasyon 2.56 BN 9
  19. Pagdalo sa mga seminar tungkol sa inklusibong edukasyon 2.56 BN 9 Kabuuan (^) 2.45 BN
  • 3.25 – 4.00 – Lubos na Lubos na Nakaaapekto (LLN)
  • 2.50 – 3.24 – Lubos na Nakaaapekto (LN)
  • 1.75 – 2.49 – Bahagyang Nakaaapekto (BN)
  • 1.00 – 1.74 – Hindi Nakaaapekto (HN)

LARTEC, DOTIMAS, MARAñO, PITAS, POLIDO, SENIO

Batay sa talahanayan, isinasaalang-alang ng mga respondente ang salik na kultura at relihiyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga inklusibong wika. Gaya ng nabanggit, ang syudad ng Baguio ay isang multilinggwal at multikultural na komunidad kaya mahalaga sa mga guro na bigyang-pansin ang salik ng pagkakaibang ito sa mga mag-aaral upang gamitin at maiangkop nila ang mga terminong kanilang ginagamit sa kultura at relihiyon ng mga mag-aaral.

Mapapansin din sa mga salik na mas marami ang nakapokus sa pagganap ng mga mag-aaral sa loob ng klase gaya ng kanilang kalakasan at kahinaan, kawalan ng partisipasyong akademiko at ang kanilang pakikisalamuha sa kanilang kapwa mag-aaral. Mahalaga kung gayon ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa loob ng klase gayundin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang kapwa mag-aaral at ng kanilang guro upang ganap na maisakatuparan ang paggamit ng inklusibong wika sa edukasyon.

Holistikong pagkatuto ang pinakalayunin ng edukasyon kaya para sa mga guro, kailangan nilang bigyan ng pansin ang iba’t ibang katangian at kalikasan ng kanilang mga mag-aaral upang maiangkop nila ang paggamit nila ng inklusibong wika sa proseso ng kanilang pagtuturo. Sinasang-ayunan din ito ng aspektong pangguro na makikita sa mga pahayag na ang kaalaman ng mga guro sa konsepto ng inklusibong edukasyon gayundin ang kanilang pagpapahalaga rito ay mapapansing mahalagang salik sa pagsasakatuparan ng inklusibong wika.

Samantala, nahuhuli sa lahat ng salik ang pagkakaiba-iba ng kasarian ng mga mag-aaral (1.88). Ipinahihiwatig nito na hindi gaanong suliranin sa paggamit ng inklusibong wika sa Filipino ang pagkakaiba-iba ng kasarian. Maiuugnay ito sa nabanggit na sa wikang Filipino, mas patas ang pagtingin o paggamit ng inklusibong wikang kaugnay ng kasarian dahil hindi nakikita ang tahasang pagkakaiba ng mga ito kumpara sa ibang wika tulad ng Ingles.

Makikita sa kabuuan ang resulta ng weighted mean na 2.41 na may interpretasyong Bahagyang Nakaaapekto (BN) ang mga inihanay na salik. Ayon sa mga respondente, bahagya ito dahil hindi pa masyadong malay ang mga guro na may ipinatupad na inklusibong edukasyon dito sa Pilipinas.

Ang pangunahing salik na nakaaapekto sa paggamit ng inklusibong wika sa Filipino ay ang iba’t ibang kinagisnang kultura at relihiyon ng bawat mag-aaral, ang kalakasan at kahinaan ng isang mag-aaral sa paggamit ng wika, kawalan ng partisipasyon ng mga mag-aaral sa akademikong gawain ang hindi angkop na paggamit ng mga salita ng mga mag-aaral, ang kawilihan o interes ng mga

LARTEC, DOTIMAS, MARAñO, PITAS, POLIDO, SENIO

mag-aaral. Narito ang buod ng mga pamantayang iminungkahi ng mga guro:

  1. Kailangan ang aktibong pagdalo ng mga guro sa mga pagsasanay ukol sa inklusibong edukasyon gaya ng ibinibigay ng Paaralan ng Edukasyong Pangguro ukol sa tamang pagpapadaloy ng isang inklusibong klase.
  2. Maging malikhain ang mga guro sa kanilang pagtuturo bilang tulong sa pagpapatupad ng inklusibong wika upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa proseso ng kanilang pagkatuto.
  3. Kilalanin ang kultura at komunidad dahil may malaki itong papel na ginagampanan sa paggamit ng isang tao sa wika. Sa pamamagitan nito ay kinikilala ang pagkakaiba-iba ng bawat isa.
  4. Maging maalam sa paggamit ng wika at kalikasan nito. Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang paggamit ng wika sa anyong nakasasakit ng damdamin.

Mapapansin sa naitalang mungkahi ang iba’t ibang aspekto na isinasaalang- alang upang ganap na maipatupad ang paggamit ng inklusibong wika sa Filipino. Kung susuriin ang mga pahayag, binigyang-pansin ng mga guro ang lahat ng domeyn ng pagkatuto tulad ng kaalaman, pagpapahalaga at pagsasagawa. Ayon sa mga guro, hindi lamang sapat na magkaroon sila ng kaalaman hinggil sa inklusibong wika sa pamamagitan ng pagsasanay at pag-alam sa tungkulin ng wika, kundi mahalaga rin ang pagpapahalaga at ang aktibong pagpapatupad nito.

Sa mga pamantayang nabuo, maipapaloob ang mahahalagang konseptong unibersal na tinatanggap ng nakararami, anumang lahi, relihiyon, kasarian, kalagayan sa buhay, antas ng edukasyong natamo, paniniwala at iba pa. Bagaman may mga pamantayan nang nalathala ay mainam ding tingnan ang mga tiyak na pamantayan na malilinang mula sa mga kasagutan ng mga naging kasangkot sa pag-aaral lalo pa at mga guro ang nagsilbing respondente; hindi maikakailang ang kanilang karanasan at sariling pananaw ay may malaking epekto sa mga mag-aaral.

Konklusyon

Malaki ang papel na ginagampanan ng paggamit ng inklusibong wika sa pagkakaroon ng inklusibong edukasyon. Magkaugnay ang wika at edukasyon, kaya kung magagamit ang mga inklusibong wikang ito sa angkop na sitwasyon, matatamo ang tunguhin ng inklusibong edukasyon.

Kailangang isaalang-alang ang mga salik na nakaaapekto sa paggamit ng mga inklusibong wika upang mabigyan ng kaukulang pansin ng mga guro

HASAAN

ang angkop na paggamit nito. Batay sa resulta ng pag-aaral, hindi madalas na gumagamit ang mga guro ng inklusibong wika sa Filipino. Kung gayon, mahalagang bigyang-pansin ang iba’t ibang paraan kung paano nila malalaman ang angkop na mga inklusibong wikang nararapat gamitin sa mga mag-aaral.

Ang ganap na pagpapatupad ng inklusibong wika sa pagtatamo ng inklusibong edukasyon ay magbubunga ng makabuluhang epekto sa iba’t ibang aspekto tulad ng kaaya-ayang kalagayan sa klase na nagdudulot ng epektibong proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Sa usapin ng inklusibong wika sa Filipino, lalong kailangang bigyang-halaga ang iba’t ibang wika ng bansa upang makatulong sa pagbuo at pagkakatatag ng wikang pambansa na naiintindihan at natatanggap ng lahat. Ang pagkilala at pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng bawat isa sa lahat ng aspekto ang magpapaigting sa kamalayan ng bawat mag- aaral. Ang kamalayang ito ang maghuhubog sa kanila tungo sa mas malawak na edukasyon at mas magalang na pakikipamuhay.

Mga Sanggunian Al-Zyoudi, Mohammed. “Teachers’ Attitudes Towards Inclusive Education in Jordan Schools.” International Journal of Special Education 1.2 (2006): 4. Nakalimbag. Angelides, Panayiotis. “Patterns of Inclusive Education Through the Practice of Student Teachers.” International Journal of Inclusive Education 12. 3. (2008): 310-327. Nakalimbag. Avramidis, Elias. at Norwich, Brahm. “Teachers Attitudes Towards Integration/Inclusion: A Review of the Literature,” European Journal of Special Needs Education 17.2 (2002): 130. Nakalimbag. Barton, Michelle. L. “Teachers’ Opinion on the Implementation and Effects of Mainstreaming. “ ERIC Database. 13, Pebrero 1997. Web. 21 Setyembre, 2013. Booth, Tony at Ainscow, Mel. Index of Inclusion: Developing Learning and Participation In Schools. Bristol: Centre for Studies on Inclusive Education (CSIE). 21, Pebrero 1998. Web. 28 Agosto,

Booth, Tony at Dyssegaard, Birgit. Quality is not Enough, The Contribution of Inclusive Values to the Development of Education For All. Copenhagen, Danida. 6, 0ctobre 2008. Web. 18 Hunyo,

Corpuz, Brenda at Lucas, Maria Rita. Facilitating Learning: A Metacognitive Process. Quezon City: Lorimar Publishing Inc., 2007. Nakalimbag. Department of Education of Tasmania. “Guidelines for the Use of Non-discriminatory Language” Language Matters. 23, Marso 2008. Web. 17 Enero, 2012. Espique, Felina., et al. “Training Student Teachers toward Multiculturalism”. Baguio City: Saint Louis University Researh Journal. 40.2. (2009): 55-59. Nakalimbag. Flick, Uwi., et al. A Companion to Qualitative Research. Translated by Bryan Jenner. London: Sage Publications Ltd. 2004. Nakalimbag. Fraenkel, Jack. at Wallen, Norman. How to Design and Evaluate Research in Education (6th Ed.) New York: Mac Graw Hill Co., 2006. Nakalimbag.