






Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Project proposal on a high school essay
Typology: Essays (high school)
1 / 10
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!







Mula sa ikatlong pangkat Mati National Comprehensive High School Manga St., Brgy. Sainz, City of Mati, Davao Oriental Ika-13 ng Disyembre, 202 3 Haba ng panahon na gugugulin: Dalawang buwan at kalahati
III. Katwiran ng Proyekto A. Pagpapahayag sa Suliranin Matagal nang naging suliranin ang tubig at palikuran sa MNCHS. Sa tuwing nais ng mga estudyante na magbawas, minsan hindi nila ito nagagawa dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig at problema sa palikuran. Dahil sa kakulangan ng kalidad ng tubig at nasirang palikuran sa paaralang ito, maraming nagrereklamo, nagagalit at nagkakasakit dahil sa dumi, kalat, at baho na dulot nito sa kanila. Ito ay isang malaking suliranin na dapat bigyang-pansin ng mga kinauukulan, mga guro, gobyerno at mga pampublikong opisyal nang sa ganon ay mabigyan ito ng agarang solusyon. Hinihiling ng mga estudyante sa MNCHS na panatilihin ang maayos na kalidad ng tubig para sa kanilang kalusugan at ang mga palikuran upang magamit nila ito nang walang pag-aalala sa sakit. B. Prayoridad na Pangangailangan Kailangan ay may nararapat na mga materyales sa pagsasaayos ng palikuran at pagpapanatili ng kalidad sa tubig. Kaya kinakailangan ng ceramic tiles dahil ito ang gagamitin sa pader at sahig ng palikuran dahil sa kakayahan nitong mapanatili ang kalinisan at madaling linisin. Ang paggamit ng water filters upang alisin ang mga contaminants sa tubig tulad ng bacteria, sediments, at iba pa ay higit ding kailangan. Upang makatipid sa tubig, mag-lagay ng “water-saving fixtures” tulad ng low-flow toilets at gripo. Idagdag din ang educational posters ukol sa proper hygiene at sanitation upang maging gabay sa mga estudyante. C. Interbensyon Maaaring maisakatuparan ang panukalang ito sa mga sumusunod: a. Magsagawa ng pag-oobserba sa mga palikuran sa buong paaralan. b. Alamin ang sitwasyon ng sistema ng patubig sa paaralan. c. Pag-sasaayos ng mga palikuran sa buong paaralan. d. Pagpapaayos ng sistema ng patubig upang magamit sa paaralan. D. Mag-iimplementang Organisasyon Pinakaangkop na magsagawa ng proyektong ito ay ang Mati Water District, Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Health (DOH), school facility officers, at ang administrasyon ng paaralan upang maayos na maisagawa ang pagpaplano at pagsisimula ng proyekto. Sa pagtutulungan nila ay mas magiging pulido ang proyekto mula sa plano hanggang sa pagsasagawa nito. Tungkulin nilang gawin ang kanilang tungkulin ng tapat at makatarungan upang makinabang ang lahat ng nasasakop ng paaralan. Sa pagsusuri at pag-oobserba ng iba’t ibang mga organisasyon, sila ang karapat-dapat na humawak at mag-asikaso ng proyektong ito.
IV. Layunin Layunin ng panukalang ito ang mga sumusunod:
B. Alokasyon Pagkakagastusan Mga aktibidad Sahod/Allowance Ekwipment Iba pa Pagpaplano sa proyekto 5 laptop 1 printer Pakikipag-ugnayan sa mga kinatawan sa proyekto Permit na kakailanganin para sa proyekto Harapang ebalwasyon sa mga palikuran 2 camera 10 test kits 5 metro Pangsukat na kagamitan Pagsusuri sa tubig sa paaralan 5 box ng water test kits PPE para sa mga trabahante Pagpapatibay ng proyekto 3 laptop Pagkakaroon ng Fund Raising 5 Medalya 1 kotse 50 box ng tubig First aid kit 1 malaking kahon Pag-aasikaso ng mga materyales na kakailanganin 2 truck @ Ebalwasyon ng proyekto at pagpapatibay 1 laptop Konstruksyon Para sa mga construction worker (₱450/day) 50 box Ceramic tiles @ 87000 30 hollow blocks @ 10 sack of cement @ 10000 20 Tubo @ 5000 10 gripo @ 4000 1 0 yero @ Talahanayan 2.0 Alokasyon ng Panukala
C. Badyet Narito ang panukalang badyet para sa proyekto: Pagkakagastusan Bilang ng Yunit Bayad/Yunit Kabuuang Bayad Ceramic Tiles 50 Kahon 1,740 87, Hollow Blocks 30 Yunit 133.33 4 , 000 Semento 10 Sako 10 10, Tubo 20 Yunit 250 5, Gripo 10 Yunit 400 4, Yero 10 Yunit 300 3, Pasahod 50 trabahante 450 22, Kabuuang Badyet 135, Talahanayan 3.0 Badyet ng Panukala D. Pagmonitor at Ebalwasyon Ang mga katauhan na kailangan upang mabigyan ng mabisang pagmonitor at ebalwayon ng proyekto na ito ,ang lokal na departamento ng kalusugan dahil may tungkulin sila na mag-monitor ng kalidad ng tubig at palikuran sa isang lugar. Sila ang maaaring magkaruon ng regular na pagsusuri at magbibigay ng mga rekomendasyon para sa mga hakbang na dapat gawin.Ang mga representative na gumawa sa proyekto ay isa rin pangangailangan dahil sila ang gumawa ng proyeto na dapat nakikita rin nila ang kakulangan upang masolusyonan.
V11. Mga Lakip ➢ Projectproposaldraft.docs.com ➢ Permitpaper.docs.com ➢ Materialsdraft.docs.com ➢ Budgetproposal.docs.com ➢ Finalpermitpaper.docs.com ➢ Google.drive.CR_evaluation.docs.com ➢ Google.drive.Water_System_testing_and_evaluation.docs.com ➢ Signedpapers.docs.com