Filipino 9 Learners Module, Quizzes of English

Test guide for filipino nine students Test guide for filipino nine students Test guide for filipino nine students Test guide for filipino nine students Test guide for filipino nine students

Typology: Quizzes

2023/2024

Uploaded on 09/04/2023

wenjele-ramos
wenjele-ramos 🇵🇭

1 document

1 / 156

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
DRAFT
April 1, 2014
1
Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri
ng mga mula sa mga publikong paaralan, kolehiyo at/o unibersidad. Hinihikayat
naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
[email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
9
Panitikang
Asyano
(Gabay ng Guro)
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16
pf17
pf18
pf19
pf1a
pf1b
pf1c
pf1d
pf1e
pf1f
pf20
pf21
pf22
pf23
pf24
pf25
pf26
pf27
pf28
pf29
pf2a
pf2b
pf2c
pf2d
pf2e
pf2f
pf30
pf31
pf32
pf33
pf34
pf35
pf36
pf37
pf38
pf39
pf3a
pf3b
pf3c
pf3d
pf3e
pf3f
pf40
pf41
pf42
pf43
pf44
pf45
pf46
pf47
pf48
pf49
pf4a
pf4b
pf4c
pf4d
pf4e
pf4f
pf50
pf51
pf52
pf53
pf54
pf55
pf56
pf57
pf58
pf59
pf5a
pf5b
pf5c
pf5d
pf5e
pf5f
pf60
pf61
pf62
pf63
pf64

Partial preview of the text

Download Filipino 9 Learners Module and more Quizzes English in PDF only on Docsity!

DRAFT

April 1, 2014

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga mula sa mga publikong paaralan, kolehiyo at/o unibersidad. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Panitikang

Asyano

(Gabay ng Guro)

Kagawaran ng Edukasyon

Republika ng Pilipinas

DRAFT

April 1, 2014

MGA AKDANG PAMPANITIKAN

NG TIMOG-SILANGANG ASYA

DRAFT

April 1, 2014

GRAPIKONG PRESENTASYON NG MODYUL 1

PANITIKAN NG TIMOG-SILANGANG ASYA

Aralin 1. Panitikan: Ang Ama Maikling Kuwento - Singapore Wika: Pangatnig at Transitional Devices Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Aralin 1. 2 Panitikan: Ang Alamat ni Prinsesa Manorah Alamat - Thailand Wika: Pang-abay na Pamanahon Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Aralin 1. 3 Panitikan: Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan Tula - Pilipinas Wika: Wastong Gamit ng mga Salitang Naglalarawan Uri ng Teksto: Naglalarawan

Aralin 1. 5 Panitikan: Tiyo Simon Dula – Pilipinas Wika: Pandiwang Panaganong Paturol Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Aralin 1. 4 Panitikan: Kay Estela Zeehandelar Sanaysay – Indonesia Wika: Wastong Gamit ng mga Pang- ugnay sa Paglalahad ng Opinyon Uri ng Teksto: Naglalahad

Aralin 1. 6 Pangwakas ng Gawain Malikhaing Panghihikayat o book fair

DRAFT

April 1, 2014

II. PANIMULANG PAGTATAYA

  1. Panuto: Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
  2. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa:

A. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento. B. pagbibigay kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita. C. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat. D. pagkilala kung kalian naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos o pangyayari.

  1. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang maikling kuwentong:

A. kababalaghan C. pangtauhan B. katutubong kulay D. makabanghay

  1. Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na:

A. panlinaw C. pantuwang B. pananhi D. panapos

  1. Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may akda sa isang pook o pangyayari ay tinatawag na tulang:

A. mapang-uroy C. mapang-aliw B. mapaglarawan D. mapangpanuto

  1. Ang pang-ugnay ay bahagi ng salitang:

A. Pangkayarian C. pantukoy B. pananda D. pangawing

  1. Kung ang sanaysay na di-pormal ay tinatawag na personal na sanaysay, ang sanaysay na impersonal naman ay:

A. naglalarawan. C. nangungutya B. pormal. D. nang-aaliw

PANGKALAHATANG PANUTO:

  1. Bago mo simulan ang pagsagot, bilangin mo muna kung ito ba ay binubuo ng pitong (7) pahina.
  2. Isulat sa malalaking titik ang titik ng napili mong sagot.
  3. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

DRAFT

April 1, 2014

  1. Maituturing ang isang kuwento na alamat kapag

A. naganap sa mga tanyag na lugar. B. naglalaman ito ng makatotohanang pangyayari. C. nagsasalaysay ng pinagmulan ng bagay o lugar. D. naglalahad ng patunay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

  1. Sa pangungusap na, Si Sitti Nhuraliza ay may ginintuang tinig at ginintuang puso , ang salitang ginintuan ay:

A. nangangatuwiran C. nag-uugnay B. Naglalarawan D. nagsasalaysay

  1. Sa mga pangungusap na, Nagugutom si Egay. at Nagluto si Mulong ng pansit. Ano ang angkop na gamiting pang-ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?

A. kaya C. subalit B. palibhasa D. datapwat

17. Haba ng hair, Utak niya'y puro air, Amoy mo ay wagas, Dapat ka ngang magtawas

Ang saknong na mula sa tulang isinulat ni Von Crisostomo Villaraza ay halimbawa ng tulang:

A. mapagbiro C. mapanghikayat B. mapaglarawan D. mapang-aliw

  1. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Rene, ang pagpapakahulugan sa pahayag ay malinaw.

A. pananda C. pang-ukol B. pangatnig D. pantukoy

  1. Ang dekonstruksyon ay isang paraan ng pag-aanalisa ng teksto. Ang pangungusap ay halimbawa ng

A. pangangatuwiran C. pagkukuwento B. paglalahad D. paglalarawan

  1. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa panaganong paturol?

A. pinuhin, Anihin, Ihain B. kumanta, tumalilis, kumaripas C. gamitan, asahan, pag-aralan D. natapos, natatapos, matatapos

DRAFT

April 1, 2014

  1. _____ ni Rizal ang Noli at El Fili upang mapalaya ang Pilipinas sa mga Espanyol. Anong anyo ng pandiwa ang angkop na ipuno sa pahayag?

A. Nagamit C. Ginamit B. Gagamitin D. Kagagamit

  1. Ang patalastas o anunsiyo ay isang paraan ng komunikasyon o pakikipagtalastasan na may layuning:

A. maglarawan C. mangaral B. manghimok D. magpakilala

  1. Alin sa sumusunod na pandiwang paturol ang nasa perpektibong katatapos?

A. kumaripas C. katatayo B. kakalusong D. pinagsabitan

  1. Ang lahat ay nagsasaad ng makatotohanang impormasyon, maliban sa:

A. naganap ang makasaysayang EDSA Revolution noong Pebrero 25, 1986. B. taun-taon ay dinadaanan ng hindi bababa sa dalawampung bagyo ang Pilipinas. C. nakagagamot sa sakit sa ubo ang dahon ng oregano. D. kung hindi tayo kikilos, maaaring mauwi sa wala ang ating pinaghirapan.

  1. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw ...Ang sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng:

A. pagdurusa C. kalutasan B. kaligayahan D. kalungkutan

Para sa mga bilang 26-

  1. Mahihinuhang ang ama ay magiging:

A. matatag C. matapang B. Mabuti D. masayahin

  1. Maituturing na pang-abay na pamanahon ang:

A. magiging mabuti C. mula ngayon B. nagdadalamhating ama D. dinukot sa bulsa

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat).

DRAFT

April 1, 2014

  1. Sa pangungusap na, Ang araw ay muling sisikat sa dakong Silangan pagsapit ng umaga. Aling salita ang may dalawa o higit pang kahulugan?

A. araw C. sisikat B. umaga D. lahat ng nabanggit

Para sa mga bilang 33-

  1. Maituturing na salitang naglalarawan ang:

A. pinakamahusay C. nagkamit B. ginanap D. patimpalak

  1. Ang salitang nasalungguhitan sa sanaysay ay nangangahulugang:

A. pag-eensayo C. pamahiin B. paligsahan D. programa

  1. Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan ay nagpapahiwatig na ang kultura ay:

A. nagbabago C. naaalis B. di nagpapalit D. di itinuturo

  1. “Isinuko ko ang aking kalayaan at nagpakahon ako sa kanilang nais.” Ang ipinahihiwatig ng tauhan sa pahayag ay:

A. pagkatalo C. kawalan ng kapangyarihan B. pagiging sunod-sunuran D. kasiyahan

Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng iba’t ibang awit-parangal hindi lamang sa kaniyang bansa kundi maging sa pang-internasyonal na patimpalak. Isa na rito ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya ang Grand Prix Champion mula sa Voice of Asia Singing Contest na ginanap sa Almaty, Kazakhstan.

DRAFT

April 1, 2014

Para sa mga bilang 37-

  1. Ano ang maaaring maging bunga ng patuloy na pag-init ng mundo?

A. Matutunaw ang mga yelo na magpapalala sa pagbaha. B. Mamamatay ang lahat ng may buhay sa mundo. C. Masusunog ang mga tao. D. Magkakaroon ng taggutom dahil sa kakulangan ng suplay ng pagkain.

  1. Ano ang pinakamalubhang suliranin ng lahat ng mga bansa ayon sa teksto?

A. suliranin sa basura C. problema sa polusyon B. pagkaubos ng mga puno D. pag-init ng mundo

  1. Ang lahat ay sanhi ng pandaigdigang problema sa polusyon ayon sa akda, maliban sa isa.

A. paggamit ng kahoy bilang panggatong B. pagkaubos ng mga puno C. pagtatapon sa mga estero at ilog D. makabagong kabihasnan at siyensiya

Palala nang palala ang problema sa polusyon ngunit marami ang hindi nababahala sa kalagayang ito. Binabalikat ngayon ng daigdig ang pinakamabigat na suliraning ito na maaaring dulot na rin ng makabagong kabihasnan at siyensiya. Mapapansing dahil sa malubhang pag-init ng mundo, pabago-bago ang klima sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ito’y bunga ng labis na paggamit ng kahoy bilang panggatong. Ang mabilis na pagkaubos ng mga puno sa kagubatan ay nagbibigay rin ng suliranin sa polusyon hindi lamang sa ating bansa pati na rin sa iba pang mga bansa. Sa nabanggit na mga problema, pinakamalubha ang suliranin sa basura sapagkat ito ang nagpapalala ng polusyon sa lahat ng mga bansa. Kaya naman hindi tumitigil ang pamahalaan ng bawat bansa at mga dalubhasa sa buong mundo sa paglutas ng mga problemang ibinibigay nito sa daigdig. Gayon pa man, hindi dapat iasa lahat sa mga grupo ng mamamayang may malasakit ang paglutas sa suliranin sa bansa. Dapat magsimula ang pagkilos sa mga tahanan upang mapadali ang pagbibigay ng kalutasan sa problemang idinudulot nito sa sangkatauhan. Hango sa Hiyas ng Lahi IV Vibal Publishing, Inc

DRAFT

April 1, 2014

III. YUGTO NG PAGKATUTO

A. TUKLASIN

 Magkakaroon ng gallery walk ang mga mag-aaral na nagpapakita ng iba’t ibang bansa sa Timog-Silangang Asya – kultura, uri ng edukasyon, paraan ng pamumuhay, at ilang panitikan na magpapakita ng iba’t ibang impormayon tungkol sa mga tatalakaying bansa. (Ang gallery walk ay isang ekshibit ng mga larawan at ilang materyal).  Paalala: Maaaring magpasaliksik ang guro ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa mga bansang Singapore, Thailand, Indonesia, at Pilipinas.

B. LINANGINPaalala: Tunghayan ang mga gawain sa Gabay ng Guro sa Pagtuturo

PAALALA SA GURO

Ang matutunghayang mga gawain at estratehiya sa gabay na ito ay pawang mga mungkahi lamang. Malaya ang guro sa paggamit ng iba pang mga pamamaraan na sa tingin niya ay angkop gamitin sa kaniyang klase. Maaaring palitan ng guro ang mga kasanayan sa bawat domain ngunit tiyakin na nakabatay pa rin sa pagtamo ng bawat pamantayan. Ang bansa na pinagmulan ng teksto at genre ng panitikan ay hindi maaaring palitan. Kung may iba pang teksto na maaaring gamitin sa pagtalakay ng aralin, maaaring gumamit ng ibang teksto.

Ang mga Kasanayang Pampagkatuto sa bawat domain ay malilinang sa pamamagitan ng mga gawaing magaganap sa loob ng klase. Hindi ito nangangahulugan na ang lahat na kasanayan ay lilinangin sa loob ng isang araw na pag-aaral. Ngunit inaasahan na malilinang ang mga kasanayang ito sa loob ng nakatalagang bilang ng sesyon.

DRAFT

April 1, 2014

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

Domain Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan

Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa napakinggang akda Pag-unawa sa Binasa

Nakabubuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga pamantayang internal na taglay ng mambabasa / manonood Paglinang ng Talasalitaan

Nabibigyang- kahulugan ang mga pahiwatig na ginamit sa binasang mga akda Panonood Napaghahambing ang mga piling pangyayari sa napanood na dula / telenobela sa kasalukuyang lipunang Asyano Pagsasalita Naisasalaysay nang may pagkakasunod ang mga pangyayari ng isang maikling kuwentong makabanghay

Deskripsyon ng ARALIN 1

Ang Aralin 1 ay naglalaman ng mga konsepto tungkol sa maikling kuwentong makabanghay. Naglalahad ito ng isang kuwento ng Singapore na pinamagatang Ang Ama na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena. Bahagi rin ng pagtalakay ang iba’t ibang pangatnig at transitional devices na makatutulong sa mga mag-aaral sa pagsasalaysay ng sariling karanasan, pasalita man o pasulat.

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa at pagpapahalaga sa maikling kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba pang transitional devices. upang makapagsalaysay ng sariling karanasan

Pamantayan sa Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng mag- aaral ang banghay ng maikling kuwento gamit graphic organizer

A. Panitikan: Ang Ama Maikling Kuwento – Singapore Isinalin sa Filipino ni M. R. Avena

B. Gramatika / Retorika: Mga pangatnig at Transitional Devices sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari (subalit, samantala, sa wakas, dahil sa, saka, kaya, kung gayon, sa lahat ng ito)

C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Aralin 1.

DRAFT

April 1, 2014

Ang iyong pulso sa:  naipaliliwanag ko ang katuturan ng maikling kuwento  napag-iiba-iba ko ang iba’t ibang uri ng kuwento  naiisa-isa ko ang mga elemento ng maikling kuwento  napagsusunod-sunod ko ang mga pangyayari sa isang kuwento  nasusuri ko ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan  nakabubuo ako ng sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda  nabibigyang-kahulugan ko ang mga pahiwatig na ginamit sa maikling kuwento  napaghahambing ko ang mga piling pangyayari sa napanood na dula o telenobela sa kasalukuyang lipunan at sa kuwentong tinalakay,  nasusuri ang isang kuwentong makabanghay batay sa mga proseso sa paglikha nito  naisasalaysay ko nang may pagkakasunod ng mga pangyayari ng isang maikling kuwentong makabanghay  at nagagamit ko nang wasto ang mga kataga o pahayag na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

GAWAIN 2. Paghahanay ng mga Pangyayari

  1. Ipagawa ito sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot nito sa sagutang papel.
  2. Tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang ginawa. Iproseso ang mga sagot ng mag-aaral.

 Maaari kang magsagawa muna ng pangganyak na gawain bago ipabasa ang kuwentong kuwentong ”Ang Ama”.  Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang Alam mo na ba bago gawin ang Gawain 4.  Iproseso ang Gawain 4 at tiyaking naunawaan ng mga mag-aaral ang mga pahayag na binigyan ng kahulugan.  Pagkatapos magawa ang Gawain 4, ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 5.

GAWAIN 5. Fan Fact-Analyzer  Pagkatapos gawin ng mga mag-aaral ang Gawain 5, tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang ginawa.  Pagkatapos ng bahaginan, ang Gawain 6 ay magsisilbing gabay sa talakayan upang malaman ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral.

PAALALA: Kung may mga konseptong hindi naaayon sa tinatalakay, ipawasto sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggabay mo.  Ipabasa sa mga mag-aaral ang isa pang kuwentong makabanghay na “Anim na Sabado ng Beyblade” ni Ferdinand Pisigan Jarin.  Ipaalala sa mga mag-aaral na ang babasahing kuwento ay bahagi lamang.  Pagkatapos mabasa ng mga mag-aaral, ipagawa ang Gawain 7.  Ipaliwanag mo paano gagawin ang isang timeline.  Tumawag ng ilang mag-aaral na magbahagi ng kanilang ginawa pagkatapos makagawa ng timeline.

Linangin

DRAFT

April 1, 2014

PAALALA: Bahagi ng talakayan ang Gawain 7. Tiyaking maproseso ito.  Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 8 pagkatapos ng talakayan.  Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang tungkol sa pangatnig at transitional devices.  Ipagawa ang Gawain 9 sa LM. Ipaliwanag ang tamang sagot upang maintindihan ng mga bata ang konsepto ng pangatnig at transitional devices na ginagamit sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

 Ipasagot sa mga mag-aaral ang mahahalagang tanong upang malaman mo ang antas ng kanilang pag-unawa sa aralin.  Tiyaking maiwasto ang mga konsepto na hindi naaayon sa araling tinalakay.  PAALALA: Maaaring magbigay pa ng gawaing susubok sa kanilang pagkaunawa sa aralin.

 Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang Gawain 10, kung paano nila ito paghahandaan at ang pamantayan sa pagmamarka.  Maaari kang mag-anyaya ng mga guro na tutulong sa iyo sa pagbibigay ng marka.

GAWAIN: Magsasalaysay ang mga mag-aaral ng isang kuwento gamit ang graphic organizer sa masining na paraan. Tandaang ang pagganap ay batay sa GRASPS

Role- illustrator / layout artist Audience- Manunulat (writer) ng maikling kuwento Situation- Kailangan ng manunulat ng isang illustrator /graphic artist na gagawa ng graphical presentation para sa isang pahina ng kuwento

Performance- Graphical presentation ng kuwento Standards-  Hikayat sa unang tingin……...40 puntos  Kumpleto ang mga element…30 puntos (tagpuan, tauhan, banghay)  Pagkamasining……………….30 puntos Kabuuan………………………100 puntos

Pagnilayan at Unawain

Ilipat

DRAFT

April 1, 2014

o sa naging wakas ng alamat Gramatika/Retorika Nagagamit nang wasto ang pang-abay na pamanahon sa alamat

  1. Papiliin ang mga mag-aaral ng isa sa mga larawang nasa kanilang LM at pagawaan ito ng kuwento ng maaaring pinagmulan ng kanilang napiling bagay gamit ang web organizer.
  2. Ihanda ang mga mag-aaral para sa pagbabahagi ng kanilang ginawa.
  3. Ipasagot ang mga gabay na tanong bilang bahagi ng talakayan.

PAALALA : Kung gagamit ka pa ng ibang larawan maliban sa nasa LM, tiyakin na ito ay mga larawang may kinalaman sa mga bansang kasapi ng Timog-Silangang Asya.

  1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Alamat ni Prinsesa Manorah”.
  2. Talakayin ang bahaging Alam mo ba na upang maintindihan ng mga mag- aaral ang uri ng genre na tatalakayin.
  3. Ipagawa ang bahaging Gawain 2 at ipagamit ang mga salita sa kanilang sariling pangungusap.
  4. Ipagawa ang Gawain 3 bilang bahagi ng talakayan. Tiyakin na ito’y maayos na maproseso/maipaliwanag.
  5. Ipabasa ang isa pang halimbawa ng alamat na “Ang Buwang Hugis-Suklay”.
  6. Ipagawa ang Gawain 4 at pagkatapos ay tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi.
  7. Ang Gawain 5 ay magiging gabay sa pagtalakay sa teksto.
  8. Sa Gawain 6, isasagawa ang pagsasanib ng gramatika/retorika. Tiyaking ang bahaging ito ay maipaliliwanag nang mabuti.
  9. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga mga gabay na tanong.
  10. Gamit ang sagot ng mga mag-aaral, alamin kung ang mga konseptong naintindihan nila ay naaayon sa dapat malinang sa araling ito.
  11. Tiyakin na maproseso ang lahat na konseptong ibibigay ng mag-aaral upang maituwid ang mga maling konsepto ng mga mag-aaral.

Tuklasin

Linangin

Pagnilayan at Unawain

DRAFT

April 1, 2014

GAWAIN:

Magsasalaysay ang mga mag-aaral ng sariling likha na alamat sa isang masining na paraan. Tandaang ang pagganap ay batay sa GRASPS.

Goal- Magsasalaysay ang mag-aaral ng sariling likha na alamat sa isang masining na paraan.

Role- Tagapagkuwento

Audience- Mga panauhin sa isang kaarawan

Situation- Magdiriwang ng kaarawan ang iyong pamangking at nahilingan kang magkuwento para sa mga panauhin.

Performance- Pagsasalaysay ng isang alamat

Standards- ^ Malikhaing pagsasalaysay……50 puntos  Paraan ng pagsasalaysay…….30 puntos (tono at lakas ng tinig, wastong bigkas ng mga salita)  Hikayat sa manonood…………20 puntos Kabuuan……………………….100 puntos

Ilipat