Reflection regarding thermodynamics, Essays (high school) of Mathematics

It contains various descriptions, rationalizations, ewan

Typology: Essays (high school)

2021/2022

Uploaded on 05/17/2023

oneal-bacani
oneal-bacani 🇵🇭

1 document

1 / 1

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Oneal Bryant Pintucan Bacani
3AAC
Repleksyon sa KULPOP
Nakakahanga ang inilunsad ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining sa
pagpapahalaga at pagpreserba ng ating sariling talento sa palabas na may pamagat na “Tuloy pa din ang
palabas sa MET” o metropolitan theater na ginanap sa Cultural Center of The Philippines.
Nang mapanood ko ang pagtatanghal, kapansin pansin ang disiplinang naka ayon sa ideolohiya
ng kulturang Pilipino sa likod ng sining ni Alice Reyes kung saan ipinalabas Bungkos Suites na may musika
nina Velarde at Obispo para sa kantang “Dahil Sa Iyo” at “Dandansoy”; Kasilag sa kantang
“Chitchiritchit”; Paguio para sa “Manang Biday”, at Obispo sa “Telebong”. Ito ay isang koleksyon ng mga
tradisyunal at popular na folk song na sumasalamin sa iba’t-ibang tema ngunit ito ay kumakatawan sa
kinaugalian ng mga Pilipino tulad ng pagiging mapaglaro, pagmamahalan, at katatawanan.
Modernong kundiman naman ang hatid ng ensalada sa kantang “limang dipang tao” na mula sa
musika ni Ryan Cayabyab, pambansang alagad ng Sining para sa Musika. Binigyang linaw ng mga galaw
at kumpas ang ibig sabihin ng kanta na kumakahulugan sa pang araw-araw na ating ginagalawan ay
makikita ang iba’t-ibang uri ng pagmamahal na hindi tradisyunal na nakikita sa ibang komposisyon na
kung saan nagmamahalan ang dalawang tao. Sa kanilang sayaw ay naipalabas ang naratibo na ang
pagmamahal ng Pilipino ay madamdamin at malawak (overthinker) — na dapat ay hindi na siya bumaba
sa dyipning kaniyang sinasakyan pagkat ang kaniyang lalaking ay hindi ang kaniyang asawa.
Ang Glinka’s Valse naman ni Mikhail Glinka ay binigyang buhay ng mga tagapagtanghal sa
Koreograpiya ni Adam Sage bilang isang malumanay at inosentang paraan ng pagtugtog.
Ilan lamang yan sa talentong ipinamalas sa MET. Patunay lamang ito na buhay ang sining sa
Pilipinas na marahil karamihan sa ating mga kapwa Pilipino ay lumimot na. Hindi maikakaila na sa
kasulukuyan ay mas tinatangkilik na natin ang mga musika at sayaw na mula ibang bansang mayayaman
sa naturang industrya tulad ng Korea at America na nagiging balakid sa kamatayan ng ating sariling
kultura. Nawa ay sa mga susunod na panahon ay magkaroon ng initiatibo ang gobyerno upang mas
tangkilikin ng mga mamamayan ang kanilang sariling musika at sayaw, bigyan ng respeto ang katanyagan
sa pagkilala sa mga pambasang alagad ng sining, at pagbibigay ng kinakailangang pondo ang
industriyang ito.
Ang pagtangkilik sa ating sining ay kumakatawan sa nasyonalismong anyo ng ating pagkapilipino
at nagsisimula ito sa paglinang at pagpasok ng ating sariling sining sa Kulturang Popular.

Partial preview of the text

Download Reflection regarding thermodynamics and more Essays (high school) Mathematics in PDF only on Docsity!

Oneal Bryant Pintucan Bacani 3AAC Repleksyon sa KULPOP Nakakahanga ang inilunsad ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining sa pagpapahalaga at pagpreserba ng ating sariling talento sa palabas na may pamagat na “Tuloy pa din ang palabas sa MET” o metropolitan theater na ginanap sa Cultural Center of The Philippines. Nang mapanood ko ang pagtatanghal, kapansin pansin ang disiplinang naka ayon sa ideolohiya ng kulturang Pilipino sa likod ng sining ni Alice Reyes kung saan ipinalabas Bungkos Suites na may musika nina Velarde at Obispo para sa kantang “Dahil Sa Iyo” at “Dandansoy”; Kasilag sa kantang “Chitchiritchit”; Paguio para sa “Manang Biday”, at Obispo sa “Telebong”. Ito ay isang koleksyon ng mga tradisyunal at popular na folk song na sumasalamin sa iba’t-ibang tema ngunit ito ay kumakatawan sa kinaugalian ng mga Pilipino tulad ng pagiging mapaglaro, pagmamahalan, at katatawanan. Modernong kundiman naman ang hatid ng ensalada sa kantang “limang dipang tao” na mula sa musika ni Ryan Cayabyab, pambansang alagad ng Sining para sa Musika. Binigyang linaw ng mga galaw at kumpas ang ibig sabihin ng kanta na kumakahulugan sa pang araw-araw na ating ginagalawan ay makikita ang iba’t-ibang uri ng pagmamahal na hindi tradisyunal na nakikita sa ibang komposisyon na kung saan nagmamahalan ang dalawang tao. Sa kanilang sayaw ay naipalabas ang naratibo na ang pagmamahal ng Pilipino ay madamdamin at malawak (overthinker) — na dapat ay hindi na siya bumaba sa dyipning kaniyang sinasakyan pagkat ang kaniyang lalaking ay hindi ang kaniyang asawa. Ang Glinka’s Valse naman ni Mikhail Glinka ay binigyang buhay ng mga tagapagtanghal sa Koreograpiya ni Adam Sage bilang isang malumanay at inosentang paraan ng pagtugtog. Ilan lamang yan sa talentong ipinamalas sa MET. Patunay lamang ito na buhay ang sining sa Pilipinas na marahil karamihan sa ating mga kapwa Pilipino ay lumimot na. Hindi maikakaila na sa kasulukuyan ay mas tinatangkilik na natin ang mga musika at sayaw na mula ibang bansang mayayaman sa naturang industrya tulad ng Korea at America na nagiging balakid sa kamatayan ng ating sariling kultura. Nawa ay sa mga susunod na panahon ay magkaroon ng initiatibo ang gobyerno upang mas tangkilikin ng mga mamamayan ang kanilang sariling musika at sayaw, bigyan ng respeto ang katanyagan sa pagkilala sa mga pambasang alagad ng sining, at pagbibigay ng kinakailangang pondo ang industriyang ito. Ang pagtangkilik sa ating sining ay kumakatawan sa nasyonalismong anyo ng ating pagkapilipino at nagsisimula ito sa paglinang at pagpasok ng ating sariling sining sa Kulturang Popular.