script about everything, Transcriptions of English

dalawang donya sa nobela ng pambansang bayani n g pilipinas kailangan ko ng points

Typology: Transcriptions

2019/2020

Uploaded on 09/27/2020

maria-arabella-carta
maria-arabella-carta 🇵🇭

1 document

1 / 2

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Ang Dalawang Donya
Narrator: Habang isinasabong ni Kapitan Tiago ang kanyang lasak, si Donya Victorina naman ay namamasyal sa
kabayanan upang makita kung paano mamuhay ang mga Indio. Magara ang kanyang bihis upang pasikatan ang mga
probinsiyanong ito at ipakita kung gaano kababa ang kanilang pagkatao kumpara sa kanya. Nakahawak pa siya sa
kamay ng kanyang pilay na asawa habang naglalakad sa lansangan at pinagtitinginan ng humahangang mga
mamamayan. Nasa hulihan nila si Linares.
Donya Victorina: Napakapangit naman ng mga bahay ng mga Indio. Paano kaya nila nakakayanan ito? A, kailangang
maging Indio ka nga muna pala. Ang sasama rin ng kanilang mga ugali, napakayayabang! Nasalubong na tayo ay hindi
man lang nagpakita ng paggalang. Sige nga, pukpukin mo sa sumbrero! Turuan mo ng urbanidad!
Dr. de Espadaña: Paano kung pukpukin nila ako?
Donya Victorina: Hindi ka ba lalaki?
Dr. de Espadaña: Pe-pero pilay ako!
Narrator: Inis na si Donya Victorina. Baku-bako ang kalye at panay alikabok na ang laylayan ng kanyang damit. Isa pa,
ni hindi man lang nagpakita ng paghanga ang mga dalagang nakakasalubong nila. Sinigawan pa siya ng kutsero ng
karwaheng sinasakyan ni Sinang at ng pinsan nito upang siya ay hindi masagasaan.
Donya Victorina: Bastos! Isusumbong ko yan sa amo niya! Umuwi na nga tayo!
Narrator: Nagbatian sila ng tenyente ng magkasalubong sila ngunit ang tingin nito ay nang-iinsulto sa halip na
humahanga kaya lalo lamang nagalit ang Donya.
Donya Victorina: Tenyente lamang... hindi mo dapat yan kinakamayan. Labis pa ang pagpapakita mo ng paggalang
samantalang tinikwas lamang niya ang saklob niya.
Dr. de Espadaña: Pe-pero siya ang komandante!
Donya Victorina: E ano? Di naman tayo Indio!
Dr. de Espadaña: Sabagay.
Narrator: Ayaw nang makipagtalo ng doktor. Napatapat sila sa bahay ng tenyente kung saan nakadungaw si Donya
Consolacion. Nagkatitigan silang dalawa. Hindi kumukurap si Donya Victorina. Tiningnan naman siya ni Donya
Consolacion mula ulo hanggang paa at saka dumura. Dahil dito ay pagalit na lumapit si Donya Victorina sa bintana
subalit dumura lamang muli si Donya Consolacion.
Donya Consolacion: Bakit Donya? Anong nangyayari sa iyo?
Donya Victorina: Senyora, maaari mo bang ipaliwanag kung bakit ganyan kayo makatingin? Naiinggit ba kayo sa akin?
Donya Consolacion: Ako?! Naiinggit?! At sa iyo?! A, oo, naiinggit ako sa kulot nyo.
Dr. de Espadaña: Umalis na tayo. Bayaan mo na yan.
Donya Victorina: Hintay. Hayaan mo muna akong turuan ng leksyon ang walanghiyang babaeng ito. (TINULAK SI DR.
DE ESPADAÑA) Hoy! Kilalanin mo munang mabuti kung sino ang kausap ninyo. Hindi ako basta-basta lang! Sa amin
sa Maynila, kung tenyente lang ay hindi makapapasok. Naghihintay muna!
Donya Consolacion: Aba, ipagpaumanhin ninyo Senyora Punyeta! Siguro nga ay hindi nakapapasok ang mga tenyente
ngunit pwede ang mga pilantod na tulad niya. Hahaha! (MAGWAWALA SI DONYA VICTORINA)
Donya Victorina: Makinig ka! Ako’y mataas at marangal subalit mapagpakumbaba akong nakikipag-usap sa iyo. Gusto
mo bang labhan ang mga damit ko? Babayaran ko naman. Baka kasi di mo alam na alam kong dati kang labandera.
(MAGAGALIT SI CONSOLACION)
Donya Consolacion: At sa palagay mo kaya naman ay hindi namin alam kung ano ang lihim nyo? Bistado ka na!
Ipinagtapat na sa akin ng asawa ko! Senyora...iisa lamang ang lalaki sa buhay ko. Pero ikaw, ilan? Maraming lalaking
dahil sa gutom ay kinakain ang tira-tira ng lahat! Pwe! (SI DONYA VICTORINA AY MAGPAPAGPAG NG DAMIT,
IDADAKOT ANG KAMAO, AT ITITIIM ANG BAGANG)
Donya Victorina: Baboy! Bumaba ko rito at dudurugin ko yang bunganga mo! Hindi ba isang batalyong sundalo ang
gabi-gabi mong kasiping? Puta ka na bago ka pa man ipanganak!
Narrator: Nawala bigla si Donya Consolacion at maya-maya lang ay makikitang bumababa na mula sa hagdan dala ang
latigo ng alperes. Sinubukang pumagitna ni Don Tiburcio ngunit tuloy pa rin ang mga Donya. Kung hindi lamang
dumating ang alperes...
Alperes: Mga ginang, Don Tiburcio!
Donya Victorina: Turuan mo ang asawa mo! Magaganda ang ipasuot mo. Pangit na nga, pangit pa ang damit! Kung wala
kayong pera, pagnakawin mo ang mga sundalo mo!
1
pf2

Partial preview of the text

Download script about everything and more Transcriptions English in PDF only on Docsity!

Ang Dalawang Donya Narrator: Habang isinasabong ni Kapitan Tiago ang kanyang lasak, si Donya Victorina naman ay namamasyal sa kabayanan upang makita kung paano mamuhay ang mga Indio. Magara ang kanyang bihis upang pasikatan ang mga probinsiyanong ito at ipakita kung gaano kababa ang kanilang pagkatao kumpara sa kanya. Nakahawak pa siya sa kamay ng kanyang pilay na asawa habang naglalakad sa lansangan at pinagtitinginan ng humahangang mga mamamayan. Nasa hulihan nila si Linares. Donya Victorina: Napakapangit naman ng mga bahay ng mga Indio. Paano kaya nila nakakayanan ito? A, kailangang maging Indio ka nga muna pala. Ang sasama rin ng kanilang mga ugali, napakayayabang! Nasalubong na tayo ay hindi man lang nagpakita ng paggalang. Sige nga, pukpukin mo sa sumbrero! Turuan mo ng urbanidad! Dr. de Espadaña: Paano kung pukpukin nila ako? Donya Victorina: Hindi ka ba lalaki? Dr. de Espadaña: Pe-pero pilay ako! Narrator: Inis na si Donya Victorina. Baku-bako ang kalye at panay alikabok na ang laylayan ng kanyang damit. Isa pa, ni hindi man lang nagpakita ng paghanga ang mga dalagang nakakasalubong nila. Sinigawan pa siya ng kutsero ng karwaheng sinasakyan ni Sinang at ng pinsan nito upang siya ay hindi masagasaan. Donya Victorina: Bastos! Isusumbong ko yan sa amo niya! Umuwi na nga tayo! Narrator: Nagbatian sila ng tenyente ng magkasalubong sila ngunit ang tingin nito ay nang-iinsulto sa halip na humahanga kaya lalo lamang nagalit ang Donya. Donya Victorina: Tenyente lamang... hindi mo dapat yan kinakamayan. Labis pa ang pagpapakita mo ng paggalang samantalang tinikwas lamang niya ang saklob niya. Dr. de Espadaña: Pe-pero siya ang komandante! Donya Victorina: E ano? Di naman tayo Indio! Dr. de Espadaña: Sabagay. Narrator: Ayaw nang makipagtalo ng doktor. Napatapat sila sa bahay ng tenyente kung saan nakadungaw si Donya Consolacion. Nagkatitigan silang dalawa. Hindi kumukurap si Donya Victorina. Tiningnan naman siya ni Donya Consolacion mula ulo hanggang paa at saka dumura. Dahil dito ay pagalit na lumapit si Donya Victorina sa bintana subalit dumura lamang muli si Donya Consolacion. Donya Consolacion: Bakit Donya? Anong nangyayari sa iyo? Donya Victorina: Senyora, maaari mo bang ipaliwanag kung bakit ganyan kayo makatingin? Naiinggit ba kayo sa akin? Donya Consolacion: Ako?! Naiinggit?! At sa iyo?! A, oo, naiinggit ako sa kulot nyo. Dr. de Espadaña: Umalis na tayo. Bayaan mo na yan. Donya Victorina: Hintay. Hayaan mo muna akong turuan ng leksyon ang walanghiyang babaeng ito. (TINULAK SI DR. DE ESPADAÑA) Hoy! Kilalanin mo munang mabuti kung sino ang kausap ninyo. Hindi ako basta-basta lang! Sa amin sa Maynila, kung tenyente lang ay hindi makapapasok. Naghihintay muna! Donya Consolacion: Aba, ipagpaumanhin ninyo Senyora Punyeta! Siguro nga ay hindi nakapapasok ang mga tenyente ngunit pwede ang mga pilantod na tulad niya. Hahaha! (MAGWAWALA SI DONYA VICTORINA) Donya Victorina: Makinig ka! Ako’y mataas at marangal subalit mapagpakumbaba akong nakikipag-usap sa iyo. Gusto mo bang labhan ang mga damit ko? Babayaran ko naman. Baka kasi di mo alam na alam kong dati kang labandera. (MAGAGALIT SI CONSOLACION) Donya Consolacion: At sa palagay mo kaya naman ay hindi namin alam kung ano ang lihim nyo? Bistado ka na! Ipinagtapat na sa akin ng asawa ko! Senyora...iisa lamang ang lalaki sa buhay ko. Pero ikaw, ilan? Maraming lalaking dahil sa gutom ay kinakain ang tira-tira ng lahat! Pwe! (SI DONYA VICTORINA AY MAGPAPAGPAG NG DAMIT, IDADAKOT ANG KAMAO, AT ITITIIM ANG BAGANG) Donya Victorina: Baboy! Bumaba ko rito at dudurugin ko yang bunganga mo! Hindi ba isang batalyong sundalo ang gabi-gabi mong kasiping? Puta ka na bago ka pa man ipanganak! Narrator: Nawala bigla si Donya Consolacion at maya-maya lang ay makikitang bumababa na mula sa hagdan dala ang latigo ng alperes. Sinubukang pumagitna ni Don Tiburcio ngunit tuloy pa rin ang mga Donya. Kung hindi lamang dumating ang alperes... Alperes: Mga ginang, Don Tiburcio! Donya Victorina: Turuan mo ang asawa mo! Magaganda ang ipasuot mo. Pangit na nga, pangit pa ang damit! Kung wala kayong pera, pagnakawin mo ang mga sundalo mo! 1

Donya Consolacion: Senyora Punyeta! Narito na ako sa ibaba. Ano’t hindi mo pa durugin ang bunganga ko? Puro ka dada, wala ka naman palang magawa Senyora Punyeta! Alperes: Consolacion! Naku, kung hindi ka lang babae! Dr. de Espadaña: Te-ten-tenyente! Alperes: Tumigil ka doktor na pilantod! Magsalawal ka muna! (MAGMUMURAHAN ANG APAT) Narrator: Pulos murahan ang maririnig mula sa apat. Nagkabunyagan na ng kani-kanilang mga pinakatatagong lihim at baho ng isa’t isa. Ang mga nanonood naman ay labis na nasisiyahan kahit pa wala silang maintindihan sa mga pinagsasasabi ng mga ito. Siya namang pagdating ni Padre Salvi at pumagitna sa mga nag-aaway. Padre Salvi: Mga ginoo! Mga ginang! Mahiya naman kayo! Alperes: Huwag kang makialam dito, paring nagmamalinis! Padre Salvi: Mga ginang, magsitigil na kayo! Don Tiburcio, iuwi mo na ang asawa mo pakiusap. Donya Victorina: Huwag kami ang pangaralan mo ng ganyan, kundi yang mga magnanakaw na yan! (TITIGIL SA PAGSASALITA LAHAT, AALIS SINA VICTORINA AT TIBURCIO) Babalik na tayo sa Maynila at kakausapin natina ng gobernador-heneral. Hindi ka lalaki! Sayang lamang ang salwal mo! Dr. de Espadaña: Pe-pero...paano ang mga s-sundalo? Pilay ako! Donya Victorina: Dapat kasi hinamon mo ng duwelo ang tenyente. Dr. de Espadaña: Pe-pero kailanman ay h-hindi a-ako nakahawak ng ba-bar! Narrator: Hindi na pinatapos pa ni Donya Victorina ang asawa sa sasabihin nito at agad na kinuha ang pustiso nito at saka inihagis sa sahig bago dinurog. Dahil dito ay halos mangiyak-ngiyak na ang doktor habang galit na galit naman ang donya. Nang dumating sila sa bahay ni Kapitan Tiago ay nadatnan nila sina Linares, Maria Clara, Sinang, at Victoria na nag-uusap, mga walang malay sa naganap na away. Si Linares ay hindi na nagtaka sa pagdating ng mag- asawa habang si Maria Clara naman ay mababakas ang pagtataka. Donya Victorina: Pinsan, hamunin mo ng duwelo ang tenyente Linares: Pero, bakit? Donya Victorina: Sige ka, ibubulgar kong lahat kung sino kang talaga! Linares: Pero, Donya Victorina! (TITINGINAN ANG MGA DALAGA) Donya Victorina: Ininsulto lang naman kami ng tenyente. Idinamay ka rin. Ang punyetang senyora ay bumaba na may hawak na latigo. Ito namnag isang ito parang hindi lalaki, pumayag mainsulto! Sinang: May away pala ay hindi tayo nakapanood! Victoria: Nalunok ni doktor ang pustiso sa suntok ng tenyente. Donya Victorina: Maiiwan ka rito upang hamunin ng duwelo ang tenyente, kami naman ay babalik na sa Maynila. Pag hindi mo iyon ginawa, ipagtatapat ko kay Don Santiago na pulos ka kasinungalingan! Linares: Pero Donya Victorina... Donya Victorina (LALAPIT KAY VICTORINA) Kumalma kayo. Huwag na kayong magkalat. Huwag dito. Narrator: Dumating naman si Kapitan Tiago na pagod at panay ang buntong-hininga sapagkat natalo siya sa sabungan. Isinalaysay naman ni Donya Victorina ang naganap na away, ang bersyon na siya ang magmumukhang biktima. Donya Victorina: Hahamunin siya ni Linares ng duwelo. Kung hindi, ‘wag mo siyang ipakakasal kay Clarita. Duwag siya. Sinang: Aha! Ipakakasal ka pala roon? Napakamapaglihim mo naman. Isa ka ngang salawahan! Narrator: Napaangat ng ulo si Maria Clara na putlang putla. Pinamulahan naman ng pisngi si Linares, nagbaba naman ng tingin si Kapitan Tiago, samantala, nagpatuloy naman sa pagkukuwento si Donya Victorina. Donya Victorina: Clarita, tandaan mo, ‘wag kang papayag na maikasal sa isang duwag. Maging ang aso ay iinsultuhin ka. Narrator: Hindi na sumagot si Maria Clara. Nakiusap siya sa mga kaibigan na samahan siya sa silid na tila walang lakas na tumungo roon ng nag-iisa. Inalalayan siya ng dalawa sa pagtayo, nakasandig ang ulo kay Victoria, at tumuloy na sa silid. Naghanda na sa pag-alis ang mag-asawang de Espadaña nang gabing iyon. Ibinigay kay Kapitan Tiago ang bayarin na umaabot sa libo-libong piso. Kinabukasan, maagang-maaga pa lamang ay nagpahatid na sila sa Maynila lulan ng karwahe. Si Linares nga ang babalikat ng paghihiganting nais ni Donya Victorina. 2