Thesis for high school students, Essays (high school) of Law

Thesis can be used for high schoolers

Typology: Essays (high school)

2022/2023

Uploaded on 06/22/2023

jihoon-park-1
jihoon-park-1 🇵🇭

2 documents

1 / 44

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
1
Kabanata 1
PANIMULA
Ang pakikipagkomunikasyon sa kapwa tao ang isa sa pinakamagandang
regalo ng Diyos sa bawat isang nabubuhay sa mundong ito. Iba't iba man ang
dayalekto ng bawat lahi ginagamit ito upang makapaglahad ng mga saloobin,
kaisipan tungkol sa iba't ibang aspeto ng buhay, Ito rin ang paraan upang
mailahad ang mga adhikaing nais bigyan ng pansin para maging matagumpay
sa anumang larangan. "Ang anumang magaling na mga ideya ay mawawalan ng
saysay at walang makakabatid kung ito ay hindi maipararating kaninuman" wika
ni Lee Lacocca. Pasalita o pasulat man ang pakikipagkomunikasyon dapat na ito
ay binibigyang halaga.
Sa larangan ng pakikipagkomunikasyon, ang bansang Pilipinas ay isa sa
mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa
Pambansang Wika na Filipino kasama nang mahigit sa isang daan (100) na
katutubong wika, sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang banyaga tulad ng
Ingles, Mandarin, Cantonese, Koreano, Kastila, at Arabe. Punong-puno at siksik
sa dayalekto ang ating mga probinsiya. Tunay na mayaman sa salita at
mayaman sa pakikipagtalastasan ang mga Pilipino.
Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng maraming dayalekto sa bansang ito
marami rin ang naging implikasyon nito, nagkaroon ng kalituan sa pagbabaybay,
sa pagbigkas, sa mga tono at sa kahulugan ng bawat salitang binibigkas ng
isang taong namumuhay dito. Lalo pang lumala ang sitwasyong ito ng
magkaroon ng mga makabagong terminolohiyong pangkabataan,
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16
pf17
pf18
pf19
pf1a
pf1b
pf1c
pf1d
pf1e
pf1f
pf20
pf21
pf22
pf23
pf24
pf25
pf26
pf27
pf28
pf29
pf2a
pf2b
pf2c

Partial preview of the text

Download Thesis for high school students and more Essays (high school) Law in PDF only on Docsity!

Kabanata 1 PANIMULA Ang pakikipagkomunikasyon sa kapwa tao ang isa sa pinakamagandang regalo ng Diyos sa bawat isang nabubuhay sa mundong ito. Iba't iba man ang dayalekto ng bawat lahi ginagamit ito upang makapaglahad ng mga saloobin, kaisipan tungkol sa iba't ibang aspeto ng buhay, Ito rin ang paraan upang mailahad ang mga adhikaing nais bigyan ng pansin para maging matagumpay sa anumang larangan. "Ang anumang magaling na mga ideya ay mawawalan ng saysay at walang makakabatid kung ito ay hindi maipararating kaninuman" wika ni Lee Lacocca. Pasalita o pasulat man ang pakikipagkomunikasyon dapat na ito ay binibigyang halaga. Sa larangan ng pakikipagkomunikasyon, ang bansang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa Pambansang Wika na Filipino kasama nang mahigit sa isang daan (100) na katutubong wika, sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Cantonese, Koreano, Kastila, at Arabe. Punong-puno at siksik sa dayalekto ang ating mga probinsiya. Tunay na mayaman sa salita at mayaman sa pakikipagtalastasan ang mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng maraming dayalekto sa bansang ito marami rin ang naging implikasyon nito, nagkaroon ng kalituan sa pagbabaybay, sa pagbigkas, sa mga tono at sa kahulugan ng bawat salitang binibigkas ng isang taong namumuhay dito. Lalo pang lumala ang sitwasyong ito ng magkaroon ng mga makabagong terminolohiyong pangkabataan,

terminolohiyong pang baysekswal at marami pang iba na nagiging gamitin ng mga mag-aaral. Hindi maikakaila na ang mga terminolohiyong ito sa kanilang pagsasalita sa araw- araw ay nagiging ito rin ang gamitin nila sa pagsulat ng kanilang mga komposisyon. Totoong malaking salik ang pagkakaiba-iba ng mga terminolohiyo, at mga tono sa pagsasalita upang ang isang mag-aaral ay tuluyang manahimik sa klase at huwag ng magpahayag ng damdamin sa mga bagay-bagay na tinatalakay ng guro sa loob ng silid- aralan. Kaya malaki ang nagiging suliranin ng guro kung paano niya mababatid ang kakayahan ng mag-aaral sa araling kanyang itinuturo kung hindi siya magsasalita nang may kalayaan at kasiyahan sa pagsagot sa mga katanungan. Kung ang suliraning ito sa pagsasalita ay patuloy na hindi mabibigyan ng pansin ng mga Edukador ang isa sa magiging bunga nito ay ang kahinaan din sa pagsulat ng mag-aaral, ayon sa batas kaugnay sa balarila, “ ang baybay ay siyang bigkas at ang bigkas ay siyang baybay “. Ang kalinangan sa pagsulat ay maari ring maapektuhan dahil sa mga isinaad na mga implikasyon ng mananaliksik. Gayundin ang katotohanan na ang mag-aaral ang nagpapakita ng pagkayamot, kawalan ng motibasyon sa pagsulat at kung minsan ay hirap na hirap pa sa pagbuo ng mga ideya. Ito ay bunga ng maling konsepto at mahinang estratehiya sa pagtuturo ng pagsulat. Kadalasan, naaapektuhan ng mga kahinaang ito ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat (Badayos, 1999). Mahalaga na matutunan ng mga mag-aaral ang tamang pamamaraan sa pagsulat at ang masining na pagsasalita. Maiisip na isa sa mga pangunahing

pagbuo ng isang sulatin ito ay ang sapat na oras sa pagsusulat at pagbibigay ng puna. Pinatutunayan lamang nito na nararapat na maituro sa mga mag-aaral ang process approach sa pagsulat upang maihanda sila sa isang makabuluhang pagsusulat. Inaalis rin nito ang mga balakid na maaaring humahadlang upang maging madali ang pagpapahayag ng saloobin at pananaw tungkol sa isang paksa. Mas mabisa ang pagkatuto sa pagsulat kung ang mga mag-aaral ay bibigyan ng sapat na panahong makapagsulat; binibigyang diin na ang pagsulat ay nangangahulugan ng eksperimentasyon sa paggamit ng wika, pagsubok ng mga bagong ideya, isang gawain ng paglikha. Mahalaga ring mabigyan ng angkop na kasangkapan at espasyong makatutulong sa mas mabilis at epektibong paglinang ng kasanayan sa pagsulat. Pinatutunayan ng mga nabanggit na impormasyon na ang process approach ay maaring magamit upang matiyak na ang bawat mag-aaral ay nagagabayan at nalilinang ang kakayahan sa pagsulat na napakahalaga sa pagkakamit ng pang-akademikong pagganap. Ito rin ay nagpapatibay ng mga tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondarya ng 2010 (Secondary Education Curriculum) ang Kapaki-pakinabang na Literasi para sa Lahat (Functional Literacy For All) na ibinatay sa mithiin ng Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015). Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2) kahusayan sa pag-unawa at

pagpapahalagang literari ng mga mag-aaral sa antas sekondarya. Lilinangin ang limang makrong kasanayan - pakikinig, pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng iba’t ibang dulog at pamamaraan. Sa kabila ng pagtatakdang ito, marami pa ring maling pananaw sa pagsulat ang umiiral tulad ng: pampalipas oras ang pagsulat, isang parusa at kailangan lamang gawain o makapagpasa bilang kailanganin para magkaroon ng marka kung kaya nawawala ang tunay na layunin at kahalagahan ng pagsulat. Ang kahirapan sa pagtuturo ng pagsulat ay mapapagaan sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda sa parte ng guro (Lozano 2002). Hanggang sa pagtuntong sa sekundarya ay dala-dala nila ang pananaw na ito sa pagsulat sapagkat hindi nalinang sa kanila ang tamang kasanayan at motibasyon sa pagsulat. Kaya nga dapat lang isulong nang mabuti ang mga bagong paraan na sumasaklaw sa Wikang Pambansa alinsunod na rin sa itinatadhana ng kagawaran ng surian ng wikang Filipino ayon kay Virgillo Almario (Komisyun ng Wikang Filipino 2013) “Particular itong bumabalangkas sa ortograpiya ng Wikang Filipino na dapat ang mga mag-aaral ay mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan. Ito na ang susi para sa hanay ng mga kaguruan natin sa makabagong panahon upang linangin ang sariling wika na Tinaguriang Wikang Filipino para sa Filipinas at para sa Filipino.”

masining na pamamaraan. Mahalaga ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagsasalita sa harap ng mga tao sa loob o sa labas man ito ng klasrum. Kaalinsabay dapat ang pagkatuto sa pagsasalita ay ang pagsulat upang matugunan natin ang sinasaad ng batas na ito na payabungin at pagyamanin ang ating Wikang Pambansa nang sa gayon ang mga mag- aaral ay maging isang mabuting mamamayan na gumagamit ng masining na pakikipagkomunikasyon. Magaganap ang lahat ng ito kung magiging matalino at maestratehiya ang guro sa Filipino sa pagtuturo ng asignaturang ito. Dapat na mas maging mahigpit ang guro sa pagpapagamit ng mga salita na batay sa tamang pamantayan ng pagsulat at pagsasalita ng ating sariling wika sapagkat sinasaad sa Memorandum Pangkagawaran blg. 194 (1976 ) ang pagtatagubilin sa mga guro ng mga bagong tuntunin sa ortograpiyang Pilipino. Ang Memorandum na ito ay pagpapaalala sa bawat guro ng asignaturang Filipino na dapat tayong nagbibigay pokus sa kaayusan o kaanyuan ng paraan ng pagsulat ng mga mag- aaral. Higit na magiging mahusay ang mag-aaral sa komunikasyon kung ang mga ito ay maisasakatuparan sa araw- araw na pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang pagiging mahusay na komyunikeytor ay mapatutunayan lamang kung kaya nitong salitain at isulat ang kanyang nasasaloob o mga opinyon ukol sa maraming bagay kung mayroon siyang pagkokonsidera sa batas ng pagbuo ng wika.

Kaya naniniwala ang mananaliksik na ang pag aaral na ito ay tunay na makatutulong sa anumang mga balakid ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon, pasulat man ito o pasalita dahil tutugunin ng pag-aaral na ito ang mga dahilan ng mahinang pakikipagkomunikasyon ng mag –aaral sa pamamagitan ng pagsagot ng mga mag-aaral sa mga katanungang ihahanda ng mananaliksik gayundin ang pagtukoy sa mga kakulangan ng mga guro sa pagtuturo sa mga kasanayang ito. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay susuri sa kasanayan sa Filipino sa paraang pasalita at pasulat ng mga mag-aaral sa Grade 10 ng Francisco P. Felix Memorial National High School sa Cainta, Rizal. Ang pagmumulan ng mga datos ay mula sa mag-aaral ng grade 10 ng taong panunuran 2017-2018 ng Francisco P. Felix Memorial National High School Cainta, Rizal, Gagamitin ang random sampling upang makuha ang piling mga mag-aaral sa 33 pangkat na heterogenous, pipili lamang ng tig-isa bawat pangkat para sa pagsusuri. Susukatin ng mananaliksik ang mga kasanayan sa pagpapaliwanag tungkol sa isang paksa nang pasalita at pasulat ng mga mapipiling mga kalahok. Irerekord ng mananaliksik ang pagsasalita ng kalahok , bibigyang puna at matapos nito, bibigyang pansin ang isinulat na sagot ng kalahok. Susuriin ang mga ito at itatala samantalang bubuo ng pamantayan ang guro upang suriin ang pagsulat na ginawa ng mga kalahok. Gayundin, maghahanda ang mananaliksik ng mga katanungan sa mga guro na nagtuturo ng asignaturang ito sa grade 10 na tutukoy sa kanilang suliranin sa pagtuturo ng mga kasanayang ito upang maging

2.1 mekaniks; 2.2 anyo: 2.3 pagpapahalaga?

  1. Ano- ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagsasalita at pagsulat ng mga mag-aaral sa kasanayan na ito?
  2. May makabuluhan bang relasyon ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita at pagsusulat?
  3. May makabuluhan bang pagkakaiba ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita at pagsusulat? Haka sa Pag-aaral Sa pag-aaral na ito ay susubuking sagutin ang mga sumusunod na haka
  4. Walang makabuluhang relasyon ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita at pagsulat.
  5. Walang makabuluhang relasyon ang pagkakaiba ng kasanayan sa pagsasalita at pagsusulat ng mga mag-aaral.

Kabanata 2 EBALWASYON, DISENYO AT BALANGKAS NG PAG-AARAL Ang kabanatang ito ay maglalahad ng mga pagtalakay sa inaasahang resulta ng pananaliksik, Balangkas Teoretikal at Balangkas konseptwal , mga baryabol, katuturan, at kahalagahan ng pag-aaral. Pagtalakay sa Inaasahang Bunga Matapos ang gagawing pagsusuri sa kasanayan sa pagsasalita at pagsulat ng mga mag-aaral, Ang inaasahang bunga ng pag-aaral ay ang mga pinalanong panayam ( Seminar / Workshop ) sa pagsasalita at pagsulat para sa mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino at mungkahing mga kagamitan para sa mga mag-aaral. Ang paplanuhing mga panayam na ito ay naglalayong payabungin pa ang kaalaman ng mga guro sa pamamagitan ng iba't ibang paraan ng panghihikayat at mga makabagong estratehiya upang mapagsalita at mapagsulat ang mga mag-aaral ng may kasiningan at katapatan sa kanilang mga sagot sa mga talakayan at upang mabigyan tulong din ang mga mag-aaral na nahihirapan sa mga kasanayang ito sa pamamagitan ng pagbibigyay sa mga ito ng iba't ibang gawain para sa kanilang pagkatuto. Inaasahan na ang pagawaing ito ay magiging epektibo para sa masayang pagkatuto ng mga mag-aaral at magaan na paraan para sa mga guro sa kanilang pagtuturo.

ng panunuod sa mga magulang at sa ibang taong nasa ating kapaligiran". ang ginamit ng mananaliksik upang hindi mabigla at mawala ang takot ng mag-aaral na ito ay matutunan. Balangkas Konseptuwal Ang balangkas na konseptwal na ito na matatagpuan sa Pigura 1 sa pahina 15 ay nakasandig sa sistema ni Coombs na kinapapalooban ng 3 anyo. Ang Lagak, Proseso at Bunga. Ang unang kahon ay binubuo ng mga kakailanganin upang masuri ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsasalita at pagsulat. Ang mga sumusunod ay ang kalahok na mag-aaral, video ng talumpati, rekorder na gagamitin ng mananaliksik upang marekord ang pagsasalita ng mga kalahok at Pamantayan o Rubriks ng gagawing pagsulat, Matutulungan ng pagsasaliksik na ito ang guro kung paano ang mga mag- aaral na hindi kayang magpahayag ng kanilang mga ideya,, opinyon at damdamin sa iba't ibang usapin dahil sa takot, hiya at kawalan ng tiwala sa sarili ay unti-unting matutunan ang kasanayan na ito sa pagsasalita at maging epektibo rin sa pagsusulat. Malaki ang magiging kontribusyon ng isang guro na nagtuturo sa asignaturang Filipino para sa mga mag-aaral na malaki ang suliranin ukol dito. Makikita naman sa ikalawang kahon ang prosesong gagawin ng mananaliksik sa pagsasalita at pagsulat. At sa huling kahon ay matatagpuan ang kabuuang pagsusuri ng mananaliksik sa pamamagitan ng naratib report at pagbuo ng action plan para sa pagpapaseminar / workshop sa pagsasalita at pagsulat ng mga guro upang maging epektibo sa pagtuturo ng kasanayang ito.

Matutunghayan sa Balangkas Konseptwal na ito na ang mga kagamitan na kakailanganin, proseso ng mga gagawin ay makapagbibigay nang maayos na pagsusuri sa kasanayan ng mga mag-aaral sa grade 10 sa paraang pasalita at pagsulat. Ipinapakita ng mga linya ang mga kaugnayan ng mga gawain upang masuri ang kasanayan at ang pagbuo ng action plan upang matugunan ang kahinaan.

Mga Baryabol, Depinisyon at Kahalagahan ng Pag-aaral Ang mga sumusunod na baryabols ay binigyang halaga ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral dahil malaki ang maitutulong ng mga ito upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito: Pagsusuri Ayon sa isang artikulo ng wikiHow, Paano sumulat ng isang kritikal na pagsusuri. Ang kritikal na pagsusuri ay pag-aaral sa mga artikulo o iba pang mga gawa upang madetermina kung ang pagkakaayos ng mga argumento o mga punto ay epektibo. Ang pagsusuri ay madalas na isinasagawa sa mga artikulo at mga aklat, maari rin itong gawin sa pelikula, pagpipinta at iba pang gawa habang maaaring pag-aralan ang mga mensahe at dating ng isang akda dapat na mabigyang-pansin ang kabuuang abilidad ng manunulat at ang epekto nito. Dapat na ugaliing magbasa upang matutunan ang iba't ibang hakbang sa pagsulat ng Kritikal na Pagsusuri Ayon sa pag-aaral ni Balbacal ( 2013 ) Ang pagsusuri ay isang hakbang ng pag-aayos ng isang mahirap na paksa upang mas madaling maunawaan ng kahit sinumang mag-aaral. Ang estratehiya na ginamit sa pag-aaral ng matematika at lohika sa panahon ni Aristotle bagaman ang analisis ay isang pormal na konsepto o diwa na halos kamakailan lamang umuunlad. Ayon sa pag-aaral ni Cuizon ( 2013 ), Ang pamaraang meta-analisis ay nagbibigay tuon sa pagsusuri ng mga kaanyuan tulad ng paglalahad ng suliranin, metodolohiya, pagbibigay ng kahulugan ng mga datos, ang mga nadiskubre,

konklusyon, ang mga implikasyon at rekomendasyon. Ang paggamit ng meta- analisis ay tunay na nagdudulot ng kabutihan sa mga nakikinig , mambabasa at sa mga manonood. Ang mga kabuluhang ito ay patungkol sa buhay na maaring maging lantad ng pahayag sa isang pagsusuri, ito ang tema. Ang paksang diwa o ang tinatawag na tema mula sa pagsusuri ay maaring nagsasaad ng katotohanang panlahat na maaring maging basehan sa bawat aspeto ng pag- aaral ng isang tao. Ang Pagsusuri batay sa pag-aaral na ito ng maiikling Kuwento sa mga tesis at Disertasyon mula sa iba't ibang paaralan gamit ang meta-analisis ay isang epektibo, mabisa at obhektibong paraan at kagamitan na magagamit sa makatarungang paghatol; pamumuna sa kabuluhan at kagandahan , paghahambing sa mga kritikal na isyu at pormulasyon ng panibagong pamantayan at batas. Kasanayan sa Pagsasalita Ayon sa isang artikulo " Ang pagsasalita ay nakatinig na anyo ng komunikasyon ng tao. Madalas na ginagamit ng tao ang pagsasalita sa araw- araw na pamumuhay. Dahil ito ay nagbibigay ng mga posibilidad na mga pangyayari o ang mga nais sabihin sa iba. Nakakatulong din ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa." Sinabi ng manunulat na si Tapalla ( 2013 ) " Kapag tayo ay nagsasalita ng may kapangyarihan at mahusay sa balarila, diksyon at pagbigkas hindi lang natin nakukuha ang atensyon ng ating mga tagapakinig napahahanga rin natin sila.

natututunan habang nakikipag-ugnayan at nakikisalamuha. Ayon kay Perez (2007) may mga nilikhang pinagkalooban ng biyayang magkaroon ng kakayahan sa sining na ito. Mahalagang matutunan ang tamang pagpili ng mga salita, mabisang pagbuo ng mga pangungusap at maayos na pagkakasunud-sunod ng mga kaisipan. Ayon sa pag-aaral ni Tolledo (2014) na nakatala sa Deped Project Q- Learn na ang pakikipagkomunikasyon sa ibang tao ang pinakamahalaga sa bawat gawain dahil ito ang nagdudugtong sa mga desisyon ng mga organisasyon upang matamo ang ninanais na layunin. Ito rin ang paraan ng tao upang maibahagi niya ang kanyang nararamdaman , kaisipan, mga pangangailangan, at kagustuhan. Ito ay isang proseso na nagbibigay sa atin ng kakayahan upang maibahagi an gating mga ideya sa iba. Ang pakikipagkomunikasyon ay isang paglilipat ng impormasyon sa ikauunawa ng bawat isa. Ang layunin ay upang kumuha at intindihim ang impormasyon. Ang pinakamasalimuot na salik ng pagsukat sa epekto ng komunikasyon ay ang sabay na pagkaunawa nito. Ang kahirapan sa pagsasalita, Wika at pakikipagkomunikasyon ay kaakibat ng kahirapan sa pagkatuto, sosyal, emosyonal, at sa asal ng isang tao gayundin ang kahirapan tulad ng Autistic Spectrum disorders. Ayon din sa kanyang pag-aaral, nagbigay ng suhestiyon na ang mga nakakaidad ng mga tao ay may kahirapan na sa pakikipagkomunikasyon na kinakailangang bigyang pansin ng mga taong namamahala sa kanila upang magkaroon ng tamang pamamaraan ng pagtuturo sa mga ito, Sa pakikipagtalakayan sa mga taong may

kahinaan sa kasanayan sa pagsasalita kailangan ng katiyagaan at pag –unawa upang kahit paano ay matutunan nila ang kasanayan na ito, Kailangang maunawaan ang kanilang sitwasyon na kapag nangyari ito ay magkakaroon ng pagkakataon upang maabot sila at lalo't higit silang matulungan, kailangan nila ng kaalaman upang mabigyan sila ng pagkakataon na makiisa sa pangkat ng mga tao na kanilang kinabibilangan. Kasanayan sa Pagsulat Ayon kay James Kinneavy (2008), may limang kategoryang dahilan sa pagsulat kung bakit nagsusulat ang tao tulad ng: Ekspresiv, ang personal na sulat para maipahayag ang sarili, Formulari. Estandardisadong pagsulat at mataas ang nilalaman tulad ng mga kasulatan, kasunduan sa negosyo, bisnes at iba pang transaksyong legal, politikal at pang-ekonomiya. Imaginativ. Mapanlikhang ekspresyon bunga ng imahinasyon ng manunulat tulad ng awit , dula at tula., Informativ. Layunin ng manunulat na magbigay ng mahahalagang impormasyon at ebidensiya.at Persweysiv. Layunin na makahikayat at mapaniwala ang mambabasa batay sa mga katibayang ipinahayag. Binigyang diin din nina Gutierrez at Amarles (2009) na ang abilidad sa pagsulat nang maayos ay may kaugnayan sa akademiko at propesyunal na pagtatagumpay. Tunay na ang pagsulat ay dapat na binibigyang pansin ng guro sa Filipino upang ang bawat mag-aaral ay maging konfident sa kanyang sarili at para magamit niya sa kaniyang pagharap sa ilan pang yugto ng buhay.