is it a rabbits book, Summaries of Business

forgot the main idea and idk if its good

Typology: Summaries

2024/2025

Uploaded on 01/24/2026

stephenson-vir
stephenson-vir 🇵🇭

2 documents

1 / 3

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
pf3

Partial preview of the text

Download is it a rabbits book and more Summaries Business in PDF only on Docsity!

KAYUMANGGI (BAITANG 9 - IKALAWANG MARKAHAN) Dapat, bang pagbayarin ang isang tao sa kasalanang hindi niya ginawa dahil lamang sa ang nagkasala ay kadugo niya o kalahi niya? PaGBasA SA AKDA Basahin at unawain ang sumusunod na pabula mula sa Korea at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong tungkol dito. ANG HATOL NG KUNEHO (Isinalin sa Filipino ni Teresita F. Laxima mula sa orihinal na, The Rabbit's Judgement, isang pabulang Koreano) : Isang araw sa loob.ng gubat, habang abalang nag-uusap ang mga halaman at hayop, isang tigre ang gumagala dahil sa paghahanap niya ng pagkain. Sa hindi inaasahang pangyayari bigla itong nahulog sa ‘isang napakalalim na hukay. Pinilit nitong makaahon, _ subalit lubhang napakalalim ng hukay. Sinubok Bam niyang lumundag § patungo sa lagusan ng hukay subalit ang mga dingding nito ay lubhang matarik at madulas. Nagsisigaw siya upang humingi ng tulong subalit walang sinuman ang nakarinig. ° Kinaumagahan, muli itong sumigaw sa paghingi ng tulong, hanggang siya'y mamalat, subalit gaya nang dati, walang nakarinig. Dahil sa matinding pagod at gutom, napalupasay na lamang ito. Inisip niya na marahil, kapalaran niya ang mamatay sa loob ng hukay. Nasa ganito siyang _ kalagayan nang bigla na lamang siyang makarinig a a a aie ae, 15° tee eae emmy» ng mga yabag. gates y “Tulong, tulong, tulong!” sigaw ng tigre. “O, isang tigre,” bulalas ng isang lalaking nakasungaw sa ibabaw ng hukay. “Parang awa mo na, tulungan mo akong makaahon dito,” pagsusumamo ng tigre sa lalaki. “Kapag ako’y tinulungan mong makaahon dito, tatanawin ko itong napakalaking utang na loob sa iyo habambuhay!” pangako ng tigre. Ganoon na lamang ang awa ng lalaki sa tigre. Subalit natatakot siya na baka kainin siya nito kapag nakaahon sa malalim na hukay. “Gusto kitang tulungan, subalit natatakot ako sa maaaring mangyari,’ sagot ng lalaki sa tigre. Patawarin mo ako subalit aalis na ako,” at lumakad na ito papalayo sa hukay habang patuloy na sumisigaw ang tigre. “Huwag, huwag kang umalis, tulungan mo akong makaahon dito sa napakalalim na hukay na ito. Sumusumpa ako sa iyo, walang mangyayaring masama sa iyo kapag nakaahon ako, hinding-hindi kita sasaktan!” sanod-sunod na paniniyak ng iting lalaki. Nabagbag ang kalooban ng lalaki sa ganitong pagsusumamo ng tigre kaya’t. nagpasiya itong tulungan ang tigre. Kumuha ng malaking kahoy ang lalaki. “O, narito ang malaking kahoy, ilalawit ko ito, dito ka kumapit at hihilain ko ito paitaas para makaahon ka,” paliwanag ng lalaki sa tigre. Ginawa ng tigre ang sinabi ng lalaki, at sa wakas, nakaahon ito. Nailigtas ng maunawaing lalaki ang tigre at nagkaharap sila. Napansin ng lalaki na titig na titig sa kaniya ang tigre habang naglalaway ito na parang sisilain siya. _ “Hoy, sandali, sandali, di ba sumumpa ka na di mo ako sasaktan kapag nailigtas kita,” paalala ng lalaki. “Ganito ba ang paraan ng pagtanaw mo ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre. “Wala akong pakialam sa naipangako ko sa iyo kanina. Gutom na gutom na ako, maraming araw akong hindi kumain!” bulalas ng tigre. ~ “Hintay ka,” pagsusumamo ng lalaki, “tanungin natin ang puno ng pino kung tama na kunin mo ako,” mungkahi ng lalaki. “Sige, pero pag natapos ko siyang kausapin, Scanned with ce) CamScanner KAYUMANGCGGI (BAITANG 9 - IKALAWANG MARKAHAN) kakainin na kita.” Pahayag ng tigre. “Gutom na gutom na ako!” dagdag pa ng tigre. Lumapit sa puno ng pino ang lalaki at ang tigre. Ipinaliwanag nito ang nangyari. “Ano ba ang alam ng tao tungkol sa pagtanaw ng utang na ‘loob?” simula ng puno. “Binibigyan namin kayo ng bunga at kinakain ninyo ang mga ito. Binibigyan namin kayo ng lilim at hangin, pero ano ang iginanti ninyo?” galit na galit na nagpatuloy sa pagsasalita ang puno. “Diba tinatagpas ninyo ang aming katawan, pinuputol ninyo ang aming mga sanga at kinakalbo ninyo ang aming mga dahon? Ginagamit ninyo ang aming mga kahoy sa paggawa ng inyong bahay at mga muwebles, tama ba yon!” dagdag ng puno.. f ~ “Hala, tigre kainin mo na ang lalaking iyan!” Pagsang-ayon ng puno ng pino sa tigre. Nasa ganitong kalagayan ang tatlo nang dumaan ang baka: “Hintay, hintay, Tigre, tanungin natin ang baka kung tama na ako’y kainin mo,’ muling pakiusap ng lalaki sa tigre. “Sige, pero huling-huli na ito, gutom na gutom na ako!” naiinis na winika ng tigre. Muling pinaliwanag ng dalawa sa baka ang mga pangyayari. * “Kung ako ang tatanungin, dapat lang na kainin mo na ang lalaking iyan!” bulalas ng baka, “hindi na dapat pang pagtalunan ang bagay na iyan!” dagdag pa nito. t “Mula nang ipinanganak kami, nagsisilbi na kami sa tao,” simula ng baka. Para kaming alipin nila kung Pinapasan namin ang mabibigat nilang bagahe, pagkatapos gatas pa namin ang iniinom nila upang sila'y mabuhay. Kapag matatanda na kami, papatayin ‘na nila kami. Kakainin nila ‘ang aming karne at ang aming balat ay gagamitin nila sa paggawa ng mga * bagay na kailangan nila,” sunod-sunod na sumbat ng baka sa lalaki. “Ngayon, ganyan ba kayo tumanaw ng utang na loob, ha?” galit na tanong ng baka sa lalaki, “kaya, ikaw, lalaki, huwag mo akong pangaralan tungkol sa pagtanaw ng utang na loob! Hala, Tigre, silain mo na siya, di ba gutom ka na ha? “Ano pa ang hinihintay mo?” sunod-sunod na pahayag ng baka. “O, ano, nakita mo na? Lahat ay sang-ayon na kainin kita. “Ngayon, handa ka bang mamatay?” tanong ng tigre, sabay ungol, bilang hudyat na kakainin na niya ang lalaki. Napagtanto ng lalaki na hindi na siya makakaligtas pa sa tiyak na kamatayan. Nasa ganito siyang kalagayan nang dumating.ang isang kuneho na patalon-talon pa. “Hintay, tigre, hintay!” muling sigaw ng lalaki sa tigre. “Ano na naman ang gusto mo?” yamot na tanong ng tigre sa lalaki. “Parang awa mo na, bigyan mo pa ako ng isang huling pagkakataon” pagsusumamo ng lalaki. “Tanungin natin ang kuneho kung makatuwiran ngang kainin mo ako,” muling pakiusap ng lalaki. “Para ano pa? Di ba narinig mo na lahat ay sang- ayon na kainin na kita?” galit na galit na ninaet ng tigre ang lalaki.. “Maawa ka, maawa ka!” paiyak na pagsusumamo ng lalaki. “Sige, sige, pero huling-huli mo naitang pakiusap, naintindihan mo?” galit na galit na sigaw ng tigre . “Gutom na gutom na ako!” dagdag pa nito.. Ikinuwento ng lalaki at ng tigre ang nangyari sa kuneho. Nakinig.naman nang mataman ang kuneho, ipinikit nito ang kaniyang mga mataat iginalaw-galaw ang isang tainga habang pinakikinggan ang mga nangyayari. Matapos ang ilang saglit, iminulat ano kaniyang mga mata at nagsalita nang dahan-dahan at nang sila’y aming buong linaw. ; : paglingkuran. _ “Natnawan ko ang mga pangyayari. Ngunit kung OOOO OOS °16° Scanned with ce) CamScanner