








































































Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
1 / 80
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!









































































i PAGTANGGAL NG ASIGNATURANG FILIPINO
PILING GURO AT ESTUDYANTE NG DHVSU at MQC SA PAGTANGGAL NG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO
Isang Tesis na Iniharap sa MaryThe Queen College Inc. Pampanga
Isang Pagtupad sa Isa sa mga Kahingian Para sa Asignaturang Inquiries, Investigation and Immersion
April Joy C. Alfonso Tracy Anne L. Dizon Kevin Carlo E. Ducus Daren Maureen Flores Arnel B. Ocampo Clarence Julia C. Rapinan Jhenly D. Tapec Jomely R. Venn
Marso 2019
ii PAGTANGGAL NG ASIGNATURANG FILIPINO
Ang tesis na ito na may pamagat na “PANANAW AT REAKSYON NG MGA PILING GURO AT ESTUDYANTE NG DHVTSU at MQC SA PAGTANGGAL NG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO” na inihanda at isinumete ni April Joy C. Alfonso, Tracy Anne L. Dizon, Kevin Carlo E. Ducus, Daren Maureen Flores, Arnel B. Ocampo, Clarence Julia C. Rapinan, Jhenly D. Tapec at Jomely R. Venn bilang pagtupad sa isa sa mga kahingian para sa asignaturangImmersion ay nasuri at inirekomenda upang matanggap at maaprubahan para sa Oral na Inquiries, Investigation and Eksaminasyon.
Mr. Dennis Joseph Raymundo Tagapayo Inaprubahan ng Komite sa Oral na Eksaminasyon na may marking^ PANEL NG MGA EKSAMINER Pasado ngayong Pebrero 18, 2019. Leticia Flores,PhD Chairman Kevin Russel D. Batara, MA, RGC Miyembro Maria Katrina M. Torres, RN, MAN, LET Miyembro
asignaturang^ Tinanggap at inaprubahan bilang pagtupad sa isa sa mga kahingian para sa Inquiries, Investigation and Immersion:
Donezza G. Mariano, MAED Principal, Senior High School Department
MaryRechelle A. Guzman. DBA Executive Vice President
iv PAGTANGGAL NG ASIGNATURANG FILIPINO
Buong puso naming inilalaan ang aming trabaho sa mga taong naging daan upang matapos naming ng matiwasay at buong husay ang aming pananaliksik, sa mga tumulong sa pagbibigay kaalaman at naging pundasyon sa aming ginawang pag-aaral, Ginang Leticia Flores sa pagbibigay prebelehiyo na payagan kami na piliin ang aming nais at napapanahong paksa, Ginoong Dennis Raymundo na sumuporta at nagbigay ng iilang suhestyon at sapat na tulong o kaalaman sa iniatas na trabaho at sa mga piling guro at estudyante ng paalarang Don Honorio Ventura State University at Mary the Queen College na naging isa sa mga dahilan ng matagumpay na pagbuo ng aming pananaliksik, higit sa lahat inilalaan namin ang aming trabaho sa ating kapwa Pilipino na kung saan lahat tayo ay apektado sa aming paksang napili. Nawa‘y maka tulong ang aming pananaliksik upang maliwanagan at mabigyan ng sapat na impormasyon tungkol sa aming napapanahong paksa para sa pananaliksik.
v PAGTANGGAL NG ASIGNATURANG FILIPINO
Talaan ng Nilalaman
Pamagat-dahon ………………………………………… i
Panimula …………………………………………. 1
Metodo …………………………………………. 11
Resulta …………………………………………. 14
Pagtalakay …………………………………………. 43
Konklusyon ………………………………………….. 47
Rekomendasyon ………………………………………….. 48
Umuusbong na Balangkas ng Pag-aaral ……………………. 50
Sanggunian ………………………………………….. 51
Apendiks ………………………………………….. 56
Panimula Bilang isang Pilipino, malaking bagay para sa atin ang pagmamahal sa ating mga naka-gawiang kultura, sa ating sariling bansa at sa ating sariling wika. Mayroong mahigit 170 dialekto ang bansang Pilipinas, ngunit Filipino ang ating Pambansang Wika pagkatapos ng ilang taong masusing proseso bago ito maging opisyal. Sa ganitong paraan nagkakaroon ng pagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang mga Pilipino dahil iisang dila ang ating gamit. Wikang Tagalog ang naging batayan ng ating Wikang Pambansa, at sa ilalim ng pamamalakad ng dating Presidente Manuel Luis Quezon noong 1940, ipinag- utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. Mula elementarya, sekondarya at hanggang kolehiyo ay pinagaaralan ang ating Pambansang Wikang Filipino, magmula sa kasaysayan nito, sariling literatura at wastong pag-gamit ng gramatika at retorika. Sapagkat naragdagan ng dalawang taon ang sekondarya dulot ng K to 12 Curriculum na nagsimula taong 2012, naragdagan din ang taon sa pag-aaral sa wikang ito. Kasama ng pag-aaral sa Filipino ang pagbibigay pansin sa Panitikang Pilipino at ang Pambansang Kasaysayan kung saan ang wikang Filipino ang gamit na midyum sa mga araling aklat at pagtuturo sa klase. Ang mga alamat, epiko, parabola, nobela at maikling kwento ay ang itinuturo sa Primaryang Paaralan pati na rin ang wastong pag- gamit ng pangunahing gramatika. Habang ang dalawang obra maestra ng ating Pambansang Bayani, na si Doctor Jose P. Rizal na ―Noli Me Tangere‖ at ―El
Filibusterismo‖ ay ang pokus sa Sekondaryang Paaralan pati ang korido ―Ibong Adarna‖ ni Jose Dela Cruz. Ang wika at ang panitikan ay ang siyang humubog at nagbigay pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino kung kaya‘t ganoon nalamang naapektuhan ang mga Pilipino nang inanunsyo ng CHED ang kanilang balak na pagtanggal ng asignaturang Filipino. Ayon sa Memorandum ng Commission on Higher Education (CHED) bilang 20 noong 2013, kung saan nakasaad rito ang pagtanggal ng wikang Filipino bilang pag-aaral sa kolehiyo sapagkat ang karagdagang taon sa sekondaryang pag-aaral ay sapat na at hindi na kailangan pa muling pag-aralan sa kolehiyo. Marami ang hindi sang-ayon sa CHED dahil sa pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang sariling wika. Negatibo ang tugon ng sambayanan dahil sa nasabing pagtanggal ng Filipino bilang pag-aaral sa Kolehiyo. Nagsimulang mag-alsa ang mga Pilipino upang pigilan ang pagpapatupad nito. Mga guro, estudyante kabilang na rin ang ating bansa ay maaapektuhan dito. Mawawalan ng trabaho ang mga guro na nagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Malapit na ma-kompromiso ang mga estudyanteng nag-aaral ng pagtuturo ng Filipino para sa kolehiyo. At ang kaalaman ng kabataang Filipino ay maaaring mabawasan dahil sa pagtanggal nito. Nilalayon ng pag-aaral na ito na maunawaan ang iba't ibang reaksyon at punto de bista ng iba't ibang mag-aaral at piling guro ng DHVSU, MQC at isang kapanayam sa CHED Rehiyon III. Ang mga mananaliksik ay umasang maibibigay ng mga kalahok ang
nilabas ng CHED na Memorandum (CMO) No. 20 series 2013 ay nagdulot ng masasamang reaksyon sa mga propesor ng Filipino, pati ang mga organisasyon tulad ng Tanggol Wika and Pambansang Samahan ng Linggwistika at Literaturang Pilipino (PSLLF) dahil walang asignaturang Filipino sa New General Education Curriculum (GEC) para sa kolehiyo. (Cariga & Giongco 2014) Sang-ayon naman si Solicitor General Jose Calida sa pag-alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo dahil itinuturo na ito sa SHS o sa K-12 Curriculum. (Jalandoni, 2017) Mga 10,000 mga guro ang may potensyal na mawalan ng trabaho sa pagtanggal ng asignaturang Filipino at maaaring magdulot ng malaking problema para sa ating kurikulum, (Ong,2018) Bilang pag-bawi sa mga pagbabago sa GEC, magkakaroon ng mga pagsasanay at oryentasyon sa mga guro upang maituro ang mga bagong kurso at upang mailipat ang mga gurong maaaring maapektuhan sa pagbabago. Ayon sa CHED, hindi pag-alis ang tamang salita na gamitin, kundi pag-ayos. (Espinoza et al. 2015) Magpapatupad ang CHED ng mga programa bilang paghahanda sa mga guro para sa pagbabagong maidudulot ng GEC. At ayon sa CHED, pag-aayos ang kanilang ginagawa sa asignaturang Filipino at hindi pag-alis. Subalit hindi parin maikakaila na maaapektuhan ang mga guro pati narin ang pag-aaral ng mga estudyante dahil dito. Ayon kay Jimeno (2014), bagamat tinuturo ang Filipino sa primarya at sekondaryang paaralan, kung hindi ito ituturo sa kolehiyo ay makakalimutan ito ng mga hindi gumagamit ng ating sariling wika. Maaari tayong masuplong ng wikang Ingles, at hindi sa ating sariling wika. Ipinagkumpara ng Tanggol Wika ang GEC sa nakaraang
kurikulum sa kolehiyo, at ayon sa grupo mayroong mga pag-aaral sa asignaturang Filipino sa kolehiyo na hindi itinuturo sa primarya at sekondaryang pag-aaral. Ito ay nagpapatunay lamang na walang basehan ang sinasabi ng CHED na pareho lamang ang itinuturo sa asignaturang ito kaya‘t marapat lamang na alisin na ito sa kolehiyo. (Tomacruz, 2018) Ang dahilan kaya‘t tinatanggal ng CHED ang Filipino sa kolehiyo ay dahil napag- aaralan naman raw ito sa primary at sekondaryang at upang hindi magka-pareho at umulit ang pag-aaral sa asignatura. Dahil dito, hindi malayong tuluyan na nating makalimutang mahalin ang sariling atin. Isinasailalim ang mga guro sa panggigipit na may layong pakitirin ang kurikulum ng mga paaralan na magreresulta ng kawalang kasiguraduhan sa trabaho. Maging ang mga edukasyong ‗knowledge based‘ ay naapektuhan sa pagbibigay halaga sa teknikalisasyon ng kaalamang propesyonal at paglaganap ng panlilinlang kultural sa buong sistema ng edukasyon. (Connell, 2013) Ayon kay Bugarin et al. (2015), hindi maikakaila na ang ilang kapwa nating Pilipino ay inuuna ang wika ng iba kaysa sa sariling atin kaya‘t tuluyang mawawalan ng interes o hindi bibigyang halaga ang Filipino kung ito ay tatanggalin sa kurikulum ng kolehiyo. Tila isa itong sitwasyon na hindi kapani-paniwala para sa isang bansa, na tangkilikin ang wika ng iba kaysa sa sariling atin. At tila, walang sariling pagkakakilanlan ang ating bansa at ang mga naninirahan dito dulot ng kolonyalismo. Sinakop ng mga Kastila sa loob ng higit tatlong siglo ang ating bansa bago pumalit ang Estados Unidos taong 1898 sa loob ng limang dekada. Ang pananakop sa
Ngunit ayon naman sa ating Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura na si Bienvenido Lumbera (2014) " Laging nakayuko ang ating mga ulo dahil pinatanggap sa atin na mas mababang klase ang mga Filipino. Kailangang kilalanin na ang malaking dahilan bakit may [ganitong] problema ay ang ating kolonyal na pinanggalingan ,‖
Naghain ng Temporary Restraining Order ang korte sa pagtanggal ng CHED sa asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ngunit gumagawa ng panibagong kurikulum ang CHED na ipapatupad sa taong 2018, ang taon kung saan ang unang batch ng SHS ay magtatapos. (Tubeza, 2017) Ito ay isang paghahanda para sa CHED upang maitupad ang pag-alis ng Filipino sa kolehiyo, at ang unang batch ng SHS ang magpapatunay kung tama o mali ang kanilang ginawang desisyon.
Samantala, kasabay ng balitang aalisin ang asignaturang Filpino, nabaling ang atensyon ng mga Pilipino sa programa ng DepEd kung saan ituturo sa mga pampublikong paaralan ang wikang Koreano. Marami ang nagalit sa kumalat na balitang ito ang kapalit sa pag-alis sa asignaturang Filipino. (Meddler, 2018)
Bilang tugon ng DepEd sa nasabing isyu ika-18 ng Nobyembre taong 2018:
“The study of the Korean language is elective and not part of the core subjects of around 700 learners in 10 selected junior high schools (JHS) in the National Capital Region. Aside from offering Korean language class, DepEd currently implements five
Special Program in Foreign Language (SPFL) classes in Spanish, French, German, Chinese, and Japanese in all public schools.”
Ang pagaaral ng wikang koryano ay bahagi lamang ng elective ng umaabot sa 700 na magaaral sa 10 napiling jhs sa ncr. Bukod pa sa wikang koreyano, pinatupad rin ng DepEd ang ―Special Program in Foreign Language (SPFL)‖. Bahagi nito ang Wikang Espanyol, Pranses, Aleman, Chinese at Hapon. Ikinagalit ng karamihang Pilipino ito dahil sa pag-aakala nilang ang pag-alis ng Filipino sa kolehiyo ay isang oportunidad upang ipasok ang wikang Koreano sa ating mga kabataan. Hindi masisisi ang ganitong reaksyon ng mga Pilipino sapagkat sa magkasunod na taon ito naganap. Kung hindi lamang sa tugon ng DepEd dito, ay marahil ito ang tunay na paniniwalaan ng sambayanan. Ang pag-aaral sa sekondarya at kolehiyo ay nagbibigay pansin na lamang sa mga kasanayang kailangan para sa mabilis at agarang pag-trabaho. Ang K-12 kurikulum na layunin ang maghulma ng kabataan na walang sariling kakayahang mag-isip, gumawa at makinig. (San Juan,2016) Sa paglipas ng panahon, nawawala na ang tunay na importansya ng pag-aaral, ang pagkatuto. Bandang huli ay naging prayoridad ang kagustuhang sumabay sa globalisasyon, kagustuhang umunlad at makapagtapos upang magtrabaho upang makadagdag ng ulo sa ating ekonomiya. Mas naging matimbang ito kaysa sa pag-mamahal natin sa sariling wika.
asignaturang itinuturo at mga gurong sa iba‘t ibang aspeto ng pagtuturo. Labing anim (16) na kalahok ang sasagot ng mga tanong na ibibigay ng mga mananaliksik. Isasagawa ang interbyu sa mataas na paaralan ng DHVSU na matatagpuan sa Cabambangan, Bacolor Pampanga Bacolor, Pampanga, at MQC sa San Matias Guagua, Pampanga. Napili ang unibersidad na ito dahil ito ay ang pamantasang paaralan ng Pampanga, ang MQC dahil bilang magaaral sa paaralang ito ang mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay mayroong limitadong kaalaman sa isyu kaya‘t ito ang piniling aralin at bilang mga estudyante ang mga mananaliksik ay kailangan pa ng kasanayan sa paggamit ng Wikang Filipino. Ang pangunahing paraan ng pagtitipon ng datos na gagamitin ng mga mananaliksik ay ang interbyu.
Ang aming pag-aaral ay naglayong malaman ang mga reaksyon at pananaw ng mga piling guro at estudyante ng DHVTSU at MQC sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ang mga sumusunod ay ang mga tiyak na katanungang hangad ng mga mananaliksik na mabigyang kasagutan: Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang makapagbigay ng kaliwanagan upang matulungan ang mga guro sa Asignaturang Filipino na maaaring mawalan ng trabaho dahil sa pag-aalis nito sa kolehiyo. Gayundin, ang mga mag-aaral na kumukuha ng edukasyon sa Filipino upang sila ay malinawan sa nangyayaring ebolusyon sa Asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:
METODOLOHIYA Ang pananaliksik na ito ay isang Kwalitatibong Pag-Aaral, upang makakuha ng personal na interaksyon magmula sa mga napiling mga guro at mag-aaral sa unibersidad
na hindi ito prayoridad. Mga guro na apektado dahil sa sila ay nagtuturo ng Filipino, at mga guro na hindi maaapektuhan sa pag-alis nito. Instrumento Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Interbyu o panayam bilang pangunahing instrumento sa pagkuha ng mga datos na kanilang nagamit sa kanilang pananaliksik. Ang mga tanong na sinagot ng mga kalahok ay nanggaling mismo sa mga mananaliksik na kanilang naging gabay upang mas mapagtibay pa ang kanilang pag-aaral. Nakatulong din sa mga mananaliksik ang nakalap nilang datos at impormasyon upang maisakatuparan ang mithiin ng pag-aaral. Etikal na Konsiderasyon Siniguro ng mga mananaliksik sa mga naging kalahok na mananatiling ligtas ang kanilang pagkakakilanlan at kanilang mga magiging pahayag o sagot bilang kanilang tugon sa pananaliksik. Sinigurado din ng mga mananaliksik na walang mapapalitan o mababago sa kanilang mga magiging sagot bilang paggalang at pagbigay respeto sa kanilang mga karapatan. Anumang resulta na lumabas sa nagawang panayam ng mga mananaliksik ay kanila itong iginalang at ibibigay ng buong isang daang porsyentong kasiguraduhan na ito‘y ay primarya at nagmula mismo sa mga magiging kalahok.Ang reputasyon bilang isang mapagkakatiwalaang mananaliksik ay nakataya at marapat lang na panatihin itong malinis.
Resulta Sa kabanatang ito maipapakita ang mga naging resulta ng aming pakikipanayam sa labing-pitong (16) kalahok sa DHVSU at MQC patungkol sa kanilang mga pananaw at reaksyon sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Iba‘t ibang tema ang aming nakuha sa aming mga kalahok, at isa na rito ang: Globalisasyon, Kawalan ng Pagka-Nasyonalismo, Pag-aalala ng mga Guro at Estudyante, at Pagrebyu ng Implementasyon sa Bagong Kurikulum. Pananaw at Reaksyon ng mga Guro at Estudyante Globalisasyon. Base sa mga pananaw at reaksyon ng mga aming nakapanayam, ibinubuntong nila ang pagtanggal ng CHED sa asignaturang Filipino ang globalisasyon. Malaki ang impluwensiya nito sa ating bansa dulot ng ating kagustuhang makipagsabayan sa mga karatig bansa. Ang mga sumusunod ay ang mga tugon ng mga kalahok na sumusuporta sa temang nabanggit: “Yung opinion ko doon, satingin ko hindi ganoon kaganda o hindi ganoon katanggap tanggap yung pag alis ng panitikan o Filipino sa lebel ng tersiyarya kase alam naman nating lahat na pag tungtong ng mga High school sa kolehiyo hindi pa sila ganoon katatas sa pag sasalita ng Filipino kung tatanggalin pa iyon sa tersiyarya ano pa kaya ang magiging daan nila para lubusan silang matuto