Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Notes for Filipino-9, Exams of English

this file only contains some information with regard to the Filipino-9

Typology: Exams

2023/2024

Uploaded on 01/11/2024

ryan-lagbas-1
ryan-lagbas-1 🇵🇭

2 documents

Partial preview of the text

Download Notes for Filipino-9 and more Exams English in PDF only on Docsity!

Denotatibo - Pagbibigay kahulugan sa salita na kung saan ito ay naaayon lamang sa "literal" na pagpapakahulugan. Konotatibo - Paraan ng pagbibigay kahulugan sa isang salita sa matalinghagang pamamaraan Maikling kwento - Panitikan na nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagmula at lumaganap. Mga Elemento ng Maikling Kwento Tauhan Tagpuan - Ito ay tumutukoy sa elemento ng akda na nagsasaad ng panahon at lugar kung saan nangyayari ang kwento. Suliranin - Tumutukoy sa problema na haharapin ng tauhan. Tunggalian - Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan (Tao vs. Tao, Tao vs. Sarili, Tao vs. Kapaligiran) Banghay - Maayos na pagkasunodsunod ng pangyayari sa isang kwento

  1. Simula. Nagsisimula ito sa unang kalagayan kung saan dapat mapupukaw ang interes ng mga mambabasa na ipagpatuloy ang pagbabasa ng akda. Sa bahaging ito ipinakikilala sa mga mambabasa ang mga tauhan at tagpuan sa pabula.
  2. Pataas na Aksyon. Tumitindi o tumataas ang galaw o kilos ng mga tauhan na humahantong sa kasukdulan.
  3. Kasukdulan. Sa bahaging ito ipinakikita ang mataas na bahagi ng kapanabikan na sanhi ng madamdamin o maaksyong pangyayari sa buhay ng mga tauhan.
  4. Kakalasan. Isinasaad sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay-linaw sa mga pangyayari sa akda.
  5. Wakas o Katapusan. Dito inilahad ang kinahihitnan ng mga tauhan at mga pangyayari sa akda. ANG AMA (Pagkasunod-sunod) ANIM NA SABADO NG BEYBLADE Nang Minsang Naligaw si Adrian (Mga Pangatnig at Transitional devices) Pangatnig at Transitional Devices Pangatnig - ang tawag sa mga salitang kataga na nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, o sugnay. Subalit , Datapwat , Samantala, saka , Kaya, dahil sa, at, habang, upang, kapag, kung, bagkus, maging, o, …. Transitional Devices Sa wakas, kung gayon, gayunpaman, dagdag pa rito, Bukod dito, …