Download Filipino reviewer notes and more Lecture notes Economics in PDF only on Docsity! Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng Pananaliksik na Nakaugat sa Pangangailangan ng Sambayanan Introduksyon Pangunahing pangangailangan ng tao ang magsagawa ng maayos na sistema ng komunikasyon upang mapanatili ang maayos na pakikipamuhay sa kanyang kapaligiran. Karaniwan na nating ginagamita ang sistema ng komunikasyong ito sa pang-araw-araw nating buhay kaya’t hindi natin halos namamalayan na ang mga ito’y likha nating mga nilalang. Halimbawa dito sa Pilipinas, nakasanayan na nating tumingin sa ating kaliwa bago tayo tumawid sa kalye upang matiyak ang ating kaligtasan. Left-hand driving kasi ang sistema ng pagpapadaloy ng trapiko sa ating bansa. Ngunit sa ibang bansa, ang mga tumatawid sa kanan tumitingin sa halip na sa kaliwa dahil ang sistema ng kanilang trapiko ay right-hand driving. Gayundin, natutunan na nating pumila at maghintay ng ating pagkakataon upang maging maayos ang pagpapadaloy ng anumang serbisyong nais nating matamasa. Ang mga sumisingit o di kaya’y hindi pumipila ay nakatatanggap ng matatalas na tingin o di kaya’y mga pasaring, bagay na nakapaghahatid sa kanila ng hindi magandang pagtanggap ng mga nagtitiyagang pumila. • Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan sa buhay. • Ginagamit natin ang wika upang ihayag ang saloobin, damdamin at kaisipan. • Gamit ang wika sa pakikipagkomunikasyon sa kapwa tao. • Dahil sa wika, nasasabi natin an gating pangangailangan; nakagagawa tayo ng mga batas/panuntunan na nailalatag natin upang magkaroon ng kaayusan ang bayan; namimintina/napepreserba natin ang kultura sa pamamagitan ng paglalagak sa ating utak ng kaisipang makabansa na naisinsay ng mga piling salita na umuugit ng kamalayang maka-Pilipino. • Tinatayang isa sa pinakamahalagang likha/ambag ito ng tao sa mundo. Ito’y binubuo ng ng mga simbolo o letra at mga panuntunan sa grammar na gamit ng tao sa pagpapahayag o pakikipagtalastasan. • Ang mga simbolong ito ay hinuhugisan at pinagsasama-sama upang makalikha ng mga salita na bubuo sa isang wika na gamit sa pasalita at pasulat na pagpapahayag. • Wika ang daluyan ng komunikasyon. • Nabubuo ang wika bilang pananagisag sa mga bagay at ideya na binibigyan ng kahulugan, kabuluhan, at interpretasyon na pumapasok sa mekanismo ng isipan ng tao. • Habang lumalawak ang karanasan ng tao, lumalawak din ang kanyang kamalayan at kaalaman mula sa pangyayari at bagay na nakikita, nahahawakan, naiisip, nararamdaman, nabibigyan ng kabuluhan at kahulugan. • Binibigyan ng tao ng ngalan, taguri, salita ang mga bagay na nakapaligid sa kanya. Ang bunga ng kanyang isip, gawa, likha ay binibigyan ng katawagan. Anupa’t naging imbentor ng salita ang tao. Hinuhugisan ito ng kanyang isip. Naging mapanlikha siya. Ang mga salitang nabuo ay tinanggap ng kapwa tao at tuluyan nang itinawag sa mga bagay na lumitaw at sa mga karanasan ng bayan. • Sa pagpapatuloy ng karanasang panlipunan, patuloy din ang paglikha ng salita na tinipon upang bumuo ng wika ng bayan. Wikang naging identidad ng kanyang lahing pinagmulan at lipunang kinabibilangan. May halagang-gamit ang wika para sa bayan sa pagsusulong ng pambansang adhikain. Tao ang nakapagbubuo at nakapagpapayaman sa wika. Ang mga karanasan ng bayan ang nagsusulong sa paglaganap ng wika. • Ang wika ay isang sistema ng pakikipag-unawaan. Kung tutuusin, lahat ng uri ng buhay ay may nabubuong Sistema ng pagkakaunawaan. Maging ang mga hayop ay nakalilinang ng mga paraan ng pakikipag-unawaan upang mabigyan ng marka ang kanilang pangangailangang mabuhay. Ngunit may kakaibang sistema ang paglikha ng wika ng mga tao sapagkat nakabatay na ito sa isang Sistema ng pananagisag na nbubuo batay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan. • Sa sistemang ito, ang isang ideya ay ipinahahatid gamit ang ilang pamamaraan. Sa hanay ng mga tao, dahil sa kanilang higit na mataas na uri ng talino, makikilalang ang wika ay makikita sa mga paraang pakilos at pasalita. Sa wikang pakilos halimbawa, mauunawaan kung panatag ang isang tao sa kanyang kinalalagyan sa pamamagitan ng pagkilala sa mga reaksyong mababakas sa kanyang mukha at katawan. • Makikita ito sa mga ngiti ng pag-ayon o di kaya’y sa matalas na tingin ng pagtutol. Maaari rin naming maipahatid sa pamamagitan ng mga tunog ng pag-ayon, kasabay ng isang kilos tulad ng ngiti o dili kaya’y isang tunog ng pagtutol kasabay ng matalas na tingin. Maaari rin naming maipahayag ang pag-ayon at pagtutol sa pamamagitan ng magkakasabay na kilos, tunog at pagbigkas sa salita. Itong huli, ang salita, ang pinakatiyak sa lahat ng mga paraan ng komunikasyon sapagkat kumakatawan ito sa isang higit na masaklaw na sistema ng pananagisag na maaaring tawaging wikang pasalita. • Ang wikang berbal ay isang sistema ng pananagisag at pakikipag-ugnayan na kinakatawan ng mga titik. Ang mga titik ay nagsisilbing mga sagisag na nilalapatan ng mga arbitraryong pakahulugan ng mga limilikha nito. Ang wikang nakasulat ay kinakatawan ng palatitikang nagiging batayan ng pagbuo ng mga salita. Kilala natin ito bilang alpabeto na may tiyak na sagisag na nakasulat at mayroon ding takdang palatunugan. Sa wikang Filipino, ang alpabetong Filipino ay may 28 titik at may iba’t ibang bigkas o phonetic transcription. Sa wikang rehiyonal ay magkakaroon din ng kani-kaniyang mga palatitikan at palatunugan sa sistemang nililikha ng pamayanang gumagamit at nagpapayaman dito. • Sa wikang pasalita, ang mga titik ay isinasalin sa sistema ng tunog na arbitraryo ring itinatakda ng mga lumilikha at gumagamit nito. Halimbawa, ang titik na a ay magkakaroon ng ibang palatunugan kapag binigkas na ng /ey/. Kaya ang salitang Filipinong bay ay binibigkas ng /bey/ sa wikang Ingles. Sa wikang Tagalog, ang titik na i ay binibigkas bilang /i/ samantalang kapag binigkas na ito ng isang mula sa rehiyon sa bandang Kanluran tulad ng Bisaya at Mindanao, ang i ay binibigkas bilang tunog na /e/. Kaya ang salitang tila na ang ibig sabihin ay parang o isang hindi tiyak na kalagayan, bagay o pangyayari ay nagiging tunog tela na ang ibig sabihin ay isang uri ng habi ng mga sinulid na ginagamit sa paggawa ng mga damit o saplot. • Pansinin ang kaibhang dulot ng paraan ng pagbigkas. Nakalilikha ng kaibhan sa kahulugan ng mga salita ang mga kaibhan sa salitang binibigkas. Kaya nga’t sa maraming pagkakataon ay nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan kapag binibigkas o sinasabi lamang ang mga salita. Kaya’t nagkakaroon lamang ng katiyakan ang mga bigkas kapag naisalin na ito sa pinakatiyak na anyo ng isang sagisag-wika. Ito ang wikang nakasulat. • Tiyak ang wikang pasulat dahil sa katangian nitong nakikita, nahahawakan, at maaaring balik-balikan kung kailangan ng patunay o pagpapatibay. Nakapagtatakda ng tiyak na pananagisag ang mga nakasulat na wika na nakikita sa mga titik. Ang mga titik ay nagiging salita kapag pinagsama-sama ang mga ito. Samantalang nabubuo naman ang mga pangungusap sa sistematikong pagsasama-sama ng mga salita. Nabubuo naman ang mga talata sa sistematikong pagsasama-sama ng mga pangungusap. Sa ganitong sistema, nailalarawan ang matalik na ugnayan ng sistema ng pananagisag na pagsulat sa wikang pasulat. Kahulugan at Kalikasan ng Wika • Ang wika ay buhay ng tao. Ito ang pangunahin mong kasangkapan upang maipahayag ang iyong kaisipan at saloobin. Kung may impormasyon ka mang nais sabihin sa iba, o may anumang pagtutol o reklamong nais ipahayag, o may damdaming nais ipagtapat, o may pasalita o pasulat na pahayag na nais suriin, wika ang magsisilbi mong instrumento. • Ang wika ang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan nito ay maaaring matamo ng tao ang mga instrumental at sentimental niyang pangangailangan (Constantino, 1996). • Ayon kay Salazar (1996), ang wika ang ekspresyon, ang imabakan-hanguan at agusan ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian. • Wika ang ginamit ng mga naunang henerasyon sa kodipikasyon ng mga kaalamang natuklasan nila at sa pagsasalin ng mga ito sa kasunod na salinlahi. Wika ang gamit ng tao sa pagbuo ng mga batas na kokontrol sa kilos at titiyak ng kaayusan. Wika ang gamit sa pakikipagkalakalan upang maisara ang mga transaksyon; sa medisina, upang matukoy ng manggagamot ang sakit ng pasyente at maipaliwanag dito ang lunas; sa relihiyon, upang maipahayag ng mga sumasamba ang kanilang pananampalataya; at sa edukasyon, upang mabisang makapagtalastasan ang guro at estudyante. Wika ang nagtititik ng panitikan, kasaysayan, sining, at mga agham. Kung wala ang wika, masasabing marahil ay patay na rin ang daigdig dahil magsasarili lamang ang mga tao at mawawalan ng paraan upang makipagkomunikasyon sa kaniyang kapwa. • Ito’y isang verbal, bayolohikal at basikong kagamitan para sa komunikasyon. Ipinahayag ng mga beheybyorist na ang wika ay natututunang beheybyor na nagagawa dahil sa mga istimulus at katugunan (Omrod, 1995). • Mas madalas, ito ay isang verbal na beheybyor na naipamamalas sa pamamagitan ng gestura, pagkilos ng katawan at salitang binibigkas/ginagamit (Pierce at Eplin, 1999). • Isang Italyano (Giambattista Vico) ang nagwikang “lumitaw ang wika bilang tugon ng tao sa mga naririnig sa kalikasan partikular ang mga malalakas at nakayayanig na mga pangyayari sa kapaligiran. Nalikha ang wika mula sa mga ekspresib na gestura kung saan ang mga basikong salita ay nabuo dahil ito’y naging tugon ng mga tao sa mga natural na pangyayari sa kanyang kapaligiran. 5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi na ginagamit ay nawawalan nang saysay, hindi ba? Gayon din ang wika. Idagdag pa na kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay. Ano ang saysay ng patay na wika? Wala. 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang sagot, dahil sa pagkakaiba- iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika na walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika. Pansinin natin ang pagkakaiba ng Ingles at Filipino. Ano-ano ang iba’t ibang anyo ng ice formations sa Ingles? Ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino. Maaaring yelo at nyebe lamang. Ngunit ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, sapagkat hindi naman bahagi ng ating kultura ang glacier, icebergs, hailstorm, at iba pa. Samantala, ano naman ang katumbas sa Ingles ng ating palay, bigas, at kanin? Rice lamang, hindi ba? Bakit limitado ang bokabularyong Ingles sa pagtutumbas ng mga salitang kargado ng kulturang agrikultural? Ang sagot, hindi iyon bahagi ng kanilang kultura. 7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita. Ang pinakamahusay na halimbawa nito ay ang mga salitang balbal o pangkabataan. Samantala, kailangan ding lapatan ng mga katawagan ang mga produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at siyensya. Bunga nito, ang ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiral noon. May mga salita ring maaaring nawawala na sapagkat hindi na ginagamit. Samantala, may mga salita namang nagkakaroon ng bagong kahulugan. Halimbawa, ano ang mga orihinal na kahulugan ng salitang bata? Sa ngayon, ano-ano ang iba pa niyong bagong kahulugan? Ang mga iyan ay mga patunay na ang wika ay nagbabago. Paglalagom Ang kalikasan, katuturan, at gamit ng wika ay maaaring lagumin sa mga sumusunod: Sistema ng komunikasyon ang wika. Batay sa pangangailangang mailagay sa ayos ang ugnayan ng komunidad, may napaunlad na sistema ng pakikipag-ugnayan na makatutugon sa pangangailangang ito. Sistemang tinatawag ang wika dahil binubuo ito ng serye ng mga pananagisag at pagpapakahulugan na nilikha ng mga gumagamit nito upang mapadaloy ang pag-unawa nila sa mga ideya at karanasan. Isang masalimuot na proseso ng pag-uugnay ng karanasan at konsepto ang kinakatawan ng wika na patuloy na pinagyayaman ng bagong karanasan, bagong ideya sa loob ng isang panahon. Dahil sistema ng pananagisag at pagpapakahulugan ang wika kaya’t ang pag-iral nito ay makikita sa mga gawi at pamamahayag sa araw-araw na buhay. Ito rin ang batayan ng paglikha ng wikang pakilos, pasalita, at pasulat. Kultural ang wika. Dahil ang wika ay sistema ng pananagisag at pagpapakahulugan, mahigpit na nakabatay ito sa sistema ng pagpapakahulugang nililinang sa loob ng isang pamayanan o grupo ng mamamayan. Halimbawa, may mga kilos na ikinatutuwa ng ilang komunidad ngunit maaaring hindi inaayunan ng ilan. Halimbawa, sa Pilipinas, ang pagkuha ng bayarin sa mga restaurant ay karaniwang iminumuwestra gamit ang hintuturo at hinlalaki sa isang kilalang kilos ng pagguhit sa hangin ng kuwadradong hugis ng papel. Kung minsan ay may kasabay pa itong tunog ng sutsot sa waiter o di kaya’y ang tunog na likha ng paghigop sa hangin sa pagitan ng labing hugis-halik. Tanggap ang ganitong wikang pakilos sa Pilipinas ngunit sa ibang bansa ay itinuturing itong labag sa batas ng wastong pag-uugali. Sa wikang pasalita, may mga tunog na angkin ang ating alpabeto na hindi ginagamit ng iba. Halimbawa nito ay ang ng na isang palasak na titik na gamit sa simula, gitna, at huling bahagi ng wikang Filipino. Palasak ito sa atin ngunit hindi ginagamit sa ibang wika. Mayroon ding mga salitang karaniwan sa atin ngunit hindi bahagi ng bokabularyo ng ibang bayan. Mayroon ding mga salitang bagaman pareho ang baybay ay nagbabago ang pakahulugan sa ibang lugar. Halimbawa nito ay ang salitang bitaw na sa Tagalog ay nangangahulugang pakawalan sa pagkakahawak, samantalang sa wikang Cebuano ay nangangahulugan ng oo o isang malugod na pagsang-ayon. Maiuugat ito sa mga pagpapahalaga at paraan ng pagkilalang mayroon ang isang grupo ng tao at isang komunidad kaya’t ang pag- unawa ay nangyayaring maging magkaiba. Likha ang wika. Napauunlad ang sistema ng wika bunga ng pangangailangang magkaunawaan. Nalilinang ito sa iba’t ibang antas ng buhay sa kalikasan. May sistema ng pagkakaunawan ang kalikasan tulad ng mga hayop, halaman, at kalupaan. Ang mga tao, bilang pinakamatas na uri ng hayop sa mundo, ay nakalilikha rin ng kani- kanilang sariling wika upang mapadaloy ang komunikasyon. Dahil sa likha ang wika, arbitraryo ito at maaaring magbago ayon sa daloy ng panahon, pangyayari, at mga taong gumagamit ng wikang ito. Ang pag-aaral ng wika bilang isang sistema ng pagpapahayag na pinakatiyak na nakikita sa mga salitang binibigkas at sinusulat ay mahalagang masapol sapagkat ito ang batayang sangkap sa malinaw na pakikipag- ugnayan ng tao sa pang-araw-araw na buhay. Mahalagang maging bihasa at maalam ang bawat isa sa kabuuang sistema ng paglikha at pag-iral ng wika. Tulad ng dugong dumadaloy sa katawan ng tao, ang pagsapol sa wika kasi ang daluyan ng malinaw na ugnayan ng mga tao. Filipino Bilang Wikang Pambansa Sa simula ng pagpapatupad ng programang Kindergarten to 12 years of Basic Education (K to 12), inilabas ng Commission on Higher Education ang (CHED) ang CHED Memorandum Order No. 20, series of 2013 na nag-aatas ng pagpapatupad ng bgong Geberal education Curriculum (GEC) alinsunod sa programang K to 12. Naging kontrobersyal ang nasabing CMO dahil tinangka nitong alisin o burahin ang espasyo ng wika at Panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo. Gayunman, dahil sa malawakang kampanya ng mga grupong makabayan sa bansa sa panunguna ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng wikang Filipino (Tanggol Wika) ay muling naibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa kolehiyo. Noong Abril 2015, bunsod ng petisyon ng Tanggol Wika ay naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema para ipahinto ang pagtatanggal sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo. Noong Abril 2018 naman ay inilabas ng CHED ang CMO No. 04, series of 2018 upang ipatupad ang nasabing resolusyon ng Korte Suprema. Naging matibay na batayan ng mga argumento ng Tanggol Wika sa pagpapanatili ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ang natatanging papel ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan. Ang mga kaisipang ito ang matibay na pundasyon ng pangangailangan sa pagtuturo ng Filipino bilang larangan at ng Filipino sa iba’t ibang larangan. Filipino Bilang Wikang Pambansa Kalikasan, Konsepto, at Proseso ng Paglinang Konstitusyonal na Batayan ng Pambansang Wika Isinasaad sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, ang legal na batayan ng konsepto ng Filipino bilang wikang pambansa, at ang magkakarugtong na gampanin nito bilang wika ng komunikasyon, at bilang wikang panturo sa Pilipinas. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, FILIPINO ang opisyal na tawag sa Pambansang Wika ng Pilipinas. Isinasaad sa mga sumusunod na seksyon ang hinggil dito. Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibando at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sisyemang pang-edukasyon. Idekonstrak natin ang probisyong ito (Artikulo XIV, Seksyon 6) ng Bagong Konstitusyon. Una, malinaw kung ano ang itatawag sa wikang pambansa ng Pilipinas, at ito ay Filipino. Ikalawa, ito ay isang wika na nasa proseso pa rin ng paglilinang. Ikatlo, my dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayaman sa wikang ito, at ito ay ang umiiral na wika sa ating bansa p ang mga dayalekto at ang ikalawa ay ang iba pang mga wika o ang mga wikang dayuhan na nakaimpluwensya/nakaiimpluwensya sa ating kabihasnan tulad ng Ingles, Kastila, Intsik at iba pa. Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong ng mga wikang panturo. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. Malinaw sa nasabing probisyong pangwika sa Konstitusyon na primus inter pares o nangunguna sa lahat ng magkakapantay (first among equals) ang wikang Filipino bilang wikang pambansa sa kontekstong multilinggwal at multikultural ng Pilipinas. Nangangahulugan ito na bagama’t pare-parehong mahalaga ang wikang pambansa at iba pang wika ng Pilipinas, dapat bigyang-pryoridad sa pambansang antas ang paggamit ng wikang Filipino. Lalong dapat isagawa ang paggamit nito sa mga transaksyon ng gobyerno at sa buong sistema ng edukasyon. Kasabay nito, dapat patuloy ring ginagamit sa iba’t ibang tiyak na kontesto ang iba pang wika sa Pilipinas (halimbawa: bilang wikang pantulong o auxiliary languages sa mga paaralan sa iba’t ibang rehiyon). Sa kasalukuyan, dahil sa K to 12, sa mga unang taon ng elementarya, ang namamayaning unang/inang wika (mother tongue) sa bawat rehiyon ang aktwal na ginagamit na wikang panturo, alinsunod sa patakarang Mother Tongue-Based Multilingual education (MTB-MLE). Sa ganitong iskema, inaasahang magiging tulay ang unang/inang wika sa mga rehiyon, tungo sa ganap na pagkatuto sa Filipino at Ingles, sa mga susunod na pang antas ng edukasyon. Samakatwid, tila hindi ganap na naipatutupad ang probisyong pangwika ng Konstitusyon hinggil sa pagiging wikang panturo ng filipino sa buong sistemang pang-edukasyon ng bansa. Ang kahalagahan ng paggamit ng wikang pambansa sa mga paaralan ay pinatitibay ng pangangailangan ng pagkakaisa ng mamamayan ng bansa tungo sa pagkakamit ng mga layuning para sa kapakanang panlahat. Ipinaliwanag sa pamphlet na “Madalas Itanong sa Wikang Pambansa” (Almario, 2014) na inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wikang pambansa sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa papel ng wikang pambansa sa mabilis na pagkakaunawaan at pagpapasibol ng “damdamin ng pagkakaisa” sa mga mamamayan sa arkipelagong may humigit-kumulang 149 na “buhay “ na wika, ayon sa Lingusitic Atlas ng Pilipinas (KWF, 2015), at sa papel nito bilang isa sa mahahalagang pambansang sagisag na sumasalamin sa pagkabansa at kaakuhan ng mga Pilipino. Alinsunod sa Konstitusyong 1987, malinaw rin na ang Ingles ay pangalawang wikang opisyal lamang na maaaring alisan ng gayong istatus ng Kongreso kung nanaisin nila. Samakatwid, habang ang Filipino ay di maaaring tibagin at alisin bilang wikang opisyal, ang Ingles ay maaaring alisin anumang panahong naisin ng Kongreso. Ibinuod ni Atienza (1994) sa artikulong “Drafting the 1987 Constitution the Politics of Language,” ang mga praktikal na kahalagahan ng Wikang Pambansa sa isang bansang gaya ng Pilipinas na dati’y kolonya, laban sa dominasyon ng wikang banyagang gaya ng Ingles. Aniya, “…ang paggamit ng mga wikang dayuhan, lalo na ng Ingles, ay nagbunsod ng mabagal na pag-unlad (underdevelopment) hindi lamang ng mga wika sa Pilipinas kundi maging ng mabagal na pag-unlad ng pambansang kultura at identidad.” Idinagdag pa niya na “ang Ingles ay naging hadlang na naghihiwalay sa mga edukadong Pilipino at sa masang Pilipino” at “ang mga wika sa Pilipinas ay mula sa iisang pamilya ng wika; kaya’t posibleng makabuo ng isang wikang pambansa mula sa mga wikang ito. At huli, ang wikang pambansa ay kahingian (prerequisite) sa pagkikintal ng nasyonalismo, pagbubuo ng pambansang pagkakaisa at pagbubunsod ng pambansang paglaya, at Ang ating bansa ay isa sa mga bansang may pinakamaraming dayalekto. Sa mahigit na pitong libong pulo mayrooon tayo, higit sa apat na raang iba’t ibang dayalekto o wikain ang ginagamit. Bawat rehiyon ay may sari- sariling wikain o mga wikain. Dahil dito, naging napakahirap ang pakikipag-ugnayan natin sa isa’t isa. Nagkaroon tuloy tayo ng suliranin sa pagkakabuklud-buklod at pagkakaisa. Kung tutuusin, hindi sana tumagal nang mahigit tatlong daan at tatlumpung taon aang ating pagkaalipin kung noon pa mang unanga taon ng pananakop ay may isa nang malawak na wikang nauunawaan at ginagamit ng nakararaming Pilipino (Bisa, et al., 1983:4). Ang mga ito ang mga pangunahing dahilan kung bakit pinagsumikapan ng magigiting nating ninuno na magkaroon tayo ng isang wikang pambansa at kung bakit ito nilinang at patuloy na nililinang hanggang sa kasalukuyan. Ang pag-unlad ng ating wikang pambansa ay nasasalamin sa mga batas, kautusan, proklama, at kautusan na ipinalabas ng iba’t ibang tanggapang pampamahalaan na may malaking kaugnayan sa ating wikang pambansa. Panahon ng Espanyol Ang ating mga lupain, bago pa man natuklasan ng mga Europeo, ay may sarili nang sibilisasyon. Mayroon na itong sistemang pampolitika sa anyo ng mga barangay; may konsepto ng mga Diyos na sinasamba sa pamamagitan ng paganism; may sariling teknolohiya at mga kasangkapan na gamit sa iba’t ibang gawain; may ugnayang panlabas; at may panitikan na nagsisilbing tagapag-ingat ng kultura at kasaysayan. Isa pa sa mga dakilang patunay nag sibilisasyon ng ating mga ninuno ay ang pagkakaroon ng sariling mga wika – buhay, may estruktura, at lubos na pinakikinabangan sa araw-araw Sa mga wika sa Pilipinas, kahit bago pa man dumating ang mga mananakop, ang maituturing na pinakamaunlad at nag-aangkin ng pinakamayamang panitikan ay ang Tagalog (San Juan, 1974). Ayon sa paring Heswita na si Padre Chirino, sa Tagalog niya nakita ang katangian ng apat na pinakadakilang wika ng daigdig; ang hiwaga at hirap ng Ebreo, ang pagiging natatangi ng mga salita ng Griyego lalo na sa mga pangngalang pantangi, ang o higit pa buo ng kahulugan at pagkaelegante ng Latin, at ang pagiging sibilisado at magalang ng Espanyol (San Juan, 1974). Ang sinaunang Tagalog ay isinusulat sa paraang silabiko o pantigan. Mayroon itong 17 titik: 3 patinig at 14 na katinig. Hindi tulad ng alpabetong Romano na magkabukod ang tunog ng patinig at katinig na nangangailangan ng pagsasama ng dalawa o higit pa upang makabuo ng pantig, ang mga titik sa baybaying Tagalog ay pinagsama nang katinig at patinig (ganap nang pantig) na nag-iiba-iba lamang ang bigkas depende sa pagkakaroon ng tuldok at sa posisyon nito. Ang mga tunog ng patinig ay kinabibilangan ng /a/, /i/ (maaari ring maging /e/), at /u/ (maaari ring maging /o/). Ang mga tunog ng katinig ay binubuo ng /ba/, /ka/, /da/, /ga/, /nga/, /ha/, /la/, /ma/, /na/, /pa/, /sa/, /ta/, /wa/, at /ya/. Kakikitaan din ito ng impluwensyang Tsino, Arabe, at Sanskrit bunsod na rin marahil ng pakikipag-ugnayan ng ating mga ninuno sa mga lahing nagsasalita ng mga ito. Ilan sa mga dayuhang salita na nakapasok sa talasalitaang Tagalog ay ang am, ate, batutay, buwisit, at hikaw mula sa Tsino; hukom at sulat mula sa Arabe; at basa, kati, at dusai mula sa Sanskrit (Sa Juan, 1974). Napalitan lamang ang silabaryo ng alpabetong Romano sa huling bahagi ng ika-17 siglo dahil sa pagsisikap ng mga misyonerong Espanyol (Catacataca at Espiritu, 2005). Nang masakop ng Espanya ang mga pulo sa Pilipinas, isa sa mga nagging pangunahing layunin nito ay ang maipalaganap ang Kristiyanismo. Gayunpanman, naging malaking hadlang ang pagkakaiba-iba ng mga wika sa pagkakaunawaan. Kaya upang mapadali ang komunikasyon, pinag-aralan ng mga misyonerong Espanyol ang wika ng mga katutubo at ginamit nila ito sa pakikipag-ugnayan sa kanila. Hindi naman ito nagging mahirap dahil maraming tunog sa Tagalog ang kahawig ng tunog sa Espanyol (San Juan, 1974). Mas praktikal din ito para sa kanila dahil naging mas madali para sa isang misyonero ang pag-aralan ang wika ng mga katutubo at gamitin ito kaysa ituro sa lahat ang Espanyol. Mas naging tumpak at kapani-paniwala din ang pangangaral ng relihiyon dahil nagmula ito mismo sa bibig ng mga pari at hindi na pinaraan pa sa isang tagasalin o interpreter (Catacataca at Espiritu, 2005). Naghanda rin ang mga naunang misyonero ng mga aklat sa gramatika at diksyunaryo na ginamit ng kanilang mga kahalili sa pag-aaral ng wika ng mga katutubo. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: 1. Arte y vocabulario tagalo (1582) ni Padre Juan de Plasencia, isang Pransiskano. Pinayagan itong maging aklat sa gramatika ng Sinodo del Obispos sa Maynila dahil sa dali ng paggamit dito at kakayahan nitong magbigay ng hustong kaalaman tungkol sa Tagalog (San Juan, 1974). 2. Arte y reglas de la lengua tagala (1610) na isinulat ni Padre Francisco de San Jose na kilala ring Padre Blancas de San Jose, isang Dominiko, at inilimbag ni Tomas Pinpin, ang unang Pilipinong tagalimbag. Itinuturing ito ng mga misyonero at iskolar bilang pinakakomprehensibong kodipikasyon o resulta ng sistematikong pagsasaayos ng wikang Tagalog (Rafael, 1993). 3. Vocabulario de lengua tagala (1613) ni Padre Pedro de Sa Buenaventura, isang Agustino 4. Arte de la lengua yloca (1627) ni Padre Francisco Lopez, isang Agustino, ang unang aklat sa gramatika sa wikang Ilokano 5. Compendio de la arte de la lengua tagala (1703) ni Padre Gaspar de San Agustin, isang Agustino 6. Vocabulario de la lengua bisaya (1711) ni Padre Matheo Sanchez, isang Heswita 7. Arte de la lengua Pampanga (1729) at Vocabulario de la lengua Pampanga en romance (1732) ni Padre Diego Bergaño, isang Agustino 8. Arte de la lengua tagala y manual tagalog (1745) ni Padre Sebastia de Totanes, isang Pransiskano 9. Arte de la lengua bicolana (1754) ni Padre Marcos de Lisboa, isang Pransiskano. Itinuturing itong unang aklat sa gramatika sa wikang Bikol. 10. Vocabulario de la lengua tagala (1860) nina Padre Juan de Noceda at Padre Pedro de Sanlucar, mga Heswita. Itinuturing itong pinakamahusay na bokabularyog naisulat sa Panahon ng Espanyol (Aguilar, 1994). 11. Ensayo de gramatica hispano-tagala (1878) ni Padre Toribio Minguella, isang Agustino 12. Gramatica de la lengua de Maguindanao segun se habla en el centro y en la costa sur de la isla de Mindanao (1892) ni Padre Jacinto Juanmarti, isang Heswita 13. Arte de la lengua bisaya-hiligayna de la isla de panay (1894) ni Padre Alonso de Mentrida, isang Agustino Dahil sa halaga ng wika sa tagumpay ng kolonisasyon, pana-panahong naglabas ang monarka ng Espanya ng mga atas na namamahala sa wikang gamit sa mga kolonya. Noong 1550, nagpalabas si Haring Carlos I (namuno 1516-156) ng isang kautusan na nagtatakda ng pagtuturo ng pananampalatayang Katoliko sa wikang Espanyol. Iniatas din ang pagtuturo ng pagbasa, pagsulat, at mga doktrinang Kristyano sa mga nais matuto sa paraang madali at hindi hihingi ng dagdag na bayad. Itinakda rin ang pagtatalaga ng mga guro, gaya ng mga sacristan, upang tuparin ang mga gawaing ito (Blair at Robertson, 1907). Noong Marso 1634, nagpalabas si Haring Felipe IV (namuno 1621-1665) ng isang atas na muling nagtatakda ng pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng katutubo at hindi na lamang sa mga nais matuto. Hiniling din sa mga arsobispo at Obispo na atasan ang mga pari at misyonero sa kanilang nasasakupan na pangunahan ang pagtuturo sa mga katutubo ng wikang Espanyol at ng pananampalatayang Katoliko. Sa panahon ni Haring Carlos II (namuno 1665-1700), nagpalabas siya ng isang atas na muling nagbibigay- daan sa mga atas-pangwika nina Carlos I at Felipe IV at nagtakda pa ng parusa sa mga hindi susunod dito. Noong Disyembre 1792, naglabas siya naman si Haring Carlos IV (namuno 1788-1808) ng isang atas na nagtatakda ng pagaggamit sa Espanyol sa mga kumbento monasteryo, lahat ng gawaing hudisyal at ekstrahudisyal, at mga gawaing pantahanan (Catacataca at Espiritu, 2005). Nakapaglabas ang mga monarkiya ng Espanya mula 1867 hanggang 1899 ng 14 na antas na nagtatakda ng paggamit at pagtuturo ng wikang Espanyol ngunit lahat ng ito ay pawang nabigo. Isa sa mga tampok na atas-pangwika ba ipinalabas ng monarkiya ng Espanya ay ang Dekretong Edukasyonal ng 1863 na nag-aatas ng pagtatatag ng primaryang paaralan sa bawat pueblo sa Maynila upang mabigyan ng edukasyon sa Espanya ang mga anak ng mga katutubo. Itinatakda rin nito na Espanyol lamang ang gagamiting midyum ng pagtuturo dahil ang pangunahing layunin ng kurikulum ay ang pagkaakroon ng literasi sa Espanyol (Catacataca at Espiritu, 2005). Isinasaad pa ng dekreto na hindi pahihintulutang humawak ng anumang katungkulan sa pamahalaan ang mga katutubong hindi marunong magsalita, bumasa, o sumulat sa Espanyol, apat na taon makaraan ang publikasyon ng batas upang mapilitan ang mga Pilipino na pag-aralan ang wika ng mga mananakop. Sa kabila ng pagnanais ng monarka na mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga katutubo at maituro sa kanila ang Espanyol, nabigo ito dahil sa paghadlang ng mga prayle. Ayon nga sa bayaning si Marcelo H. del Pilar, sinabotahe ng mga relihiyoso ang parogramang pangwika at sila ang may kasalanan kung bakit nanatiling mababa ang kalagayang pang-edukasyon ng Pilipinas. Ito ay dahil natatakot noon ang mga prayle na maging kolonyang Hispano ang Pilipino sa halip na kolonyang monastiko (Catacataca at Espiritu, 2005). Gayunman, nanindigan pa rin noon ang mga prayle na hindi sila ang dapat sisihin sa kabiguan ng mga patakarang pangwika at kalagayang pang- edukasyon, bagkus ay ang kahinaan ng mga batas. Sinabi pa ng mga prayle na maganda ang layunin ng mga batas pangwika subalit kapos ang pondo para sa mga guro at sa pagpapatayo ng mga paaralan. Kung tutuusin, may gumagana nang wika ang mga katutubo bago dumating ang mga mananakop. Mahusay na ang wikang ito kaya minabuti ng mga misyonero na huwag na itong burahin, sa halip ay panatilihin at gamitin sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga katutubo. Kung may pamanang pangwika man na naiwan ang mga Espanyol sa kanilang mahigit 300 taong pananakop, ito ay (1) ang romanisasyon ng silabaryo ng mga wikang ginagamit sa Pilipinas na nagpahintulot ng mas madaling komunikasyon ng mga Pilipino sa daigdig na gumagamit na rin ng sistemang iyon at (2) ang yaman ng bokabularyong Espanyol na nakapasok sa talasalitaan ng mga katutubong wika sa Pilipinas. Hinahadlangan man ng mga misyonero ang ganap na pagkatuto ng mga katutubo ng Espanyol, naging kapalit naman nito ay ang pananatiling buhay ng mga lokal na wika sa Pilipinas na ginagamit ng mga Pilipino hanggang ngayon. Sa pagtatapos ng kolonisasyon ng Espanya at unti-unti noong pag-usbong ng sariling pamahalaan ng mga Pilipino, kinilala na ang halaga ng pagkakaroon ng opisyal na wika. Ayon sa Artikulo Vii ng Konstitusyon ng Biak-na- Bato na inakda ni Felix Ferrer at Isabelo Artacho at nilagdaan noong ika-1 ng Nobyembre, 1897, “Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal ng Republika.” Dagdag pa, “ang ituturo sa elementarya ay wastong pagbasa, pagsasalita at pagsulat sa wikang opisyal na Tagalog, at mga pangunahing simulain ng Ingles. Ang lalong mataas na edukasyon ay bubuuin ng dalawang kurso ng Ingles at dalawang kurso ng Pranses.” Sinabi rin, “kailanma’t ang Ingles ay sapat nang malaganap sa buong kapuluan, ito ay ipahahayag na wikang opisyal.” Sa Konstiitusyon ng Malolos na inakda nina Felipe Calderon at Felipe Buencamino at nilagdaan noong ika- 21 ng Enero, 1899, ibinalik naman ang Espanyol bilang pansamantalang opisyal na wika sang-ayon sa Artikulo 93, habang pinipili pa sa mga wikang sinasalita sa Pilipinas ang hihiranging opisyal na wika. Panahon ng Amerikano Nang lagdaan ng mga kinatawang mula sa Espanya at Estados Unidos ang Kasunduan sa Paris noong ika-10 ng Disyembre, 1898 na nagkabisa noong ika-11 ng Abril 1899, nailipat ang pamamahala ng Pilipinas mula Espanya tungo sa noon ay umuusbong pa lamang na superpower ng daigdif – ang Estados Unidos. Inihayag ni Pangulong William McKinley ang magiging bisa sa Pilipinas ng Kasunduan sa Paris noong ika-21 ng Disyembre, 1899 sa pamamagitan ng proklamasyon ng Benevolent Assimilation. Ayon dito, papasok ang mga Amerikano sa Pilipinas hindi bilang mananakop kundi bilang “kaibigang” mangangalaga sa mga tahanan, hanapbuhay, at karapatang pansarili at panrelihiyon ng mga Pilipino. Upang mataya ang kalagayan ng bagong teritoryong napasailalim sa kanilang pamamahala, nagpadala si Pangulong McKinley ng dalawang komisyong mag- aaral dito. Ang unang komisyong binuo noong ika-20 ng Enero, 1899 ay pinamunuan ni dr Jacob Schurman, noon ay pangulo ng Cornell University, habang ang ikalawa ay pinamunuan ni William Howard Taft, isang pedereal na hukom sa Ohio na itinalaga sa katungkulan noong ika-16 ng Marso, 1900. Ayon sa mga konsultasyon at pagdinig na isinagawa ng komisyong Schurman, napag-alaman nito na higit na pinipili ng mga pinunong Pilipino ang Ingles bilang wikang panturo sa mga publikong paaralan kaysa mga wikang katutubo o Espanyol dahil ang Ingles ay “mahigpit na nagbibigkis sa mga mamamayan at mabisang instrument sa pagpapalaganap ng mga prinsipyo ng demokrasya” (Catacataca at Espiritu, 2005). Dahil dito, inirekomenda ng komisyon ang agarang pagtuturo ng Ingles sa mga paaralang primary. Sinusugan ito ng Komisyong Taft na Naging punto ng mainit na pagtatalo ang probisyong ito dahil isinara na nito ang usapin tungkol sa patakarang pangwika. Sa halip ma mapagtalunan pa ng kumbensyong konstitusyonal, lalo pa at lumalakas ang argumento tungkol sa paggamit ng unang wikang panturo, tila nagdesisyon na ang mga nakatataas na Ingles na ang gagamitin at wala nang iba. Gayunpaman, nagkasundo ang mga delegado ng kumbensyon na ituloy pa rin ang debate tungkol sa pagpili ng pambansang wika dahil ito ang tamang lugar upang matalakay ang isyu (Catacataca at Espiritu, 2005). Ayon kay Isidro (1949) na sinipi nina Constantino, et al. (2002), ang mga sumusunod ay mga argumentong pabor sa paggamit ng Ingles: Mahihirapan ang mga estudyante kapag ibinatay sa katutubong wika ang pagtuturo dahil iba-iba ang wikang gagamitin sa bawat lalawigan – magiging isang suliranin kapag lumipat na sa paaralang nasa ibang lalawigan ang isang estudyante. Magbubunsod ng rehinalismo sa halip na nasyonalismo ang pagtuturo batay sa mga katutubong wika at magdudulot din ng sentimentalismo ang paggigiit sa mga pangkat sa bansa na pangibabawan sila ng wika ng ibang pangkat. Magtutulak ng code-switching sa mga estudyante ang sabay na pagtuturo nga dalawang wika (unang wika at Ingles) na hindi kaaya-ayang pakinggan. Malaki na ang naipamuhunan ng pamahalaan sa pagtuturo ng Ingles na umaabot na sa 500 milyong piso. Itinuturing na Ingles ang susi sa pagkakamit ng pambansang pagkakaisa na maaaring hindi matamo kung bibigyang-diin ang iba’t ibang wika. Makatutulong ang pagkatuto ng Ingles kung nais ng Pilipinas na lumahok sa globalisasyon dahil ito ang gamit sa pandaigdigang kalakalan. Mayaman ang Ingles sa mga katawagang pang-agham at pansining na magpapaunlad sa kalinangan ng Pilipinas. Hindi dapat kainipan kung matagal makita ang bunga ng pagkatuto sa Ingles ayon sa mga pag-aaral dahil ang Estados Unidos man ay natagalan din sa pagtatamo ng bunga sa pag-aaral ng Ingles. Ang mga sumusunod naman ay mga argumentong pabor sa katutubong wika sa Pilipinas (Isidro, 1949 na sinipi nina Constantino, 2002): Pagsasayang lamang ng pera at panahon ang pag-aaral ng Ingles dahil hanggang mababang paaralan lamang ang tinatapos ng mga estudyante; 80% sa kanila ang tumitigil na sa pag-aaral bago sumapit ang baitang 5 kaya dapat ibuhos na ang lahat ng dapat matutuhan sa katutubong wika sa sandaling panahong nasa paaralan ang mga estudyante kaysa gugulin pa sa Ingles. Walang laman ang Ingles bilang wikang panturo dahil banyaga ang konspeto kaya upang maituro ito, kailangan pang ituro muna ang wika (Ingles); kung sa katutubong wika na magtuturo, nasa kamalayan na agad ng bata ang konsepto at mabilis ang pagkatuto. Kung kailangan talaga ng iisang wikang gagamitin sa buong bansa na binubuo ng iba’t ibang pulo na may iba’t ibang pangkat at iba’t ibang wika, mas madaling linangin ang Tagalog kaysa Ingles; 1% lang ng mga Pilipino ang gumagamit ng Ingles sa kanilang mga tahanan. Hindi natutulungan ng Ingles ang mga estudyanteng Pilipino na matutuhang harapin ang pang-araw-araw na realidad na kanilang nararanasan; ang Ingles ay mapakikinabangan sa hinaharap lamang kung tutuloy ang mga estudyante sa unibersidad o mangingibang-bansa. Habang binubuo pa lamang ang Saligang Batas ng 1935, ang mga sumusunod ang naging mga panukala ukol sa probisyong pangwika ayon kina Catacataca at Espiritu (2005): Ingles ang dapat na maging wikang opisyal. Tagalog ang dapat na maging wikang opisyal. Ingles at Espanyol ang dapat na maging pambansang wika. Tagalog ang dapat maging pambansang wika. Dapat itatag ang isang Akademya ng Wikang Pambansa na may mandatong pangunahan ang pag-aaral at pagrerekomenda ng isang pambansang wika. Dapat magmula ang pambansang wika sa mga umiiral na katutubong wika sa Pilipinas na pipiliin sa pamamagitan ng referendum. Dapat bumuo ng isang pambansang wika na nakabatay sa Tagalog. Matapos mapakinggan ang opinyon ng bawat panig na may kinalaman sa usapin, napagpasyahan ng Komite sa Opisyal na Wika na ibinatay ang pambansang wika sa isa sa mga katutubong wika sa Pilipinas at hindi sa isang dayuhang wika, ngunit panatilihin ang Ingles at Espanyol bilang mga wikang opisyal. Naisatitik ang resolusyong ito sa huling bersyon ng Saligang Batas ng 1935 sa Artikulo XIV, Seksyon 3 na nagsasaad: The Congress shall take steps toward the development and adoption of a common national language based on one of the existing native languages. Until otherwise provided by laws., English and Spanish shall continue as official languages. Ayon kay Roberto Añonuevo (2011), ang nasabing probisyon sa Saligang Batas ng 1935 ay ipinaglaban ng mga sumusunod na delegadong di-Tagalog sa kumbensyong konstitusyonal: Felipe R. Jose (Mountain Province), Wenceslao Q. Vinzons (Camarine Norte), Tomas Confesor (Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at Norberto Romualdez (Leyte). Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng unang sesyon ng Pambansang Asamblea noong ika-16 ng Hunyo, 1936, muling binigyang-diin ni Pangulong Quezon ang probisyong pangwika ng Saligang Batas at hiniling sa mga mambabatas na isaalang-alang ito. Aniya: While it is my hope and conviction that the English language will remain one of the most generally spoken languages in the Philippines even after independence, nevertheless, we cannot ignore the injunction of the Constitution that we take steps for the formation of a national language based on one of the existing native languages…Perhaps a committee may be created to study the question and make recommendations (Official Gazette, 16 Hun 1936). Mabilis naman ang naging pagtugon ng Pambansang Asamblea. Limang buwan lamang pagkatapos ng mensahe ng pangulo, ipinasa agad nito noong ika-13 ng Nobyembre, 1936 ang Batas Komonwelt Blg. 184 na pinamagatang “An Act to Establish a National Language Institute and Define Its Powers and Duties.” Ayon sa Seksyon 5 ng batas, ang pangunahing magiging tungkulin ng National Language Institute (NLI) o Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay magsagawa ng pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas upang tukuyin mula sa mga ito ang pauunlarin at kikilalaning pambansang wika. Ilan sa mga tiyak na tungkulin nito ang mga sumusunod: 1. Suriin ang mga pangunahing wika sa Pilipinas na sinasalita ng kahit kalahating milyong Pilipino man lamang. 2. Tukuyin at ayusin mula sa nasabing mga wika ang mga sumusunod: (a) mga salita o pahayag na magkakatulad ng tunog at kahulugan, (b) mga salitang magkakatulad ng tunog ngunit magkakaiba ng kahulugan, at (c) mga salitang magkakalapit ng tunog ngunit magkakatulad o magkakaiba ng kahulugan. Mabilis naman ang naging pagtugon ng Pambansang Asamblea. Limang buwan lamang pagkatapos ng mensahe ng pangulo, ipinasa agad nito noong ika-13 ng Nobyembre, 1936 ang Batas Komonwelt Blg. 184 na pinamagatang “An Act to Establish a National Language Institute and Define Its Powers and Duties.” Ayon sa Seksyon 5 ng batas, ang pangunahing magiging tungkulin ng National Language Institute (NLI) o Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay magsagawa ng pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas upang tukuyin mula sa mga ito ang pauunlarin at kikilalaning pambansang wika. Ilan sa mga tiyak na tungkulin nito ang mga sumusunod: 1. Pag-aralan at tukuyin ang sistema ng ponetika at ortograpiyang Pilipino. 2. Magsagawa ng komparatibong pagsusuri ng mga panlaping Pilipino (unlapi, gitlapi, hulapi) 3. Piling batayan ng pambansang wika ang wikang may pinakamaunlad na estruktura, mekanismo, at literatura na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino sa panahong iyon. Ayon pa Seksyon 7 ng batas, dapat ihayag ng Surian ang wikang napili nitong pagbabatayan ng pambansang wika at iharap ang rekomendasyon sa pangulo ng bansa na siyag magpoproklama naman nito sa pamamagitan ng atas na magkakabisa dalawang taon matapos ang proklamasyon. Ang SWP ay binuo ng mga kinatawan mula sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Naging pangulo nito si Jaime C. De Veyra (Bisaya-Samar-Leyte) samantalang ang mga orihinal na kasapi ay sina Santiago A. Fonacier (Ilikano), Cecilio Lopez (Tagalog), Casimiro F. Perfecto (Bikol), Felimon Sotto (Bisaya-Cebu), Felix S. Salas Rodriguez (Bisaya-Panay), at Hdji Butu (Muslim). Si Sotto na noon ay may karamdaman ay pinalitan ni Isidro Abad samantalang si Butu na namatay nang hindi inaasahan ay pinalitan ng kanyang anak na si Gulamo Rasul. Nadagdag namang mga kasapi sina Lope K. Santos (Tagalog) at Jose I. Zulueta (Pangasinan) sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 333 na ginawang siyam ang orihinal na pitong kasapi ng Surian. Pagkaraan nang mahigit isang taon ng masusing pag-aaral, inirekomenda ng SWP ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika na nagkabisa salig sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 1937 na pinamagatang “Proclaiming the National Language of the Philippines Based on the Tagalog Language“ na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong ika-30 ng Disyembre, 1937. Ayon sa kautusan, batay sa pagsusuri ng mga ekspertong bumuo sa SWP, ang Tagalog ang wikang pinakamalapit na nakatutugon sa mga kahingian ng Batas Komonwelt Blg. 184. sinasabing nagkakaisa rin ang mga Pilipinong iskolar at makabayan, magkakaiba man ang kanilang pinanggalingan at pinag-aralan, sa pagkapili ng Tagalog bilang batayan ng pambansang wika dahil sinasabing tanggap at ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga Pilipino bukod pa sa pagpapatotoo ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at manunulat. Ang pagpili rin sa Tagalog bilang batayan ng pauunlarin at kikilalaning pamansang wika ay hindi taliwas sa Batas Tydings-McDuffie na nagtatakda sa Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralang primarya dahil mananatili ito. Dahil inilabas ni Pangulong Quezon ang proklamasyon kasabay ng pagdiriwang ng ika-41 anibersaryo ng kamatayan ni Jose Rizal, bumigkas na rin siya ng isang talumpati sa radyo na nagbibigay-pugay sa ating bayani at nagpapaliwanag sa ipinalabas niyang kautusan. Aniya, ang pagpapatibay ng isang pambansang wika na pinili mula sa iba’t ibang wikang sinasalita sa Pilipinas, lalo na sa Tagalog na siyang katutubong wika ni Rizal at siyang pinakamaunlad sa lahat ng umiiral na wika sa bansa, ay nagsasakatuparan ng isa sa mga mithiin ng ating bayani. Bilang pinakamataas na pinuno ng bansa, sinabi ni Pangulong Quezon na ilang ulit na siyang nakadama ng malaking kahihian dahil kapag nagpupunta siya sa mga lalawigan ang unag wika ay Ilokano, Bisaya, Kapampangan, o Bikol, kinakailangan pa niyang kumuha ng isang tagasalin makausap lamang ang mga tao roon. Dagdag pa niyang paagtatanggol sa kapasyahang magtalaga ng isang pambansang wika: …Kalabisan na sa aking ilarawan pa kung gaano kahalaga sa ating bayan ang pagkakaroon ng isang wika na magagamit ng lahat sa kanilang pag-uusap araw-araw. Hindi maaaring Ingles o Kastila, maliban na lamang marahil, kung bagaman, kung makaraan na ang maraming henerasyon at sa lalong madaling panahon ay makapag-usap tayo nang tuwiran sa pamamagitan ng iisang wika. Kailangan natin ang kanyang lakas upang lubusang mabigkis tayo sa iisang pagka-bansa na malakas at matibay. Makapagbibigay ito ng inspirasyon at sigla sa ating kilusang bayan at magdudulot sa ating pagka-bansa ng isang bagong kahulugan na hindi natin kailan man naipahayag nang sapat at lubusan (Oficial Gazette, 30 Dis 1937). Nagkabisa lamang ang batas na nagdeklara sa Tagalog bilang batayan ng pambansang wika, dalawang taon makaraan itong maipatupad kaya naging epektibo lamang ang Kautusang Tagapagpaganap Bilang 134 noong ika-30 ng Disyembre 1939. Samantala, pagsapit ng ika-1 ng Abril 1940, ipinalabas naman ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, s. 1940 na pinamagatang “Authorizing the Printing of the Dictionary and Grammar of the National Language, and Fixing the Day from Which Said Language Shall Be Used and Taught in the Public and Private Schools of the Philippines.” Ayon sa atas, pinahihintulutan ng Pangulo ang paglilimbag ng dalawang publikasyon na nagsisilbing kodipikasyon ng pambansang wika – ang A Tagalog-English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa. Simula din ika-19 ng Hunyo, 1940, iniatas ang pagtuturo ng pambansang wika sa lahat ng paaralang publiko at Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187, s. 1969 – ipinalabas ni Pangulong Marcos noong ika-6 ng Agosto, 1960 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan. Memorandum Sirkular Blg. 277, s. 1969 – ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda noong ika-7 ng Agosto, 1969 na nagpapahintulot sa SWP na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga seminar tungkol sa Pilipino sa mga lalawigan at lungsod sa bansa, maging sa iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pamahalaan, upang paigtingin ang kamalayang maka-Pilipino ng mamamayan. Magpapatuloy ito hanggang masaklaw na ng kampanya ang buong bansa. Memorandum Sirkular Blg. 384, s. 1970 – ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor noong ika-17 ng Agosto, 1970 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, iba pang sangay ng pamahalaan, at korporasyong pagmamay-ari o pinangangasiwaan ng pamahalaan na magtalaga ng kaukulang kawaning mangangasiwa ng lahat ng komunikasyon at transaksyon sa wikang Pilipino. Ito ay bilang pagpapaigting ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187, s. 1969. Memorandum Sirkular Blg. 386, s. 1970 – ipinalabas ni Pansamantalang Kalihim Tagapagaganap Ponciano G. A. Mathay noong ika-2 ng Hulyo, 1970 na nag-aatas sa lahat ng pinuno ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaang pambansa at local, sampu ng mga korporasyong pag-aari o kontrolado ng pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa Pilipino kahit 30 minuto lamang sa alinmang araw sa Linggo ng Wikang Pambansa. Ang paksa ng pagdiriwang ay “Magkaisa sa Pagbabago” bilang pagkilala sa pambansang wika na susi sa pagkamit ng tunay na diwang makabayan. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304, s. 1971 – ipinalabas ni Pangulong Marcos noong ika-16 ng Marso, 1971 na bumabago sa komposisyon ng SWP. Upang matulungan ang SWP na lalong mapaunlad at mapalaganap ang pambansang wika, gayundin maisangkot ang lahat ng pangkat-lingguwistiko sa Pilipinas, minabuting baguhin ang komposisyon nito na kinabibilangan na ng mga kinatawan mula sa wikang Bicol, Cebuano, mga wika ng mga pamayanang cultural (cultural community), Hiligaynon, Ilokano, Pampango, Pangasinan, Samar-Leyte, at Tagalog. Idinagdag din ang mga sumusunod na tungkulin: (1) magpatupad ng mga kinakailangang tuntunin at regulasyong magpapalawak at magpapalakas sa pambansang wika, sang-ayon sa mga dati nang umiiral na pamantayan at sa mga bagong kalakaran sa agham-lingguwistiko; (2) i-update ang balarila ng pambansang wika; (3) bumalangkas ng mga diksyunaryo, tesawro, ensiklopedya, o anumang kagamitang lingguwistiko, sunod sa mga bagong kalakaran sa leksikograpiya, pilolohiya, at paggawa ng ensiklopedya; (4) bumalangkas at magpatupad ng mga polisiyang pangwika na mag-aambag sa kaunlarang edukasyonal, cultural, sosyal, at ekonomiko ng bansa; (5) pag-aralan at pagpasyahan ang mga isyu tungkol sa pambansang wika; (6) bumalangkas ng mga polisiya sa malawakang paglilimbag ng mga aklat, polyeto, at mga katulad na babasahin tungkol sa pambansang wika, kapwa orihinal at gawaing-salin; at (7) isakatuparan ang iba pang tungkulin na kalapit ng mga nauna. Ang bagong SWP ay binuo nina Dr. Ponciano B. P. Pineda (Tagalog) bilang tagapangulo; Dr. Lino Q. Arquiza (Cebuano), Dr. Nelia G. Casambre (Hiligaynon), Dr. Lorenzo Ga. Cesar (Samar-Leyte), Dr. Ernesto Constantino (Ilocano), Dr. Clodualdo H. Loocadio (Bikol), Dr. Juan Manuel (Pangasinan), Dr. Alejandro Q. Perez (Pampango), Dr. Mauyag M. Tamano (Tausug; mga wika ng mga pamayanang kultural) bilang mga kasapi; at Dr. Fe Aldave-Yap bilang kalihim tagapagpaganap. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117, s. 1987 – ipinalabas ni Pangulong Corazon Aquino noong ika-30 ng Enero, 1987 na nag-aatas ng reorganisasyon ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at Isports (DECS, Department of Education, Culture, and Sports). Ayon sa Seksyon 17 nito, ang SWP ay kikilalanin bilang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) o Institute of Philippine Languages sa ilalim ng kagawaran. Kautusang Pangkagawaran Blg. 22, s. 1987 ng DECS – ipinalabas ni Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng DECS noong ika-12 ng Marso, 1987 na nagtatakda ng paggamit ng salitang “Filipino” kailanman tutukuyin ang pambansang wika ng Pilipinas. Ito ay pagsunod sa isinasaad sa Artikulo XV Seksyon 6-7 ng Saligang Batas ng 1987 na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino at dapat magsagawa ang pamahalaan ng mga hakbang upang ilunsad at panatilihin ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo sa sistemang pang-edukasyon Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ng DECS – ipinalabas ni Kalihim Quisumbing na nagpapakilala sa “Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” na binuo ng LWP. Ayon sa dokumento, ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik na ganito ang ayos: A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z. May dagdag itong 8 hiram na titik sa mga dayuhang wika kompara sa “Balarila ng Wikang Pambansa” ni Lope K. Santos na mayroon lamang 20. Pa-Ingles ang pagbigkas sa mga titik ng bagong alpabeto, maliban sa Ñ na bigkas-Espanyo. Nilalaman din ng dokumento ang mga tuntuning kaugnay ng pabigkas na pagbaybay, pasulat na pagbaybay, pagtutumbas sa mga hiram na salita, mga salitang may magkasunod na patinig, pagpapantig, paggamit ng gitling, paggamit ng kudlit, at paggamit ng tuldik. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1988 – ipinalabas ni Pangulong Corazon Aquino noong ika-25 ng Agosto, 1988 na nag-atas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensya at iba pang sangay ng ehekutibo na magsagawa ng mga hakbang sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon, at korespondensya upang lalo umanong maintindihan at mapahalagahan ng mga Pilipino ang mga programa, proyekto, at gawain ng pamahalaan para sa pambansang pagkakaisa at kapayapaan. Partikular na itinatakda ang mga sumusunod: (1) magsagawa ng mga hakbang na lilinang sa paggamit ng Filipino sa lahat ng opisyal na komunikasyon, transaksyon, korespondensya sa mga tanggapan, pambansa man o local; (2) magtalaga ng isa o higit pang kawani sa bawat tanggapan na mamamahala sa lahat ng komunikasyon at korespondensyang nakasulat sa Filipino; (3) magsalin sa Filipino ng lahat ng pangalan ng mga tanggapan, gusali, katungkulan, at paskil sa lahat ng opisina, dibisyon at iba pang sangay, at kung nanaisin, maaari ding maglagay ng katumbas sa Ingles na nasa maliliit na titik; (4) maisa-Filipino ang panunumpa sa tungkulin ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan; at (5) maging bahagi ng pagsasanay sa mga kawani sa bawat tanggapan ang kasanayan sa Filipino. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1988 – Upang maisakatuparan ang mga ito, inaatasan din ang LWP na bumuo at magpatupad ng mgaprograma at proyektong kinabibilangan ng mga sumusunod: (1) kampanya upang palaganapin ang impormasyon na ang Filipino ay mahalaga at kailangan sa pagtatamo ng pambansang pagkakaisa at kapayapaan; (2) pagsasalin sa Filipino ng mga terminong pampamahalaan na gagamitin ng iba’t ibang tanggapan; (3) pagsasanay sa lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaan sa paggamit ng Filipino; (4) pagmomonitor sa implementasyon ng kautusang ito at pagsusumite ng ulat sa Tanggapan ng Pangulo ; at (5) pagsasagawa ng iba pang estratehiya upang maisakatuparan ang mga layunin ng kautusan. Pinahihintulutan din ang LWP na makipag- ugnayan at humingi ng suporta sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensya, at iba pang sangay ng ehekutibo, pambansa man o lokal, sa pagsasakatuparan ng kautusan. Hinahalilihan ng kautusan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187, s. 1969 Batas Republika Blg. 7104 – ipinasa ng Kongreso at ipinatupad noong ika-14 ng Agosto, 1991 na lumilikha sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ayon sa batas, ang KWF ay dapat buuin ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang pangkat-etnolinggwistiko sa bansa at mula sa iba’t ibang disiplinang may pangunahing mandating magsagawa, mag-ugnay, at magsulong ng mga pananaliksik para sa pagpapayabong, pagpapalaganap, at pangangalaga ng Filipino at ng iba pang wika sa Pilipinas. Nasa ilalim ito ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas at bubuuin ng isang Tagapangulo, dalawang full-time na komisyoner at walong part-time na komisyoner. Dapat katawanin ng nasabing mga komisyoner ang mga sususunod na wika: Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, mga pangunahing wika ng Muslim Mindanao, mga pangunahing wika ng mga pamayanang kultural sa Hilagang Pilipinas, mga pangunahing wika ng mga pamayanang kultural sa Timog Pilipinas, at iba pang wika sa Pilipinas o mga wika ng mga rehiyon na mapagpapasyahan ng Komisyon. Ang mga sumusunod naman ang mga tungkulin ng KWF na nauukol sa wika: (1) bumuo ng mga polisiya, plano, at programang titiyak ng higit na paglago, pagyaman, paglaganap, at pag-iingat ng Filipino at ng iba pang wika sa Pilipinas; (2) magsagawa o mangomisyon ng mga saliksik at iba pang pag-aaral na magsusulong ng ebolusyon, pag-unlad, pagyaman, at estandardisasyon ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas, kasama na ang pagtitipon ng mga akdang posibleng maisama sa isang diksyonaryong multilingguwal ng mga salita, pahayag, idyoma, kasabihan, at iba pang bukambibig; (3) magpanukala ng mga gabay at pamantayang pangwikang magagamit sa lahat ng opisyal na komunikasyon, publikasyon, batayang aklat, at iba pang babasahin at materyales panturo; (4) hikayatin at isulong, sa pamamagitan ng isang sistema ng paggagantimpala, pagpopondo, o pagpaparangal, ang pagsulat at publikasyon sa Filipino o sa iba pang wika ng mga orihinal na akda, kasama na ang batayang aklat sa iba’t ibang disiplina; (5) magsagawa at puspusang suportahan ang pagsasalin sa Filipino at sa iba pang wika sa Pilipinas ng mahahalagang akdang pangkasaysayan at tradisyong kultural ng mga pangkat- etnolingguwistiko, mga batas, mga resolusyon at iba pang pagpapatibay ng Kongreso, mga dokumentong ipinalabas ng ehekutibo, mga polisiya at iba pang opisyal na dokumento ng pamahalaan, mga batayang aklat at iba pang sangguniang aklat sa iba’t ibang disiplina, at iba pang akdang nasa dayuhang wika na sa palagay ng Komisyon ay kinakailangan sa edukasyon at iba pang katulad na layunin; at (6) magsagawa ng mga publikong pagdinig, kumperensya, seminar, at iba pang pangkatang talakayan, sa antas na pambansa, rehiyonal, at local na makatutulong sa pagtukoy at paglutas ng mga suliranin at isyung may kinalaman sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pag-iingat ng Filipino at iba pang wika sa Pilipinas. Proklamasyon Blg. 10, s. 1997 – ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos noong ika-15 ng Hulyo, 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Pambansang Wika tuwing Agosto. Ito ay pagpupugay pa rin sa kinikilalang “Ama ng Wikang Pambansa” na si Manuel L. Quezon na isinilang noong ika-19 ng Agosto, 1878. Pagpapahalaga rin ito sa pambansang wika at pagkilala sa mahalagang papel nito sa Himagsikan ng 1896 tungo sa kasarinlan. Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, s. 2001 ng DECS – ipinalabas ni Pangalawang Kalihim Isagani R. Cruz na nagpapakilala sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at nagtatakda ng pagamit dito bilang gabay sa pagtuturo, pagsulat ng batayang aklat, korespondensya opisyal, at iba pang gawain ng kagawaran. Inihanda ng KWF ang dokumento bilang tugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad, at paglaganap ng pambansang wika. Ayon sa praymer ng 2001 Revisyon, kinikilala nito na ang 1987 Patnubay sa Ispeling ay napakahigpit upang tumugon sa pangangailangan ng mga Pilipinong may kakayahan kapwa sa katutubo at banyagang wika na nagresulta sa papalit-palit na gamit ng mga wikang ito. Upang matugunan ito, pinaluwag ng bagong tuntunin ang paggamit ng walong hiram na titik (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z) at ipinagamit na rin ang mga ito sa pagbaybay ng lahat ng hiram na salita, anuman ang varayti (mga karaniwang salita). Halimbawa, kahit karaniwang salita lang ang soldier sa Ingles, papayagan na ring magamit ang /j/ sa pagtutumbas nito sa Filipino, kaya magiging soljer. Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006 ng DepEd – ipinalabas ni Kalihim Jesli A. Lapus noong ika-9 ng Oktubre, 2006 na nagpapabatid ng ginagawang pagrerebyu ng KWF sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino dahil sa negatibong feedback dito ng mga guro, estudyante, magulang, at iba pang tagagamit ng wika. Itinatagubilin din na itigil muna ang implementasyon nito habang nirerebyu at sumangguni muna sa 1987 Alfabeto at Patnubay sa Ispeling para sa paghahanda o pagsulat ng mga sangguniang kagamitan sa pagtuturo at sa mga opisyal na korespondensya. Kautusang Pangkagawarang Blg. 34, s. 2013 ng DepEd – ipinalabas ni Kalihim Br. Armin A. Luistro, FSC noong ika-14 ng Agosto, 2013 na nagpapakilala sa Ortograpiyang Pambansa, ang binagong gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino na binuo ng KWF makaraan ang masusing pag-aaral ng mga nagdaang ortograpiya ng pambansang wika. Ayon sa kautusan, ang Ortograpiyang Pambansa ay isang paglingon sa kasaysayan ng ortograpiyang Filipino, pagpapanatili ng mainam na gabay sa ortograpiya, at pagsasaalang-alang sa katutubong wika sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tunog ng schwa mula sa Ibaloy, Pangasinan, Mëranaw at iba pa na kakatawanin ng titik Ё at ang aspirasyon mula sa Mëranaw. Layunin din ng bagong ortograpiya na mailahok ang mahahalagang kaakuhan ng mga katutubong wika tungo sa estandardisadong ortograpiyang Filipino na maaaring gamitin sa lahat ng wika sa Pilipinas. Magiging mainam na ambag ito sa pagbuo ng mga kagamitang panturo ng mga guro at pagpapahusay ng mga akda, dokumento, komunikasyon, at iba pa ng pamahalaan, ng media, at ng mga palimbagan. Teoryang Dingdong Sa teoryang ito, sinasabing ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na kumakatawan dito. Ginaya raw ng mga sinaunang tao ang mga tunog ng kalikasan. Halimbawa: klang-klang ng kampana tsug-tsug ng tren langitngit ng pinto tik-tak ng orasan kalansing ng barya yabag ng mga paa haginit ng kumukulong mantika Teoryang Pooh-Pooh Sinasbi sa teoryang ito na dahil ang tao ay may taglay na damdamin at kapag nasapol ang damdaming ito, nakapagbubulalas siya ng mga salita kaakibat ng nararamdamang tuwa, lungkot, takot, pagkabigla, at iba pang uri ng damdamin. Halimbawa: Wow! (kapag nasisiyahan o natutuwa) Naku po! (kapag natatakot) Aray! (kapag nasasaktan) Naks! (kapag humahanga) Sus! (kapag nabigla, may di inaasahang narinig o nagawa o may pangyayaring di inaasahan) Teoryang Yo-He-Ho Teoryang nagsasaad na ang tao ay bumabanggit ng mga salita kapag siya’y gumagamit ng pisikal na lakas. May mga salita, tunog o ekspresyon na nasasambit ang tao kapag nagbubuhat ng mabibigat na bagay sa pag- eehersisyo, sa pagluluwal ng sanggol, sa mga kompetisyong pampalakasan. Teoryang Tata Ang ta-ta ay paalam o “goodbye” sa Pranses na binibigkas ng dila nang pababa-pataas katulad ng pagkampay ng kamay. Ang teoryang ito ay nagsasabing ang kumpas o galaw ng kamay ng tao ay kanyang ginagawa upang magpaalam. MGA TEORYA SA WIKA Iba Pang Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Wika Teoryang Aramaic ang Unang Wika Pinaniniwalaang Aramaic ang unang wikang ginamit sa daigdig. Ginamit ito ng mga Aramean, ang mga sinaunang taong naninirahan sa Mesopotamia at Syria. Ang Aramaic ay galing sa angkan ng Afro-Asiatic sa Timog Africa at hilagang kanluran ng Asya kasama sa pangkat ng Semitic, sinasabing siyang lengguwaheng ginamit ng Panginoong Hesukristo at ng kanyang disipulo. Sinasabing sa wikang ito nasulat ang unang Bibliya. Teoryang Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay Ang pagkilos, pagsayaw, pagsigaw, pagbulong ng mga sinaunang tao bilang mga partisipant/gumaganap sa mga festival, selebrasyon, ritwal o okasyon tulad ng pakikipagdigma, pagtatanim, pag-ani, pangingisda, pagpapakasal, paghahandog o pag-aalay ay lumilikha ng mga tunog at pag-usal ng mga salita na sa kalauna’y binigyan g kahulugan ng mga tao. Teoryang Yum-yum – nagmula ang wika sa panggagaya raw ng tao sa iba’t ibang galaw ng mga bagay sa paligid sa pamamagitan ng kanyang bibig na kalaunan ay may kaakibat ng tunog at ang mga tunog ay nilapatan ng kahulugan Teoryang Sing-song – ang wika raw ay nabuo sa pamamagitan ng mga awit at sayaw ng mga sinaunang tao. Ang mga awit at sayaw na ito ay nakalilikha ng mga patterns ng makabuluhang tunog kung saan nabubuo ang mga salitang may kahulugan.