



Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Nilalaman ng dokumentong ito ang mga gawain sa Modyul na ibinigay ng propesor
Typology: Exercises
1 / 5
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!




Irah Bianca Anne S. Kabiling BTVTED 3 SOSLIT - MODULE 2 I. Pamagat: Sandosenang Sapatos ni Luis P. Gatmaitan Ginamit na Teorya/Panunuring Panitkan: Ang ginamit na Teorya/Panunuring Panitikan sa akda ay ang Teoryang Romantisismo sapagkat higit na pinahahalagahan sa kwento ang mga damdamin ng bawat karakter kaysa sa pag-iisip ng mga ito. II. Panimula Sa unang bahagi ng kwento inilahad ni Karina kung gaano kagaling ang kanyang tatay sa paggawa ng sapatos. Sa kabila ng lahat ng papuri, hindi nakakaligtaan ng kanyang tatay na igawa siya ng mga sapatos sa bawat okasyon. Sa unang bahagi pa lamang, talagang damang-dama na ang pagmamahal ni Karina sa kanyang ama. Sa paglaon ng kwento, lalo pang umigting ang mga damdamin na ipinapakita ng mga karakter ng nagkaroon ng kapatid si Karina. Napakalaking kasiyahan ang idinulot nito sa buong pamilya. Pinangarap pa nga ng kanyang tatay na maging ballet dancer ang kanyang kapatid paglaki nito. Ngunit naging imposible ang lahat ng isinilang ang sanggol na putol ang dalawang paa bunga ng pagkakasakit ng ina nang ipinagbubuntis pa lamang siya. Dito na nagsimula ang
pagbuhos ng mga damdamin ng mga karakter na nagpaikot sa istorya ng akda. III. Paglalahad Susie ang ipinangalan nila sa sanggol. Dumagdag pa ang mga naririnig ng pamilya ni Katrina na samu’t-saring tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid nyang si Susie. Sa kabila ng lahat, mas inisip ni Katrina ang nararamdaman ng kanyang itay. Malulungkot raw ang kanyang tatay dahil hindi na magiging ballet dancer ang kanyang kapatid. Araw-araw ganoon ang nararamdaman ni Katrina sa tuwing na titingin siya sa kanyang kapatid. Makikita na tunay na mapagmahal si Katrina sa kanyang pamilya, patunay na ang ginamit na teorya sa akdang nabasa ay ang Teoryang Romantisismo, dahil mas pinalilitaw ng may akda ang bawat damdamin ng karakter higit sa anupaman. IV. Katawan Sa bawat, parte ng kwento talagang makikita ang bawat bugso ng damdamin ng bawat karakter sa teksto. Minsan masaya, nananabik, nanghihinayang, nalulungkot, nagagalit, at madalas nagmamahal. Mapapansin din ang talamak na biglaang pagbabago ng mga damdamin sa istorya. Katulad na lamang ng narinig ni Katrina ang kanyang mga magulang na nag-uusap tungkol sa kasarian ng kanyang kapatid, binanggit nila ang mga katagang; “Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet. Gusto kong magkaanak ng ballet
labindalawang taon ni Susie, pumanaw ang kanilang tatay. Isang araw, sa bodega naghalungkat si Katrina ng mga lumang sapatos na pwedeng ipamigay sa mga bata. Dito nakita niya ang kahon na tila matagal ng hindi nagagalaw. Naglalaman ang kahon ng maliliit pang kahon na ang laman nama’y ang pinaka-magagarang sapatos na likha ng kanyang tatay. Doon lamang nila napagtanto, na bawat taon ni Susie ay ipinaggagawa siya ng kanyang tatay ng mga sapatos at hindi lamang basta sapatos, mga sapatos ito na gawa hango sa mga napapanaginipan ni Susie tuwing siya-y magbe-bertdey! Hanggang sa pagkatapos ng kwento, tunay na mararamdaman ng mambabasa ang pag-ibig na mayroon ang tatay nina Katrina at Susie sa kanilang dalawa. V. Konklusyon Pinapatunayan sa teksto na kahit gaanong ka-imperpekto ang isang tao, sa panlabas na kaanyuan, may isang tao, o may mga tao pa ding gagawa ng paraan upang maramdaman ng taong iyon na perpekto siya sa kung sino siya. Katulad ng kwento ni Susie. Hindi man siya biniyayaan ng mga paa, binigyan naman siya ng Diyos ng mapagmahal at may busilak na pusong pamilya, dahilan upang makaramdam siya ng sapat na pagmamahal at maging masaya at kontento sa kanyang buhay. Isang magandang aral din ito para sa mga magulang. Ipinakita rito kung paano mahalin ng mga magulang sina Susie at Katrina, lalo’t higit ng kanilang ama. Isang mensahe para sa mga magulang na
nagsasabing, mahalin natin ang ating mga anak. Walang ibang tao ang higit na magmamahal sa kanila kundi tayong mga magulang. Hangga’t maaari, ipakita at iparamdam natin na mahal natin sila. Sa ganitong paraan matuturuan natin silang magmahal sa kahit sa maliliit na bagay. Tila’y madami ang may kaparehong istorya katulad ng kay Susie at Katrina. Ngunit bawat isa, ay may kanya-kanyang dahilan, may kanya-kanyang istorya. Kung sa tingin mo’y imperpekto ka, huwag kang mag-alala, sa mata ng ilan, perpektong perpekto ka.